Chapter 53 – Buhay sa Las VegasMaghapon kaming hindi nag-usap ni Robert matapos akong padabog na lumabas ng aming silid. Umalis naman si Robert. “Aba umalis pa! Ano ba yun? Bakit siya nagalit? Nagseselos? Kay James?” tanong ko sa sarili. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan na paglilinis ng apartment. Samantalang si Steven ay nagbabasa ng isang libro tungkol sa isang software. “Ito talagang anak ko, napaka-advance ng mga binabasa.” sabi ko sa sarili.“Naiintindihan mo ba iyang binabasa mo?” tanong ko kay Steven. “Mommy, I am really interested in computer programming. In fact I am trying to create a simple program which will make my drone go to a specific place.” pagmamalaking sabi ni Steven.“Is that so? Go ahead!” Pag-eencourage ko naman sa kanya.Bago magtanghali ay bumalik na si Robert. May dala itong mga Chinese food. “I am back! Bumili na ako ng ating panaghalian at hapunan para hindi ka na magluluto.” sabi niya sa akin.“Do you like Chinese food, Steven?
Chapter 54 – Bakit magkaiba kami ng apelyido?Five weeks na kami sa Las Vegas ni Steven samantalang si Robert ay nakatira na rito ng six weeks. Simple lang ang buhay namin dito. Hindi kami parang mga turista na halos lahat ng casino at tourist spots ay pinupuntahan. Kung maari lang ay sa apartment lang kami lagi. But for the sake of Steven, pinuntahan din namin ang mga atraksyon dito sa Las Vegas na mga pambata tulad ng Ethel M Chocolates Factory and Botanical Cactus Garden kung saan ipinapakita rito kung paano ginagawa ang mga iba't-ibang klase ng tsokolate. Nagpunta rin kami sa Hoover Dam na talaga namang nakamamangha sa laki at ganda.Hindi naman kami laging namamasyal. Nagpupunta rin kami sa grocery para bumili ng pagkain at mga essentials. Si Robert naman kahit nandito sa Las Vegas ay laging naka-video conferencing sa mga tao niya sa Pilipinas. Humihingi siya ng updates sa mga nangyayari sa kanilang mga negosyo lalung-lalo na sa operations and financial aspects.Isang araw, n
Chapter 55 – The Wrath of CharlotteTatlong araw makalipas naming bumalik galing ng Las Vegas may tumawag sa cellphone ko. Hindi registered sa mga contact numbers ko ang tumawag. “Megan! Malandi ka talaga! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Robert. May nakakita sa inyo sa Las Vegas! Kasama nyo pa iyang anak mong bastardo! Humanda ka at may kalalagyan ka!” galit na galit na sabi nung nasa kabilang linya.Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Alam kong si Charlotte ang tumawag. Pero paano niya nalaman ang cellphone number ko? Ipinagwalang bahala ko naman ang tawag na iyon. Noong gabing iyon ay muli na namang tumawag ang unknown caller ko. “Ipapadala ko sa iyo ang ebidensya ng iyong kalandian! Ipapakalat ko ito sa social media para mapahiya ka! Hindi lang ikaw ang mapapahiya, pati na ang anak mo sa pagkadalaga! Kinakalantari mo ang asawa ko! Mang-aagaw!” sigaw nung nasa kabilang linya sabay end ng call. May pinadala ngang photo ang tumawag sa aking cellphone. Kuh
Chapter 56 – Charlotte's Wrath 2Naunang dumating sa presinto ng pulis sa Taguig si James na may kasamang lawyer. Sumunod ay si Robert na may kasama ring abogado. Binati ni Robert si James, “Salamat at nandito ka. Nakita mo na ba si Megan?”“Hindi pa. Nasa investigation room pa.” sabi ni James.Tapos na akong magbigay ng sinumpaang statement at napirmahan ko na ito. Ito ang magiging basehan ng kasong isasampa ko laban kay Charlotte. Nagpa-medical na rin ako sa naka-assign na duktor sa presinto para sa physical injury na kaso. Paglabas ko ay nakita ko na sina Robert at James. Nag-usap kami nina Robert at James. Sinabi ko sa kanila na lawyer na lang na kasama ni James ang gagamitin ko at hindi ang dala ni Robert. Kapag nalaman kasi ni Charlotte na tinulungan ako ni Robert ay baka magwala na ito ng tuluyan. Sinang-ayunan naman ito ni James at pumayag na si Robert.“That being decided, I will immediately file the necessary complaints such as oral defamation, physical injury and atte
