Chapter 68 – Pabalik sa New York.Kinabukasan, maagang tumatawag sa cellphone ko si Robert pero hindi ko pa rin ito sinasagot. Maaga akong nagising dahil aayusin ko pa ang mga bagahe namin ni Steven. Tumawag na lang ako sa room service para sa aming agahan ni Steven. Habang inaayos ko ang mga damit namin ni Steven sa luggage, inalala ko ang pag-uusap namin ni Trevor kagabi. Siguro naman na turned-off na siya sa mga sinabi ko. Tapos na akong mag-ayos ng aming bagahe ng dumating ang aming agahan kaya ginising ko na si Steven para kumain.Maaga pa naman kaya inaya ko si Steven ng maglakad one last time sa white beach upang makalanghap naman ito ng sariwang hangin. Masarap ang haplos ng hangin sa aking mukha. “Ahh mami-miss ko ang lugar na ito.” sabi ko sa sarili.After 30 minutes bumalik na kami sa hotel at binayaran ko na ang bills namin para pag-check out namin mamayang 1pm ay okay na. Pagsapit namin sa aming suite, muling tumawag si Robert. Hindi ko pa rin ito sinasagot kaya sa c
Chapter 69 - New York, New YorkThird day na namin ni Steven sa New York. Tinawagan ko si Uncle Brian ang nag-iisang kapatid ng mga yumao kong foster parents para ipaalam dito na nasa New York kami ni Steven at dadalawin namin siya sa bahay. Sa kanya kasi ipinamana ng kanyang kapatid ang bahay nito. “Hello, Uncle Brian, this is Megan! We are here in New York for a short vacation. Can we drop by at your place tomorrow morning?” bati ko.“Why, hello Megan. What a surprise! You're here in New York?” masayang bati ni Uncle Brian sa akin. “You are always welcome in our home! You can drop by any time tomorrow. Is Steven with you?” tanong niya.“Yes, Steven is with me and he is ecstatic to see you again. We will be there tomorrow, Okay? Bye.” sabi ko.Nang magising si Steven ay inaya ko itong maglakad sa Central Park na nasa tapat lang ng aming apartment building. Sanay ng mamasyal sa Central Park si Steven dahil noong dito pa kami nakatira ay lagi kami sa park tuwing weekends. Pagkag
Chapter 70 – An unexpected phone call.Kinabukasan, tanghali na kaming nagising ni Steven marahil ay dahil sa sobrang pagod namin sa pamamasyal sa museum. Idagdag pa ang emotional heartaches na pareho naming nararamdaman. Ang kinain namin sa almusal ay ang natirang spaghetti at pizza kagabi. Hindi kami umalis ng apartment ng araw na iyon. Inabala ni Steven ang sarili sa pagbabasa ng ebooks tungkol pa rin sa Artificial Intelligence o AI at kapag nanawa na sa kababasa ay naglalaro naman ito ng Mobile Legend. Naglinis naman ako ng apartment at inipon ko ang mga damit namin para dalhin ko sa laundrymat sa ibaba ng building. Marami akong biniling microwavable frozen meals ng mag-grocery kami ni Steven sa Target tulad ng Beef Stew with potaoes and carrots, Chicken flavored rice, Roast Beef with mashed potatoes, Cheddar Brocolli rice, Chicken Alfredo's, at iba pa para hindi na ako masyadong nagluluto from scratch.Alas singko ng hapon habang nanonood ako ng TV ay muling tumunog ang ak
Chapter 71 - Si Trevor nasa New York? Bakit?Nagulat si Steven ng makita niya si Trevor na nasa bahay ng kanyang Grandpa Brian. “Trevor! You're here. How did you know that we are here?” excited na tanong ni Steven.“I don't! I was also surprised when I saw your Mommy. Your Grandpa Brian and I were having a business meeting when your Mommy came in!” masayang kuwento ni Trevor. “I am more surprise when I saw you here! You are a very good swimmer!”“Well, I have been swimming since I was three years old. I learned to to swim in this very pool!” kuwento ni Steven habang nagpapalit ito ng tuyong damit.Natutuwa akong makita na masayang nagkukuwentuhan sina Steven at Trevor. Parang at ease ang anak ko kapag kausap si Trevor.“Lunch is ready!” sabi ni Aunt Meg.Masaya kaming kumain ng tanghalian. Very animated si Trevor sa pakikipag-usap kina Uncle Brian, Aunt Meg at Steven habang nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Nang matapos ang tanghalian ay inalok ni Trevor sina Uncle Brian a
