Share

My Quest for Love
My Quest for Love
Author: Megan Lee

CHAPTER 1

“Walanghiya ka! Malandi! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Ng mga kakilala natin? Ng mga kamag-anak natin? Buntis ka! Dalagang-ina? Doktora ka pa naman! Tangang doktora! Hindi mo ginamit ang pinag-aralan mo!” pasiigaw na sabi ng galit na galit na Tatay ko.”Ikaw pa naman ang inaasahan namin ng Nanay mo na makakatulong sa amin sa pag-aaral ng mga kapatid mo!” dagdag pa ni Tatay. Dahil sa sobrang galit ay napagbuhatan ako ng kamay ng Tatay ko. Magkapatid na sampal na halos ika-walang malay ko ang dumapo sa aking pisngi.

“Nasaan ang ama ng magiging anak mo? Wala! Pinabayaan ka na? Hindi namin kilala kung sino ang boyfriend mo! Ni anino ng lalaking iyan ay di namin nasilayan dito! Tapos yan ang sasabihin mo sa amin? Buntis ka?”pasiigaw na sabi ng galit na galit ngTatay ko. Halos marinig ng mga kapitbahay namin ang kaguluhan sa loob ng bahay namin. Ang Nanay ko naman na hindi makapaniwala sa nangyari sa akin ay iyak ng iyak at walang masabi.

“Lumayas ka! Layas! Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo sa tahanang ito! Magmula ngayon wala na kaming anak na babae! Nakakahiya ka! Iginapang ka namin sa pag-aaral mo tapos ito ang igaganti mo sa amin? Kahihiyan? Alis na! Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo!” sigaw ni Tatay.

Ang eksenang ito ang lagi na lang paulit-ulit kong naaalala. Ito ang bangungot na hinding hindi ko makakalimutan. kahit pitong taon na ang nakakalipas. Ngayon napagdesisyunan ko nang umuwi ng Pilipinas kasama ang aking anak na ipinagbuntis ko noon. Ano namang klaseng buhay ang mararanasan ko sa Pilipinas?

“Hay, tulog na tulog ang anak ko. Kamukhang-kamukha talaga sya ng ama nya.” sabi ko sa sarili. Napuknat ang pgmumuni-muni ko ng biglang, “Calling all passengers to Flight PR 127 bound for Manila. You are now ready for boarding at gate number 8. All passengers of Flight PR 127 please proceed to gate number 8.” tawag ng PA sa JFK Internaional Airport, New York.

Ginising ko ang 6 years old kong anak na si Steven. Buti na lang hindi nag-tantrum dahil naabala ang pagtulog nya. “Mommy, are we boarding already,?”tanong ni Steven. “Yes son,” banayad na sabi ko. Binitbit ko ang mga bagahe namin, chineck ang passport at boarding passes namin at dali-dali kaming pumunta sa gate number 8 upang mag-board.

Sa economy class kami naka-book. Sa loob ng eroplano, sinecure ko ang mga handcarry luggages namin sa overhead bin, pinaupo si Steven sa tabi ng bintana.at nilagay ang seatbelt nito. Hindi nagtagal ay lumipad na ang eroplano. Sa isip-isip ko, ito ang pinaka-ayaw ko sa pasakay ng eroplano....ang pag take-off na nakakahilo. Pinagmasdan ko si Steven, pero ipinagpatuloy nito ang pagtulog.

Nang pumanatag na ang lipad ng eroplano at halos patay ang mga ilaw sa loob, nagbalik tanaw ako sa mga nangyari 7 years ago. 24 years old ako noon at kakapasa ko pa lang ng medical board exam. Tuwang-tuwa ang mga parents ko noon.Sa wakas meron na silang doktorang anak Hindi kami mayaman pero natapos ko ang kursong medisina sa pamamagitan ng scholarship at sa tulong na rin ng aking mga foster parents sa States na syang nagpupuno sa mga gastusin ko sa libro, laboratory, allowances, at mga gamit para sa kurso. Ang tuwa ng mga magulang ko ay napawi at napalitan ng galit dahil napag-alaman nilang dalawang buwan na akong buntis.

