Share

CHAPTER 4

Namamahay marahil ako at naninibago sa time zone sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kung kaya't hindi ako nakatulog ng maayos. Samantalang si Steven ay mahimbing na ang tulog. Sabado ngayon at alas-kwatro na ng madaling araw. Pumunta ako sa balkonahe ng condo at tinanaw ang kapaligiran. Hmmm... mukha ngang maganda dito at tanaw ang swimming pool sa ibaba mula sa kinalalagyan namin sa 10th floor.

Dahil maaga pa, nagpasya akong maghanda na ng almusal, para pag gising ni Steven ay magkakapag-agahan na sya at aayain kong magswimming sa pool sa ibaba. Seven o'clock nagising si Steven at habang nag-aalmusal ay sinabi kong, “Why don't we try out the swimming pool downstairs?” Excited na umoo si Steven kung kaya't alas otso ay nasa pool na kami. Walang katao-tao sa swimming area kaya't para kaming mga bata ni Steven na nag-swimming. Marunong ng lumagoy si Steven, four years old pa lang sya ay nag-aral ng lumangoy sa States.

Sa di kalayuan ay may lalaking nagmamasid sa amin. “Akala ko ay maaga pa at ako pa lang ang tao sa pool.” sa loob-loob ni Robert. Nang medyo lumapit pa sya sa pool ay napansin nyang si Megan at ang batang lalaki na tumawag sa kanyang Daddy kahapon sa airport. Nagpasiya syang lapitan ang dalawa. “Megan!” tawag ni Robert. Bigla akong lumigon at namutla sa naktia ko. Si Robert! “Well, well, well, what a small world. Do you also stay in this condo or are you staying with someone else?” sarcastic na tanong ni Robert.

“It is none of your business!” sagot ko. “Common Steven, time to go upstairs.” aya ko sa anak ko.

Pag-ahon ni Steven sa pool ay nakita nya si Robert. “Daddy!!!!!” sabay yakap kay Robert. Na shock si Robert sa ginawa ni Steven. Subalit, hinayaan lamang nito ang bata. Parang may ligaya siyang nadama sa pagyakap ng bata. “Mommy, mommy, Daddy is here!” masayang sigaw ni Steven habang sinesenyasan ako nitong lumapit sa kanila. “He is the one in the picture in your wallet.” dagdag pa ni Steven.

Natameme ako at walang masabi. Kinausap naman ni Robert ang bata. “What is your name young man ang how old are you?” tanong ni Robert. My name is Steven Reyes and I am 6 years old.” sagot ni Steven. “Oh! You are so cute and vivacious! You remind me of someone when he was small!” ani ni Robert.

Sa likod ng utak ni Robert ay may mga namuong katanungan at hinala. Nag-asawa na pala si Megan at ito ang anak nila? Baka naman ito ang ipinagbubuntis noon ni Megan bago sya nawala? Six years old ang bata... seven years nawala si Megan. Reyes ang apelyido ng bata at Reyes din ang apelyido ni Megan. Baka ito nga ang anak namim! At yung picture sa wallet ni Megan na nakikita ng bata, ako raw iyon kaya Daddy ang tawag sa akin. Kung pagmamasdan ko naman ang bata, parang ako ito noong bata pa ako.

Hindi na pinatagal ni Megan ang pag-uusap nina Robert at Steven. Agad na nyang hinila ang bata pabalik sa condo unit nila.

“Wait, Megan! Do you also stay here in Mckinley Park Residences? I am staying in the penthouse!” pasigaw ni Robert.

Walang lingon-likod na iniwanan namin si Robert para bumalik na sa aming condo unit. “Kung bakit kasi sa dinami-dami ng condo rito sa BGC ay dito pa kami naging magkapitbahay. Siguro naman hindi na mauulit ang aming pagkikita para sa katahimikan ng lahat. Malay ko kung asawa na nya si Charlotte na nirereto sa kanya ng kanyang mga magulang at nakatira rin ito kasama nya sa penthouse.” nasabi ko sa sarili.

Unang araw pa lang nila sa condo ay na-stress agad ako. Maayos naman ang condo at kumpleto sa mga gamit. Isang buwan pa bago ako magumpisa bilang isang internal medicine specialist o Internist sa St. Luke's Medical Center-Global City. Kaya nga ito ang pinili kong condo ke James para malapit lang sa hospital, tapos ka-condo ko pa pala si Robert.

