Chapter 54 – Bakit magkaiba kami ng apelyido?Five weeks na kami sa Las Vegas ni Steven samantalang si Robert ay nakatira na rito ng six weeks. Simple lang ang buhay namin dito. Hindi kami parang mga turista na halos lahat ng casino at tourist spots ay pinupuntahan. Kung maari lang ay sa apartment lang kami lagi. But for the sake of Steven, pinuntahan din namin ang mga atraksyon dito sa Las Vegas na mga pambata tulad ng Ethel M Chocolates Factory and Botanical Cactus Garden kung saan ipinapakita rito kung paano ginagawa ang mga iba't-ibang klase ng tsokolate. Nagpunta rin kami sa Hoover Dam na talaga namang nakamamangha sa laki at ganda.Hindi naman kami laging namamasyal. Nagpupunta rin kami sa grocery para bumili ng pagkain at mga essentials. Si Robert naman kahit nandito sa Las Vegas ay laging naka-video conferencing sa mga tao niya sa Pilipinas. Humihingi siya ng updates sa mga nangyayari sa kanilang mga negosyo lalung-lalo na sa operations and financial aspects.Isang araw, n
Chapter 55 – The Wrath of CharlotteTatlong araw makalipas naming bumalik galing ng Las Vegas may tumawag sa cellphone ko. Hindi registered sa mga contact numbers ko ang tumawag. “Megan! Malandi ka talaga! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Robert. May nakakita sa inyo sa Las Vegas! Kasama nyo pa iyang anak mong bastardo! Humanda ka at may kalalagyan ka!” galit na galit na sabi nung nasa kabilang linya.Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Alam kong si Charlotte ang tumawag. Pero paano niya nalaman ang cellphone number ko? Ipinagwalang bahala ko naman ang tawag na iyon. Noong gabing iyon ay muli na namang tumawag ang unknown caller ko. “Ipapadala ko sa iyo ang ebidensya ng iyong kalandian! Ipapakalat ko ito sa social media para mapahiya ka! Hindi lang ikaw ang mapapahiya, pati na ang anak mo sa pagkadalaga! Kinakalantari mo ang asawa ko! Mang-aagaw!” sigaw nung nasa kabilang linya sabay end ng call. May pinadala ngang photo ang tumawag sa aking cellphone. Kuh
Chapter 56 – Charlotte's Wrath 2Naunang dumating sa presinto ng pulis sa Taguig si James na may kasamang lawyer. Sumunod ay si Robert na may kasama ring abogado. Binati ni Robert si James, “Salamat at nandito ka. Nakita mo na ba si Megan?”“Hindi pa. Nasa investigation room pa.” sabi ni James.Tapos na akong magbigay ng sinumpaang statement at napirmahan ko na ito. Ito ang magiging basehan ng kasong isasampa ko laban kay Charlotte. Nagpa-medical na rin ako sa naka-assign na duktor sa presinto para sa physical injury na kaso. Paglabas ko ay nakita ko na sina Robert at James. Nag-usap kami nina Robert at James. Sinabi ko sa kanila na lawyer na lang na kasama ni James ang gagamitin ko at hindi ang dala ni Robert. Kapag nalaman kasi ni Charlotte na tinulungan ako ni Robert ay baka magwala na ito ng tuluyan. Sinang-ayunan naman ito ni James at pumayag na si Robert.“That being decided, I will immediately file the necessary complaints such as oral defamation, physical injury and atte
Chapter 57 – Charlotte's Wrath 3Gabi na ng dumating ang mga magulang ni Charlotte kasama ang kanilang lawyer sa Taguig Police Station. Kinausap nila ang Desk Officer at sinabi ang kanilang pakay. Pinapunta sila sa visitation room upang maghintay. Di katagalan ay lumabas na si Charlotte na naka-posas. Suot nito ang t-shirt ng mga bilanggo, gulo-gulo ang buhok at may bahid luha pa ang mga mata nito. Agad siyang niyakap ng Mama niya. “Ano ang nangyari anak? Bakit ka nakakulong?” tanong ng Mama ni Charlotte habang umiiyak. Naaawa siya sa hitsura ng anak. Hindi maipaliwanag ni Charlotte sa Mama niya kung ano ang nangyari't nakakulong siya. Alam kasi ni Charlotte na siya ang may kasalanan na dulot ng selos, inggit at galit.Samantala, kinausap naman ng Papa ni Charlotte at ng kasama nitong lawyer ang police in-charge noong gabing iyon. Inalam nila kung ano ang kaso ni Charlotte at nakulong ito. “Patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Charlotte tulad ng oral defamation, alarm and
