Chapter 70 – An unexpected phone call.Kinabukasan, tanghali na kaming nagising ni Steven marahil ay dahil sa sobrang pagod namin sa pamamasyal sa museum. Idagdag pa ang emotional heartaches na pareho naming nararamdaman. Ang kinain namin sa almusal ay ang natirang spaghetti at pizza kagabi. Hindi kami umalis ng apartment ng araw na iyon. Inabala ni Steven ang sarili sa pagbabasa ng ebooks tungkol pa rin sa Artificial Intelligence o AI at kapag nanawa na sa kababasa ay naglalaro naman ito ng Mobile Legend. Naglinis naman ako ng apartment at inipon ko ang mga damit namin para dalhin ko sa laundrymat sa ibaba ng building. Marami akong biniling microwavable frozen meals ng mag-grocery kami ni Steven sa Target tulad ng Beef Stew with potaoes and carrots, Chicken flavored rice, Roast Beef with mashed potatoes, Cheddar Brocolli rice, Chicken Alfredo's, at iba pa para hindi na ako masyadong nagluluto from scratch.Alas singko ng hapon habang nanonood ako ng TV ay muling tumunog ang ak
Chapter 71 - Si Trevor nasa New York? Bakit?Nagulat si Steven ng makita niya si Trevor na nasa bahay ng kanyang Grandpa Brian. “Trevor! You're here. How did you know that we are here?” excited na tanong ni Steven.“I don't! I was also surprised when I saw your Mommy. Your Grandpa Brian and I were having a business meeting when your Mommy came in!” masayang kuwento ni Trevor. “I am more surprise when I saw you here! You are a very good swimmer!”“Well, I have been swimming since I was three years old. I learned to to swim in this very pool!” kuwento ni Steven habang nagpapalit ito ng tuyong damit.Natutuwa akong makita na masayang nagkukuwentuhan sina Steven at Trevor. Parang at ease ang anak ko kapag kausap si Trevor.“Lunch is ready!” sabi ni Aunt Meg.Masaya kaming kumain ng tanghalian. Very animated si Trevor sa pakikipag-usap kina Uncle Brian, Aunt Meg at Steven habang nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Nang matapos ang tanghalian ay inalok ni Trevor sina Uncle Brian a
Chapter 72 – Hindi mo ako asawa!Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong maihinga kay Trevor ang mga sama ng loob ko kay Robert. Para akong nabunutan ng tinik. Sa tagal ba naman ng panahon kong kinikimkim itong sakit na nararamdaman ko, magmula pa ng malaman kong buntis ako hanggang sa kasalukuyan ay ngayon ko lang na release ito. Wala kasi akong napaghihingahan ng aking mga problema. Kahit na sa mga magulang ko o kaya ay kay James ay hindi ko nasasabi ang saloobin ko ng buo. Kinikimkim at iniiyak ko lang ang mga feelings ko. Hinayaan lang ako ni Trevor na umiyak ng umiyak hanggang wala na akong mailuha. Tahimik rin lang na nakikinig sa akin si Trevor at hindi niya siniraan si Robert. Bigla kong naalala na hindi na kami nakapag-usap matapos kong maihinga sa kanya ang sama ng loob ko hanggang sa umalis na ito. “Hala! Na turn-off na yata ang tao at umalis na lang. Mabuti na rin yun para wala ng kumplikasyon at makapagpahinga naman ang puso at damdamin ko.” sabi ko sa sarili.Kinabuka
Chapter 73 - I am done with him!Isang Linggo makaraang sumugod at magwala sa Robert sa apartment ko sa New York ay naka-uwi na rin kami sa Pilipinas. Sinundo kami ni James at airport. Bago kami umuwi sa condo ay nagpadaan ako kay James sa isang restaurant upang bumili ng Shrimp Salad at Cheesecake. “Ano ka ba naman Megan, pagkain agad ang iniisip mo? Buti hindi ka tumataba! Tingin ko pumayat ka pa nga!” biro ni James.“Paano ako hindi papayat, akala ko makakapag-relax ako sa bakasyon, lalo lang akong na stressed. Ikukuwento ko sa iyo mamaya.” sabi ko. “Kumusta nga pala yung pinapa research ko sa iyong Discovery International Corporation?”“Okay ang kumpayang ito. Steady ang paglaki ng kanilang negosyo at revenue. Hindi lang sila concentrated sa resorts and hotels. May property development, steel, bank at fleet companies din sila. Isang conglomerate ito. Bakit mo naitanong?” tanong ni James.“Wala lang!” sagot ko. “Kumusta naman kayo ni Brianna? Alam ba ni Brianna na susunduin mo
