Share

CHAPTER 2

Ang isang gabing kaligayahang pinagsaluhan namin ni Robert ay saglit lang at napalitan ng lungkot at kaba dahil dalawang buwan na akong walang menstruation. Nag self-testing ako.... POSITVE. Sabi ko baka mali ito. Kaya't nagdesisyon akong magpa-pregnancy test sa isang klinika. Positive pa rin ang resulta. Na-shock ako. “Paano na ang mga pangarap ko? Paano pa ako nagiging isang magaling na doktor? Paano na ang pamilya ko, ang mga kapatid kong pag-aaralin ko pa? Ako pa naman ang pangany sa anim na magkakapatid. Magandang halimbawa ba ang ginawa ko? Nabuntis ng hindi pa kasal? Dalagang-ina? Napaka-tanga ko! Ni hindi pa nga kilala ng mga magulang ko si Robert! Tapos ito?” pagmumuni-muni ko.

Nung araw ring iyon, tinawagan ko si Robert at sinabing magkita kami. Nagtatarabaho na si Robert sa isang kilalang Law Firm, ang SyCip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Firm bilang isang Corporate Lawyer. Dalawang taon na syang.pumapasok dito bilang paghahanda sa pag take-over nya sa kanilang mga negosyo bilang CEO at Presidente ng kanilang Chen Holding Companies.

Nagkita kami ni Robert sa Greenbelt, Makati pagkagaling nya sa work. Sa loob ng restaurant, ang dating madaldal na Megan Reyes ay napakatahimik. Nanibago si Robert. “Me problema ba?” tanong ni Robert. Dumukot ako sa bag at iniabot ang pregnancy test result sa kanya. Sabay tahimik na umiyak. Nang iaangat ko ang aking mukha, napansin kong parang namutla si Robert at napabuntong hininga ng malakas. Parang hindi makapaniwala na sa isang gabing kaligayahan ay nagbunga agad!

Kinabig nya ako at niyakap ng mahigpit, sabay sabing “Sabi ko naman sa iyo ako ang bahala. Kaya natin ito. Kakausapin ko ang mga magulang natin at ilalahad ang mga plano ko, natin para sa atin at sa magiging anak natin. Bigyan mo ako ng dalawang araw at malalaman mo ang mga plano ko. Alam mo namang mahal na mahal kita at hindi kita pababayaan. Huwag kang mag-alala at baka makasama sa dinadala mo.”

Lumipas ang dalawang araw, tinawagan ako ni Robert at sinabing susunduin nya ako sa kanto malapit sa bahay namin ng 5PM. Ipapakilala raw nia ako sa mga magulang nya. Dahil umaga pa lang, plinano ko kung ano ang aking susuotin, paano ang gagawing make-up upang maging presentable naman ako sa harap ng mga magulang nya. Nagpaalam ako sa nanay ko na me pupuntahan lang akong kaklase tungkol sa pag-aaplayan naming hospital para makapag-umpisa na ng trabaho. Hindi nila alam na makikipagkita ako ke Robert dahil hindi naman nila kilala ito.

Pagsapit ng 5PM nasa kanto na ako at tamang-tama, naroon na rin si Robert sakay ng kotse nito. Sa loob ng kotse, sinabi ni Robert na naipagtapat na nya sa kanyang mga magulang ang aming sitwasyon...na ako ay dalawang buwan ng buntis. Wala naman daw reaksyon ang kanyang mga magulang kundi, papuntahin daw ako at nais nilang makaharap.

Malayo-layo rin ang Dasmarinas Village, Makati mula sa aming bahay sa Tondo, Manila. Wala kaming imikan ni Robert habang tumatakbo ang kotse. Kinakabahan ako ng todo dahil ngayon ko palang makakaharap ang mga magulang nito. Ayon ke Robert, ang kanyang Baba o father sa Chinese, ay isang self-made businessman kung saan mag-isa nitong itinayo at pinaunlad ang kasalukuyang iba't-ibang negosyo nito mula sa retail hanggang sa real estate development. Ang kanyang mama naman ay isang Pilipina na mula sa angkan ng mga Razon na nabibilang sa mga mayayamang Pilipino at kilala sa alta-sosyedad.

Sa wakas, nakarating na rin kami sa bahay nila Robert. Isang naka-unipormeng katulong ang sumalubong sa amin at pinapunta kami sa kanilang veranda na napapalibutan ng mga magagandang halaman at orchids. May mga malalaking sofa rito at doon ako pinaupo ni Robert. “Saglit lang at tatawagin ko na sila Baba at Mama,” wika ni Robert. Iginala ko ang akin paningin at di maikakailang sobrang yaman ang mga ito. Mula sa well-manicured lawn, mga mamahaling furnitures, mga display figurines, kurtina hanggang sa pinakamaliit na ilaw ay nagsusumigaw ng kayamanan. Hindi tulad ng bahay namin sa Tondo na isang simple at payak na tahanan. Parang nanliliit ako sa aking mga nakikita sa bahay nila Robert.

Lumipas ang 30 minutes, hindi pa rin bumabalik si Robert. Na-iihi na ako at kailangan kong mag-banyo. Wala naman akong mapagtanungang tao o katulong kung nasaan ang CR. Dahil hindi ko na ito mapigilan, nagkusa na akong hanapin ang CR. May nadaanan akong parang living room nila at narinig kong may tatlong taong nag-uusap na tila nagtatalo.