Alas dose ng tanghali, dumating si James na me dalang mga groceries at kasama na nito ang magiging kasambahay namin. Rose Reyes ang pangalan nya, medyo me edad na at sa tingin ko ay masipag at mapagkakatiwalaan naman. Tinanong ko si Rose kung bakit pareho kami ng apelyido. Si James na ang nagpaliwanag na malayong kamag-anak ng Tatay ko si Rose sa Ilokos Sur at rekomendado ng pinsan ng Tatay ko na kakilala ni James. Ipinakilala ko si Steven ke Ate Rose. Ipinaliwanag ko ke Ate Rose na si Steven ang priority nya bago ang mga gawaing bahay. Alagaan si Steven, magluluto at maglilinis ng condo lang ang gagawin nya. Ang paglalaba ay sa laundry shop na ipapagawa.

Pinakain ko si James ng tanghalian at habang kumakain kami ay naikwuwento ko sa kanya si Robert. Napansin kong medyo dumilim ang mukha ni James ng marinig ang pangalan ni Robert pero pinagwalang bahala ko ito. Sabi ko ay si Robert ang nakakita ke Steven kahapon sa airport nung nawawala ito at kaninang umaga sa pool. Ang pagtawag ni Steven na Daddy ke Robert ay naikuwento ko rin. Wala namang komento si James sa mga sinasabi ko, pero parang nag-iisip ito.

“Change topic na tayo.” Maghahanap na ako ng school ni Steven para sa darating na pasukan ay maka-enroll na sya sa Grade 1.” sabi ko ke James.

“Malapit lang dito ang International School.” bangit ni James.

“Ay hindi doon. Mahal doon. Ang gusto ko ay sa public school sya mag-aral.” sagot ko.

“Bakit sa public school? Doktora ka pa naman, tapos galing pa sya sa States, baka hindi marunong magtagalog yan.” dagdag ni James.

“Gusto ko sa public school para maging street smart ang anak ko, hindi yung walang alam sa mundo at para mabihasa sa tagalog at matutong makihalubilo sa mga mahihirap. Isa pa kailangan ko ng sasakyan kahit second hand lang. Pwede na siguro ang Toyota Vios para matipid.” sabi ko.

“Ikaw sobra mo namang tinitipid ang sarili mo. A car is a status symbol. You will be a Doctor at St Luke's Medical Center, your car should also speak for yourself.” paliwanag ni James.

“No, no, no! I don't care on how I look, what my car looks like or where I live. So long as I save my money for my son and my family! Matigas kong sabi.

“Speaking of family, your five brothers had already finished their college degrees at me trabaho na yung tatlo. Yung bunso nyo will take the NMAT this month and hopefully pag nakapasa sya, will take up medicines at UP Manila. Good thing matatalino ang mga kapatid mo at sa mga state colleges and universities nakapag-aral kaya either walang tuition o mababa lang ang tuition fees. Nonetheless, nakahanda naman ang pera for their tuition fees and expenses na pinapadala mo sa akin monthly. Lahat ng ginastos ko mula sa pagbili ng condong ito hanggang sa pangastos ng pamilya ay all accounted for pati na ang nasa bangko.” paliwanag ni James.

“Ito naman! Hindi ko naman tinutuos ang mga ginastos mo dahil me tiwala ako sa iyo. Ikaw yata ang bestfriend ko for more than 10 years. You have not let me down. Ikaw ang tumulong at kumupkop sa akin noong pinalayas ako ng Tatay ko. Noong parang tinalikuran na ako ng mundo, ikaw ang nasandigan ko and for that I will always be grateful.” Napayakap ako sa likuran nya habang medyo pa-iyak kong sinasabi ang mga katagan iyon.

Pansin ko lang, parang gustong-gusto ni James na niyayakap ko sya. Siguro dahil bestfriend kami for life at platonic ang aming relationship.

“Mahal mo pa rin si Robert, Megan?” tanong ni James.

Nabigla ako sa katanungan ni James at saglit na nag-sip. “Oo, mahal ko pa rin si Robert. Siya ang ama ng anak ko. Hanggang doon na lang iyon. Galit ako sa kanya dahil hindi nya ako talagang mimahal. Hinid nya ako hinanap nung nawala ako, pinabayaan niya ako at higit sa lahat hindi niya pinanagutan ang anak ko,” paliwanag ko.

Tila nanlumo si James. Nalungkot ito dahil sa haba ng pitong taon, si Robert pa rin ang laman ng puso at isip ni Megan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status