Chapter 9Tinawagan ni Robert ang kanyang secretary at sinabing padalhan ng bunch of long-stemmed American roses si Megan for the next three days. Sinabi nito ang address at kailangang every seven in the morning ito ipadala para pag gising ni Megan ay makikita na nya ito. Balak kasi ni Robert na on the third day ay pupuntahan na nya ito sa condo para imbitahin sa isang dinner. Sa condo, tatlong araw na sunod-sunod na nakatanggap ng bulaklak si Megan. Ang nakalagay lang sa card ay “From: R.” “Aba, tatlong araw na panay delivery ng flowers galing ke Robert. Ano ang ibig sabihin nito? Nililigawan ba niya ako? Baka may binabalak na masama! Baka nalaman na nya ang tungkol kay Steven at nais niyang kunin ito? ARRRRGH!!!! Mahirap mag-isip ng walang alam sa iniisip ni Robert.” bulong ni Megan sa sarili.On the third day, nakatangap ng special note si Megan mula kay Robert. “Ate, me sulat ka na hinatid dito ng security, ito o.” habang inaabot sa akin ni Ate Rose ang sulat.“Sino naman
CHAPTER 10Two days after that dinner with Robert, he called me up to say that he will send the document that I requested at my condo unit for my review and signature. The document states that once the DNA Test result proves 100% positive that Steven is Robert's son, the child will remain in my custody Once it is signed and notarized, both Steven and I will go to a clinic specified by Robert.“This clinic is well-known for keeping secrets, kaya huwag kang mag-alala.” bilin pa ni Robert.The next day ay dumating na ang mga dokumentong nagsasaad na kung mapatnayan sa DNA Paternity Test na anak nga ni Robert si Steven ay hindi nito kukunin ang bata mula sa akin. Pinirmahan ko ito at ibinalik sa messenger na naghatid ng mga papeles.On the testing day, I accompanied Steven to the clinic to get his cheek swab sample and the DNA test result will be known one week after. I was hoping to see Robert sa clinic pero wala siya doon. Dismayado naman ako. Hindi nagsabay ang mag-ama sa testi
Chapter 11Kinabukasan, sinabi ko ke Ate Rose na pupunta kami ni Steven sa Tondo, sa bahay nila Nanay at Tatay. Sakay ng kotse kong Toyota Vios, dumating din kami sa bahay nina Nanay at Tatay ng mga 10am. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng bahay namin, medyo luma na nga lang. “Mommy, are we here already?” tanong ni Steven“ Yes, son. This is you Lolo and Lola's house.” sabi ko.Habang bumababa kami ng kotse, nakatingin sa amin ni Steven ang mga kapitbahay nina Nanay at Tatay na naka-istambay sa may tindahan. Parang pinagtsitsismisan kami. Naulinigan ko pa na sabi ng isa, “Di ba si Megan yan? Ang tagal niyang nawala!” “Hoy, balita ko nabuntis daw yan kaya nawala!” sabi naman ng kausap na babae.” “Baka iyan ang anak, tingnan nyo.” “”Baka kaya nagtago e nabuntis ng walang asawa!” sabi pa nung isang babae, sabay tawa ng malakas. Hindi ko na lang pinansin.Pumasok na kami sa bahay. Nagmano si Steven kina Nanay at Tatay. Inabot ko ang mga pagkaing binili namin para sa tanghalian
CHAPTER 12Pagkaraan ng isang lingo, bumisita si Robert sa aking condo dala-dala ang Trust Fund document para kay Steven at tsekeng nagkakahalaga ng P200,000.00 para sa monthly child support allowance ng bata. Napasimangot ako na napansin agad ni Robert. “We have already discussed about this, Megan. If you don't want to spend the money, you can deposit it in Steven's name with you as his administrator.” sabi ni Robert.Pagka-abot ko sa tseke at dokumento, lumabas si Steven ng kuwarto at nagulat ng makita si Robert na nasa condo namin. “Daddy!!!!” sigaw ni Steven. “You are my Daddy, right? Your picture is in Mommy's wallet. She always look at it every night before she goes to sleep. She thought that I was already asleep when in fact, I am looking at her. When she sees your picture, she always cry.” kuwento ni Steven.“Is that true, son?” paninigurong tanong ni Robert kay Steven habang nakatingin sa akin.Napayuko ako ng ulo at para akong napahiya ke Robert sa mga sinabi ni Steven
