Chapter 75 – Meet my parents Magmula ng malaman ni Trevor kung saan ako nakatira, halos every other night ay dumadalaw ito sa amin. Lagi itong may dalang pasalubong para kay Steven. “Pasalubong na naman? Ano naman iyan? Ako wala?” pabirong sabi ko kay Trevor.“Mga libro tungkol sa basic computer programming lang naman ito. Sobra kasing interested ang anak mo sa topic na ito. Pasalubong mo? AKO!” pabirong sagot ni Trevor.“Ano naman ang paggagamitan ko sa iyo?” tanong kong may pagka pilya.“Well marami! Pero for a start, pwede mo akong halikan!” daring na sagot ni Trevor.Nahampas ko tuloy siya sa braso, “Tama na nga yang mga jokes mo! Kumain ka na?”“Kumain na po ako bago ako tumuloy dito. Nakakahiya namang pakainin mo pa ako dito.” sagot ni Trevor.Kapag pumupunta si Trevor sa amin, mga isang oras lang siya nagtatagal. Pero sa loob ng isang oras na iyon ay mas mahaba pa ang ginugugol niya para kay Steven kaysa sa akin. Sa pagdalaw dalaw ni Trevor sa condo ko sa loob ng anim n
Chapter 76 – Sino ang pipiliin? Yung mahal ko o yung mas mahal ako?Bago kami umuwi ay humingi ako ng paumanhin sa mga magulang ni Trevor dahil sa pagkabigla ko sa proposal ng anak nila. “Don't worry about us. Trevor must love you so much! Ikaw ang unang babae na ipinakilala niya sa amin since his annulment. You must be something special!” sabi ng Mama ni Trevor.“Kahit na po may anak na ako?” tanong ko na may pag-aagam.“We don't care who you are or what you are! So long as you both love each other!” sabi naman ng Papa ni Trevor. “Nakikita at nararamdaman ko na mahal mo rin ang anak namin. You just don't want to admit it!”Sa mga sinabi ng mga magulang ni Trevor sa akin ay nawala ang alinlangan ko sa puso. Sa kotse ni Trevor habang pauwi na kami sa condo ko, “Ano naman ang pinag-usapan ninyo nila Papa at Mama kanina?” tanong ni Trevor.“Secret!” sagot ko ng nakangiti. “Bakit naman hindi mo sinabi before hand na ipakikilala mo kami sa parents mo? Sana ay nakapagprepare ako ng m
Chapter 77 – Baka sumuko na!Patuloy pa rin sa pagpunta sa condo ko si Trevor. Pero this time dumalang na. Yung dating every other day ay naging once a week na lang. Baka busy sa negosyo nila. Biyernes ng umaga, bago ang round ko sa ospital ay tinawagan ko siya. “Hello, Trevor. Busy ba ang schedule mo this evening?” tanong ko.“Nasorpresa naman ako sa tawag mo! You don't usually call me! Free ako this evening. Why?” sagot ni Trevor.“I'll take you out to dinner!” sabi ko.“Ano? Ikaw na ngayon ang nag-aaya sa akin na lumabas tayo?” biro ni Trevor. “Pero parang may sasabihin ka sa akin na hindi ko magugustuhan. Tama ba?”“Just pick me up tonight at seven.” sabi ko. “Bye.” Dahil ako ang nag-ayang magdinner, nagpareserve na ako ng corner table for two sa La Piazza, Okada Manila. Alam ko kasing paborito ni Trevor ang mga Italian food kaya sa restaurant na ito ako nagpreserve. “Steven, Mommy will go out to dinner with Uncle Trevor tonight. You already know the routine, drink your m
Chapter 78 – End of love story ko!Makalipas ang dalawang linggo, tinawagan ko si Sgt. Esguerra, ang bodyguard ni Robert. “Hello Sgt. Esguerra? Kumusta na po si Robert?” tanong ko dito.“Mam, medyo okay na! Hindi na naglalasing at pumapasok na po sa kanyang opisina.” sagot ni Sgt. Esguerra. “Maayos na rin po ang sarili niya. Gusto mo po siyang kausapin?”“Tatawagan ko na lang po siya sa cellphone niya, Salamat po.” sabi ko kay Sgt. Esguerra.Tinawagan ko nga si Robert sa kanyang cellphone, “Hello, Robert? Puwede na ba tayong mag-usap? O busy ka?”Excited si Robert ng marinig ang boses ko. “Matagal ko ng hinihintay ang iyong pagtawag! Kailan? Saan? Isasama mo ba si Steven?” sunud-sunod niyang tanong.“Ako lang mag-isa.” sagot ko sa kanya. “Magkita tayo mamayang 2pm sa Mango Tree coffeeshop. Malapit lang ito sa St. Luke's sa may bandang 7th street.”Nakiusap ako kay Dr. Brianna na siya muna ang pumalit sa akin sa foundation clinic for two hours. Sinabi ko na makikipagkita ako ka
