Speaking of a mafia boss, sila ang bumuo at bumuhay sa akin, ngunit hindi ko gusto ang pamamaraan nila kaya ngayong malaya na ako. Oras na para magpasya, at maghanap ng ibang amo.Saglit akong natahimik, hindi ko namalayan na napatulala na ako habang nakatitig sa screen ng computer.Sinubukan kong magbukas ng bagong tabNag type ako ng taong gusto kong alamin, like family background pati na ang kapayangyarihan meron ito."Oliver Monro"then click search...Nag scroll ako sa mga ilang resulta, tiningnan ang lahat ng impormasyon na makikita ko tungkol kay Oliver Monro.Unang napag alaman ko na hindi nakatira sa bansa si Oliver. Lumaki ito sa Italy Kasama ang isang kapatid ng kanyang Ina. Ayon sa report na nakalagay, siya ay inakusahan ng pandaraya. Ito ay isang maliit na kaso na para sa ilang kadahilanan ay hindi nabura. Alam kong magulo at mahigpit si Oliver kaya hinayaan niyang lumipas ang ilang mga bagay.Nagbukas ako ng isa pang tab at naghanap ng iba."Blangko."Lumabas na blangko
Ang isang batang babae ay maaari lamang magpanggap na hinahangaan ang kanyang sarili sa harap ng salamin.Para nga akong bata, nag-aaksaya ako ng oras dito sa harap ng salamin. Habang ang Ginang na aking binabantayan sa pamamagitan ng salamin, ay bumalik para sa pagpipili ng mga damit sa isang bahagi ng branded na shorts at t'shirt, na sa totoo lang ay dalawang sukat na napakaliit para sa kanya.Pinagmamasdan ko siya dahil siya lang ang daan ko palabas ng tindahan na ito. Ang kailangan lang niyang gawin ay subukang lumabas ng tindahan o di kaya ay magtungo sa counter para magbayad. Nagpasya akong maglagay ng floral shirt sa denim jacket ko. Maaaring ito ay kapaki-pakinabang.Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga racks, at kasalukuyan pa ring nakatingin sa Ginang.Tulad ng nararamdaman ko, ang Ginang ay nangtungo malapit sa exit. Dali dali akong nagpunta sa kabilang banda. Ngumiti ang babae habang nakatayo sa kaharap na isang cashier. Sila ay malapit sa pinto.Sigundo pa lan
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Napahawak ako sa aking leeg at minamasahe ito."Ayos lang ako, kasalanan ko ang nangyari kaya ito ang inabot ko," ang paliwanag ko sa lalaking naka corny suit. Walang emosyong tumabi sa akin si Oliver. May dugo na tumalsik mula sa akin. At ang lalaking naka soot ng corny suit ay nagsalita, "Papasok pa lang ako sa trabaho at ito pa ang una kong masasaksihan?"Isang pilit na ngiti sa aking mukha. Ipinakita ko ito sa lalaki bilang totoong reaksyon ko, habang pinaikot-ikot ko ang aking mga mata, kailangan ko ng tulong niya. Sobrang pagsisisihan ko na talaga ito kapag nahuli ako ni Oliver."I'm sorry this is just a misunderstanding, There's nothing going on here," ang sabi ko sa kanya."Sigurado ka?" Seryosong tanong ng lalaki, halatang nag aalinlangan ang itsura nito sa nakikitang sitwasyon ko."Opo. ang boyfriend ko dito ay nangungulit lang.. kaya nadapa ako" sabi ko na may mahiyaing ngiti habang nakatayo malapit kay Oliver, inilapat ko ang akin
