Chapter 65- New girlfriend?Dalawang buwan makalipas ang Annual Shareholder Meeting ng petrochemical company ay hindi pa nagpapakita sa akin si Robert. Kahit tawag o text sa cellphone ay wala. Maging ang twice a month na bonding nila ng kanyang anak ay tila nalimutan na nito. Pero patuloy naman ang padala nito ng buwanang tseke para sa pang-araw araw na panggastos namin Steven na hindi ko naman ginagalaw.Ano kaya ang nangyari at di na siya nagpapakita? Marahil ay nagalit sa akin dahil sa pagbili ko ng malaking halaga ng shares sa kumpanya nila ng hindi niya alam kung saan galing ang pera ko. Ipagtatapat ko naman sa kanya sa tamang panahon pero hindi ngayon! Hinayaan ko na lang si Robert. Kung ayaw niyang magpakita sa amin ni Steven, fine! Isang gabi habang nanonood ako ng balita, sa showbizz segment nito ay tampok ang isang actress na kasama ang latest boyfriend, “Sino itong bagong BF niya? Alamin!” sabi ng showbis reporter. Nang makita ko ang picture, aba si Robert! Batambata, s
Chapter 66 – An avid acquaintance in BoracayThird day na namin sa Boracay, hindi pa rin nananawa si Steven sa white sand beach ng Boracay. Gumawa pa nga siya ng sand castle habang kinukunan ko naman siya ng video. Nahagip ng video ko ang lalaking gustong kumausap sa akin kahapon. Pero this time hindi na siya lumapit sa akin. Pinapanood na lang niya kaming mag-ina. Kinahapunan ay nag-Boracay Sunset Cruise kami ni Steven para naman makita niya ang sight paglubog ng araw sa Boracay Beach. Kinagabihan ay nagpa room service na lang ako para sa dinner namin ni Steven. Pinaplano ko na ang gagawin namin ni Steven for the next two days dito sa Boracay bago kami tutuloy ng New York nang tumunog ang cellphone ko. “Hello, Ate! Nagpunta dito si Robert! Hinahanap kayo ni Steven. Saan daw ba kayo nagpupupunta?” tawag ng kapatid kong si Tony.“Ano ang sabi mo?” tanong ko.“Sabi ko nagpunta kayo sa Boracay.” sagot ni Tony. “Tinanong pa niya kung sino pa raw ang kasama ninyo. Sabi ko, hindi ko
Chapter 67 – Trevor, a possible boyfriend?Ilang sandali pagkaalis namin ni Trevor ay tumawag si Robert sa kanyang anak. Two days na kasing tawag ng tawag sa aking cellphone si Robert pero hindi ko siya sinasagot . Hinahayaan ko lang na magring ng magring ang cellphone.Finally ay nakausap rin ni Robert ang anak. “Hello, Steven! Nasaan ba kayo ng Mommy mo?” tanong ni Robert.“Daddy, we are in Boracay. We have been here for four days already. Tomorrow afternoon, we will head back to NAIA. You should have been here, Daddy! We took a helicopter ride around the island this morning!” excited na kuwento si Steven sa ama na nawala sa isip na matagal na silang hindi nagkikita o nag-uusap na mag-ama.“Where is your Mommy? I want to talk to her.” tanong ni Robert.“Mommy's not here. She went out with Trevor. But she will be back before midnight.” sabi ni Steven.“What!?! She went out with a man and leaving you alone in your hotel room? And who is this Trevor?”galit na sabi ni Robert.“B
Chapter 68 – Pabalik sa New York.Kinabukasan, maagang tumatawag sa cellphone ko si Robert pero hindi ko pa rin ito sinasagot. Maaga akong nagising dahil aayusin ko pa ang mga bagahe namin ni Steven. Tumawag na lang ako sa room service para sa aming agahan ni Steven. Habang inaayos ko ang mga damit namin ni Steven sa luggage, inalala ko ang pag-uusap namin ni Trevor kagabi. Siguro naman na turned-off na siya sa mga sinabi ko. Tapos na akong mag-ayos ng aming bagahe ng dumating ang aming agahan kaya ginising ko na si Steven para kumain.Maaga pa naman kaya inaya ko si Steven ng maglakad one last time sa white beach upang makalanghap naman ito ng sariwang hangin. Masarap ang haplos ng hangin sa aking mukha. “Ahh mami-miss ko ang lugar na ito.” sabi ko sa sarili.After 30 minutes bumalik na kami sa hotel at binayaran ko na ang bills namin para pag-check out namin mamayang 1pm ay okay na. Pagsapit namin sa aming suite, muling tumawag si Robert. Hindi ko pa rin ito sinasagot kaya sa c
