Sa kabilang bahagi ay nag antay pa ako ng isang minuto, pinasunod ko sa kanila ang anim na kababaihan kasama si Lilly.
"Pero Talya, ayaw ko maiwan ka dito... nangako Tayo sa isa't isa na magkasama ano man ang mangyari..." pagsasalungat nito sa akin. "Mauna ka Lilly, kailangan mong maka alis dito, asahan ko na magagawa mo ang iyong misyon." "Hindi ako papayag, kung mananatili ka dito, dito nalang din ako..." sabi nito na nakasimangot ang mukha. "Pero kailangan isa sa atin ang mauunang maka alis dito. Sige na! pangako susunod ako sa inyo." "Ako din Talya, ayos lang sa akin na dito ako.. hindi kita iiwan, di bale nang puro mais ang kakainin ko makasama lang kita..." lumambot ang puso ko na naiinis, at naawa sa dalawang malapit kong kaibigan. "Hangad ko lang ang inyong kaligtasan, pero kung iyan ang inyong nais wala na akong magagawa." sabi ko sa kanilang dalawa. "Kayong lahat pwede na kayong sumunod ako na ang magbabantay para sa inyo, bilisan ninyo. "Bilis! bilis!" mga boses na narinig ko mula sa aking mga kasamahan. Sa kaloob looban ko, sanay gabayan sila ng panginoon at makaligtas sa kapahamakan, sapagkat alam kong malalim at maalon ang dagat, dilikado ito para sa ilan na hindi marunong lumangoy. Mula sa taas ng burol tinatanaw ko ang aking mga kasamahan na sinisikap makatakas sa pamamagitan ng paglangoy sa dagat. Gamit ang salamin, itinutok ko ang nakakasilaw na ilaw sa direksyon nila papunta sa bangka ng isang mangingisda. Sa kasawiang palad, dalawa sa kanila ang nakita kong nakalutang na sa tubig at wala ng malay. Ganoon pa man, ang bangka ng isang mangingisda ay sinisikap ding makalapit agad sa mga kasamahan ko na lumalangoy. "Talya, andiyan na ang bruha!" boses na narinig ko mula sa unahan. "Oo andiyan na ako.." sagot ko. At sa aking paglingon, ilan sa mga kasaman ko na lumangoy ay hinugot na ng isang mangingisda mula sa tubig. "Tara na..!" sunod kong sinabi. Bago tuluyang umalis, ay lumingon ako muli sa bangka. Dalawa na sa kanila ang nakasakay doon, habang ang iba ay nagkusa ng humawak dito. Nag aantay ng tulong. Ngunit ang naturang pangyayari ay kailangan ko nang iwanan, nagtitiwala ako sa kanila na malalampasan nila ang pagtakas. Bumaba kami sa burol at tumakbo pabalik sa "safe house". Nagkunware kami na walang alam at napag usapan din na hindi dapat kami magpapahalata, kahit na ang tuhod ko mismo ay nanginginig na sa takot at kaba. "Nasaan ang iba ninyong kasamahan?" sigaw ni Aling Sonya sa aming tatlo, nang mapansin niyang sigundo na ang lumipas at wala pa sa mga kasamahan namin ang dumating. "Sumagot kayo! kung ayaw ninyong paputukan ko ng baril ang mga taenga ninyo." "Hindi po namin alam Aling Sonya.. nauna lang po kaming dumating dito..." sinabi ko sa mababang boses. Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na napigilang maihi sa sarili kong punit na short-pants. "Lintikan na Sonya, paano natin to sabihin kay Boss Geralt?" sabi ng kasama niyang lalaki. "May iba pang paraan.. e report ko ang iba na namatay, at humanap ka ng ibang batang dayuhan para idagdag sa mga pusang gala na ito.. bwesit!" "Kausapin ko ang mga kasamahan natin, baka makahanap sila sa ibang bayan.." dagdag pa ng isang lalaki. Napaisip si Aling Sonya at bumalik ang tingin niya sa akin. Pagkatapos ay nakikita niya ang pag-ehi ko dahil tumagos ito sa tuhod ko hanggang talampakan. Dahil sa kahihiyan, ibinaba ko ang aking ulo para iwasan ang kanyang mga tingin. Hindi pa siya nakontento, humakbang siya papalapit sa akin at sinabing, "Malalaman ko din ang totoo.." "Oh kayo? halughugin ninyo ang buong Isla, hanapin ninyo saan ang lagusan. Tiyak akong Hindi pa sila nakakalayo, o baka nagtatago lang sa mga burol. Hanapin ninyo!" sigaw ng bruha. "Opo Madam, alis na po kami " magkasabay na sumagot ang tatlong mga taohan, na nagbabantay ng safe house. Lumipas ang isang linggo, hindi pa din nahanap ang iba