Share

Chapter 6

CHAPTER 6

“What a beautiful morning! Ang dami ko pa palang aasikasuhin, today. I have to enroll Steven to a public school near here this morning then I will report at St. Luke's Medical Center in the afternoon to submit my credentials.” bulalas ni Megan. Nilista ko ang mga itinerary ko for the day para hindi ako magahol sa oras.

Ginising ko si Steven na katabi ko sa kama at paglabas namin ay nakahanda na ang breakfast. “Good morning, Ate Rose.” bati ko sa kasambahay ko.

“Mam, nakahain na po ang almusal, kain na po kayo.” wika ni Rosa.

“ Sumabay ka na sa aming kumain, tatatlo lang naman tayo rito. “ sabi ko. Habang kumakain ay nag-ring ang doorbell. Tinignan ni Ate Rose kung sino ang nag-doorbell at sinabing si James pala.

“Good morning, Megan! Good morning Steven! Aba taman-tama pala ang dating ko! Makikikain na rin ako.” bati ni James. Nag-setup pa ng isang plato at kubyertos si Ate Rose sa mesa para makakain din si James. Habang kumakain ay nabangit ni James na nasa parking lot na ng condo ang second hand na kotse ko, ang Toyota vios. Okay raw ang condition ng kotse dahil kakilala ni James ang dealer na nagbenta nito.

Pagkatapos ng agahan ay nag-usap kami ni James na i-enroll ko si Steven sa South Cembo Elementary School at pagkahapon ay magrereport ako sa St Luke's Medical Center.

“Gusto mo sasamahan kita roon! Sabi ni James.

“Huwag na. Meron naman na akong kotse at me waze na. Hindi ako maliligaw rito. Kaya nga ito ang condong napili ko para malapit sa school at office ko. Besides, wala ka bang pasok sa work mo?” tanong ko.

“Megan, naka-leave ako sa work for fifteen days para tulungan ka sa first few days mo rito sa Pilipinas. Besides, what are senior partners for sa company ko kung hindi ko magagamit ang influence ko? paliwanag ni James.

Bigla ko na namang nayakap sa braso si James to show my appreciation sa mga ginagawa niya para sa amin ni Steven. He has stayed by my side since day 1 ng umalis ako sa bahay ng mga parents. ko. “Okay, salamat! Mabuti at me driver pa kami!” pabirong sabi ko.

“We'll take my car na lang para hindi na tayo magconvoy, hassle sa traffic. Ready when you are!” sabi ni James.

Eksaktong 9am nasa lobby na kami ni Steven, habang kinuha naman ni James ang kanyang Mercedes Benz sa parking lot. Habang naghihintay ay nakita ko si Robert at Charlotte palabas ng elevator. Sweet na sweet at loveydovey ang dalawa na tila may ibinubulong pa si Charlotte ke Robert na ikitawa nito. Masakit pa rin sa kalooban ko na makita si Robert na may kasamang ibang babae. Buti na lang at hindi sila nakita ni Steven na abala sa kanyang Ipad. Namataan ko ang sasakyan ni James na papalapit na kaya't lumabas na kami ng building at sumakay sa kotse nito.

Nakita rin pala kami ni Robert habang pasakay sa Benz. Sa isip niya, ito rin ang lalaki at kotse na sumundo kina Megan at Steven sa airport. Sino sya? Ito ba ang asawa ni Megan?” Naiinis na tanong ni Robert sa sarili.

Mabilis kaming nakarating sa South Cembo Elementary School. Kinausap ko ang in-charge sa enrollment at sinabing i-enroll ko ang anak ko sa Grade 1 at pinakita ko ang Birth Certificate ni Steven. Binigyan ng parang informal entrance test si Steven sa kuwarto at paglabas nito sinabi ni Steven na, “Mom, the test was so easy.”

Kinausap ako ng Guidance Counsellor ng school at sinabing nais nilang bigyan pa ng test si Steven para malaman ang IQ at learning capacity ng bata. Sandali lang naman daw ito at tamang-tama kasi nadoon ang District Psychologist ng school. Umayon naman ako sa gusto ng school. Nang matapos ang IQ test ni Steven ay kinausap ako ng District Psychologist at Guidance Counsellor. “Mrs. Reyes, your son has a very high IQ, a genius and his learning ability is equivalent to that of a Grade 3 student. If you want, instead of Grade 1, we can accomodate him to a Grade 3 class.” ani ng Guidance Counsellor.

“What?!? I did'nt know that! Steven has never been enrolled in a formal school. Home-schooled lang sya at ako ang nagtuturo sa kanya every night. I would rather prefer that you enroll my son in Grade 1. Baka ma-bully pa siya sa Grade 3 considering na mas matatanda na ang mga ito kesa kay Steven.” paliwanag ko sa kanila.

