Chapter 84 – Nakabibinging Ungol!Kinahapunan ay nagdinner kami sa Le Chef restaurant na nasa loob din ng hotel. Pagkatapos kumain ay inikot namin ang paligid ng Manor Hotel. Dahil pasko, ang buo paligid ng hotel ay napapalibutan ng sangkatutak na makukulay na christmas lights. Tuwang-tuwa si Steven sa mga nakikita niyang kumukutitap na mga ilaw. Pinuntahan din namin ang bonfire na isa sa mga highlights ng hotel. Noon lang kasi nakakita ng malaking bonfire si Steven. Alas-onse na ng gabi ng makabalik kami sa aming mga kuwarto sa hotel. Inasikaso ko muna si Steven sa kuwarto nila ni Ate Rose bago ako pumasok sa kuwarto namin ni Trevor. Nadatnan ko si Trevor na nanood ng TV. “Okay na si Steven?” tanong ni Trevor.“Oo, inaantok na.” sabi ko. Pumasok ako sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Paglabas ko ay nanonood pa rin si Trevor ng TV kaya nahiga ako sa kabilang kama. “Bakit ka dyan humiga? Dito ka sa tabi ko!” sabi ni Trevor. Lumipat ako ng kama at tumabi sa kanya. “Kaya
Chapter 85 – Kasal-kasalan!Bagong taon, bagong buhay! Sa Corinthian Garden, bahay ng mga magulang ni Trevor kami nagcelebrate ng pagpapalit ng taon. Nagkaroon ng salu-salo ang pamilya nila at gusto ng mga magulang ni Trevor na nandoon kami ni Steven. Ilang araw pa lang magmula ng ma-engaged kami ni Trevor ay tangap na tangap na nila ako. Nasa covered porch na nakaharap sa garden ang handaan. “Kailan ang kasal?” tanong ng Papa ni Trevor sa akin.“Sir, ten days pa lang po kaming engaged ni Trevor!” sagot ko.“Anong Sir? Papa ang itawag mo sa akin.” sabi ng Papa ni Trevor. “Gusto na kasi naming magka-apo kay Trevor. Although may isa na kaming apo, si Kirk na anak ni Teresa. Ay sorry! Nakalimutan ko si Steven!”“Papa, alam mo bang nakapasa sa Philippine Science High School, ang premier high school dito sa Pilipinas si Steven? Ten years old pa lang nasa high school na!” pagmamalaki ni Trevor sa mga magulang niya.“Steven is really an exceptional child!” puri naman ng Mama ni Trevor
Chapter 86 – Custody ng anak ko, kanino dapat?.Ang sulat na aking natanggap ay isang Notice of Mediation/Conciliation Conference. Ang laman ng sulat ay “This is to inform you that our client, Mr. and Mrs Chen, has sought legal assistance for a possible conciliation with you, concerning the legal custody of their grandchild Steven Reyes. You are hereby invited to a conference on the date, time and place indicated herein” “Ano na naman ito? Gusto nilang kunin ang anak ko?” mahina pero galit kong sabi na narinig naman ni Brianna.“Bakit ano ang nangyari?” tanong ni Brianna habang binabasa rin niya ang sulat. “Akala ko ba ayaw sa iyo ng mga parents ni Robert? Bakit ngayon gusto nilang kunin si Steven?”“Tatawagan ko si James. Ang alam ko bukod sa accounting firm nila ay may law firm din ang Sycip.” sabi ko kay Brianna. “Hello James. Di ba sister company ninyo ng Sycip Law? Kailangan ko ng family lawyer. Gustong kunin ng mga magulang ni Robert si Steven!”Tinapos ko muna ang pagl
Chapter 87 – Ayaw ko sa inyo!Sumapit ang araw ng conciliation conference na gaganapin sa opisina ng Cruz-Marcelo Law Office sa Makati ng bandang alas-tres ng hapon. Sinamahan nga kami ni Trevor noong araw na iyon. Naroon na si Atty. Carpio ng dumating kami kaya pinapasok na kami sa conference room ng law office. Dinatnan namin doon ang mga magulang ni Robert na sina Mr. and Mrs. Chen kasama ang kanilang abogado na si Atty. Cruz.Nagpakilala sa isa't isa ang mga abogado namin at ipinakilala ni Atty. Cruz ang kanyang mga kliyente na sina Mr. and Mrs. Chen . Ipinakilala naman ako ni Atty. Carpio bilang ina ni Steven Reyes at si Trevor Tee, bilang fiance ko.“I don't think Mr. Trevor Tee should be present in this conference. The case is between us and Dr. Megan Reyes.” sabi ng Baba ni Robert. “He is not in any way related to the respondent.”“While it is true that I am not related to Dr. Megan Reyes yet, but as her fiance, I am here as an observer.” sagot ni Trevor.Ipinaliwanag ni