“Bakit mo dinala rito ang babaeng yan?” sabi ng isang me idad na babae. Sabi naman ng isang me idad na lalaki, “Wala akong pakialam kung isa syang doktora, mahirap pa rin sya. Ang gusto kong mapangasawa mo ay yung tulad natin ang estado, yung makakatulong mo sa buhay kagaya ni Charlotte Liu. Bukod sa mayaman ang pamilya, maganda at me sariling negosyo na. Isipin mo na ayon sa tradisyon, kailangan isang Chinese rin ang dapat mong mapangasawa.”

“Pero Baba, mahal ko si Megan at dinadala na nya aming magiging anak, ang inyong magiging apo! Bakit si Mama, hindi naman sya Chinese pero sya ang napangasawa mo,” sabi ni Robert. Hindi nga Chinese ang Mama mo, pero nung mga panahong iyon kailangan kong maging naturalized Pilipino at malaki ang naitulong ng Mama mo sa paglago ng ating negosyo,” ani ng Baba ni Robert. “Hindi mo sya dapat dinala dito, Robert. Hindi sya nababagay sa pamilya natin. Isa syang hampaslupa o baka oportunista na ang habol ay ang kayamanan natin,” dagdag ng Mama ni Robert.

Napalugmok na lang si Robert sa kinauupuan nito na parang hindi makapaniwala sa mga naririnig mula sa kanyang mga magulang. Nanahimik na lang ito at walang masabi.

Masasakit na mga salita at panlalait sa aking pagkatao ang mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ako maliitin ng mga matapobreng magulang ni Robert. Naninikip na dibdib at luhaan ang mga mata, nagtatakbo akong palabas ng bahay nila Robert. Sa labas, wala namng masakyan dahil exclusive village ito, kaya't mahaba-haba rin ang aking ginawang lakad at takbo hanggang makarating ako sa guardhouse ng village. Para akong masisiraan ng ulo. Dali-dali akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay namin sa Tondo. Habang nasa taxi, panay ang ring ng cellphone ko....si Robert tumatawag. Dahil sa galit, hindi ko ito sinasagot. Para hindi na sya makatawag, pinatay ko ang cellphone.

Pagdating ko sa bahay, tumuloy ako sa aking kuwarto at tahimik sa umiyak. “Ano ang gagawin ko? Paano na ang bata sa aking sinapupunan? Anong kinabukasan pa ang kakaharapin ko? Doktora nga ako, wala pang trabaho, buntis pa! Ano na?” bulong ko sa sarili. Taimtim akong nagdasal na sana ay palakasin ng Diyos ang aking loob at gabayan ako sa kinakaharap kong napakalaking problema.

Kinabukasan, araw ng Sabado, dahil walang pasok si Nanay na isang public school teacher at si Tatay na isang government employee, nilakasan ko ang loob ko na kausapin sila. “O anak, anong sasabihin mo? tanong ng Nanay ko. “Nanay, Tatay, buntis po ako,” diretso pero nangiginig na ipinagtapat ko.

Sumambulat sa galit si Tatay, “Ano! Doktora ka pa naman, hinayaang mong mabuntis ka? Ang tanga tanga mo! Akala ko matalino ka! Bobo ka rin pala! Sinong lalaki ito? Pakakasalan ka ba nya? Wala akong alam na me boyfriend ka pala!” Tahimik namang umiiyak ang Nanay ko. “Paano mo na kami tutulungan ng Nanay mo sa pagpapa-aral ng mga kapatid mo?” Paano na ang kinabukasan mo? Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Ng mga nakakakilala sa atin? tanong ni Tatay. “Nakakahiya ka! Dalagang ina! Umalis ka sa harapan ko! Umalis ka na dito! Ikinakahiya kita! LAYAS!!!!!!” galit na pasigaw ni Tatay.

Sa sobrang galit ni Tatay ay nasampal nya ako ng napakalakas. Halos matumba ako sa sampal. Natulala ako dahil noon lang ako napagbuhatan ng kamay ni Tatay. Dahil nag-iisang akong anak na babae, ingat na ingat ang Tatay ko na saktan o paluin man lang ako. Pero ngayon, sumambulat ang kanyang galit.

Dali-dali akong tumakbo sa akin kuwarto, nagbalot ng ilang damit at umalis agad ng bahay. Hindi ako pinigilan nina Tatay at Nanay. Para akong pinagsalikupan ng langit at lupa. Walang magulang na tutulong sa akin at higit sa lahat walang Robert na aagapay sa akin.

“Mam, your dinner is served,” kalabit sa akin ng flight attendant. Bigla akon naalimpungatan. Nakatulog pala ako. Pagtingin ko sa aking relo, dalawng oras na pala ang nakalipas magmula ng mag-takeoff ang eroplano. Sinulyapan ko si Steven, tulog pa rin. “Which do you prefer man? Chicken or beef,” tanong ng flight attendant. Sabi ko ay chicken. Ginising ko si Steven at sabay kaming kumain. Behave ang anak ko sa eroplano kahit napakatagal ng flight. Kung hindi siya busy sa knyang iPad, ay sa panonod ng videong pambata naman ang ginagawa nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status