CHAPTER 13Finally, ito na ang unang araw ko sa St. Luke's Medical Center. Nagtuloy ako sa opisina ni Dr. Tan, Head ng Internal Medicine Department upang magreport. Ang tawag sa aming mga espesyalita ng Internal Medicine ay Internist. Internal Medicine physicians, specializing in adult medicine, and are trained to solve diagnostic problems, manage severe long-term illnesses, and help patients with multiple, complex chronic conditions. Iba't ibang sections rin ang internal medicine, at ito ay ang cardiology, pulmonary medicine, gastroenterology, infectious diseases, endocrinology, nephrology, hematology, neurology, oncology, dermatology, rheumatology, and allergy/immunology, psychiatry, and clinical nutrition upang makapagbigay ng comprehensive care sa bawat pasyente. “Good morning Dr. Tan.” bati ko dito.“Dr, Megan, welcome aboard. My secretary, Miss Bartolome, will show you around the hospital para malaman mo kung saan-saan ang bawat department dito.” sabi ni Dr. Tan.“Halik
CHAPTER 14Halos six months na ako sa St. Luke's Medical Center at panatag na ang kalooban ko sa trabaho. Si Steven ay pumapasok na rin bilang Grade 1 sa South Cembo Elementary School. Excellent siya sa lahat ng subjects maliban sa Filipino. Pang-umaga ang klase nito at sinusundo siya ni Ate Rose pag-uwi nito sa tanghali.Minsan isang biyernes, naisipan ni Robert na sunduin ang anak nya sa school kung kaya't tumuloy ito sa condo para magpasama ke Ate Rose sa pagsundo kay Steven sa school. Iniisip kasi nya na baka hindi ibigay sa kanya ang bata dahil hindi naman siya kilala sa school. Kasama si Ate Rose, sumakay sila sa kotse ni Robert upang sunduin si Steven. Laking gulat ni Robert na sa isang public school nag-aaral ang kanyang anak. Sa gate na labasan ng mga estudyante ay nagkakagulo ang mga bata. Labu-labo ang mga bata, mga magulang at mga sumusundo. Nakita agad siya ni Steven at sabay sigaw ng, “Daddy!” yumakap agad ito sa kanya sabay mano. “Dito ka pala nag-aaral, anak. Com
Chapter 15Dahil busy sa ospital at pagdating sa bahay ay aasikasuhin ko pa si Steven, nakalimutan ko na 25th na pala ng buwan. Kung hindi pinaalala ni Dr. Aquino kanina ang Foundation event ay nawala na ito sa isip ko. Nang gabing iyon ay hinalungkat ko ang mga damit ko. Ang mga damit ko ay blouses, pantalon, bestida, blazer at doctor's coat o lab coat. Tatatlo lang ang formal gown ko na tatlo o apat na taon na yata magmula ng binili ko ang mga ito. Dadalawa ang mga formal high heels shoes ko dahil ang ginagamit ko sa ospital ay flat shoes o yung mid-heels closed-shoes para hindi masakit sa paa at sa height kong 5'6”, hindi ko na kailangang mag-heels pa. Chineck ko ang mga gowns at sapatos. Puwede pa ang mga ito. Ang napili kong isuot sa event ay isang dark blue gown na gawa ni Vera Wang. Spaghetti strap ito na may plunging neckline at backless. Ang skirt nito ay baloon na flowing. Kitang-kita ang kaputian at kaseksihan ko sa gown na ito. Ang shoes naman ay isang gold na stilleto
