Home / Romance / My Quest for Love / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng My Quest for Love: Kabanata 51 - Kabanata 60

139 Kabanata

Chapter 51

Chapter 51 – Robert's DivorceIsang gabi, dumating nga si Robert sa condo ko upang mapag-usapan namin ang pagsama namin ni Steven sa kanya sa Las Vegas. Ipinaliwanag niya ang proseso ng diborsyo at ang mga requirements. Kailangan niyang tumira sa Las Vegas ng six weeks bago niya i-file ang divorce paper. May kausap na siyang lawyer doon na siyang tutlong sa kanya sa divorce process.Ayaw naman ni Robert na mag-isa lang siya roon kaya naisip niyang isama ako at ang anak namin parang bakasyon na rin. Ibinigay niya sa akin ang dalawang open-dated na plane tickets papuntang Las Vegas. Mahigit isang taon rin kaming hindi nagkikita o nagkakasama ni Robert magmula ng ikasal sila ni Charlotte. Alam kong hindi nagtaksil si Robert sa pagsasama nila ni Charlotte bagama't patuloy siyang nakikipagkita kay Steven twice a month.Nauna ngang tumulak si Robert sa Nevada. Kinausap na nya ang lawyer doon para sa proseso ng divorce. “Here are the divorce documents signed by me and Charlotte. It will
Magbasa pa

Chapter 52

Chapter 52 – Robert, Megan and Steven in Las VegasDalawang araw makalipas naming mag-usap ni Robert ay nasa Las Vegas na kami ni Steven. Halos 23 hours ang flight namin dahil nag stopover pa ang eroplano sa San Francisco. Mabuti na lamang at hindi nainip si Steven sa kabuuan ng flight at sa paghihintay namin sa San Francisco Airport. Business class kasi ang kinuhang ticket ni Robert para sa amin para komportable kami ni Steven sa kabuan ng flight.Sinumdo naman kami ni Robert sa Harry Reid International Airport o mas kilala na Las Vegas Airport ng bandang alas siyete ng gabi. Naghapunan na kami sa isang restaurant sa loob ng airport bago kami umuwi sa apartment niya. Sa kotse pa lang ay nakatulog na si Steven kaya't pagdating namin sa apartment ay binuhat na lang ito ni Robert. Sa loob ng apartment, “Wow! This apartment is nice! Fully furnished pa!” bulalas ko. “Oo nga. Kaya nga ito ang kinuha ko. Mas mura ng di hamak kung sa hotel tayo tutuloy. Bumili na lang ako ng mga bagon
Magbasa pa

Chapter 53

Chapter 53 – Buhay sa Las VegasMaghapon kaming hindi nag-usap ni Robert matapos akong padabog na lumabas ng aming silid. Umalis naman si Robert. “Aba umalis pa! Ano ba yun? Bakit siya nagalit? Nagseselos? Kay James?” tanong ko sa sarili. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan na paglilinis ng apartment. Samantalang si Steven ay nagbabasa ng isang libro tungkol sa isang software. “Ito talagang anak ko, napaka-advance ng mga binabasa.” sabi ko sa sarili.“Naiintindihan mo ba iyang binabasa mo?” tanong ko kay Steven. “Mommy, I am really interested in computer programming. In fact I am trying to create a simple program which will make my drone go to a specific place.” pagmamalaking sabi ni Steven.“Is that so? Go ahead!” Pag-eencourage ko naman sa kanya.Bago magtanghali ay bumalik na si Robert. May dala itong mga Chinese food. “I am back! Bumili na ako ng ating panaghalian at hapunan para hindi ka na magluluto.” sabi niya sa akin.“Do you like Chinese food, Steven?
Magbasa pa