Hindi alam ng mga magulang ko na ako ay may boyfriend dahil lagi nilang nakikitang subsob ako sa pag-aaral. Ang boyfriend ko ay si Robert Chen, isang chinoy na naging kaeskwela ko sa Unibersidad ng Pilipinas. Second year Pre-Med ako samantalang sya ay graduating na ng B.S. Business Administration. Ito ang kinuha nyang kurso dahil ang pamilya nito ay may mga negosyo sa Pilipinas. Ipinagpatuloy nya ang kanyang pag-aaral at kumha sya ng kursong LL.B. o Bachelors of Law. At pagkatapos nito ay pumasa na sya ng Bar examination.

Anim na taon kaming naging mag-boyfriend pero sa haba ng panahong iyon hindi kami nakakalimot sa hangganan ng aming relasyon. Subalit, noong matapos ang board exam ko sa medisina, nag celebrate kaming dalawa dahil sa wakas tapos na ang mga paghihirap ko sa pag-aaral. “Huwag ka na munang umuwi ng maaga at mag-celebrate tayo,” wika ni Robert. “Okay,” sabi ko. Nag bar-hopping kami buong gabi. Pareho ng kaming tipsy, pero hindi lasing. “Dito muna tayo sa Diamond Hotel magpalamig para pagdating mo sa bahay nyo ay hindi halata ng mga parents mo na nakainom ka,” sabi ni Robert. Nag-check in kami sa hotel. “Mauuna na akong maligo dahil init na init na ako,” sabi ko. “Mahihiga lang ako sandali at ako naman ang maliligo,” wika ni Robert.

Pagkatapos kong maligo ay dinatnan ko si Robert na natutulog. Ginising ko ito at sinabing maligo na sya para maka-uwi na kami. Nag-ayos ako ng sarili at sandaling humia sa kama. Namamalayan ko na lang na me humahalik sa leeg ko. Si Robert pala na nakatapis ng tuwalya at kalalabas lang ng banyo. Dahil antok na antok ako at medyo tipsy, hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya sa akin. Hindi nagtagal ay pareho na kaming nadarang sa ipinagbabawal na kaligayahan. “Huwag! Hindi pa tayo ready! Ni hindi ka pa kilala ng mga parents ko at ako ng mga parents mo,” pa tutol na sabi ko. “Ako ang bahala, huwag kang mag-alala. Sagot kita!” ani ni Robert. Tuluyan na kaming nakalimot. Dahil unang karanasan ko ito, muntik ko nang itulak si Robert ng tuluyan na syang nakapasok sa akin. Pero, sa una lang pala masakit. Magdamag naming pinagsaluhan ang bawal na kaligayahan. Pagdating ng umaga, wala sa tabi ko si Robert, Yun pala ay nag-shower. Paglabas nito ng banyo ay sinabing nag-order na sya ng breakfast par makakain na kami bago umuwi. Pagbangon ko sa kama ay nakita naming dalawa ang bakas ng dugo na syang ebidensya ng pinagsaluhan namin magdamag. Nagkatinginan na lang kaing dalawa at bigla nya akong niyakap na para bang gusto nyang sabihin na ako ang bahala sa iyo.

Inihatid nya ako ng kotse sa kantong malapit sa bahay namin at nagkanya-kanya na kami ng lakad na para bang walang nangyari. Nagkikita at nag- dedate pa rin kami ni Robert matapos noon. Dalawang buwan ang nakaraan.lumabas na ang resulta ng Medical Board Examination at number 18 ako sa Top 20 examinees. Walang pagsidlan sa tuwa ang mga magulang ko pati na rin ang mga foster parents ko sa Amerika. Proud na proud sila para sa akin, lalo na ng mag-take oath ako kasama sila sa PICC.

Naghanda pa ang mga magulang ko sa bahay, para malaman ng mga kamag-anak, kaibigan, kakilala at mga kapitbahay namin ang pagtatapos ko bilang doktor at ang karangalang natamo sa Board Exam.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status