"You are the first ugliest monster I have ever seen in my entire life." ang sabi ko sa mayabang na ito na ang sarap kaltukan sa ulo. "Really, why not join me here and let's see if I am that ugliest monster?" sagot niya sa akin habang nakatayo pa rin malapit sa swimming pool. Ang pool na iyon ay may kalaliman. Natatandaan ko ang baril na tumilipon doon last night habang nakipaglaban ako sa ibang taohan, sana nga lang ay wala pang nakakuha doon, balang araw magagamit ko din iyon. Habang si Oliver ay patuloy na nang aasar sa akin, ay tinaasan ko siya ng kilay, at sinabing, "malunod ka sana diyan!" sabay talikod at umalis ng balcony. Nakaka asiwa tingnan ang katawan niya. "What did you say?" Ang boses na narinig ko mula sa kanya. Marinig man niya ang binangit ko pero hindi niya maintindihan iyon. Pero sa totoo lang, napangiti ako sa aking isip, na hindi maitatangi na napakagwapo niya at nakakaakit. Totoo naman talaga na kung titingnan mo ang kanyang pangangatawan, tindig at mga ngitia
"Hahahaha.. " Nakakarinig ako ng mga pagtatawanan ng mga babae, bukod sa musika na parang nakaka-excite pakinggan. Halatang may aliwan sa loob ng kwarto base sa aking pagkaintindi. Pero bakit hindi ko naririnig ang boses ni Oliver? "What are you doing?" Isang boses ang naririnig ko mula sa aking likuran. "Psstt" sabi ko na tinaas ang kamay na nakabukas ang palad, hindi tumutingin kong sino ang nagsasalita. Sa unang pagkarinig ko ay boses ng lalaki iyon na akala ko ay ang kusinerong chismoso kaya sinaway ko siya. Ramdam ko na lumapit ito sa akin, bahagyang idinikit ang katawan niya para lang marinig kung anong pinapakinggan ko. Inilapit din niya ang kanyang taenga sa pinto na may pagka- chismosong nakikinig din. "Ano ba, dumistansiya ka nga.." ang inis kong pagkasabi dahil naiipit ang mukha ko sa gilid, at hindi ako komportable, syempre dahil mas matangkad ito sa akin. Salamat naman at pinagbigyan niya ako. Hinayaan niya akong makinig mag isa, hanggang sa napagtanto ko na ang ku
Nabulunan ako sa aking pag inom ng kape dahil sa narinig. Hindi ko sukat akalain na magsisinungaling si Oliver pagdating sa sariling secretary niya. Gusto ko na sana tumayo para iwasan ang tanong na iyon. Pero parang may pumipigil sa akin. "Lumabas ako ng kwarto kagabi dahil nauhaw ako, nakita niya ako sa hallway," sabi ko pero ang totoo ay nakinig talaga ako sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto. "Sinabi ni Boss na sasamahan kita para bumili ng mga gamot mo sa labas bukas, bukod doon may pupuntahan tayo, eto lang ang paalala ko sayo, oras na tatakas ka uli babarilin na kita, ganon lang ka simple ang sasabihin ko kay Oliver at natitiyak kong maniniwala siya sa akin," Hindi na ako nagsalita pagkatapos ng mga sinabi niya. Siguro tama ang tsismis na may something sa dalawa na si Alexa at Oliver, halatang mahangin ang laman ng utak. Tumayo na ako para umalis ng kusina. Pero hinabol ako ni Alexa at tinulak niya ako. Bahagya akong tumagilid sa aking pagkatuwid na paglalakad. "Hoy! baka n
Sumandal ako sa leather seat, habang tinitingnan isa-isa ng mata ko ang menu ng pagkain."You can't expect me to eat here do you?"Naiinis na tanong ni Alexa habang tinatakpan ng kanyang mga mata ang bawat pulgada, ng maliit na kainan na aming kinaroroonan.Ang sahig ay may itim at puti na mga tile, ang mga booth ay may pulang upuan at mga lumang kahoy na mesa sa pagitan ng mga ito. Parang margarine ang amoy dito. Medyo mainit ang hangin at parang masikip ang lugar dahil sa siksikan.Lahat ng tao na kumakain dito ay nasisiyahan, tulad ng gusto ko noon. Ugaling Filipino, mahilig sa masarap na ibat ibang putahi. Napatingin ako sa isang chief cook na nakita ko sa malaking mirror in the wall, ito at napapaloob sa counter. Nakikita ko kung paano niya sinisikap na gawing malasa ang bawat pagkain na ihahain. Ang pagod, init at mahabang pasensya ay walang katumbas na halaga. Siya ang susi para maging successful ang negosyong ito.Ngunit paano naman ako? pweding rin kaya akong maging susi for