Chapter 57 – Charlotte's Wrath 3Gabi na ng dumating ang mga magulang ni Charlotte kasama ang kanilang lawyer sa Taguig Police Station. Kinausap nila ang Desk Officer at sinabi ang kanilang pakay. Pinapunta sila sa visitation room upang maghintay. Di katagalan ay lumabas na si Charlotte na naka-posas. Suot nito ang t-shirt ng mga bilanggo, gulo-gulo ang buhok at may bahid luha pa ang mga mata nito. Agad siyang niyakap ng Mama niya. “Ano ang nangyari anak? Bakit ka nakakulong?” tanong ng Mama ni Charlotte habang umiiyak. Naaawa siya sa hitsura ng anak. Hindi maipaliwanag ni Charlotte sa Mama niya kung ano ang nangyari't nakakulong siya. Alam kasi ni Charlotte na siya ang may kasalanan na dulot ng selos, inggit at galit.Samantala, kinausap naman ng Papa ni Charlotte at ng kasama nitong lawyer ang police in-charge noong gabing iyon. Inalam nila kung ano ang kaso ni Charlotte at nakulong ito. “Patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Charlotte tulad ng oral defamation, alarm and
Chapter 58- Charlotte”s FateNabasa ni Atty. Laxamana ang panibagong kaso ni Charlotte sa pahayagan. Tinawagan niya agad ako sa aking cellphone. “Hello, Dr. Megan? Have you read the news? Nahuli na naman si Charlotte sa kasong frustrated murder. Pupunta agad ako sa Camp Karingal para ipawalangbisa ang kanyang piyansa upang tuluyan na itong makulong. Violation na ito ng kanyang naunang piyansa. She is already a menace! Delikado kung nakakalaya pa ito dahil sa magkasunod na attempted homicide at frustrated murder na mga kaso niya. Hindi natin alam baka may isunod pa siyang biktima!” paliwanag ni Atty Laxamana.“Ganun po ba? Delikado ngang nakakalaya pa si Charlotte.” sagot ko. “Gawin po ninyo ang nararapat, Attorney.”“Dapat ngang makulong na si Charlotte! Baka si Robert na ang susunod niyang gawan ng masama!” sabi ko sa sarili.Nabasa rin pala ni Robert ang ginawa ni Charlotte kaya tinawagan niya ako. “Megan, have you read the news?”“Oo nga. Sobra ng bayolente si Charlotte. Tuma
Chapter 59 – Steven Reyes or Steven Chen?Balik normal naman ang buhay namin ni Steven. Siya sa eskwela, ako sa ospital. Na accelerate si Steven from Grade 3 to Grade 5 samantalang wala pa itong siyam na taong gulang. Patuloy pa rin ang pag-excell nya sa school. Ang tsismis tungkol sa akin dahil sa pagwawala noon ni Charlotte sa ospital ay nawala na rin.Subalit ang relasyon nina Robert at Steven bilang mag-ama ay tila nagkakaroon ng lamat. Hindi na kinakausap ni Steven ang kanyang Daddy at iniiwasan niya ito kapag dumadalaw ito sa condo ko. Hindi na rin sumasama si Steven kay Robert tuwing aayain ito para mamasyal. Nag-umpisa ang ganitong ugali ni Steven mula ng umuwi kami galing Las Vegas, anim na buwan na ang nakalilipas.Nahahalata na rin ni Robert ang pagbabagong ito ni Steven kaya nagdesisyon ako na pag-usapin ang mag-ama. Isang weekend ay inaya ko si Steven papuntang Tagaytay.“Do you want to see Taal Volcano?” tanong ko kay Steven.“Wow! Taal Volcano? When can we go there