Chapter 54

Chapter 54 – Bakit magkaiba kami ng apelyido?Five weeks na kami sa Las Vegas ni Steven samantalang si Robert ay nakatira na rito ng six weeks. Simple lang ang buhay namin dito. Hindi kami parang mga turista na halos lahat ng casino at tourist spots ay pinupuntahan. Kung maari lang ay sa apartment lang kami lagi. But for the sake of Steven, pinuntahan din namin ang mga atraksyon dito sa Las Vegas na mga pambata tulad ng Ethel M Chocolates Factory and Botanical Cactus Garden kung saan ipinapakita rito kung paano ginagawa ang mga iba't-ibang klase ng tsokolate. Nagpunta rin kami sa Hoover Dam na talaga namang nakamamangha sa laki at ganda.Hindi naman kami laging namamasyal. Nagpupunta rin kami sa grocery para bumili ng pagkain at mga essentials. Si Robert naman kahit nandito sa Las Vegas ay laging naka-video conferencing sa mga tao niya sa Pilipinas. Humihingi siya ng updates sa mga nangyayari sa kanilang mga negosyo lalung-lalo na sa operations and financial aspects.Isang araw, n
Magbasa pa

Chapter 55

Chapter 55 – The Wrath of CharlotteTatlong araw makalipas naming bumalik galing ng Las Vegas may tumawag sa cellphone ko. Hindi registered sa mga contact numbers ko ang tumawag. “Megan! Malandi ka talaga! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Robert. May nakakita sa inyo sa Las Vegas! Kasama nyo pa iyang anak mong bastardo! Humanda ka at may kalalagyan ka!” galit na galit na sabi nung nasa kabilang linya.Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Alam kong si Charlotte ang tumawag. Pero paano niya nalaman ang cellphone number ko? Ipinagwalang bahala ko naman ang tawag na iyon. Noong gabing iyon ay muli na namang tumawag ang unknown caller ko. “Ipapadala ko sa iyo ang ebidensya ng iyong kalandian! Ipapakalat ko ito sa social media para mapahiya ka! Hindi lang ikaw ang mapapahiya, pati na ang anak mo sa pagkadalaga! Kinakalantari mo ang asawa ko! Mang-aagaw!” sigaw nung nasa kabilang linya sabay end ng call. May pinadala ngang photo ang tumawag sa aking cellphone. Kuh
Magbasa pa

Chapter 56

Chapter 56 – Charlotte's Wrath 2Naunang dumating sa presinto ng pulis sa Taguig si James na may kasamang lawyer. Sumunod ay si Robert na may kasama ring abogado. Binati ni Robert si James, “Salamat at nandito ka. Nakita mo na ba si Megan?”“Hindi pa. Nasa investigation room pa.” sabi ni James.Tapos na akong magbigay ng sinumpaang statement at napirmahan ko na ito. Ito ang magiging basehan ng kasong isasampa ko laban kay Charlotte. Nagpa-medical na rin ako sa naka-assign na duktor sa presinto para sa physical injury na kaso. Paglabas ko ay nakita ko na sina Robert at James. Nag-usap kami nina Robert at James. Sinabi ko sa kanila na lawyer na lang na kasama ni James ang gagamitin ko at hindi ang dala ni Robert. Kapag nalaman kasi ni Charlotte na tinulungan ako ni Robert ay baka magwala na ito ng tuluyan. Sinang-ayunan naman ito ni James at pumayag na si Robert.“That being decided, I will immediately file the necessary complaints such as oral defamation, physical injury and atte
Magbasa pa

Chapter 57

Chapter 57 – Charlotte's Wrath 3Gabi na ng dumating ang mga magulang ni Charlotte kasama ang kanilang lawyer sa Taguig Police Station. Kinausap nila ang Desk Officer at sinabi ang kanilang pakay. Pinapunta sila sa visitation room upang maghintay. Di katagalan ay lumabas na si Charlotte na naka-posas. Suot nito ang t-shirt ng mga bilanggo, gulo-gulo ang buhok at may bahid luha pa ang mga mata nito. Agad siyang niyakap ng Mama niya. “Ano ang nangyari anak? Bakit ka nakakulong?” tanong ng Mama ni Charlotte habang umiiyak. Naaawa siya sa hitsura ng anak. Hindi maipaliwanag ni Charlotte sa Mama niya kung ano ang nangyari't nakakulong siya. Alam kasi ni Charlotte na siya ang may kasalanan na dulot ng selos, inggit at galit.Samantala, kinausap naman ng Papa ni Charlotte at ng kasama nitong lawyer ang police in-charge noong gabing iyon. Inalam nila kung ano ang kaso ni Charlotte at nakulong ito. “Patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Charlotte tulad ng oral defamation, alarm and
Magbasa pa