Chapter 79 – Me nangyari ba sa atin?Halos isang buwan na magmula ng makipagbreak ako kay Robert at isang buwan at kalahati na ring hindi nagpapakita o tumatawag si Trevor hindi pa rin ako makakain at makatulog ng maayos. Mas grabeng lungkot at depression ang nararanasan ko ngayon kaysa noon mabuntis at manganak ako kay Steven. Noon kasi ay inabala ko ang isip ko sa pag-aaral para makapasa sa New York Medical Licensure at ng maipasa ko ito ay nagpakadalubhasa naman ako sa Internal Medicine. Ngayon, dahil routinary na ang mga ginagawa ko, papasok si Steven sa school, papasok ako sa ospital at pagkatapos ay uuwi sa condo, walang pinagkakaabalahan ang utak ko kaya lagi ko na lang naiisip ang mga nangyari sa lovelife ko. “Sobrang payat mo na, Megan! Nangangalumata ka pa!” sabi ni Brianna. “Nawawala na ang beauty mo!”“Hindi naman!” sagot ko.“Ang mabuti pa ay sumama ka sa amin ni James na magdinner mamaya. Tutal Biyernes ngayon at weekend na bukas, puwede tayong magdine, drink at mak
Chapter 80 – Meet my Parents.So, kami na ni Trevor. Boyfriend ko na siya! Pero come to think of it! Parang ako ang nagtapat kay Trevor ng aking damdamin. Wala namang masama. Tinulak ko lang siya sa right direction. Naging maganda naman ang resulta!Two months na kaming mag-on ni Trevor. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay ipinakita ni Trevor kung gaano niya ako kamahal. Madalas na niya kaming dalawin ni Steven. Sumasama rin siya sa amin ni Steven kapag nagsisimba kami tuwing Linggo. Lagi rin niya akong tinatawagan tuwing gabi dahil ayaw daw niya akong malungkot. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. Pagkatapos naming mag-usap, hindi nawawala ang “I love you, Megan!”Dahil kami na nga ni Trevor, binangit ko sa kanya nais ko siyang ipakilala sa aking mga magulang. “Ano??? Ipapakilala mo ako sa mga magulang mo? Di ba sa Tondo sila nakatira? Nakakatakot pumunta doon! Maraming mga siga doon!” takot na sabi ni Trevor.“So, ayaw mo?” galit kong sabi. “Kung ayaw mo, e di huwag!”
Chapter 81- Pati ba ako at ang relasyon natin nakaka-burn out din?Halos mag-iisang taon ng nakakulong si Charlotte sa Taguig City Jail habang dinidinig ng korte ang mga kaso niyang frustrated murder na isinampa ko at murder na isinampa naman ni Brian na boyfriend at ama ng kanyang ipinagbubuntis noon. Tumagal ang kaso dahil puro postponement ang nirerequest ng lawyer ni Charlotte. Bago pa lang sa loob ng kulungan si Charlotte ay nalaglag ang ipinagbubuntis niya. Ngayon naman, napabalita na namatay si Charlotte sa loob ng kulungan dahil sa drug overdose. Sa kabilang banda, paminsan-minsan ay tinatawagan ko si Sgt. Esguerra ang bodyguard ni Robert upang kumustahin ang kalagayan ni Robert. Apat na buwan matapos ang hiwalayan namin ni Robert ay tinawagan ko si Sgt. Esguerra, “Hello, Sgt. Esguerra. Kumusta na po si Robert?”“Hello po Mam! Tingin ko po ay okay naman siya di tulad noong una na laging lasing gabi-gabi. Ngayon naman po, subsob po siya sa trabaho. Maaga pa lang nasa opisi
Chapter 82 – Surprise!!!!Birthday na ni Steven. Sampung taong gulang na siya. Unlike last year na bongga ang celebration niya ngayon, dalawa lang kaming magseselebrate nito. Nataong Sabado ang kanyang birthday kaya kahapon ako nagpakain sa mga classmates niya. Sumakto naman sa christmas party nila. As usual nagpadeliver na lang ako ng pagkain galing sa McDo na good for 100 persons. Simple lang, tulad ng fried chicken, spaghetti, fries at drinks. Pinapunta ko rin si Ate Rose sa school para asikasuhin ang pagkain ng mga bata. Tuwang-tuwa naman ang mga classmates at mga teachers ni Steven ayon kay Ate Rose.Nagsimba muna kami ni Steven at pagkatapos ay pumunta kami sa mall para bilhan ko siya ng kahit anong gusto niya para sa kanyang birthday. Alas dos na ng hapon ng makabalik kami sa condo. Pagdating namin ay naghihintay na si Trevor sa amin. May dala siyang balloon arrangement at regalo para kay Steven.“Hi!!! Naligaw ka yata?” sarkastikong sabi ko. “Ang tagal mong nawala!”Tumay