Chapter 88 – Wedding gowns! Isang problema na naman ang nalampasan ko. Bakit ba lahat ng mga naging problema ko sa buhay ay laging kasangkot o dili kaya ay nakakabit kay Robert. Magmula sa pagbubuntis ko hanggang sa custody kay Steven. Pati nga itong engagement ko kay Trevor ay iniintriga ng mga magulang ni Robert. Ayaw talaga nila akong tantanan gayung kumalas na ako sa kanilang anak! Ano na naman kaya ang susunod?Pebrero na! Malapit na ang araw ng mga puso! Uso pa ba sa akin ang Valentine's Day? Oo naman, kahit 33 years old na ako! Lalo na at engaged na kami ni Trevor. Kaya lang lately, laging busy si Trevor. Nabawasan na ang every other night na pagbisita niya sa amin pero gabi-gabi pa rin niya akong tinatawagan. Ika-3 ng Pebrero, tinawagan ako ni Tricia na samahan ko raw siya ulit sa kanyang couturier na si Jazel Sy sa Maynila, “Ate Megan, samahan mo ulit ako sa couturier ko please, kasi fitting schedule ko mamaya. Susunduin kita mamayang ten in the morning.”Sinundo nga ako
Chapter 89 - The Clueless Bride February 12 alas-otso ng gabi ang bachelorette's party ni Trisha na gaganapin sa Discovery Suites Ortigas, Savannah Hall, sa may 22nd floor. Ayaw ko sanang pumunta dahil baka ma-out of place at mapuyat lang ako. Pero, dahil ako nga ang bridesmaid ni Trisha sa kanyang kasal, dapat daw ay nadoon ako. Wala namang dresscode sa party kaya ang suot ko ay isang black na wide leg backless jumpsuit na tinernohan ko ng black stiletto high heels na sandals. Lumutang ang kaputian ko sa suot kong ito. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok para at least natatakpan ang bare kong likod.Medyo late na akong nakarating sa venue dahil sa sobrang traffic. Nagkakasiyahan na ang mga guest ni Trisha. Ang pinagtakahan ko ay nandoon din sina Dr. Brianna, mga girfriends ng mga kapatid ko at ka-close kong mga duktor at nurses sa St. Luke's. Nandoon din si Teresa na kapatid din ni Trevor. Siguro mga 20 lang kaming guests ni Tricia. Masaya ang party, may kainan at inuma
Chapter 90 - Beautiful in WhitePagkatapos naming mag-agahan, inuna ko munang makaligo si Steven. Pagkatapos kong maligo ay pinapasok ako ni Tricia sa master's bedroom para makapagpa-make-up. Tapos ng mag make-up si Tricia at inayos na rin ang buhok niya. Naka-bathrobe lang ako habang minemeykapan. Buti na lang, bago at sosyal ang kulay beige kong underwear, kung hindi, aba'y nakakahiya! Panay naman ang kuha ng litrato ng photographer habang minemeykapan ako na syang pinagtatakahan ko. “Ba...bakit ako ang kinukunan mo ng litrato??? Di ba dapat si Tricia?” tanong ko sa photographer.“Mam, tapos na po siyang kunan kanina.” sagot nito habang nagkakatinginan sila ng make-up artist.“Light lang na make-up ang ilagay mo sa akin kasi hindi naman ako ang bride.” sabi ko sa make-up artist.“Mam, wala naman pong pagkakaiba kung light o heavy ang make-up. Basta po kasalan, standard na ang pag-apply namin ng make-up. Ang mahalaga po, maganda kayong tignan sa personal man o sa picture.” sabi
Chapter 91 – May kasalanan ka sa akin!Nauna kaming umalis ni Trevor sa simbahan papunta sa wedding reception. Bago kami umalis ay ipinagbilin ko si Steven sa Nanay ko. Pag-upo namin sa limousine, “May kasalanan ka sa akin!” sabi ko.“Ano?!? Ano naman ang kasalanan ko sa iyo? Kakakasal lang natin, inaaway mo na ako?” tanong ni Trevor.“Bakit sinikreto mo pa ang ating kasal sa akin? Alam mo bang lutang ako habang binibihisan ako ng wedding gown kanina at sa biyahe papunta sa simbahan? Hindi ako makapaniwala!” sagot ko. “Akala mo ba tatangihan kita kapag inalok mo ako ng kasal? Hindi ah! Matagal ko ng pangarap ito!”“Sorry na! Nag-panic kasi ako nung sabihin mong babalik na kayo ni Steven sa New York. Kinausap ko ang mga parents ko, pati na sina Trisha at Teresa kung ano ang gagawin ko! Kaya minadali ko ang engagement at kasal natin! Remember Mayor Tolentino? Yung nagkasal sa atin after New Year? Totoo ang kasal nating yun. Mas madali raw kasing ikasal sa simbahan kapag nagpakasal