Chapter 80 – Meet my Parents.So, kami na ni Trevor. Boyfriend ko na siya! Pero come to think of it! Parang ako ang nagtapat kay Trevor ng aking damdamin. Wala namang masama. Tinulak ko lang siya sa right direction. Naging maganda naman ang resulta!Two months na kaming mag-on ni Trevor. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay ipinakita ni Trevor kung gaano niya ako kamahal. Madalas na niya kaming dalawin ni Steven. Sumasama rin siya sa amin ni Steven kapag nagsisimba kami tuwing Linggo. Lagi rin niya akong tinatawagan tuwing gabi dahil ayaw daw niya akong malungkot. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. Pagkatapos naming mag-usap, hindi nawawala ang “I love you, Megan!”Dahil kami na nga ni Trevor, binangit ko sa kanya nais ko siyang ipakilala sa aking mga magulang. “Ano??? Ipapakilala mo ako sa mga magulang mo? Di ba sa Tondo sila nakatira? Nakakatakot pumunta doon! Maraming mga siga doon!” takot na sabi ni Trevor.“So, ayaw mo?” galit kong sabi. “Kung ayaw mo, e di huwag!”
Chapter 81- Pati ba ako at ang relasyon natin nakaka-burn out din?Halos mag-iisang taon ng nakakulong si Charlotte sa Taguig City Jail habang dinidinig ng korte ang mga kaso niyang frustrated murder na isinampa ko at murder na isinampa naman ni Brian na boyfriend at ama ng kanyang ipinagbubuntis noon. Tumagal ang kaso dahil puro postponement ang nirerequest ng lawyer ni Charlotte. Bago pa lang sa loob ng kulungan si Charlotte ay nalaglag ang ipinagbubuntis niya. Ngayon naman, napabalita na namatay si Charlotte sa loob ng kulungan dahil sa drug overdose. Sa kabilang banda, paminsan-minsan ay tinatawagan ko si Sgt. Esguerra ang bodyguard ni Robert upang kumustahin ang kalagayan ni Robert. Apat na buwan matapos ang hiwalayan namin ni Robert ay tinawagan ko si Sgt. Esguerra, “Hello, Sgt. Esguerra. Kumusta na po si Robert?”“Hello po Mam! Tingin ko po ay okay naman siya di tulad noong una na laging lasing gabi-gabi. Ngayon naman po, subsob po siya sa trabaho. Maaga pa lang nasa opisi
Chapter 82 – Surprise!!!!Birthday na ni Steven. Sampung taong gulang na siya. Unlike last year na bongga ang celebration niya ngayon, dalawa lang kaming magseselebrate nito. Nataong Sabado ang kanyang birthday kaya kahapon ako nagpakain sa mga classmates niya. Sumakto naman sa christmas party nila. As usual nagpadeliver na lang ako ng pagkain galing sa McDo na good for 100 persons. Simple lang, tulad ng fried chicken, spaghetti, fries at drinks. Pinapunta ko rin si Ate Rose sa school para asikasuhin ang pagkain ng mga bata. Tuwang-tuwa naman ang mga classmates at mga teachers ni Steven ayon kay Ate Rose.Nagsimba muna kami ni Steven at pagkatapos ay pumunta kami sa mall para bilhan ko siya ng kahit anong gusto niya para sa kanyang birthday. Alas dos na ng hapon ng makabalik kami sa condo. Pagdating namin ay naghihintay na si Trevor sa amin. May dala siyang balloon arrangement at regalo para kay Steven.“Hi!!! Naligaw ka yata?” sarkastikong sabi ko. “Ang tagal mong nawala!”Tumay
Chapter 83 - Engaged na kami!Officially engaged na kami ni Trevor. One day after, napalathala ang engagement namin sa society page ng isang pahayagan. Sabi sa artikulo, “Mr. and Mrs. Christopher Tee, Chairman of the Discovery International Corporation, officially announced the engagement of their only son Trevor Tee to Dr. Megan Reyes. The engagement was done on board their yacht while cruising the Manila Bay at sunset.” may kalakip pa itong group picture kung saan kasama namin ni Trevor ang mga magulang namin.Nabasa pala ito ng Mama ni Robert kaya agad niya itong tinawagan, “Robert, nabasa mo na ba ang newspaper today? Engaged na pala si Megan kay Trevor Tee, anak ni Christopher Tee, Chairman ng Discovery International Corporation! Ano ang nangyari sa inyo?” “Anong newspaper ba ito, Mama?” tanong ni Robert.Sinabi ng Mama ni Robert ang pangalan ng pahayagan kaya't nagpahanap si Robert sa kanyang Executive Secretary ng kopya nito. Doon nabasa ni Robert ang detalye ng engagemen