Chapter 74 – Lonely is the night!Isang buwan na ang nakakaraan mula ng makabalik kami ng Pilipinas mula sa New York. Tahimik na ang buhay namin ni Steven dahil hindi na tumatawag o pumupunta si Robert sa condo ko. Pati si Sgt. Esguerra na driver/bodyguard ko na ibinigay ni Robert noon ay pinabalik ko na sa amo niya.Nasa St. Luke's Hospital pa rin ako pero pagkagaling namin ng New York ay nag-submit na ako ng resignation letter na ang effectivity ay sa end of the year. So, mga seven months from now pa naman iyon. “Bakit ka magreresign?” tanong ni Dr. Tan na siyang Department Head ko sa ospital.“Babalik na po kami ng New York!” sagot ko.“What will you do there?” tanong ulit ni Dr. Tan. “Practise medicine! I just renewed my medical license there.” sagot ko naman.“Good for you! Alam mo bang maraming mga doctors dito sa Pilipinas ang gustung-gutong magpractise ng medicine sa States pero hindi sila pinapalad! Napakahirap kumuha ng lisensya doon! Hindi komo duktor ka dito sa P
Chapter 75 – Meet my parents Magmula ng malaman ni Trevor kung saan ako nakatira, halos every other night ay dumadalaw ito sa amin. Lagi itong may dalang pasalubong para kay Steven. “Pasalubong na naman? Ano naman iyan? Ako wala?” pabirong sabi ko kay Trevor.“Mga libro tungkol sa basic computer programming lang naman ito. Sobra kasing interested ang anak mo sa topic na ito. Pasalubong mo? AKO!” pabirong sagot ni Trevor.“Ano naman ang paggagamitan ko sa iyo?” tanong kong may pagka pilya.“Well marami! Pero for a start, pwede mo akong halikan!” daring na sagot ni Trevor.Nahampas ko tuloy siya sa braso, “Tama na nga yang mga jokes mo! Kumain ka na?”“Kumain na po ako bago ako tumuloy dito. Nakakahiya namang pakainin mo pa ako dito.” sagot ni Trevor.Kapag pumupunta si Trevor sa amin, mga isang oras lang siya nagtatagal. Pero sa loob ng isang oras na iyon ay mas mahaba pa ang ginugugol niya para kay Steven kaysa sa akin. Sa pagdalaw dalaw ni Trevor sa condo ko sa loob ng anim n
Chapter 76 – Sino ang pipiliin? Yung mahal ko o yung mas mahal ako?Bago kami umuwi ay humingi ako ng paumanhin sa mga magulang ni Trevor dahil sa pagkabigla ko sa proposal ng anak nila. “Don't worry about us. Trevor must love you so much! Ikaw ang unang babae na ipinakilala niya sa amin since his annulment. You must be something special!” sabi ng Mama ni Trevor.“Kahit na po may anak na ako?” tanong ko na may pag-aagam.“We don't care who you are or what you are! So long as you both love each other!” sabi naman ng Papa ni Trevor. “Nakikita at nararamdaman ko na mahal mo rin ang anak namin. You just don't want to admit it!”Sa mga sinabi ng mga magulang ni Trevor sa akin ay nawala ang alinlangan ko sa puso. Sa kotse ni Trevor habang pauwi na kami sa condo ko, “Ano naman ang pinag-usapan ninyo nila Papa at Mama kanina?” tanong ni Trevor.“Secret!” sagot ko ng nakangiti. “Bakit naman hindi mo sinabi before hand na ipakikilala mo kami sa parents mo? Sana ay nakapagprepare ako ng m