naming kasamahan. Napabuntong hininga na lang ako at natupad ang aking panalangin. Dito ko mas na challenge ang sarili na kahit sa murang isip ay may nagagawa din ako. Ang akala ko ay tapos na ang mga pamimili nila ng mga bata, nadagdagan kami ngayon ng labing anim, Ilan sa kanila ay di hamak na mas bata ang edad kaysa sa akin. Kaya mas lalong naghihigpit si Aling Sonya sa pagti-train sa kanila. TWO YEARS AND TWO MONTHS ANG LUMIPAS; Lima kami na nasa loob ng puting van, para dalhin sa isang siyudad malapit sa city jail. "Common guys! make it fast. Alalahanin ninyo na kailangan nating matapos ito within 10 seconds!" paalala ng aming team leader. Gamit ang isang "silent gun", pinagbabaril namin ang police, mula sa ekawalong palapag ng isang gusali, malapit sa lugar. Lumabas ang isang lalaking may mahabang balbas sa "police service shuttle" malaya itong nakakilos. Maya maya pa ay may huminto sa kanyang harapan na puting van at doon siya sumakay agad. Siya si Wakam Suwadere ang drug lord na nahuli ng mga autoridad. Ang taong ito ay siyang target namin para itakas mula sa habang buhay na pagkakulong na ipinataw sa kanya ng mga awtoridad. "Sana all, malaya!" sinabi ko. "Million ang halaga ng taong ito, nakita ko ang palitan ng pera kagabi. Ayon sa saksi, doble ang bayad nila kay Don Geralt kapag magtatagumpay tayo sa mission na ito." sagot sa akin ng aming team leader. Sumunod na araw ay sampo kaming ipinadala sa Italy. May malaking agency si Don Geralt Monro sa Manila, kaya mabilis para sa kanya ang makapagpalabas ng tao bilang Overseas Filipino worker. Syempre, lahat ng mga identity namin, ay puro "fake" lahat. "Labing anim na ka tao ang napatay ko, sa tingin mo ba susunduin na ako ni kamatayan?" Tanong ni Tsinoy. "Paano mo nasabi?" "Nakokonsensya na kasi ako Talya, ayaw ko na pumatay. Gusto ko ng tumigil." "Malabo mangyari iyan, pero may binabalak ako kung paano tayo makaalis sa sitwasyon na ito. kunting tiis na lang." Sagot ko sa kanya. Nagbubulungan kami sa gilid habang nakatayo at nag aantay ng ibang customer na darating, soot ang uniform bilang server, ang iba sa amin abala sa pagse-serve samantalang ang iba nasa counter. Isang makalumang mansyon, pero high-tech ang loob ng skulptura dahil sa nakapaligid na laser at magkabilaang "spy camera" Bawat tao na pumapasok at lumabas ay automatically detected ng makabagong teknolohiya, kasama na ang identity nito. Ibig sabihin kailangan, member ka ng group na ito o di kaya, isa ka sa mga VIP. Kinabukasan ng Gabi; "Sigurado ka na ba na kaya mo?" Tinatanong ko si Tsinoy. Nagliligpit ito ng mga gamit niya at nakita ko ang isang kutsilyo na nakasabit sa kanyang tagiliran, at isang baril sa kabila. Siya ay naghahanda para tumakas. "E Ikaw? Sigurado ka bang ayaw mo sumama sa akin?" "Gustohin ko man, pero kailangan isa sa atin ang maiiwan, kung hindi pareho tayong uuwi sa Pilipinas na bangkay." Hindi na siya nagsalita pa, sumilip siya sa bintana upang tingnan ang buong paligid ng nasa baba. Pagkatapos ay bumalik siya sa akin at sinabing, "Pangako Talya, kapag naging maayos ang buhay ko sa labas, hahanapin kita" "Hmm, alam kong magagawa mo. Aasahan ko yan ah!" sinabi ko at niyakap ko siya. "Magkikita pa tayo, pangako.." pabulong niyang sinabi sa akin. Mula sa bintana ay bumaba sya gamit ang isang lubid lamang, pagdating niya sa baba, ay nakita ko siyang sumakay agad sa isang sasakyan na kumukuha ng mga basura. Habang abala ang namamahala sa pagpuslit ng mga basura para ilagay sa malaking trashed truck. Pagkatapos ay bumalik ako sa aking kama at humiga. Para hindi ako mapaghinalaan, nagkunwareng bagong gising lang. "You are Talya?" Ang boses na tumawag sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Alam ko kung sino iyon, ito ang aming pinuno, si Gilbert. Siya ay isang purong Italyano. Alam ko na matagal na niya akong sinusubaybayan, kaya doble ang pagiingat ko laban sa taong addict na ito. "Katapusan ko na" sabi ko sa sarili ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakita ba niya na pinatakas ko si Tsinoy? Umaasa akong wala siyang nakita o napapansin sa akin. "What?