Chapter 60 – Dadalo ang mga magulang ni Robert?Disyembre. Malapit na ang birthday ni Steven. Nine years old na siya. Ang bilis ng panahon! Tatlong taon na kami sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon na ito ay samu't saring problema ang aking kinaharap. Nadoong nakidnap si Steven, namatay kuno si Robert at dalawang beses na rin akong muntik-muntikang masawi. Marami rin namang masasayang sandali tulad ng pagkilala ni Robert sa kanyang anak at ang mga di malilimutang mga sandali namin ni Robert. Subalit kailan ko naman makakamit ang minimithi kong pangarap? Ang hinahanap kong wagas na pagmamahal? Yung tatangapin ako bilang ako! “Hayysst, Megan. Dream on!” sabi ko sa sarili.Nobyembre pa lang ay nakahanap na ako ng outdoor/garden venue para sa birthday party ni Steven. Ang Mahogny Farm Events Place sa may Taguig. Malapit din lang ito sa BGC. Ang gusto ko kasing theme para sa birthday ni Steven ay fiesta. Para naman maranasan ni Steven kung ano ang fiesta sa Pilipinas. Kumpleto naman a
Chapter 61 – Mga matapobreng in-laws na hilawSa isang secluded na table ng venue nga dinala ni Robert ang kanyang mga magulang. Nagpahatid muna ito ng mga pagkain sa mga waiters at pinakain muna niya ang mga ito bago niya tuluyang kinausap.“Paanong nangyari at naging anak mo si Steven?” nagtatakang tanong ng Baba ni Robert. “Inampon mo ba siya? Bakit hindi namin alam?”“Remember the girl whom I was supposed to introduce to you almost ten years ago? This is she, Dr. Megan Reyes.” sabi ni Robert. “The child she was carrying that time is Steven.”“Paano mo naman nalaman na anak mo talaga ang bata? Matagal kayong nagkahiwalay and all of a sudden, sumulpot ang babaeng iyan na may dalang bata at sasabihing ikaw ang ama?” may pagdududang sabi ng Mama ni Robert. “Baka may hidden agenda ang babaeng ito! Baka tulad din siya ni Charlotte na pera lang ang habol sa atin.”“Huwag nyo naman po akong hamakin!” mangiyak-ngiyak kong sabi.“Mama stop this nonsense! Ako ang ama ni Steven and I h
Chapter 62 – Merry Christmas, Grandpa, Grandma!Lingid sa kaalaman ni Robert ay pina background check nga ng Baba ni Robert si Megan at ang pamilya nito sa isang private investigator. Makaraan ang tatlong linggo ay nagreport na ang private investigator sa Baba at Mama ni Robert. “So ano ang mga nakalap mong impormasyon tungkol kay Dr. Megan Reyes at ng kanyang pamilya? May itinatago ba silang sikreto?”Sir, si Dr. Megan Reyes ay isang internal medicine specialist sa St. Luke's-BGC. Bukod dyan, nagvovolunteer din siyang duktor sa St. Luke's Foundation Clinic na ang mga pasyente ay puro mahihirap. Isa siyang dalagang-ina. May siyam na taong gulang na lalaking anak po siya, si Steven Reyes. Apparently, tatlong taon pa lang sa Pilipinas ang mag-ina. Nanirahan at nagtrabaho sa New York si Dr. Reyes bago ito umuwi ng bansa. Tatlo lang po silang nakatira sa Mckinley Residences sa may BGC, kasama ang kasambahay. Ang anak naman nitong si Steven ay Grade 5 sa South Cembo Elementary School at
Chapter 63 – Couples T-shirtsSa bahay naman nina Robert sa Dasma, dahil Linggo ng umaga, papa-alis na ang kanyang Baba at Mama para magsimba. Nagulat siya sa suot ng mga ito, parehong naka t-shirts. Hindi nagsusuot ang mga ito ng t-shirtd kapag nagsisimba. Laging formal ang mga attires nila. Bestida kay mama at polo and long pants naman kay Baba. Pagharap ni Robert sa mga ito, nakita niya ang nakasulat sa t-shirts. Grandpa at Grandma. “Aba ngayon ko lang nakitang naka t-hirts kayo papuntang simbahan!” pagbibirong sabi ni Robert.”Sino naman itong apo ninyo?”“Secret!” sabi ni Mama.“Espesyal ang mga t-shirts na ito kaya sinuot namin!” tuwang-tuwa na sabi ni Baba.Puzzled pa rin si Robert sa mga sinabi ng kanyang mga magulang. Dahil araw ng Linggo, bonding day na naman nila ni Steven kaya sinundo niya ito sa condo ko. Nagsimba muna ang mag-ama bago tumuloy sa mall. Para maiba naman ang pupuntahan nilang mall ay sa Glorietta sa Makati sila nagtungo. Kumain muna sila ng tanghalian at