Chapter 77 – Baka sumuko na!Patuloy pa rin sa pagpunta sa condo ko si Trevor. Pero this time dumalang na. Yung dating every other day ay naging once a week na lang. Baka busy sa negosyo nila. Biyernes ng umaga, bago ang round ko sa ospital ay tinawagan ko siya. “Hello, Trevor. Busy ba ang schedule mo this evening?” tanong ko.“Nasorpresa naman ako sa tawag mo! You don't usually call me! Free ako this evening. Why?” sagot ni Trevor.“I'll take you out to dinner!” sabi ko.“Ano? Ikaw na ngayon ang nag-aaya sa akin na lumabas tayo?” biro ni Trevor. “Pero parang may sasabihin ka sa akin na hindi ko magugustuhan. Tama ba?”“Just pick me up tonight at seven.” sabi ko. “Bye.” Dahil ako ang nag-ayang magdinner, nagpareserve na ako ng corner table for two sa La Piazza, Okada Manila. Alam ko kasing paborito ni Trevor ang mga Italian food kaya sa restaurant na ito ako nagpreserve. “Steven, Mommy will go out to dinner with Uncle Trevor tonight. You already know the routine, drink your m
Chapter 145 - Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Maaya ang panahon. Maganda ang pagkakaayos ng garden. Punumpuno ito ng mga kulay puting bulaklak na pinalibutan ng kulay silver na ribbons mula sa aisles hanggang sa gazebo. Nakahilera naman ang mga silya sa magkabilang panig ng aisles na puno na ng mga bisita. Ang mayor ng aming siyudad na siyang magkakasal sa amin ay nasa gazebo na. Handang handa na ang lahat! Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Kakaiba ng kasalang ito, sapagkat sa wakas ay natagpuan ko na rin ang quest for love ko. Ang hinahanap kong wagas na pag-ibig mula sa taong nagkaloob nito sa akin. Siya na ang aking forever! Sina Nanay at Tatay bagamat kapwa 85 years old na ay ay malakas pa at sabay akong ihahatid sa altar. Guwapong-guwapo at maganda ang mga anak kong sina Steven, Taylor at Robert Jr. sa kanilang mga tuxedo at gown dahil sila ang mga abay sa aking kasal. Sa pagkakatayo ko sa dulo ng gazebo ay nagbalik tanaw ako s
Chapter 144 - Sabi pa niya, mahal ka pa rin niya. Pitong buwan na ang tiyan ko. Mukha na akong butete. Tingin ko sa sarili ko ang pangit pangit ko na. Dahil 40 years old na ako ng mabuntis, nag pa-check ako ng prenatal screening for any abnormalities para sa aking ipinagbubuntis. So far, so good naman. Walang any abnormalities whatsoever ang baby. Healthy naman ako at alaga ng aking OB-GYNE na si Dr. Gonzales na siya ring nag-alaga at nagpa-anak sa akin noon kay Taylor. As usual nasisintemyento na naman ako dahil feeling ko ang pangit ko! Contrary sa sinasabi ng iba na radiant and healthy-looking daw ang mga pregnant women. “O, bakit ka nakatulala sa malayo?” tanong ni Robert ng minsang datnan niya akong nakaupo sa aming garden. Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa leeg. “Kasi naman, tignan mo ang itsura ko! Ang pangit pangit! Para na akong butete nito!” malungkot kong sabi. “Naku, Megan! Ang ganda-ganda mo nga!Baka babae ang anak natin!” bola ni Robert sa akin. “Nagpa-ul
Chapter 143 - Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!“Megan?” tawag sa akin ni Robert kaya bumalik ako sa loob ng sala. “Akala ko umalis ka na naman tulad noon!”“Muntik na! Kinakabahan kasi ako kaya ako lumabas sa veranda.” sagot ko. “Huwag na kaya muna nating kausapin ang mga magulang mo? Umuwi na tayo!”“Sino ang uuwi?” dumadagundong na tanong ng Baba ni Robert ng marinig ang pinauusapan namin.“Good afternoon po, Mr. and Mrs. Chen!” bati ko sa mga magulang ni Robert.“Anong Mr. and Mrs. Chen?” tanong ng Mama ni Robert.“Baba and Mama ang itawag mo sa amin!” sabi ng Baba ni Robert. Nakangiti naman si Robert sa mga naririnig at umakbay sa akin.“Baba, Mama! Si Megan po! My wife!” pakilala ni Robert sa akin.Hinalikan nila ako sa pisngi bilang pagtanggap sa akin. Naluha naman ako sa kaligayahan. Finally, tinatanggap na nila ako?“O, bakit ka umiiyak?” tanong ng Mama ni Robert at niyakap niya ako upang aluin.“Luha po ng kaligayahan ito. Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!”
