Chapter 88 – Wedding gowns! Isang problema na naman ang nalampasan ko. Bakit ba lahat ng mga naging problema ko sa buhay ay laging kasangkot o dili kaya ay nakakabit kay Robert. Magmula sa pagbubuntis ko hanggang sa custody kay Steven. Pati nga itong engagement ko kay Trevor ay iniintriga ng mga magulang ni Robert. Ayaw talaga nila akong tantanan gayung kumalas na ako sa kanilang anak! Ano na naman kaya ang susunod?Pebrero na! Malapit na ang araw ng mga puso! Uso pa ba sa akin ang Valentine's Day? Oo naman, kahit 33 years old na ako! Lalo na at engaged na kami ni Trevor. Kaya lang lately, laging busy si Trevor. Nabawasan na ang every other night na pagbisita niya sa amin pero gabi-gabi pa rin niya akong tinatawagan. Ika-3 ng Pebrero, tinawagan ako ni Tricia na samahan ko raw siya ulit sa kanyang couturier na si Jazel Sy sa Maynila, “Ate Megan, samahan mo ulit ako sa couturier ko please, kasi fitting schedule ko mamaya. Susunduin kita mamayang ten in the morning.”Sinundo nga ako
Chapter 89 - The Clueless Bride February 12 alas-otso ng gabi ang bachelorette's party ni Trisha na gaganapin sa Discovery Suites Ortigas, Savannah Hall, sa may 22nd floor. Ayaw ko sanang pumunta dahil baka ma-out of place at mapuyat lang ako. Pero, dahil ako nga ang bridesmaid ni Trisha sa kanyang kasal, dapat daw ay nadoon ako. Wala namang dresscode sa party kaya ang suot ko ay isang black na wide leg backless jumpsuit na tinernohan ko ng black stiletto high heels na sandals. Lumutang ang kaputian ko sa suot kong ito. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok para at least natatakpan ang bare kong likod.Medyo late na akong nakarating sa venue dahil sa sobrang traffic. Nagkakasiyahan na ang mga guest ni Trisha. Ang pinagtakahan ko ay nandoon din sina Dr. Brianna, mga girfriends ng mga kapatid ko at ka-close kong mga duktor at nurses sa St. Luke's. Nandoon din si Teresa na kapatid din ni Trevor. Siguro mga 20 lang kaming guests ni Tricia. Masaya ang party, may kainan at inuma
Chapter 90 - Beautiful in WhitePagkatapos naming mag-agahan, inuna ko munang makaligo si Steven. Pagkatapos kong maligo ay pinapasok ako ni Tricia sa master's bedroom para makapagpa-make-up. Tapos ng mag make-up si Tricia at inayos na rin ang buhok niya. Naka-bathrobe lang ako habang minemeykapan. Buti na lang, bago at sosyal ang kulay beige kong underwear, kung hindi, aba'y nakakahiya! Panay naman ang kuha ng litrato ng photographer habang minemeykapan ako na syang pinagtatakahan ko. “Ba...bakit ako ang kinukunan mo ng litrato??? Di ba dapat si Tricia?” tanong ko sa photographer.“Mam, tapos na po siyang kunan kanina.” sagot nito habang nagkakatinginan sila ng make-up artist.“Light lang na make-up ang ilagay mo sa akin kasi hindi naman ako ang bride.” sabi ko sa make-up artist.“Mam, wala naman pong pagkakaiba kung light o heavy ang make-up. Basta po kasalan, standard na ang pag-apply namin ng make-up. Ang mahalaga po, maganda kayong tignan sa personal man o sa picture.” sabi
Chapter 91 – May kasalanan ka sa akin!Nauna kaming umalis ni Trevor sa simbahan papunta sa wedding reception. Bago kami umalis ay ipinagbilin ko si Steven sa Nanay ko. Pag-upo namin sa limousine, “May kasalanan ka sa akin!” sabi ko.“Ano?!? Ano naman ang kasalanan ko sa iyo? Kakakasal lang natin, inaaway mo na ako?” tanong ni Trevor.“Bakit sinikreto mo pa ang ating kasal sa akin? Alam mo bang lutang ako habang binibihisan ako ng wedding gown kanina at sa biyahe papunta sa simbahan? Hindi ako makapaniwala!” sagot ko. “Akala mo ba tatangihan kita kapag inalok mo ako ng kasal? Hindi ah! Matagal ko ng pangarap ito!”“Sorry na! Nag-panic kasi ako nung sabihin mong babalik na kayo ni Steven sa New York. Kinausap ko ang mga parents ko, pati na sina Trisha at Teresa kung ano ang gagawin ko! Kaya minadali ko ang engagement at kasal natin! Remember Mayor Tolentino? Yung nagkasal sa atin after New Year? Totoo ang kasal nating yun. Mas madali raw kasing ikasal sa simbahan kapag nagpakasal