Chapter 69 - New York, New YorkThird day na namin ni Steven sa New York. Tinawagan ko si Uncle Brian ang nag-iisang kapatid ng mga yumao kong foster parents para ipaalam dito na nasa New York kami ni Steven at dadalawin namin siya sa bahay. Sa kanya kasi ipinamana ng kanyang kapatid ang bahay nito. “Hello, Uncle Brian, this is Megan! We are here in New York for a short vacation. Can we drop by at your place tomorrow morning?” bati ko.“Why, hello Megan. What a surprise! You're here in New York?” masayang bati ni Uncle Brian sa akin. “You are always welcome in our home! You can drop by any time tomorrow. Is Steven with you?” tanong niya.“Yes, Steven is with me and he is ecstatic to see you again. We will be there tomorrow, Okay? Bye.” sabi ko.Nang magising si Steven ay inaya ko itong maglakad sa Central Park na nasa tapat lang ng aming apartment building. Sanay ng mamasyal sa Central Park si Steven dahil noong dito pa kami nakatira ay lagi kami sa park tuwing weekends. Pagkag
Chapter 70 – An unexpected phone call.Kinabukasan, tanghali na kaming nagising ni Steven marahil ay dahil sa sobrang pagod namin sa pamamasyal sa museum. Idagdag pa ang emotional heartaches na pareho naming nararamdaman. Ang kinain namin sa almusal ay ang natirang spaghetti at pizza kagabi. Hindi kami umalis ng apartment ng araw na iyon. Inabala ni Steven ang sarili sa pagbabasa ng ebooks tungkol pa rin sa Artificial Intelligence o AI at kapag nanawa na sa kababasa ay naglalaro naman ito ng Mobile Legend. Naglinis naman ako ng apartment at inipon ko ang mga damit namin para dalhin ko sa laundrymat sa ibaba ng building. Marami akong biniling microwavable frozen meals ng mag-grocery kami ni Steven sa Target tulad ng Beef Stew with potaoes and carrots, Chicken flavored rice, Roast Beef with mashed potatoes, Cheddar Brocolli rice, Chicken Alfredo's, at iba pa para hindi na ako masyadong nagluluto from scratch.Alas singko ng hapon habang nanonood ako ng TV ay muling tumunog ang ak
Chapter 71 - Si Trevor nasa New York? Bakit?Nagulat si Steven ng makita niya si Trevor na nasa bahay ng kanyang Grandpa Brian. “Trevor! You're here. How did you know that we are here?” excited na tanong ni Steven.“I don't! I was also surprised when I saw your Mommy. Your Grandpa Brian and I were having a business meeting when your Mommy came in!” masayang kuwento ni Trevor. “I am more surprise when I saw you here! You are a very good swimmer!”“Well, I have been swimming since I was three years old. I learned to to swim in this very pool!” kuwento ni Steven habang nagpapalit ito ng tuyong damit.Natutuwa akong makita na masayang nagkukuwentuhan sina Steven at Trevor. Parang at ease ang anak ko kapag kausap si Trevor.“Lunch is ready!” sabi ni Aunt Meg.Masaya kaming kumain ng tanghalian. Very animated si Trevor sa pakikipag-usap kina Uncle Brian, Aunt Meg at Steven habang nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Nang matapos ang tanghalian ay inalok ni Trevor sina Uncle Brian a
Chapter 72 – Hindi mo ako asawa!Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong maihinga kay Trevor ang mga sama ng loob ko kay Robert. Para akong nabunutan ng tinik. Sa tagal ba naman ng panahon kong kinikimkim itong sakit na nararamdaman ko, magmula pa ng malaman kong buntis ako hanggang sa kasalukuyan ay ngayon ko lang na release ito. Wala kasi akong napaghihingahan ng aking mga problema. Kahit na sa mga magulang ko o kaya ay kay James ay hindi ko nasasabi ang saloobin ko ng buo. Kinikimkim at iniiyak ko lang ang mga feelings ko. Hinayaan lang ako ni Trevor na umiyak ng umiyak hanggang wala na akong mailuha. Tahimik rin lang na nakikinig sa akin si Trevor at hindi niya siniraan si Robert. Bigla kong naalala na hindi na kami nakapag-usap matapos kong maihinga sa kanya ang sama ng loob ko hanggang sa umalis na ito. “Hala! Na turn-off na yata ang tao at umalis na lang. Mabuti na rin yun para wala ng kumplikasyon at makapagpahinga naman ang puso at damdamin ko.” sabi ko sa sarili.Kinabuka