Chapter 142 - Are you done talking to my wife? Araw na ng kasal ni James at Brianna na ginanap sa Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Dumating kami ni Robert sakay ng kanyang BMW SUV. Ang suot ni Robert ay black tuxedo samantalang ako ay naka-A-line cut gown made of chiffon na may soft, draping pleats, sweetheart neckline na strapless at side slit. Kulay champagne ang gown dahil ito ang color motif na pinili ni Brianna. Hindi pa halatang dalawang buwang buntis ako sa suot kong gown. Medyo humaba na ulit ang buhok ko na nakalugay lang. Nude make-up style ang ginawa ko sa mukha ko pero ang kulay ng lipstick ay cherry red. “You look amazing!” sabi ni Robert. “Baka masapawan mo pa si Brianna nyan!” “Hindi naman! Kaya nga light lang ang makeup ko.” sabi ko. Habang kinakasal sina James at Brianna ay napansin ko si Trevor na nakatingin sa akin. Dumalo rin pala siya. Tinanguan ko naman siya baka sabihin niya snob ako. Natapos ang seremonya sa simbahan, sakay ng kotse pap
Chapter 141 - You finally fulfilled your promise to Mommy! We spent three more days in Las Vegas bago kami umuwi sa Pilipinas ni Robert. Tinawagan ko si Steven sa messenger upang ibalita na ikinasal na kami ng kanyang Daddy. Nagtaka si Steven dahil hindi niya nakitang nanligaw ulit sa akin ang Daddy niya. “That's strange. I know Daddy sometimes visits us in the condo but he has been too distant or formal when it comes to you.” pagtataka ni Steven. “Hello, son! Finally! We got married in Las Vegas!” masayang balita ni Robert na sumingit sa pakikipag-usap ko kay Steven at itinaas pa ang kaliwang kamay ko upang ipakita ang engagement at wedding rings ko. “Congrats, Daddy! You finally fulfilled your promise to Mommy!” masayang sabi ni Steven. “I am happy for both of you!” Tumawag din ako kina Tatay at Nanay para sabihing kinasal na kami ni Robert sa Las Vegas. “Nagkatuluyan din kayong dalawa!” sabi ni Nanay. “Hello Tatay. Natupad ko na po ang pangako ko kay Megan! Nagpakasal na
Chapter 140 - “I Do!”Ninenerbiyos nga ako kaya nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako natatakot sa kasal. Ang kinatatakutan ko ang kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin ni Robert pagkatapos naming ikasal. Baka hiwalayan rin!“Megan, do you love me? Do you trust me?” tanong ni Robert sa akin.“I do love you and I trust you!” sagot ko.“So, what is the problem? Do you want to back out?” tanong ni Robert. “Megan, We have waited so long for this thing to happen!”“Natatakot kasi ako na baka sa hiwalayan din ito mauwi.” sagot ko.“Hiwalayan? Ibahin mo ako sa dating asawa mo. Sa tagal ng relationship natin, kailan ako naging unfaithful sa iyo?” tanong ulit ni Robert.“Wala.” mahina kong sagot.“Wala pala! So, hindi ka dapat matakot at mag-alinlangan! Di ba lagi kong sinasabi sa iyo noon, ako ang bahala. Ako pa rin ang bahala sa iyo! Ako ang magdadala ng relasyon natin!” paliwanag ni Robert. “Let's do it!”“Mr. Robert Chen and Miss Megan Reyes?” tanong ng staff ng chapel. “P