Chapter 58- Charlotte”s FateNabasa ni Atty. Laxamana ang panibagong kaso ni Charlotte sa pahayagan. Tinawagan niya agad ako sa aking cellphone. “Hello, Dr. Megan? Have you read the news? Nahuli na naman si Charlotte sa kasong frustrated murder. Pupunta agad ako sa Camp Karingal para ipawalangbisa ang kanyang piyansa upang tuluyan na itong makulong. Violation na ito ng kanyang naunang piyansa. She is already a menace! Delikado kung nakakalaya pa ito dahil sa magkasunod na attempted homicide at frustrated murder na mga kaso niya. Hindi natin alam baka may isunod pa siyang biktima!” paliwanag ni Atty Laxamana.“Ganun po ba? Delikado ngang nakakalaya pa si Charlotte.” sagot ko. “Gawin po ninyo ang nararapat, Attorney.”“Dapat ngang makulong na si Charlotte! Baka si Robert na ang susunod niyang gawan ng masama!” sabi ko sa sarili.Nabasa rin pala ni Robert ang ginawa ni Charlotte kaya tinawagan niya ako. “Megan, have you read the news?”“Oo nga. Sobra ng bayolente si Charlotte. Tuma
Chapter 59 – Steven Reyes or Steven Chen?Balik normal naman ang buhay namin ni Steven. Siya sa eskwela, ako sa ospital. Na accelerate si Steven from Grade 3 to Grade 5 samantalang wala pa itong siyam na taong gulang. Patuloy pa rin ang pag-excell nya sa school. Ang tsismis tungkol sa akin dahil sa pagwawala noon ni Charlotte sa ospital ay nawala na rin.Subalit ang relasyon nina Robert at Steven bilang mag-ama ay tila nagkakaroon ng lamat. Hindi na kinakausap ni Steven ang kanyang Daddy at iniiwasan niya ito kapag dumadalaw ito sa condo ko. Hindi na rin sumasama si Steven kay Robert tuwing aayain ito para mamasyal. Nag-umpisa ang ganitong ugali ni Steven mula ng umuwi kami galing Las Vegas, anim na buwan na ang nakalilipas.Nahahalata na rin ni Robert ang pagbabagong ito ni Steven kaya nagdesisyon ako na pag-usapin ang mag-ama. Isang weekend ay inaya ko si Steven papuntang Tagaytay.“Do you want to see Taal Volcano?” tanong ko kay Steven.“Wow! Taal Volcano? When can we go there
Chapter 60 – Dadalo ang mga magulang ni Robert?Disyembre. Malapit na ang birthday ni Steven. Nine years old na siya. Ang bilis ng panahon! Tatlong taon na kami sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon na ito ay samu't saring problema ang aking kinaharap. Nadoong nakidnap si Steven, namatay kuno si Robert at dalawang beses na rin akong muntik-muntikang masawi. Marami rin namang masasayang sandali tulad ng pagkilala ni Robert sa kanyang anak at ang mga di malilimutang mga sandali namin ni Robert. Subalit kailan ko naman makakamit ang minimithi kong pangarap? Ang hinahanap kong wagas na pagmamahal? Yung tatangapin ako bilang ako! “Hayysst, Megan. Dream on!” sabi ko sa sarili.Nobyembre pa lang ay nakahanap na ako ng outdoor/garden venue para sa birthday party ni Steven. Ang Mahogny Farm Events Place sa may Taguig. Malapit din lang ito sa BGC. Ang gusto ko kasing theme para sa birthday ni Steven ay fiesta. Para naman maranasan ni Steven kung ano ang fiesta sa Pilipinas. Kumpleto naman a
Chapter 61 – Mga matapobreng in-laws na hilawSa isang secluded na table ng venue nga dinala ni Robert ang kanyang mga magulang. Nagpahatid muna ito ng mga pagkain sa mga waiters at pinakain muna niya ang mga ito bago niya tuluyang kinausap.“Paanong nangyari at naging anak mo si Steven?” nagtatakang tanong ng Baba ni Robert. “Inampon mo ba siya? Bakit hindi namin alam?”“Remember the girl whom I was supposed to introduce to you almost ten years ago? This is she, Dr. Megan Reyes.” sabi ni Robert. “The child she was carrying that time is Steven.”“Paano mo naman nalaman na anak mo talaga ang bata? Matagal kayong nagkahiwalay and all of a sudden, sumulpot ang babaeng iyan na may dalang bata at sasabihing ikaw ang ama?” may pagdududang sabi ng Mama ni Robert. “Baka may hidden agenda ang babaeng ito! Baka tulad din siya ni Charlotte na pera lang ang habol sa atin.”“Huwag nyo naman po akong hamakin!” mangiyak-ngiyak kong sabi.“Mama stop this nonsense! Ako ang ama ni Steven and I h