Chapter 92 - I love you too, Megan! More than life itselfKinabukasan, medyo tanghali na akong nagising. Wala sa tabi ko si Trevor. Lumabas ako sa kuwarto upang hanapin ito. Nakita ko siyang nanood ng TV at sa dining table ay nakahanda na ang aming almusal. “Good morning, husband!” bati ko. “Tinanghali ako ng gising!”“Good morning Mrs. Tee!” sagot naman niya. Oo nga! Ang sarap ng tulog mo!”Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, “Kain na tayo!” Habang kumakain kami tinanong ko si Trevor, “Ano ang living arrangement natin? Saan tayo titira?”“Gusto mo sa bahay ng mga Nanay mo? Joke lang!” sagot ni Trevor. “Naisip ko na yan. Pansamantala, sa condo mo muna tayo titira ng mga one month para hindi malayo sa school niya si Steven. Tutal one month na lang at ga-graduate na siya.”“Makes sense.” sagot ko.“Sa iyo ba ang condo? Baka naman binili para sa iyo ni Robert yun! Nakakahiya naman sa kanya kung doon ako tutuloy!” tanong ni Trevor.“Ano???? Ako ang bumili nun! Si
Chapter 93 – Ha???? Sikreto???Unang gabi ni Trevor sa condo ko. Habang nakahiga kami sa kama ay tinanong ko siya, “Bakit wala tayong Pre-nuptial Agreement? Hindi ba nagdemand ang mga magulang mo na dapat mayroon tayo nito? Baka isipin nilang pera nyo lang ang habol ko! Baka naman sa pagmamadali mong makasal tayo ay nakalimutan mo”“Naisip ko rin iyan. Mayaman kami at malaki ang agwat ng ating kabuhayan. Pero, hindi ko ipagdadamot sa iyo ang yaman namin kung saka-sakaling magkahiwalay tayo. I love you so much at alam kong mahal mo rin ako kahit sabi mo hindi kasing tindi ng kay Robert. Gagawin ko ang lahat para malampasan ko yun. I trust you and I have so much faith in us!” paliwanag ni Trevor.“Awwww... Touched naman ako sa sinabi mo. Pero my ipagtatapat ako sa iyo. Huwag ka sanang magalit. Wala pang nakakaalam ng sikreto kong ito kundi si James lang. Maging ang mga magulang ko ay hindi nila alam ito.” pagkukumpisal kong sabi.“Ha???? Sikreto??? At si James lang ang nakakaalam!!!
Chapter 94 - Gusto mo bang magkaanak tayo?Graduation na ni Steven sa Grade six at siya ang valedictorian ng graduating class. Kasama ko si Trevor sa graduation ceremony ni Steven. Maging siya ay proud na proud sa anak ko sa natamo nitong mga achievements. Bukod sa pagiging valedictorian, si Steven rin ang Best in Math, English, Science at Editor-in-Chief pa ng kanilang school newspaper. Tuwing tatawagin ang pangalan ni Steven para sa kanyang mga awards ay ako ang umaakyat sa stage. Subalit ng si Trevor ang umakyat sa stage para sa pagiging valedictorian ni Steven.“Parang hindi iyan yung asawa ni Dr. Megan.” sabi ng isang magulang na malapit sa kinauupuan ko.“Hindi nga iyan!” sabi naman ng kausap niya.“Iyan ang asawa ni Dr. Megan. Nabasa ko sa diyaryo nung kailan lang ang kasal nila. Nandoon pa nga si Steven.” sabi naman ng isa pang magulang.“E sino yung ipinakilala noong birthday ni Steven? Di ba ang pakilala ng MC ay Daddy and Mommy of Steven?” sabi nung isa pang magulang.
Chapter 95 – The best gift ever!Maligayang maligaya kami ni Trevor sa bagong bahay namin. Subalit, lately parang lagi akong nahihilo at naduduwal tuwing umaga. Ayaw ko rin ang amoy ng kape sa umaga. Ang una at last menstruation ko ay noong March. “Iba na ito!” sabi ko sa sarili.Nang pumasok na sa opisina si Trevor, ay nagpaalam ako kina Ate Rose na may bibilhin lang ako sandali. Pumunta ako sa drugstore at bumili ng dalawang pregnancy test kits at urine sample containers. Pagdating ko sa bahay ay agad kong umihi. Sa kalagitnaan ng ihi ako kumuha ng sample at inilagay sa urine sample container. Dinip ko ang pregnancy test kit sa ihi ng mga sampung segundo saka ko inalis sa ihi at nilapag sa ibabaw ng mesa. Naghintay ako ng sampung minuto para sa result. Dalawang guhit ang lumitaw sa test kit. POSITIVE!!! “ Buntis ako!” masaya kong sabi sa sarili. Subali, bilang isang duktor, nais ko pa ring magpakonsulta sa isang OB-Gyne para makasiguro. Tinawagan ko si Brianna, “Hello, Megan! L