Chapter 16Nag-umpisa na ang programa ng Foundation at nagkaroon ng video presentation kung paano at bakit itinayo ang bagong wing ng Foundation clinic at kung sinong mga pasyente ang makikinabang dito. Ipinahayag rin ng master of ceremony na major benefactor sa pagpapatayo ng bagong wing ay ang Chen Holdings na pinangugunahan ng kanilang President and CEO na si Robert Chen.Umakyat ng entablado sina Chairman para ibigay ang Appreciation Plaque kay Robert Chen. Pagkatapos nito ay pinasinayaan at nag-ribbon cutting na sa bagong wing ng Foundation clinic. Siyempre katabi ni Robert si Charlotte.Ng matapos ang ribbon-cutting ay bumalik na kami sa aming mesa. Sa aming paglalakad ay nakatabi ko si Charlotte. Hindi naman kami nagkakalayo sa tangkad, ganda at kaseksihan. Kinausap niya ako. “Aren't you the one I met at the airport and at the restaurant? What a small world! Doktora ka pala? Di ba anak mo yung nawala noon na nakita ni Robert? Sino ang asawa mo? Doktor din?” usisa ni Charlot
Chapter 145 - Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Maaya ang panahon. Maganda ang pagkakaayos ng garden. Punumpuno ito ng mga kulay puting bulaklak na pinalibutan ng kulay silver na ribbons mula sa aisles hanggang sa gazebo. Nakahilera naman ang mga silya sa magkabilang panig ng aisles na puno na ng mga bisita. Ang mayor ng aming siyudad na siyang magkakasal sa amin ay nasa gazebo na. Handang handa na ang lahat! Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Kakaiba ng kasalang ito, sapagkat sa wakas ay natagpuan ko na rin ang quest for love ko. Ang hinahanap kong wagas na pag-ibig mula sa taong nagkaloob nito sa akin. Siya na ang aking forever! Sina Nanay at Tatay bagamat kapwa 85 years old na ay ay malakas pa at sabay akong ihahatid sa altar. Guwapong-guwapo at maganda ang mga anak kong sina Steven, Taylor at Robert Jr. sa kanilang mga tuxedo at gown dahil sila ang mga abay sa aking kasal. Sa pagkakatayo ko sa dulo ng gazebo ay nagbalik tanaw ako s
Chapter 144 - Sabi pa niya, mahal ka pa rin niya. Pitong buwan na ang tiyan ko. Mukha na akong butete. Tingin ko sa sarili ko ang pangit pangit ko na. Dahil 40 years old na ako ng mabuntis, nag pa-check ako ng prenatal screening for any abnormalities para sa aking ipinagbubuntis. So far, so good naman. Walang any abnormalities whatsoever ang baby. Healthy naman ako at alaga ng aking OB-GYNE na si Dr. Gonzales na siya ring nag-alaga at nagpa-anak sa akin noon kay Taylor. As usual nasisintemyento na naman ako dahil feeling ko ang pangit ko! Contrary sa sinasabi ng iba na radiant and healthy-looking daw ang mga pregnant women. “O, bakit ka nakatulala sa malayo?” tanong ni Robert ng minsang datnan niya akong nakaupo sa aming garden. Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa leeg. “Kasi naman, tignan mo ang itsura ko! Ang pangit pangit! Para na akong butete nito!” malungkot kong sabi. “Naku, Megan! Ang ganda-ganda mo nga!Baka babae ang anak natin!” bola ni Robert sa akin. “Nagpa-ul
Chapter 143 - Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!“Megan?” tawag sa akin ni Robert kaya bumalik ako sa loob ng sala. “Akala ko umalis ka na naman tulad noon!”“Muntik na! Kinakabahan kasi ako kaya ako lumabas sa veranda.” sagot ko. “Huwag na kaya muna nating kausapin ang mga magulang mo? Umuwi na tayo!”“Sino ang uuwi?” dumadagundong na tanong ng Baba ni Robert ng marinig ang pinauusapan namin.“Good afternoon po, Mr. and Mrs. Chen!” bati ko sa mga magulang ni Robert.“Anong Mr. and Mrs. Chen?” tanong ng Mama ni Robert.“Baba and Mama ang itawag mo sa amin!” sabi ng Baba ni Robert. Nakangiti naman si Robert sa mga naririnig at umakbay sa akin.“Baba, Mama! Si Megan po! My wife!” pakilala ni Robert sa akin.Hinalikan nila ako sa pisngi bilang pagtanggap sa akin. Naluha naman ako sa kaligayahan. Finally, tinatanggap na nila ako?“O, bakit ka umiiyak?” tanong ng Mama ni Robert at niyakap niya ako upang aluin.“Luha po ng kaligayahan ito. Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!”