Chapter 64 – Saan o kanino ako kumukuha ng pera?Tatlong taon na kaming nagkikita ni Robert pero ni minsan ay hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa pamana sa akin ng mga yumaong foster parents ko sa States. Siguro ay nagtataka siya kung saan ako kumuha ng pera na pinambili ko ng isang high-end condominium, pinagpagawa ko ng bahay namin sa Tondo, pinambili ko ng second-hand na kotse gayung ang kita ko bilang doktor ay sapat lamang upang mabuhay kaming dalawa ni Steven. Yun ngang P200K a month na pinapadala ni Robert para sa pangastos namin ni Steven ay hindi ko rin ginagalaw sa bangko. Sumapit na naman ang annual shareholders meeting ng petrochemical company ng Chen Holding. Required lahat ng shareholders na dumalo, lalo na yung may mga malalaking shares. Kasama ko si James bilang financial adviser ko. Siyempre, pinaghandaan ko ang isusuot ko. Naka black, off-shoulder midi dress ako na tinernohan ko ng open-toed black high heels at black na clutch bag. Lumutang ang kaputian ko. Na
Chapter 65- New girlfriend?Dalawang buwan makalipas ang Annual Shareholder Meeting ng petrochemical company ay hindi pa nagpapakita sa akin si Robert. Kahit tawag o text sa cellphone ay wala. Maging ang twice a month na bonding nila ng kanyang anak ay tila nalimutan na nito. Pero patuloy naman ang padala nito ng buwanang tseke para sa pang-araw araw na panggastos namin Steven na hindi ko naman ginagalaw.Ano kaya ang nangyari at di na siya nagpapakita? Marahil ay nagalit sa akin dahil sa pagbili ko ng malaking halaga ng shares sa kumpanya nila ng hindi niya alam kung saan galing ang pera ko. Ipagtatapat ko naman sa kanya sa tamang panahon pero hindi ngayon! Hinayaan ko na lang si Robert. Kung ayaw niyang magpakita sa amin ni Steven, fine! Isang gabi habang nanonood ako ng balita, sa showbizz segment nito ay tampok ang isang actress na kasama ang latest boyfriend, “Sino itong bagong BF niya? Alamin!” sabi ng showbis reporter. Nang makita ko ang picture, aba si Robert! Batambata, s
Chapter 66 – An avid acquaintance in BoracayThird day na namin sa Boracay, hindi pa rin nananawa si Steven sa white sand beach ng Boracay. Gumawa pa nga siya ng sand castle habang kinukunan ko naman siya ng video. Nahagip ng video ko ang lalaking gustong kumausap sa akin kahapon. Pero this time hindi na siya lumapit sa akin. Pinapanood na lang niya kaming mag-ina. Kinahapunan ay nag-Boracay Sunset Cruise kami ni Steven para naman makita niya ang sight paglubog ng araw sa Boracay Beach. Kinagabihan ay nagpa room service na lang ako para sa dinner namin ni Steven. Pinaplano ko na ang gagawin namin ni Steven for the next two days dito sa Boracay bago kami tutuloy ng New York nang tumunog ang cellphone ko. “Hello, Ate! Nagpunta dito si Robert! Hinahanap kayo ni Steven. Saan daw ba kayo nagpupupunta?” tawag ng kapatid kong si Tony.“Ano ang sabi mo?” tanong ko.“Sabi ko nagpunta kayo sa Boracay.” sagot ni Tony. “Tinanong pa niya kung sino pa raw ang kasama ninyo. Sabi ko, hindi ko
Chapter 67 – Trevor, a possible boyfriend?Ilang sandali pagkaalis namin ni Trevor ay tumawag si Robert sa kanyang anak. Two days na kasing tawag ng tawag sa aking cellphone si Robert pero hindi ko siya sinasagot . Hinahayaan ko lang na magring ng magring ang cellphone.Finally ay nakausap rin ni Robert ang anak. “Hello, Steven! Nasaan ba kayo ng Mommy mo?” tanong ni Robert.“Daddy, we are in Boracay. We have been here for four days already. Tomorrow afternoon, we will head back to NAIA. You should have been here, Daddy! We took a helicopter ride around the island this morning!” excited na kuwento si Steven sa ama na nawala sa isip na matagal na silang hindi nagkikita o nag-uusap na mag-ama.“Where is your Mommy? I want to talk to her.” tanong ni Robert.“Mommy's not here. She went out with Trevor. But she will be back before midnight.” sabi ni Steven.“What!?! She went out with a man and leaving you alone in your hotel room? And who is this Trevor?”galit na sabi ni Robert.“B