Chapter 139 - Huwag na kaya nating ituloy ito?Alas singko pa lang ng umaga, gising na ako. Tulog pa si Robert kaya nagprepare na ako ng aming breakfast, nakaligo, nag-make up at nagbihis ng maong at t-shirt. Hinanda ko na rin ang aking luggage para maaga kaming makaalis ni Robert. Kasal ko ngayon di ba? At saka ko ginising si Robert. May jet lag pa yata ang pobre dahil kahapon lang ng madaling araw ito dumating sa New York.“Robert! Gising na! Ikakasal tayo ngayon di ba?” paggising ko sa kanya.“Ha?!? Ngayon na ba?” gulat na bumangon si Robert. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad niya akong hinalikan sa pisngi. “Saan tayo magpapakasal?” pupungas-pungas pa niyang sabi. “Sa Las Vegas! May quickie marriage doon di ba?” sagot ko. “Bumangon ka na diyan at mag-almusal na tayo! Pagkatapos ay maligo ka na at magbihis ng maong at t-shirt.”“Ganun lang ang suot natin” nagtatakang sagot ni Robert.“Ganun lang! Bilis! Bangon na! 6:30 na ng umaga!” pagmamadali kong sabi. “Sa JFK Internat
Chapter 138 - True love is not defined by physical intimacyHabang hinihintay ko si Robert na bumalik ay nagmuni-muni ako sa mga sinabi niya kanina. “I couldn't care less! Mapapaligaya ba nila ako? It's you that I want and I love you! Now that you are free, I want to marry you!” sabi ni Robert. “Please be my wife?”Ako? Gustong pakasalan ni Robert? Ang mga katagang iyon ang hinihintay ko kay Robert noon. Pero mapagbiro ang tadhana. Dumating si Trevor, na-in love din ako sa kanya! Bakit ko ba minahal si Trevor? Minahal ko siya dahil minahal niya ako bilang ako. Isang dalagang ina, mahirap at hindi siya masyadong mahal. Nang kalaunan, sa mga ipinapakita at ipinapadama niya sa aking pagmamahal at pag-aalaga skay Steven ay minahal ko na rin siya. Isa pa marahil ay ang pagtanggap sa akin ng kanyang pamilya sa kabila ng aking nakaraan. Subalit, ang pagpapakasal ni Trevor sa akin ang pinaka-highlight ng pagmamahal ko sa kanya. Eversince, pangarap ko talagang ikasal sa simbahan na tinupad
Chapter 137 - Do you want a secondhand wife with two kids?Halos dalawang buwan na ako sa New York City. Sa unang buwan pa lang ay natapos ko na ang mga sadya ko dito. Itong sumunod na buwan ay wala akong ginawa kung hindi maghiilata sa aking apartment.Pagising ko sa umaga, kape. Magjo-jogging sa Central Park ng isang oras. Balik sa apartment para maligo at pagkatapos ay magbababad manood ng movies sa TV. Pagsapit ng alas tres ng hapon, kakain ng microwavable food. Alas singko ng hapon, maglalakad-lakad ulit sa Central Park tapos uuwi na sa apartment. Naiiba lang minsan kung maggo-grocery ako ng pagkain at mga essentials. Minsan nagwi-window shopping ako sa Macy's.Ang pinakamahirap ay sa gabi. Lagi akong nag-iisip at nagsisintemyento sa aking nakaraan. Wala talaga akong suwerte sa pag-ibig. Si Robert? Matagal ko siyang hinintay pero nawindang. Si Trevor? Mabilis niya akong pinakasalan pero nauwi naman sa annulment. Ang dalawang ito, pareho nilang sinasabing mahal nila ako. Kung mah