"Saan ang punta ninyo?" tanong ko sa lalaking bakla na tagaluto. Kasama niya ang tatlo pa niyang kasamahan na pawang mga katulong sa mansyon. Nakasalubong ko ang mga ito sa hallway na bihis na bihis. Ang kanilang mga kasootan ay parang dadalo ng isang party, na tila nagpabongahan sa kanilang summer outfit."Rest day namin ngayon, kaya pinayagan kami ni Madam Amalia na mag beach!" Ang maarting sagot nito. Itinaas ang kamay sabay kembot ng bewang."Ahh, nakakatuwa naman.. enjoy kayo ah!""Salamat.. alis na kami.." sagot niya. Hindi na nagsalita ang mga kasama niya pero nginitian nila ako.Bumalik ako sa aking kwarto upang magpahinga. Para akong nilalagnat, uminom ako ng gamot saka natulog kahit ang oras ay nasa tanghaling tapat.Nang magising ako, ang oras ay nasa alas dos na ng hapon. Nagiisip ako kung ano ang aking gagawin. Lumabas ako ng kwarto, naisip ko magpunta sa sala, ngunit ayaw ko makita ang pagmumukha ni Oliver kaya nagpunta na lamang ako sa kusina at naisipan na doon nalang
"Talya! gising!" Boses na tatlong beses kong naririnig. Tila isa itong panaginip. Ngunit nagbukas ang aking memorya sa nakaraan, nawalan pala ako ng malay ng iniwan ako ni Oliver sa kawalan. Iniunti-unti kong binuksan ang aking mga mata kahit na may panghihina at sakit na nararamdaman sa buo kong katawan. Ngayon nagising na naman ako sa katotohanang pagkakamali ko sa taong pinagkatiwalaan. "Saka ka na magpaliwanag, ilalayo na muna kita dito" sabi niya na hindi ko pa maklaro ang kanyang pagmumukha. "Tulungan mo ako.." sinabi ko na parang nasusuka at hilong hilo pa sa nangyari. Nahimasmasan na lamang ako at bumalik ang aking katinuan, ng magising ako kinaumagahan na. Unang tumambad sa aking harapan ang mukha ng dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana, ang tumulong pala sa akin para makaalis ako sa lugar na iyon. "Buti nalang talaga! hindi ka na puruhan doon" pagaalalang sinabi sa akin ni Luciana. Hindi ako makaimik. Ang katotohanan ay bukod sa nakatulog ako ay pinagtatadya
“Oliver stop..” pakiusap ko ngunit tila hindi nito naririnig ang aking sinabi. Sa aking pagsisikap na makaiwas sa pagkakahawak nito, hindi sinasadyang naidiin ko ang sarili laban sa aking pagpukaw, na pilit na pinipigilan ang sarili mula sa pagiging marupok. Isang malalim na paghinga ang kumawala sa kanyang mga labi, habang ako ay likas na umatras, ngunit handa na siya sa aking mga reaksyon. Tanging isang ngiti lang ang ipinakita niya sa kanyang mukha. Sa isang sinasadyang paggalaw, ang kanyang daliri ay nakipagsapalaran sa nagiinit kong katawan, at ito ay nagdulot ng isang tugon na nagpapataas ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Pinagod ni Oliver ang kanyang daliri sa kanyang pagnanasa. “My father, hid something from me. It is the most important thing I want to have before I leave the Philippines.”sinabi niya na pansamantalang tumigil. “What are you talking about?” tanong ko at kagat-labing napapikit ang mata saglit dahil sa muling pagmasahe ng kanyang kamay sa aking mga u***g.