Chapter 60 – Dadalo ang mga magulang ni Robert?Disyembre. Malapit na ang birthday ni Steven. Nine years old na siya. Ang bilis ng panahon! Tatlong taon na kami sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon na ito ay samu't saring problema ang aking kinaharap. Nadoong nakidnap si Steven, namatay kuno si Robert at dalawang beses na rin akong muntik-muntikang masawi. Marami rin namang masasayang sandali tulad ng pagkilala ni Robert sa kanyang anak at ang mga di malilimutang mga sandali namin ni Robert. Subalit kailan ko naman makakamit ang minimithi kong pangarap? Ang hinahanap kong wagas na pagmamahal? Yung tatangapin ako bilang ako! “Hayysst, Megan. Dream on!” sabi ko sa sarili.Nobyembre pa lang ay nakahanap na ako ng outdoor/garden venue para sa birthday party ni Steven. Ang Mahogny Farm Events Place sa may Taguig. Malapit din lang ito sa BGC. Ang gusto ko kasing theme para sa birthday ni Steven ay fiesta. Para naman maranasan ni Steven kung ano ang fiesta sa Pilipinas. Kumpleto naman a
Chapter 145 - Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Maaya ang panahon. Maganda ang pagkakaayos ng garden. Punumpuno ito ng mga kulay puting bulaklak na pinalibutan ng kulay silver na ribbons mula sa aisles hanggang sa gazebo. Nakahilera naman ang mga silya sa magkabilang panig ng aisles na puno na ng mga bisita. Ang mayor ng aming siyudad na siyang magkakasal sa amin ay nasa gazebo na. Handang handa na ang lahat! Sa ikatlong pagkakataon, muli na naman akong ikakasal! Kakaiba ng kasalang ito, sapagkat sa wakas ay natagpuan ko na rin ang quest for love ko. Ang hinahanap kong wagas na pag-ibig mula sa taong nagkaloob nito sa akin. Siya na ang aking forever! Sina Nanay at Tatay bagamat kapwa 85 years old na ay ay malakas pa at sabay akong ihahatid sa altar. Guwapong-guwapo at maganda ang mga anak kong sina Steven, Taylor at Robert Jr. sa kanilang mga tuxedo at gown dahil sila ang mga abay sa aking kasal. Sa pagkakatayo ko sa dulo ng gazebo ay nagbalik tanaw ako s
Chapter 144 - Sabi pa niya, mahal ka pa rin niya. Pitong buwan na ang tiyan ko. Mukha na akong butete. Tingin ko sa sarili ko ang pangit pangit ko na. Dahil 40 years old na ako ng mabuntis, nag pa-check ako ng prenatal screening for any abnormalities para sa aking ipinagbubuntis. So far, so good naman. Walang any abnormalities whatsoever ang baby. Healthy naman ako at alaga ng aking OB-GYNE na si Dr. Gonzales na siya ring nag-alaga at nagpa-anak sa akin noon kay Taylor. As usual nasisintemyento na naman ako dahil feeling ko ang pangit ko! Contrary sa sinasabi ng iba na radiant and healthy-looking daw ang mga pregnant women. “O, bakit ka nakatulala sa malayo?” tanong ni Robert ng minsang datnan niya akong nakaupo sa aming garden. Tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa leeg. “Kasi naman, tignan mo ang itsura ko! Ang pangit pangit! Para na akong butete nito!” malungkot kong sabi. “Naku, Megan! Ang ganda-ganda mo nga!Baka babae ang anak natin!” bola ni Robert sa akin. “Nagpa-ul
Chapter 143 - Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!“Megan?” tawag sa akin ni Robert kaya bumalik ako sa loob ng sala. “Akala ko umalis ka na naman tulad noon!”“Muntik na! Kinakabahan kasi ako kaya ako lumabas sa veranda.” sagot ko. “Huwag na kaya muna nating kausapin ang mga magulang mo? Umuwi na tayo!”“Sino ang uuwi?” dumadagundong na tanong ng Baba ni Robert ng marinig ang pinauusapan namin.“Good afternoon po, Mr. and Mrs. Chen!” bati ko sa mga magulang ni Robert.“Anong Mr. and Mrs. Chen?” tanong ng Mama ni Robert.“Baba and Mama ang itawag mo sa amin!” sabi ng Baba ni Robert. Nakangiti naman si Robert sa mga naririnig at umakbay sa akin.“Baba, Mama! Si Megan po! My wife!” pakilala ni Robert sa akin.Hinalikan nila ako sa pisngi bilang pagtanggap sa akin. Naluha naman ako sa kaligayahan. Finally, tinatanggap na nila ako?“O, bakit ka umiiyak?” tanong ng Mama ni Robert at niyakap niya ako upang aluin.“Luha po ng kaligayahan ito. Sa wakas po ay tinanggap nyo rin ako!”