Chapter 142 - Are you done talking to my wife? Araw na ng kasal ni James at Brianna na ginanap sa Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Dumating kami ni Robert sakay ng kanyang BMW SUV. Ang suot ni Robert ay black tuxedo samantalang ako ay naka-A-line cut gown made of chiffon na may soft, draping pleats, sweetheart neckline na strapless at side slit. Kulay champagne ang gown dahil ito ang color motif na pinili ni Brianna. Hindi pa halatang dalawang buwang buntis ako sa suot kong gown. Medyo humaba na ulit ang buhok ko na nakalugay lang. Nude make-up style ang ginawa ko sa mukha ko pero ang kulay ng lipstick ay cherry red. “You look amazing!” sabi ni Robert. “Baka masapawan mo pa si Brianna nyan!” “Hindi naman! Kaya nga light lang ang makeup ko.” sabi ko. Habang kinakasal sina James at Brianna ay napansin ko si Trevor na nakatingin sa akin. Dumalo rin pala siya. Tinanguan ko naman siya baka sabihin niya snob ako. Natapos ang seremonya sa simbahan, sakay ng kotse pap
Chapter 141 - You finally fulfilled your promise to Mommy! We spent three more days in Las Vegas bago kami umuwi sa Pilipinas ni Robert. Tinawagan ko si Steven sa messenger upang ibalita na ikinasal na kami ng kanyang Daddy. Nagtaka si Steven dahil hindi niya nakitang nanligaw ulit sa akin ang Daddy niya. “That's strange. I know Daddy sometimes visits us in the condo but he has been too distant or formal when it comes to you.” pagtataka ni Steven. “Hello, son! Finally! We got married in Las Vegas!” masayang balita ni Robert na sumingit sa pakikipag-usap ko kay Steven at itinaas pa ang kaliwang kamay ko upang ipakita ang engagement at wedding rings ko. “Congrats, Daddy! You finally fulfilled your promise to Mommy!” masayang sabi ni Steven. “I am happy for both of you!” Tumawag din ako kina Tatay at Nanay para sabihing kinasal na kami ni Robert sa Las Vegas. “Nagkatuluyan din kayong dalawa!” sabi ni Nanay. “Hello Tatay. Natupad ko na po ang pangako ko kay Megan! Nagpakasal na
Chapter 140 - “I Do!”Ninenerbiyos nga ako kaya nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako natatakot sa kasal. Ang kinatatakutan ko ang kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin ni Robert pagkatapos naming ikasal. Baka hiwalayan rin!“Megan, do you love me? Do you trust me?” tanong ni Robert sa akin.“I do love you and I trust you!” sagot ko.“So, what is the problem? Do you want to back out?” tanong ni Robert. “Megan, We have waited so long for this thing to happen!”“Natatakot kasi ako na baka sa hiwalayan din ito mauwi.” sagot ko.“Hiwalayan? Ibahin mo ako sa dating asawa mo. Sa tagal ng relationship natin, kailan ako naging unfaithful sa iyo?” tanong ulit ni Robert.“Wala.” mahina kong sagot.“Wala pala! So, hindi ka dapat matakot at mag-alinlangan! Di ba lagi kong sinasabi sa iyo noon, ako ang bahala. Ako pa rin ang bahala sa iyo! Ako ang magdadala ng relasyon natin!” paliwanag ni Robert. “Let's do it!”“Mr. Robert Chen and Miss Megan Reyes?” tanong ng staff ng chapel. “P