“Walanghiya ka! Malandi! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Ng mga kakilala natin? Ng mga kamag-anak natin? Buntis ka! Dalagang-ina? Doktora ka pa naman! Tangang doktora! Hindi mo ginamit ang pinag-aralan mo!” pasiigaw na sabi ng galit na galit na Tatay ko.”Ikaw pa naman ang inaasahan namin ng Nanay mo na makakatulong sa amin sa pag-aaral ng mga kapatid mo!” dagdag pa ni Tatay. Dahil sa sobrang galit ay napagbuhatan ako ng kamay ng Tatay ko. Magkapatid na sampal na halos ika-walang malay ko ang dumapo sa aking pisngi.“Nasaan ang ama ng magiging anak mo? Wala! Pinabayaan ka na? Hindi namin kilala kung sino ang boyfriend mo! Ni anino ng lalaking iyan ay di namin nasilayan dito! Tapos yan ang sasabihin mo sa amin? Buntis ka?”pasiigaw na sabi ng galit na galit ngTatay ko. Halos marinig ng mga kapitbahay namin ang kaguluhan sa loob ng bahay namin. Ang Nanay ko naman na hindi makapaniwala sa nangyari sa akin ay iyak ng iyak at walang masabi.“Lumayas ka! Layas! Ayaw ko ng m
Ang isang gabing kaligayahang pinagsaluhan namin ni Robert ay saglit lang at napalitan ng lungkot at kaba dahil dalawang buwan na akong walang menstruation. Nag self-testing ako.... POSITVE. Sabi ko baka mali ito. Kaya't nagdesisyon akong magpa-pregnancy test sa isang klinika. Positive pa rin ang resulta. Na-shock ako. “Paano na ang mga pangarap ko? Paano pa ako nagiging isang magaling na doktor? Paano na ang pamilya ko, ang mga kapatid kong pag-aaralin ko pa? Ako pa naman ang pangany sa anim na magkakapatid. Magandang halimbawa ba ang ginawa ko? Nabuntis ng hindi pa kasal? Dalagang-ina? Napaka-tanga ko! Ni hindi pa nga kilala ng mga magulang ko si Robert! Tapos ito?” pagmumuni-muni ko. Nung araw ring iyon, tinawagan ko si Robert at sinabing magkita kami. Nagtatarabaho na si Robert sa isang kilalang Law Firm, ang SyCip Salazar Hernandez & Gatmaitan Law Firm bilang isang Corporate Lawyer. Dalawang taon na syang.pumapasok dito bilang paghahanda sa pag take-over nya sa kanilang mga nego
After almost 17 hours sa eroplano, nasa Pilipinas na kami. Ah..... iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka. Mga hand carry luggages lang ang bitbit namin ni Steven dahil naipadala ko na in advance ang mga gamit namin sa States. Si James Sy, ang aking bestfriend magmula pa noong UP days namin, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin ko dito sa Pilipinas. Isa na syang Senior Partner CPA sa isang malaking kumpanya, ang SGV & Co. na me tie-up sa Ernst & Young LLP / New York. Inasikaso nya ang titirahan naming condo na binili ko, mga basic appliances and furnitures, pati na ang kasambahay na makakasama namin, at iba pa kakailanganin namin dito sa Pilipinas. Sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 kami lumapag, mga 7 o'clock am. Excited na si Steven sa pagbaba ng eroplano. Susuduin kami ni James sa airport at mula dito ay tutuloy na kami sa condo. Maliban kay James, walang nakakaalam ng pag-uwi naming ito. Lalong walang nakakaalam ng tungkol sa anak ko. Sa loob
Namamahay marahil ako at naninibago sa time zone sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kung kaya't hindi ako nakatulog ng maayos. Samantalang si Steven ay mahimbing na ang tulog. Sabado ngayon at alas-kwatro na ng madaling araw. Pumunta ako sa balkonahe ng condo at tinanaw ang kapaligiran. Hmmm... mukha ngang maganda dito at tanaw ang swimming pool sa ibaba mula sa kinalalagyan namin sa 10th floor.Dahil maaga pa, nagpasya akong maghanda na ng almusal, para pag gising ni Steven ay magkakapag-agahan na sya at aayain kong magswimming sa pool sa ibaba. Seven o'clock nagising si Steven at habang nag-aalmusal ay sinabi kong, “Why don't we try out the swimming pool downstairs?” Excited na umoo si Steven kung kaya't alas otso ay nasa pool na kami. Walang katao-tao sa swimming area kaya't para kaming mga bata ni Steven na nag-swimming. Marunong ng lumagoy si Steven, four years old pa lang sya ay nag-aral ng lumangoy sa States.Sa di kalayuan ay may lalaking nagmamasid sa amin. “Akala ko ay maaga