Chapter 142 - Are you done talking to my wife? Araw na ng kasal ni James at Brianna na ginanap sa Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City. Dumating kami ni Robert sakay ng kanyang BMW SUV. Ang suot ni Robert ay black tuxedo samantalang ako ay naka-A-line cut gown made of chiffon na may soft, draping pleats, sweetheart neckline na strapless at side slit. Kulay champagne ang gown dahil ito ang color motif na pinili ni Brianna. Hindi pa halatang dalawang buwang buntis ako sa suot kong gown. Medyo humaba na ulit ang buhok ko na nakalugay lang. Nude make-up style ang ginawa ko sa mukha ko pero ang kulay ng lipstick ay cherry red. “You look amazing!” sabi ni Robert. “Baka masapawan mo pa si Brianna nyan!” “Hindi naman! Kaya nga light lang ang makeup ko.” sabi ko. Habang kinakasal sina James at Brianna ay napansin ko si Trevor na nakatingin sa akin. Dumalo rin pala siya. Tinanguan ko naman siya baka sabihin niya snob ako. Natapos ang seremonya sa simbahan, sakay ng kotse pap
Chapter 141 - You finally fulfilled your promise to Mommy! We spent three more days in Las Vegas bago kami umuwi sa Pilipinas ni Robert. Tinawagan ko si Steven sa messenger upang ibalita na ikinasal na kami ng kanyang Daddy. Nagtaka si Steven dahil hindi niya nakitang nanligaw ulit sa akin ang Daddy niya. “That's strange. I know Daddy sometimes visits us in the condo but he has been too distant or formal when it comes to you.” pagtataka ni Steven. “Hello, son! Finally! We got married in Las Vegas!” masayang balita ni Robert na sumingit sa pakikipag-usap ko kay Steven at itinaas pa ang kaliwang kamay ko upang ipakita ang engagement at wedding rings ko. “Congrats, Daddy! You finally fulfilled your promise to Mommy!” masayang sabi ni Steven. “I am happy for both of you!” Tumawag din ako kina Tatay at Nanay para sabihing kinasal na kami ni Robert sa Las Vegas. “Nagkatuluyan din kayong dalawa!” sabi ni Nanay. “Hello Tatay. Natupad ko na po ang pangako ko kay Megan! Nagpakasal na
Chapter 140 - “I Do!”Ninenerbiyos nga ako kaya nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako natatakot sa kasal. Ang kinatatakutan ko ang kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin ni Robert pagkatapos naming ikasal. Baka hiwalayan rin!“Megan, do you love me? Do you trust me?” tanong ni Robert sa akin.“I do love you and I trust you!” sagot ko.“So, what is the problem? Do you want to back out?” tanong ni Robert. “Megan, We have waited so long for this thing to happen!”“Natatakot kasi ako na baka sa hiwalayan din ito mauwi.” sagot ko.“Hiwalayan? Ibahin mo ako sa dating asawa mo. Sa tagal ng relationship natin, kailan ako naging unfaithful sa iyo?” tanong ulit ni Robert.“Wala.” mahina kong sagot.“Wala pala! So, hindi ka dapat matakot at mag-alinlangan! Di ba lagi kong sinasabi sa iyo noon, ako ang bahala. Ako pa rin ang bahala sa iyo! Ako ang magdadala ng relasyon natin!” paliwanag ni Robert. “Let's do it!”“Mr. Robert Chen and Miss Megan Reyes?” tanong ng staff ng chapel. “P