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si Gilbert na may seryosong mukha. Dalawang lalaki ang nakatayo sa likuran niya. Ang mga baril ay nasa kanilang baywang. Walang baril si Gilbert sa katawan pero siya ang master ng lahat ng martial arts men dito. Pinilit kong kalmahin ang sarili upang hindi ito maghinala. "How was your sleep?" tanong ni Gilbert sa akin. Bumuntong hininga ako ng ma realize kong wala itong napapansin o naiisip. "Its good" sinabi ko. Ano kaya ang gusto niya sabihin sa akin ngayon? Bulong ko sa aking sarili. "Il capo Gilbert mi ha chiamato, devi tornare nelle Filippine e fare rapporto a lui, ( Boss Geralt called me, you have to go back to the Philippines and report to him.)Makalipas ang dalawang buwan ay may ipinagawa sa akin ang aking amo na si Geralt. Nagtakbuhan ang mga tao sa isang club. Binasag ko ang buntot ng isang empty bottle upang gamitin pang depensa laban sa mga tambay at lasing na mga lalaki. Anim silang lahat kung bibilangin. Napalaban ako dahil sa pambabastos nila sa isang babae. Ang babaeng dancer ay sumasayaw sa gitna, pero dahil sa kalasingan nila ay lumapit sila sa stage at doon hinahawakan ang babae sa braso para hilahin at dalhin sa table nila. Walang sumita sa mga ito na kahit ang manager ng club ay walang nagawa. Ayon sa narinig kong bulungan sa katabing table ang group na ito ay mga taohan ng wakwak gang. Timing, dahil ang group nila ang sadya ko sa lugar na ito. "Ang tapang mo ah, sige! Lumapit ka dito!" Nagsalita ang isa sa kanila, akmang bumunot ito ng baril pero hindi natuloy dahil pinigilan siya ng isa niyang kasamahan. "Pre, babae papatulan mo?" sabi ng katabi niya. "Hahahaha, Pre, pagbigyan mo na baka naghahanap to n
Sa di kalayuan nakita ko ang dalawang unngoy na nilalangoy ang dagat papunta sa pang pang. Sa dami ng na perwisyo nila, sana ay makarating pa sila sa pangpang. Kinabukasan, maaga akong naglakbay sa damuhan, umupo sa isang bato, at pumwesto. Gamit ang isang telescope, ay nakikita ko na ang susunod na mangyayari, unang lumabas ang dalawang guard sa isang warehouse, bantay sarado ang buong paligid at napapalibutan ng CCTV camera, parang may binabantayan ito. Pumwesto ako at inayos ang aking dala na sniper rifles. Halos isang linggo na akong nagmamatyag sa Isla. Ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataon na mahanap ang leader ng wakwak gang, para patayin gamit ang sniper rifles. Isa... dalawa... Within 3 seconds natamaan ko siya sa braso niya, bumilis ang takbo ng sinasakyan nitong kotse. Pangalawang putok, tumama ito sa driver deretso sa ulo. 1 seconds more... Nagpasuray-suray na ang takbo ng kotse sa kalsada. Para sa pangatlong putok, dumeretso ito sa katabi niyang batang lalaki, a
Napalingon ako sa kaliwa, nakita ko na kinakausap nito ang mga lalaki na kasamahan ko. Hindi nalalayo ang edad nila sa akin, ngunit mas marami sa kanila ang mas bata pa. Sila ay nagtitipon sa isang sulok at nakalagay ang mga kamay sa ibabaw ng ulo, habang nakaluhod. Ang iba ay umiiyak at ang iba naman ay tinitiis ang panginginig ng tuhod, malamang kanina pa sila nakaluhod sa sulok na iyon.Akmang tatalikod na sana ako sa mga kababaehan na una kung nilapitan, ngunit may narinig akong boses, isa sa kanila ay biglang nagbangit ng pangalang "Lilly"Muli, lumingon ako sa kanila at iniisa isa sila, confirmed wala nga si Lilly dito. Hindi ako nag-atubiling hanapin si Lilly.Nagtanong ako sa ilang bantay ngunit walang sumagot ng maayos sa akin. Hanggang sa marating ko ang bakuran. Hindi ko alam kung bakit, ngunit malakas ang kutob ko na andoon si Lilly.Lumapit ako doon upang tingnan sana ngunit may nakita ako. Kilala ko ito! kilala ko ang babaeng nakahandusay sa lupa na duguan."Lilly?"Ang p