Sa kagustohan kung lumayo kay Oliver Monro, hinarang naman ako sa lobby ng kanyang dalawang taohan na ngayon ko lang nakita. Pareho silang nakatingin sa akin. Ngunit agad akong nabahala ng mapansin na tumatagal ang titig nila sa dibdib ko. Napakunot-noo ako at sinabing, “Padaanin ninyo ako..” Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa. “Nawawala po ata kayo Miss..” sagot ng isang lalaki sa bandang kanan, sabay himas sa kanyang bewang kung saan naka-pwesto ang kanyang baril. “Paano ka nakapasok dito..?” Tanong naman ng isang lalaki na nakatayo sa bandang kaliwa ng aking harapan. “Hindi ko na kasalanan kung mahina ang seguridad ninyo sa pagbabantay, kaya pala madali kayong malusob ng mga kalaban.” deretsahang sinabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" maangas na tanong ng isa sa kaliwa. Sinubukan niyang lumapit sa akin at itinaas ang kanang kamay. Mabuti na lang at ako ay mabilis na nakailag bago paman niya maabot ang hibla ng aking buhok. "Malamang! ang amo nyo ang kailangan ko, at wal
"Talya....a. anak.." Sigaw niya na hirap sa paghabol ng hininga. Nagawa pa nitong ngumiti na alam ko na napipilitan lang itong ipakita sa akin, na wala siyang nararamdaman. Namumula ang kanyang pisngi mula pa kanina, ngunit sa bawat sigundong lumipas, ang kanyang labi ngayon, ay unti unting namumutla. Pakiramdam ko, huminto ang mundo ko habang tinititigan ko siya. Hindi ako maka-react agad, batid ko na naunahan ako ng pagkamuhi, galit, at ngayon ay gulat na gulat. Hanggang sa nasaksihan ko ang pamu-muo ng mga luha mula sa kanyang mga mata, dumadaosdos sa kanyang pisngi, hanggang sa pumatak ito sa lupa. "Mm..maaa..." "Ma..ma....." aking sigaw. Tumakbo na ako para lapitan siya. Hanggang sa bumagsak sa lupa ang katawan ng aking Ina, mabuti na lamang at nasalo ko pa ang ulo niya. Marahan kong ini-angat ang ulo niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Saka ko pa lang nararamdaman ngayon, ang bigat mula sa kaloob loob ko. "Ma..." sambit ko. Naluluha na ako habang pinagmamasdan ang
"I thought I would never see you again..." Sinabi ko habang nakatingin sa bintana. Nang maramdaman ko ang isang mainit na paghinga ay napalingon ako kay Oliver, na nagbukas nang napakaganda niyang mga mata. Mahinhin ang kanyang mga tingin na may senyalis ng pagka-antok matapos ang pangyayari. Hindi na ito bago sa akin, aminado ako sa aking sarili na nagpaubaya ako di dahil sa gusto ko. Sa isip ko, ay namimiss ko lang siya. Pero sa puso ko ay may pighati, at may pangungulila akong nadarama. "I know that I will find you here. Mom told me that you liked to stay near the sea" sagot niya sa akin. Sumunod ay bumangon siya at umupo kung saan siya nakahiga kanina, saka muling nagsalita. "There are so many things that I want to do. I want to leave the Philippines and start all over in Italy, the only place where I belong." Nang marinig ko ang huli niyang sinabi ay parang tinutusok ng isang matulis na kutsilyo ang aking puso, ang sakit. Napatulala ako. Hindi ko sukat akalain na mararam
