Share

CHAPTER 5

Samantala sa tabi ng pool, naiwan si Robert na namamangha sa mga pangyayari. Totoo ngang bumalik na si Megan... ang mahal niyang si Megan. Pitong taon na ang nakalipas magmula ng biglang umalis ito sa bahay nila sa Makati. Ipakikilala sana nya ito sa kanyang mga magulang at upang ipaalam sa mga ito ang plano nyang pakasalan si Megan. Alam nyang tututol ang Baba at Mama nya na pakasalan si Megan. Hindi naman matapobre ang kanyang mga magulang subalit, may pangalan itong inaalagaan at syempre and nais nilang mapangasawa ko ay nabibilang sa alta-sosyedad,. Mayaman na tulad namin at higit sa lahat, dapat ay Chinese rin.

Naaalala pa nya ang mga sinabi ng Baba at Mama niya tungkol ke Megan, bagama't hindi pa nila ito nakikilala o nakakaharap man lang. Pulos panlalait at nakakababa ng pagkatao ang mga narinig nito. Naaala pa nya.

“Bakit mo dinala rito ang babaeng yan?” tanong ni Mama.

Sabi naman ng Baba nya, “Wala akong pakialam kung isa syang doktora, mahirap pa rin sya. Ang gusto kong mapangasawa mo ay yung tulad natin ang estado, yung makakatulong mo sa buhay kagaya ni Charltte Liu. Bukod sa mayaman ang pamilya, maganda pa at me sariling negosyo na. Isipin mo na ayon sa tradisyon, kailangan isang Chinese rin ang dapat mong mapangasawa.”

“Pero Baba, mahal ko si Megan at dinadala na nya ang aming magiging anak, ang inyong magiging apo! Bakit si Mama, hindi naman sya Chinese pero sya ang napangasawa mo, sabi ni Robert. “Hindi nga Chinese ang Mama mo, pero nnabibilang din ang pamilaya niya sa alta-sosyedad at malaki ang naitulong ng Mama mo sa paglago ng ating negosyo,” ani ng Baba ni Robert.

“Hindi mo sya dapat dinala dito, Robert. Hindi sya nababagay sa pamilya natin. Isa syang hampaslupa o baka gold-digger na ang habol ay ang kayamanan natin,” dagdag ng Mama ni Robert.

Nanlumo si Robert sa kinauupuan na na parang hindi makapaniwala sa mga naririnig nya mula sa kanyang mga mababait na magulang. Ganito ba sila makapanlait sa mga taong mahihirap? Kailangan bang sumunod sa tradisyon na kapag Chinese ka, dapat Chinese rin gusto nyong mapangasawa ko? Mahal na mahal ko si Megan at dinadala na niya ang magiging anak namin. Hindi ako makakapayag sa nais nyo! Hindi ko kailangan ang yaman nyo! Kaya kong buhayin ang magiging pamilya ko ng hindi umaasa sa pera nyo! Itakwil nyo na ako bilang anak at ituring na patay na kung ipipilit ninyo ang gusto ninyo!” pasigaw kong sabi sa mga magulang ko, sabay talikod upang puntahan si Megan.

Paglabas nito sa veranda ay hindi nya makita si Megan. “Nasaan na iyon? Bakit sya umalis? Natakot ba sya ng makita ang malaking bahay namin? Nanliit ba sya sa kanyang nakita?” wika ni Robert. Tinawag nito ang katulong nila na syang nagpapasok sa kanila kanina.

“Ate Vangie! Nakita mo ba yung kasama kong babae kanina? Nasaan na sya?” usisa nito.

“Hindi ko po nakita, Sir! Pagpasok nyo po kanina ay nagtungo na ako sa kusina upang maghanda ng meryenda.” sabi ni Vangie.

Nagtungo si Robert sa gate ng subdivision upang tanungin ang mga guards kung me napansin silang babae na mahaba ang buhok, mga 24 years old, 5'5” ang taas at balingkinitan at medyo maputi. Sabi nung isang guard, me babaeng lumabas ng bandang 7 o'clock pm na parang umiiyak at tuliro. Nakita rin nila na sumakay ang babae ng taxi.

Nagpasyang bumalik si Robert sa kanilang bahay at nagkulong sa kuwarto. Tinawagan nya agad sa cellphone si Megan pero ayaw itong sagutin ni Megan. Pauli-ulit nyang tinatawagan si Megan hanggang hatingabi pero ang laging sinasagot sa cellphone ay, “The person you are calling cannot be reached or is out of the service coverage area.”

Magdamag na hindi nakatulog si Robert sa pag-aalala ke Megan. Umuwi ba ito? Me iba bang tinuluyan ito? Baka me masamang nangyari ke Megan. Mga masasamang pangyayari na patuloy na naglalaro sa kanyang isipan. Bago nakatulog sa Robert, nagpasya siyang pupuntahan ang bahay nila Mega sa Tondo. Hindi nya alam ang eksaktong address nito pero, magtatanong-tanong na lang sya. Sa pagkakatanda niya ayon ke Megan, ang bahay nito ay diretso lamang mula sa kanto kung saan niya ito hinahatid at sinusundo.