Muli akong hinila at tumigil kami sa harap ng pinto ng elevator, saka pumasok at umakyat. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nabigo ako sa pagiging cold-hearted, sinanay ko ang sarili na walang emosyon, ngunit sa sobrang lungkot na dinanas ko ay naturuan ko naman ang sarili ko na maging maayos. Bumaba kami ng elevator at kinaladkad ako pababa sa isang hallway. Narinig ko ang mahina at malalim na tunog, ang tunog ng isang musika. Ngunit hindi ko makuha kung ano ang lyrics ng kanta. Sa pagbukas ng pinto ay sumalubong ang tunog na umabot sa aking mga tainga. Hinila ako papasok sa bagong kwarto, mala-silver ang tiles at may kadiliman ang pinturang gray sa paligid. Itinulak nila ako kaya muntik na sumubsob ang mukha ko sa sahig. Sa sobrang kintab ng sahig na iyon ay sinasalamin nito ang sarili ko. "Halatang napaglipasan na nga ako ng panahon, nagbago na ang itsura ko" ang sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa sahig. "Finally! my precious gift had arrived on ti
Binenta ka na nga, tatawagin ka pang "whore?" Masakit yon ah? napakatalim na salitang iyon. Nagflash sa isip ko ang mga nkakatakot na alaala. Nag sagged ako, habang sinusubukan kong huwag magkaroon ng isang panic attack. Dahan dahan akong huminga ng malalim. Batid ko na hindi ngayon ang tamang panahon, ang mahalaga huminga pa ako. "In fact she is a pathetic person, but she is part of our property, the property of Monro Mafia. She's worth millions," Ang pagkarinig ko na sinabi ni Geralt, naguluhan ako sa ganoong salita. "If that's the case, can you explain?" demand ng anak. "Her name is Talya, she's a great woman that I considered. The most trusted person in my business here in the Philippines. Without her, my business can't survive alone." Paliwanag ni Geralt. "How would I know that?" "Well, check on her, you will know!" napatingin si Oliver Monro sa akin kagaya ng sinabi ni Geralt. "She has a net worth amounting of five million pesos, guess what? I trained her to be a
Hinawakan nila ang mga braso ko at inakay ako paakyat ng hagdan pero humiwalay ako sa mga lubid at hinawakan ang ulo ng isang lalaki, bashing it into my lifted knee. Sinubukan akong suntukin ng isa sa likod ko, pero nauna akong bumaba, gamit ang bigat niya at ang akin, para hilahin siya pababa at sa ibabaw ng likod ko. Kaya mas naunang nabasag ang mukha niya sa sahig. Nagkaroon ako ng chance, na lumiko at pilit na tumakbo para maka alis dito. Ngunit may biglang dalawang malakas na braso ang biglang bumalot sa aking baywang. Hinila ako sa mabilis na paraan at inihagis niya ako paitaas. Kaya ang katawan ko ay nakatihaya sa kanyang kanang braso at sumimplang sa likod niya ang ulo ko. Ramdam ko ang sobrang sakit sa likod ko, na sa posisyong ito ay parang bali-bali na lahat ang buto ko. Nahirapan sa pagkakahawak ang nakahuli sa akin, ngunit hindi ako nanalo sa sakit na aking dinanas. Mas malala pa ang pakiramdam ko ngayon. Hinila ako paakyat ng hagdan, wiggling at sipa hangga't kaya
"Para sa kapakanan ng isang kulot na ito! Ikaw ba ay desperado na dumating ka nang kalahating hubad?!" Nagsalita si Alexa. Kung may baril lang ako ay dalawang bala ang ilalagay ko sa bibig niya. Ipinatong ko ang kamay ko sa balakang ko at binigyan siya ng tingin. Namumula ang mga pisngi niya at nagningning siya ng husto sa akin. "Oh andiyan ka pala," sabi ng isang babae na pumasok bigla sa kusina na may hawak na isang bungkos ng mga nakatiklop na damit. Maputla siya at masasabi ko sa pilit niyang ngiti na kinakabahan siya at hindi mapakali. "Kanina pa kita hinahanap. Lumabas ka ng kwarto at... well never mind na. Ang mga damit na ito ay para sa iyo. Wala akong time na ilagay sila sa room bago ka lumipat," paliwanag niya na iniiwasan ang eye contact sa lahat ng nakalantad kong kayumanging balat. Kinuha ko ang damit sa kanya at lumabas ng kusina na nakataas ang ulo. Wala akong dapat ikatakot. "Paglabas mo, baka naka-hubad ka pa rin ah? hahaha." Narinig ko ang sinabi ni Alexa hab