Chapter 139 - Huwag na kaya nating ituloy ito?Alas singko pa lang ng umaga, gising na ako. Tulog pa si Robert kaya nagprepare na ako ng aming breakfast, nakaligo, nag-make up at nagbihis ng maong at t-shirt. Hinanda ko na rin ang aking luggage para maaga kaming makaalis ni Robert. Kasal ko ngayon di ba? At saka ko ginising si Robert. May jet lag pa yata ang pobre dahil kahapon lang ng madaling araw ito dumating sa New York.“Robert! Gising na! Ikakasal tayo ngayon di ba?” paggising ko sa kanya.“Ha?!? Ngayon na ba?” gulat na bumangon si Robert. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad niya akong hinalikan sa pisngi. “Saan tayo magpapakasal?” pupungas-pungas pa niyang sabi. “Sa Las Vegas! May quickie marriage doon di ba?” sagot ko. “Bumangon ka na diyan at mag-almusal na tayo! Pagkatapos ay maligo ka na at magbihis ng maong at t-shirt.”“Ganun lang ang suot natin” nagtatakang sagot ni Robert.“Ganun lang! Bilis! Bangon na! 6:30 na ng umaga!” pagmamadali kong sabi. “Sa JFK Internat
Chapter 138 - True love is not defined by physical intimacyHabang hinihintay ko si Robert na bumalik ay nagmuni-muni ako sa mga sinabi niya kanina. “I couldn't care less! Mapapaligaya ba nila ako? It's you that I want and I love you! Now that you are free, I want to marry you!” sabi ni Robert. “Please be my wife?”Ako? Gustong pakasalan ni Robert? Ang mga katagang iyon ang hinihintay ko kay Robert noon. Pero mapagbiro ang tadhana. Dumating si Trevor, na-in love din ako sa kanya! Bakit ko ba minahal si Trevor? Minahal ko siya dahil minahal niya ako bilang ako. Isang dalagang ina, mahirap at hindi siya masyadong mahal. Nang kalaunan, sa mga ipinapakita at ipinapadama niya sa aking pagmamahal at pag-aalaga skay Steven ay minahal ko na rin siya. Isa pa marahil ay ang pagtanggap sa akin ng kanyang pamilya sa kabila ng aking nakaraan. Subalit, ang pagpapakasal ni Trevor sa akin ang pinaka-highlight ng pagmamahal ko sa kanya. Eversince, pangarap ko talagang ikasal sa simbahan na tinupad
Chapter 137 - Do you want a secondhand wife with two kids?Halos dalawang buwan na ako sa New York City. Sa unang buwan pa lang ay natapos ko na ang mga sadya ko dito. Itong sumunod na buwan ay wala akong ginawa kung hindi maghiilata sa aking apartment.Pagising ko sa umaga, kape. Magjo-jogging sa Central Park ng isang oras. Balik sa apartment para maligo at pagkatapos ay magbababad manood ng movies sa TV. Pagsapit ng alas tres ng hapon, kakain ng microwavable food. Alas singko ng hapon, maglalakad-lakad ulit sa Central Park tapos uuwi na sa apartment. Naiiba lang minsan kung maggo-grocery ako ng pagkain at mga essentials. Minsan nagwi-window shopping ako sa Macy's.Ang pinakamahirap ay sa gabi. Lagi akong nag-iisip at nagsisintemyento sa aking nakaraan. Wala talaga akong suwerte sa pag-ibig. Si Robert? Matagal ko siyang hinintay pero nawindang. Si Trevor? Mabilis niya akong pinakasalan pero nauwi naman sa annulment. Ang dalawang ito, pareho nilang sinasabing mahal nila ako. Kung mah