Chapter 58

Chapter 58- Charlotte”s FateNabasa ni Atty. Laxamana ang panibagong kaso ni Charlotte sa pahayagan. Tinawagan niya agad ako sa aking cellphone. “Hello, Dr. Megan? Have you read the news? Nahuli na naman si Charlotte sa kasong frustrated murder. Pupunta agad ako sa Camp Karingal para ipawalangbisa ang kanyang piyansa upang tuluyan na itong makulong. Violation na ito ng kanyang naunang piyansa. She is already a menace! Delikado kung nakakalaya pa ito dahil sa magkasunod na attempted homicide at frustrated murder na mga kaso niya. Hindi natin alam baka may isunod pa siyang biktima!” paliwanag ni Atty Laxamana.“Ganun po ba? Delikado ngang nakakalaya pa si Charlotte.” sagot ko. “Gawin po ninyo ang nararapat, Attorney.”“Dapat ngang makulong na si Charlotte! Baka si Robert na ang susunod niyang gawan ng masama!” sabi ko sa sarili.Nabasa rin pala ni Robert ang ginawa ni Charlotte kaya tinawagan niya ako. “Megan, have you read the news?”“Oo nga. Sobra ng bayolente si Charlotte. Tuma
Magbasa pa

Chapter 59

Chapter 59 – Steven Reyes or Steven Chen?Balik normal naman ang buhay namin ni Steven. Siya sa eskwela, ako sa ospital. Na accelerate si Steven from Grade 3 to Grade 5 samantalang wala pa itong siyam na taong gulang. Patuloy pa rin ang pag-excell nya sa school. Ang tsismis tungkol sa akin dahil sa pagwawala noon ni Charlotte sa ospital ay nawala na rin.Subalit ang relasyon nina Robert at Steven bilang mag-ama ay tila nagkakaroon ng lamat. Hindi na kinakausap ni Steven ang kanyang Daddy at iniiwasan niya ito kapag dumadalaw ito sa condo ko. Hindi na rin sumasama si Steven kay Robert tuwing aayain ito para mamasyal. Nag-umpisa ang ganitong ugali ni Steven mula ng umuwi kami galing Las Vegas, anim na buwan na ang nakalilipas.Nahahalata na rin ni Robert ang pagbabagong ito ni Steven kaya nagdesisyon ako na pag-usapin ang mag-ama. Isang weekend ay inaya ko si Steven papuntang Tagaytay.“Do you want to see Taal Volcano?” tanong ko kay Steven.“Wow! Taal Volcano? When can we go there
Magbasa pa

Chapter 60

Chapter 60 – Dadalo ang mga magulang ni Robert?Disyembre. Malapit na ang birthday ni Steven. Nine years old na siya. Ang bilis ng panahon! Tatlong taon na kami sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon na ito ay samu't saring problema ang aking kinaharap. Nadoong nakidnap si Steven, namatay kuno si Robert at dalawang beses na rin akong muntik-muntikang masawi. Marami rin namang masasayang sandali tulad ng pagkilala ni Robert sa kanyang anak at ang mga di malilimutang mga sandali namin ni Robert. Subalit kailan ko naman makakamit ang minimithi kong pangarap? Ang hinahanap kong wagas na pagmamahal? Yung tatangapin ako bilang ako! “Hayysst, Megan. Dream on!” sabi ko sa sarili.Nobyembre pa lang ay nakahanap na ako ng outdoor/garden venue para sa birthday party ni Steven. Ang Mahogny Farm Events Place sa may Taguig. Malapit din lang ito sa BGC. Ang gusto ko kasing theme para sa birthday ni Steven ay fiesta. Para naman maranasan ni Steven kung ano ang fiesta sa Pilipinas. Kumpleto naman a
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
14
DMCA.com Protection Status