"Il contatto dice che appartieni alla famiglia Monro; questo è ciò che Geralt ha scelto di darti (The contact says you belong Monro Family; that's what Geralt chose to give you) "sunod na sinabi ni Oliver. Habang iniisip ko ang sinabi niya ay nagpatuloy ako sa pagbabasa kontrata. Tama siya. Pag-aari niya ako at ang kanyang mafia. "Selling you is easy but again, I want to know what makes you special. My father secretly took millions from the mafia and invested them in a secret project he called "Silver Sky", That's why I'm here in the Philippines" and sunod niyang paliwanag. Huminto siya sa kakalakad at umupo sa harap ko, inaangat niya ang kanyang kanang paa para ilagay ito sa number 4 na posisyon. Kumikinang ang formal black shoes nito sa aking harapan. "But the question is: why would he invest millions in you? Where have you been for the past two years? And why did you come back?" sunod na katanungan niya habang striktong nakatingin sa akin nang tuwid. Bahagya akong tumingala upa
Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang
"The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an
Ang lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi
Hinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.
Nagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon
"Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa
Kasama ang anak ko, ay dinala kami ni Big Boss sa rest house ng banana plantation. Ngunit bago huminto ang sasakyan sa driveway, ay wala akong nakitang kakaiba. Ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalye ay may puti at itim, sa pagkakaalam ko, walang laman tao ang mga ito sa loob.Napatingin ako kay Tantan, nagpakita ako sa kanya ng aking matulis na tingin. Hindi ko nagustuhan na narito siya ngayon sa rest house at masama ang kutob ko tungkol sa kung ano ang usapan nilang dalawa ni Big Boss."You two wait for me in the terrace, I will call Jayson first." sinabi ng matandang hapon at umiwas naman agad sa akin si Tantan.
Kung tutuusin wala na sanang naging problema sa aming dalawa ni Oliver. May galit man ako, pero ramdam ko ang pangungulila ko sa kanya. Hindi kaya ay dahil sa buntis lang ako?Nakakaiyak lang kasi, kung sino pa yong gusto kong makasama, ay siya rin namang wala sa tabi ko. Marahil ay hindi talaga kami para sa isa't isa.Habang tulala, napansin ko ang maliit na box, kulay asul ito na tila gawa sa tanso. Pinalamutian ito ng dragon sa labas bilang desenyo. Ito ay nakalagay sa maliit na desk, sa harap ng kanyang kama. Kinuha ko ito at dinala sa condo unit kung saan ako nakatira. Pagdating ko doon ay sinulatan ko ang naturang box na "All of our things, is all about love"
Bansang ITALY - January 11, 2024 (POV)Sinundo si Oliver Monro ng mga taohan ni Don Geralt Monro sa Airport. Matapos makatakas sa gusali na kanyang pinagtataguan, at iyon ay ang gabing nabaril si Talya. Nailagay pa sa alanganin ang buhay niya para magtago doon, sapagkat ang landas nilang dalawa ni Talya ay muling pinagtagpo.Ngayong nakatakas na si Oliver Monro ay haharapin na rin niya muli, ang kanyang ama upang komprontahin ito, sa nangyaring hindi makatao noong siya na ang namamahala sa negosyong mafia sa Pilipinas, lalo na sa Isla ng Siargao. Pati na ang mga malalapit na mga investors nito sa asya. Tila isa siyang secret agent na nagiipon ng mga ebensiya."Welcome home my son!"Ang magiliw na pagbati ng isang ama, na namimis ang anak. Nakangiti ito sa kanyang katandaan na itsura.Nakaupo sa kanyang tabi ang kanyang asawa na si Ginang Amalia, ang Ina ni Oliver. Naging maayos din ang lagay nito at natutuwang makita ngayon ang anak na naglalakad papasok sa kanilang malaki at magarbon