Nadulas ako sa loob at labas ng kamalayan. Malabo ang isip ko at manhid ang katawan ko, iyon ay dahil sa nakatulog ako sa malamig na metal sa loob ng isang puting van. Pinabagal ko ang aking paghinga at kinakalma ang sarili hangga't kaya ko. Kahit pa nakahiga ako ngayon na nakatagilid, nakatali ang aking mga braso, paa at bibig. Kasalukuyang nakabalot sa itim na plastic bag ang ulo ko, na may maliit na butas upang ako ay makahinga. Sa pamamagitan ng kakaibang init sa magkabilang panig ng aking mga binti, sa harap at sa aking likod, masasabi ko na may tatlong taong nakapaligid sa akin habang binabantayan ako. Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil matagal na akong hindi nakasakay ng isang van, pero sa ganitong sitwasyon pa. Sa sandaling ito, maayos pa naman ang pakiramdam ko, habang iniisip ko pa kung saan ang punta ng byaheng ito. Matagal din akong nakakulong sa isang bahay na may sekreto at malaking basement sa loob, kasama ko ang iba pang tulad ko na nabili, sa ngalan ng salap
Huling Na-update : 2023-08-01 Magbasa pa