Chapter 84 – Nakabibinging Ungol!Kinahapunan ay nagdinner kami sa Le Chef restaurant na nasa loob din ng hotel. Pagkatapos kumain ay inikot namin ang paligid ng Manor Hotel. Dahil pasko, ang buo paligid ng hotel ay napapalibutan ng sangkatutak na makukulay na christmas lights. Tuwang-tuwa si Steven sa mga nakikita niyang kumukutitap na mga ilaw. Pinuntahan din namin ang bonfire na isa sa mga highlights ng hotel. Noon lang kasi nakakita ng malaking bonfire si Steven. Alas-onse na ng gabi ng makabalik kami sa aming mga kuwarto sa hotel. Inasikaso ko muna si Steven sa kuwarto nila ni Ate Rose bago ako pumasok sa kuwarto namin ni Trevor. Nadatnan ko si Trevor na nanood ng TV. “Okay na si Steven?” tanong ni Trevor.“Oo, inaantok na.” sabi ko. Pumasok ako sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Paglabas ko ay nanonood pa rin si Trevor ng TV kaya nahiga ako sa kabilang kama. “Bakit ka dyan humiga? Dito ka sa tabi ko!” sabi ni Trevor. Lumipat ako ng kama at tumabi sa kanya. “Kaya
Chapter 85 – Kasal-kasalan!Bagong taon, bagong buhay! Sa Corinthian Garden, bahay ng mga magulang ni Trevor kami nagcelebrate ng pagpapalit ng taon. Nagkaroon ng salu-salo ang pamilya nila at gusto ng mga magulang ni Trevor na nandoon kami ni Steven. Ilang araw pa lang magmula ng ma-engaged kami ni Trevor ay tangap na tangap na nila ako. Nasa covered porch na nakaharap sa garden ang handaan. “Kailan ang kasal?” tanong ng Papa ni Trevor sa akin.“Sir, ten days pa lang po kaming engaged ni Trevor!” sagot ko.“Anong Sir? Papa ang itawag mo sa akin.” sabi ng Papa ni Trevor. “Gusto na kasi naming magka-apo kay Trevor. Although may isa na kaming apo, si Kirk na anak ni Teresa. Ay sorry! Nakalimutan ko si Steven!”“Papa, alam mo bang nakapasa sa Philippine Science High School, ang premier high school dito sa Pilipinas si Steven? Ten years old pa lang nasa high school na!” pagmamalaki ni Trevor sa mga magulang niya.“Steven is really an exceptional child!” puri naman ng Mama ni Trevor
Chapter 86 – Custody ng anak ko, kanino dapat?.Ang sulat na aking natanggap ay isang Notice of Mediation/Conciliation Conference. Ang laman ng sulat ay “This is to inform you that our client, Mr. and Mrs Chen, has sought legal assistance for a possible conciliation with you, concerning the legal custody of their grandchild Steven Reyes. You are hereby invited to a conference on the date, time and place indicated herein” “Ano na naman ito? Gusto nilang kunin ang anak ko?” mahina pero galit kong sabi na narinig naman ni Brianna.“Bakit ano ang nangyari?” tanong ni Brianna habang binabasa rin niya ang sulat. “Akala ko ba ayaw sa iyo ng mga parents ni Robert? Bakit ngayon gusto nilang kunin si Steven?”“Tatawagan ko si James. Ang alam ko bukod sa accounting firm nila ay may law firm din ang Sycip.” sabi ko kay Brianna. “Hello James. Di ba sister company ninyo ng Sycip Law? Kailangan ko ng family lawyer. Gustong kunin ng mga magulang ni Robert si Steven!”Tinapos ko muna ang pagl
Chapter 87 – Ayaw ko sa inyo!Sumapit ang araw ng conciliation conference na gaganapin sa opisina ng Cruz-Marcelo Law Office sa Makati ng bandang alas-tres ng hapon. Sinamahan nga kami ni Trevor noong araw na iyon. Naroon na si Atty. Carpio ng dumating kami kaya pinapasok na kami sa conference room ng law office. Dinatnan namin doon ang mga magulang ni Robert na sina Mr. and Mrs. Chen kasama ang kanilang abogado na si Atty. Cruz.Nagpakilala sa isa't isa ang mga abogado namin at ipinakilala ni Atty. Cruz ang kanyang mga kliyente na sina Mr. and Mrs. Chen . Ipinakilala naman ako ni Atty. Carpio bilang ina ni Steven Reyes at si Trevor Tee, bilang fiance ko.“I don't think Mr. Trevor Tee should be present in this conference. The case is between us and Dr. Megan Reyes.” sabi ng Baba ni Robert. “He is not in any way related to the respondent.”“While it is true that I am not related to Dr. Megan Reyes yet, but as her fiance, I am here as an observer.” sagot ni Trevor.Ipinaliwanag ni