"Hindi mo ako anak. Dahil kong ikaw ang aking Ina, hindi mo dapat ako hinahayaang mawala" Tumulo ang aking luha ng bigkasin ko ang bawat letrang ito. Kahit kaunting pagmamahal ay wala akong nararamdaman ngayon. Nananaig ang kirot sa puso ko, na parang gusto kong sumigaw."Kung alam mo lang anak...""Hindi ko alam, at hindi kita kilala. Isa pa, hindi ko hinahanap ang aking magulang. Dahil alam ko na patay na sila." pagmamatigas kong sabihin ito. Hindi ko alam kung maniniwala siya o may epekto ang sinabi ko. Pero ito ang totoo. Pinatay na nila ako noon, na kahit humihinga pa ako hanggang ngayon. "Talya... patawarin mo ang mama..." mahinahon niyang salita ngunit may kalakasan, lakas na nakakapanghina sa akin. Bakit hindi sing-tigas ng bato ang puso ko, katulad ng ginawa nila sa akin noon?Humakbang siya kasabay ng pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Itinaas ang dalawang kamay na parang may sinasalubong na isang mahigpit na yakap, saka sinabing..."Talya anak.. miss na miss n
"Napakagaling mo talaga, pinahanga mo ako sa ginawa mo laban kay Oliver Monro. Dahil doon dinagdagan ko ang hinihingi mong pera," sambit ni "Black hawk" nang makausap ko sa telepono. Tinawagan ko siya para sa financial naming pangangailangan."Kung may magaling man sa atin, ikaw iyon. Kung di dahil sa tulong mo malamang pinag-pyestahan na ako ng mga bulate ngayon sa lupa""Of course, ako lang naman ang the "legendary spy" sa buong Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil ikaw lang ang nakaka alam niyan," matapos niyang sabihin ito ay tumawa siya."Hindi ka pa rin nagbabago," saad ko sa kanya."Get the money in any LCB encashment center near you" huling sinabi niya at ibinababa ang tawag, ngunit bago iyon ay narinig ko pa ang pagtawa niya matapos magsalita."Hanggang ngayon ba nagtitiwala ka pa rin sa matandang iyon?" tanong ni Luciana."Oo, alam ko tutulungan niya tayo at hindi niya ako bibiguin." "Sana nga lang, dahil kung hindi hahanapin ko siya sa buong Pilipinas pag gumawa siya ng kalo
"Tantan, Luciana..."Tumakbo ako ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana ay malapit din noon sa matalik kong kaibigan na si Lilly. Katulad ko ay wala rin silang nagawa para iligtas si Lilly mula sa mga kamay ng mga taohan ni Don Geralt Monro. Ganon pa man ay hindi ko sila masisisi kung naunahan na sila ng takot. Sa muli naming pagtatagpo ngayon, ay hindi na namin napigilan ang maging emosyonal at mayakap ang isa't isa.Ang dalawa ay kasama ko na lumaki sa "safe house" noon na itinayo ni Don Geralt Monro sa Isla ng Siargao. Si Tantan, nagbago na ang kanyang itsura, ang maitim niya na buhok ay may kulay na dilaw, matangkad at maputi siya, dahil ayon sa kanya isang German ang kanyang ama na iniwan ang kanyang Ina hanggang sa mamatay ito dahil sa depression. Ang palatandaan ko sa kanya ay putol ang isang daliri sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay. Pinutol ito ng isa sa mga taohan ni Don Geralt noon, nang mahuli siyang kumuha ng pagkain sa ref sa oras ng hating gabi."Ma
(POV-3) "Sir, lumabas na ang resulta ng DNA test ng isang taong pumatay sa kilalang Drug Lord na nagtatago sa isang Isla ng Mindanao. Si Kwago." Ang nagsalita ay si SPO2 Alfred dela Cruz. Dalawampu't walong taong gulang. Mabilis siyang kumilos, matalino at magaling sa pag gamit ng mga makabagong technology sa kasalukuyang henerasyon. Mabilis siyang nakitaan ng kakaibang husay at galing, bukod dito, ay tapat siya sa kanyang tungkulin sa lumipas na limang taon, kaya mabilis niyang nakuha ang naturang rank bilang pulis."Anong findings?" Tanong ng isang lalaking nakatalikod. Hindi ito humarap sa pulis na dumating na nagsasalita."I'm sorry Sir, pero it's clear na kilala mo ang taong ito""What? Inaakusahan mo ba ako?" pagkatapos marinig ng pulis ang sagot ng lalaki ay napalunok na lang siya sa sarili nitong laway."No Sir! I'm sorry.. what I mean is baka kilala mo ang taong ito, dahil pagkatapos ng masusing investigation, I found out na nagmatch ang DNA test result sa dugo mo""Huh? ka