“Okay, Mrs. Reyes, if you prefer it that way. Pero sayang ang talino ng anak ninyo,” sabi ng District Psychologist.

Natapos rin ang enrollment ni Steven. Sa kotse, tinanong ulit ako ni James kung sure na ba akong sa isang public school mag-aral ang anak ko. Ang sabi ko, ay oo dahil gusto kong makisalamuha ng anak ko ang mga mahihirap at ordinaryong tao, maging street smart tulad ko at para matuto ng tagalog. Gusto ko ring matuto siyang makisama sa mga iba't-ibang klase ng mga tao. Alam kong kaya ng anak ko ang mga aralin sa paaralan pero nais ko ring madevelop ang kanyang emotional at social quotient. Ako nga ay produkto rin ng public school mula elementary hanggang sa matapos ko ang medisina sa Unibersidad ng Pilipinas.

Dahil tanghalian na, inaya kami ni James kumain sa China Blue, isang first class na Chinese Restaurant dito sa Taguig. Nag-excuse ako kina James na pupunta sa powder room para magretouch ng make-up. Bigla akong nagulat dahil nasa loob din si Charlotte at naghuhugas ng kamay. Naghugas din ako ng kamay st pagkatapos ay nagretouch ng make-up. Napatingin sa akin si Charlotte at sinabing, “Hey! I have seen you before! At the airport! You're the mother of that lost child, aren't you?

“Yes! I was frantically searching for my son when I saw him with your companion. Thank you for taking care of him.” pasasalamat ko sa kanya.

“Well, Robert is always good with children. He is very fond of them.” paliwanag ni Charlotte.

“Is he your husband?” tanong ko.

“Not yet but hopefully soon! He is my fiancee! We have been engaged for almost five years already.” sabi ni Charlotte.

“Oh, congratulation then!” sabi ko. Parang me kumurot sa puso ko ng malaman ko iyon.

“ Thank you! I'll go ahead. Robert must be waiting for me. Bye!” paalam ni Charlotte.

Tumuloy na kami ni James sa St. Luke's Medical Center. Dumiretso ako sa Human Resource Department upang personal na isubmit ang mga credentials ko as a Medical Doctor and as an Internist. Kinausap ako ng HR Manager, marahil upang kilatisin dahil pinasok ako sa hospital na ito ng Chairman ng Board of Trustees ng St. Luke's Medical Foundation, Inc na sya ring tumutulong sa foundation ng mga foster parents ko sa New York. Ipinasok nya ako ng walang interview of exam marahil dahil kilala nya kung paano ako magtrabaho.

“Napakabata mo pa para maging internist! Ang order para ihire ka ay galing pa sa Chairman mismo! Ang lakas mo pala sa itaas!” sabi ng HR Manager.

“ Hindi naman po. Pero I will do my best to serve my patients at para hindi naman mapahiya si Chairman sa kanyang recommendation sa akin.” paliwanag ko.

“Okay! Welcome to the SLMC family. You will report to Dr. Tan, the head of the Internal Medicine Department and he will give you your work schedule. It is located on the 5th floor of this building I will give you a directory of SLMC, the rooster of Doctors here and an HR phamplet for your guidance. Please sign your contract here and you are good to start on the first day of next month.” mga paalala na sabi ng HR Manager.

“Thank you!” paalam ko sa HR Manager.

Umakyat ako sa 5th floor para makilala ang Department Head ng Internal Medicine. Pinatuloy ako ng Secretary sa office nito. “Dr. Megan Reyes, welcome to SLMC! Our Chairman speaks highly of you. He never said that you are still young and beautiful at that! Your work schedule will be from 8am to 2pm, Monday to Friday.” wika ni Dr. Tan.

“Thank you, Dr. Tan. It is an honor to be included in your rooster of doctors. I'll be here on the first day of next month” pasasalamat ko.

“By the way, Dr. Reyes. Do you want to have an extra income? You may want to set-up a clinic here in SLMC. It will be just for two hours after your duty. This is a part of the SLMC Foundation Inc. commitment to help our indigent patients. “ alok ni Dr.Tan.

“I'd like that. It has been my advocacy to help our needy kababayan.” sagot ko sa alok nya.

“Good! Very Good! Thank you for your compassion, Dr. Reyes. I will arrange with HR this extra workload of yours so that they can prepare the necessary documents and compensation.” pasasalamat ni Dr. Tan.

“Good day, Dr. Tan. I see on next month. Thank you.” paalam ko.

Salamat at natapos ko rin ang mga lakad ko ngayong araw. Parang sinuswerte ako sa mga lakad ko. May isa pa akong dapat kong harapin....ang mga magulang ko. Tangapin kaya nila ako kapag bumisita kami ni Steven sa kanila o baka naman ipagtabuyan kami at ipahiya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status