“Ha! Alas nuwebe na ng umaga! Tinanghali ako ng gising!” gulat na sabi ni Robert. Dali-dali itong naligo at hindi na nag-almusal upang makarating agad sa bahay nila Megan. Sakay ng kanyang kotseng Fortuner ay paharurot itong umalis.

Dahil sa trapik, 11am na sya nakarating ng Tondo. Pumarada siya sa kanto at nagtanong sa tapat na tindahan. “Me kakilala po ba kayong Megan Reyes na nakatira rito sa Santos st?” tanong ni Robert.

“Ay hindi ko po kilala yun. “Teka po, tatanungin ko si Ate na may-ari ng tindahan.” sagot ng tindera.

“Ate, me nagtatanong po kung me kakilala daw po kayong Megan Reyes na nakatira sa Santos st.” tanong ng tindera sa kanyang amo.

“Lumabas ang may-ari ng tindahan at sinabing, “ Megan Reyes? Ah, sya yung Bb. Barangay namin noon. Dito sila nakatira sa Santos st. mga 20 na bahay mula dito , sa bandang kanan. Yung kulay beige na bahay na maraming halaman sa harap.” sabi ng amo.

“Salamat po!” sabi ni Robert. Natawa pa si Robert sa sinabi ng babae na naging Bb. Barangay pala si Megan sa lugar nila. Naisip nya, no wonder, pwede namang isali sa mga pageant ang ganda at talino ni Megan.

Sa wakas ay natuntun din ni Robert ang bahay nila Megan. “Ummm, hindi naman pala mahirap sila Megan. Average pero hindi mahirap.” sa isip ni Robert.

“Tao po! Tao po!” katok ni Robert sa gate, wala kasing doorbell. Isang di katandaang babae ang nagbukas ng gate. “Dito po ba nakatira si Megan? Tanong ni Robert.

“Bakit po? Ano po ang kailangan ninyo sa kanya? Sino po kayo” sunod-sunod na tanong ng babae.

“Ako po si Robert! Boyfriend ni Megan. Nandyan po ba sya?” pakilala ni Robert.

Natulala ang babae at humagugol. Pinapasok ako ng babae sa loob ng bahay habang patuloy ito na paghikbi. “Me nangyari po ba ke Megan?” nagtataka kong tanong. May lumabas na me edad na lalaki at nag-usisa kung anong nangyari at umiiyak ang babae.

Lumabas sa aming pag-uusap na ang mga me edad ng babae at lalaki ay mga magulang pala ni Megan. Nagpakilala ako na boyfriend ni Megan. Ang malumanay na pagtanggap sa aking ng Tatay ni Megan na napalitan ng galit.

Bigla itong sumigaw ng “Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ng walanghiya kong anak? Wala na sya rito! Lumayas na! Pinalayas ko na!”pasigaw na sabi ng Tatay ni Megan. Habang ang Nanay naman ni Megan ay patuloy sa pag-iyak.

“Ho?!? Lumayas si Megan?!? Saan po nagpunta?” hindi mapakaniwalang nasabi ni Robert. “Baka kung anong mangyari sa kanya! Kaya po ako nagpunta rito ay upang kausapin kayo tungkol sa amin. Pananagutan ko po ang nangyari ke Megan. Kaya ko pong buhayin ang anak ninyo pati na ang magiging anak namin. Isa po akong lawyer. Kaya nga po ako nandito ay upang hingin ang kamay ni Megan mula sa inyo. Katunayan nga po ay ipakikilala ko sya sa mga magulang ko kahapon sa bahay namin, pero bigla po syang umalis ng hindi ko alam.” patuloy na paliwanag ni Robert.

“Ganoon ba?” parang nabuhusan ng malamig na tubig ang galit ng Tatay ni Megan. “Napagbuhatan ko pa naman siya ng kamay, mga masasakit na salita ang mga sinabi ko sa kanya. Diyos ko! Saan natin hahanapin si Megan? Ang alam ko lang na ruta ng batang yun ay bahay at eskwelahan. Ni hindi namin kilala kung sino ang mga kaibigan nya,” may bahid ng pagsisising nasabi ng Tatay ni Megan.

“Hayaan po ninyo, hahanapin ko sya. Magtatanong-tanong ako sa mga kaklase nya't kakilala.” sambit ni Robert.

“Sige nga anak, tulungan mo kami.” sabi ng Nanay ni Megan.

Lumipas ang isang buwan ay walang Megan kaming nahanap. Parang bula syang nawala. It's just as if she diappeared from the face of the world. Tapos ngayon after seven long years ay biglang lumitaw si Megan at may kasama pang bata.

Bigla kong naisip ang private investigator na kinukuha namin sa kumpanya. Ito ang kumakalap ng impormasyon tungkol sa mga karibal naming negosyante o negosyo kung ito ay aming bibilhin o itetake-over. Tinawagan ko ito sa cellphone. “Hello, Mr. Valdez. Robert Chen, here. I want you to investigate on a person named Megan Reyes and Steven Reyes. I want to know where they had been for the past seven years. Where they lived, how they lived and more importantly, who is the father of Steven Reyes.” I want the result of your investigation as soon as possible.” pautos na sabi ni Robert. “Apparently, both of them came recently from the States.” dagdag na info sabi ni Robert.

Okay, Mr. Chen. I will do that. “ sabi ng Mr. Valdez.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status