Chapter 24 - Charity/Fashion ShowIsang umaga, pagdating ko sa aking clinic sa ospital ay may natanggap akong imbitasyon na nasa aking mesa. Para sa isang charity fashion show event ang imbitasyon at galing sa St. Luke's Medical Foundation. “Ahh, alam kasi nila na malapit ang loob ko sa mga nangagailangan.” sabi ko sa sarili. Ang charity fashion show ay inorganize ng foundation na may pamagat na Young and Old: A Charity Fashion Show kung saan ang mga malilikom na pera ng show ay mapupunta sa Hospicio de San Jose, ampunan ng mga bata at ang San Lorenzo Ruiz, Home for the Aged. May ticket na nagkakahalaga ng Php10,000.00 bawat isa at dalawa ang nakalakip na tickets sa imbitasyon at sa dulo raw ng ng fashion show ay maaring bilihin ng mga umattend ang mga ipinakitang mga damit sa show. Mga kilalang fashion designers ang magpaparada ng kanilang mga nilikhang damit tulad nina Josie Natori, Monique Lhuillier, Michael Cinco, Rajo Laurel at iba pa. Pero ang paborito ko ay si Monique Lhuillie
Magbasa pa