Chapter 139 - Huwag na kaya nating ituloy ito?Alas singko pa lang ng umaga, gising na ako. Tulog pa si Robert kaya nagprepare na ako ng aming breakfast, nakaligo, nag-make up at nagbihis ng maong at t-shirt. Hinanda ko na rin ang aking luggage para maaga kaming makaalis ni Robert. Kasal ko ngayon di ba? At saka ko ginising si Robert. May jet lag pa yata ang pobre dahil kahapon lang ng madaling araw ito dumating sa New York.“Robert! Gising na! Ikakasal tayo ngayon di ba?” paggising ko sa kanya.“Ha?!? Ngayon na ba?” gulat na bumangon si Robert. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad niya akong hinalikan sa pisngi. “Saan tayo magpapakasal?” pupungas-pungas pa niyang sabi. “Sa Las Vegas! May quickie marriage doon di ba?” sagot ko. “Bumangon ka na diyan at mag-almusal na tayo! Pagkatapos ay maligo ka na at magbihis ng maong at t-shirt.”“Ganun lang ang suot natin” nagtatakang sagot ni Robert.“Ganun lang! Bilis! Bangon na! 6:30 na ng umaga!” pagmamadali kong sabi. “Sa JFK Internat
Chapter 138 - True love is not defined by physical intimacyHabang hinihintay ko si Robert na bumalik ay nagmuni-muni ako sa mga sinabi niya kanina. “I couldn't care less! Mapapaligaya ba nila ako? It's you that I want and I love you! Now that you are free, I want to marry you!” sabi ni Robert. “Please be my wife?”Ako? Gustong pakasalan ni Robert? Ang mga katagang iyon ang hinihintay ko kay Robert noon. Pero mapagbiro ang tadhana. Dumating si Trevor, na-in love din ako sa kanya! Bakit ko ba minahal si Trevor? Minahal ko siya dahil minahal niya ako bilang ako. Isang dalagang ina, mahirap at hindi siya masyadong mahal. Nang kalaunan, sa mga ipinapakita at ipinapadama niya sa aking pagmamahal at pag-aalaga skay Steven ay minahal ko na rin siya. Isa pa marahil ay ang pagtanggap sa akin ng kanyang pamilya sa kabila ng aking nakaraan. Subalit, ang pagpapakasal ni Trevor sa akin ang pinaka-highlight ng pagmamahal ko sa kanya. Eversince, pangarap ko talagang ikasal sa simbahan na tinupad
Chapter 137 - Do you want a secondhand wife with two kids?Halos dalawang buwan na ako sa New York City. Sa unang buwan pa lang ay natapos ko na ang mga sadya ko dito. Itong sumunod na buwan ay wala akong ginawa kung hindi maghiilata sa aking apartment.Pagising ko sa umaga, kape. Magjo-jogging sa Central Park ng isang oras. Balik sa apartment para maligo at pagkatapos ay magbababad manood ng movies sa TV. Pagsapit ng alas tres ng hapon, kakain ng microwavable food. Alas singko ng hapon, maglalakad-lakad ulit sa Central Park tapos uuwi na sa apartment. Naiiba lang minsan kung maggo-grocery ako ng pagkain at mga essentials. Minsan nagwi-window shopping ako sa Macy's.Ang pinakamahirap ay sa gabi. Lagi akong nag-iisip at nagsisintemyento sa aking nakaraan. Wala talaga akong suwerte sa pag-ibig. Si Robert? Matagal ko siyang hinintay pero nawindang. Si Trevor? Mabilis niya akong pinakasalan pero nauwi naman sa annulment. Ang dalawang ito, pareho nilang sinasabing mahal nila ako. Kung mah