Home / Romance / OUR THING / ANG AKING AMO

Share

ANG AKING AMO

Author: JJOSEFF
last update Huling Na-update: 2023-08-01 21:29:06

Nadulas ako sa loob at labas ng kamalayan. Malabo ang isip ko at manhid ang katawan ko, iyon ay dahil sa nakatulog ako sa malamig na metal surface sa loob ng isang puting van.

Pinabagal ko ang aking paghinga at kinakalma ang sarili hangga't kaya ko. 

Nakahiga ako na nakatagilid at nakatali ang aking mga braso at binti. May nakatali na tela sa bibig ko at kasalukuyang nakabalot sa itim na plastic bag ang ulo ko. Sa pamamagitan ng kakaibang init sa magkabilang panig ng aking mga binti at sa isang lugar na malapit sa aking likod, masasabi ko na may tatlong taong nakapaligid sa akin habang binabantayan ako.

Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil matagal na akong, hindi nakasakay ng isang van. 

Sa sandaling ito, maayos naman ang pakiramdam ko, pero nabago nang magtaka ako kung saan ang punta ng byaheng ito.

Matagal din akong nakakulong sa isang bahay na may sekreto at malaking basement sa loob, kasama ko ang iba pang tulad ko na nabili, sa ngalan ng salapi. Ang bahay na iyon, ay ang tinatawag na "safe house". Kami doon ay parang mga alagang hayop, na tinuturuan ng masasamang gawain, tulad ng pagpatay. 

Ang ilan sa amin ay galing pa sa ibang bansa, at hindi kailan man pinalabas maliban kung meron silang papatayin. 

Pinilit kong huwag gumalaw upang hindi nila ako mapapansin. Akala nila tulog lang ako, maganda iyon. Para sa isang mapagpalayang sandali, habang nag iisip ako, kung paano makatakas.

Sa sobrang sama ng loob ko sa ginawa ni Papa, kailanman ay hindi ako nawawalan ng pag asa. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng pag asa na mabigat at may kasamaan. Marahil ay delikado ang salitang "pag asa" kasi habang tumatagal, ay para bang paunti unti ako nitong kinakain ng buhay hanggang sa mamamatay.

Hindi ako makaalis sa isang matinding mental breakdown. Ramdam ko pa ang sakit sa ulo ko ng may biglang pumalo sa akin noong nakaraang umaga. Ngunit hindi na iyon mauulit, dahil ginagawa ko ang itinuro sa akin, kailangan kong magpakatatag.

"Gumising ka! " may sumigaw at sinipa ang likod ko. Umungol ako habang nakatiklop ang sarili ko na parang bola. 

Isang kamay ang malupit na kumapit sa braso ko, sinundan ng isa pa at hinila ako para makatayo. Nakabitin ang ulo ko habang kinaladkad ako paakyat sa kung ano ang pakiramdam ng hagdan.

Kumislap ang malupit na ilaw sa kabilang bahagi, ng inalis nila ang plastic bag sa aking ulo. 

Muli akong hinila at tumigil kami sa harap ng pinto ng elevator, saka pumasok at umakyat. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nabigo ako sa pagiging cold, sinanay akong maging walang emosyon, sa sobrang lungkot na dinanas ko ay naturuan ko naman ang sarili ko na maging maayos.

Bumaba kami ng elevator at kinaladkad ako pababa sa isang hallway. Narinig ko ang mahina at malalim na tunog, ang tunog ng isang musika. Ngunit hindi ko makuha kung ano ang lyrics ng kanta. Sa pagbukas ng pinto ay sumalubong ang tunog na umabot sa aking mga tainga. Hinila ako papasok sa bagong kwarto at itinulak kaya nakasubsob ako sa sahig. 

Sa sobrang kintab ng sahig na iyon ay sinasalamin nito ang sarili ko. "Halatang napaglipasan na nga ako ng panahon, nagbago na ang itsura ko" ang sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa sahig.

"Sa wakas! dumating na rin ang regalo ko," alam ko ang boses na iyon. 

Ang tinig na iyon ang pinagmulan ng aking pagkahulog, ang tanging demonyo na mas malaki kaysa sa aking sarili na naninirahan sa pinakamadilim na bahagi ng aking isipan.

Hinila ako nito para umupo sa kanyang harap. Pilit na inaayos aking mga mata mula sa pagpikit dahil sa liwanag. Sa sandaling nagawa kong makita ang puting buhok niya, ay napapansin ko na mas payat na siya ngayon, at mas maraming wrinkles sa mukha, pero sa kabuuan, siya pa rin ang matandang iyon. Ang matandang bumili sa akin.

"Great to see you again my little kitty. Kumusta ka na?" Ang tanong nito with evil smile pa.

Napatigil ang pag iisip ko. Nandito siya sa harap ko pagkatapos ng mahabang panahong ito.

"Sayang nga lang at hindi ako nagpakilala dati. I am Geralt Monro. Ilang taon na rin. Huli na pero at least alam mo na ang pangalan ko," Ang sabi niya.

Geralt Monro. Huh! Ano pa bang nais niyang marinig sa akin gayong sinira niya ang buhay ko? Kahit isa pa siyang hari ay hindi ko siya rerespitohin, isa siyang kasuklam-suklam na hari. At dahil diyan, pinatunayan ko na siya lang ang natalo sa palitan nila ni Papa. Hindi ako sapat na ibinigay ako sa kanya. Mas maganda na nasa kalye ako kesa sa kanya. Walang kabuluhang pag uusap! Kelan pa kaya mamamatay ang matandang ito? 

Kinakausap ko ang sarili habang kasalukuyan akong nakatitig sa kanya.

Napatingin ako kay Geralt. Nanlamig ang mga mata ko, walang emosyon... tila pinagmumultuhan ko lang ito at napasinghap siya.

"Nakikita ko na tinuruan ka ng mabuti ni Jordan. Sa patay na tingin ng mga mata mo, masasabi kong nakuha niya ang ulo mo, di ba?" tanong niya na hinahaplos ang pisngi ko.

Tama nga siya. Pumasok nga sa isip ko si Jordan pero isa lang ang natira. Isang pangako, na aalagaan ko ang sarili para makatakas o at least makapaghiganti na din. Habang nakatingin sa akin si Geralt, ang akala niya ay isa lang akong sirang manika. Ang totoo ay unti unting lumalaki, ang aking apoy. Sisirain ko din siya! silang lahat! magbabayad sila!

"Well I think ngayon na magkakilala na tayo, let's proceed to my room, baka maiinip sa pagaantay ang anak ko. Binili kita para sa kanya. Alam mo, isa kang perpektong babae, perpekto para sa isang tagapagmana." sabi niya

Ano ang tingin niya sa akin breeder? 

Hindi ako magkakaroon ng isang pamana lalo pa't galing sa mga masasama. At mas lalong hindi ko pinangarap na maging mayaman kung kapalit naman nito ay pagdurusa. 

Ang reaksyong naibulong ko sa sarili, napakonot noo ako at nakita niya iyon. Kahit magbangit ako ng isang salita lamang, ay hindi ko pweding sabihin sa kanya ng harapan. Lumingon si Geralt at nagtawag ng isang tao saka sinabing,

"Sabihin mo sa anak ko na gusto ko siya makita sa office ko. May mahalagang regalo ako sa kanya na tiyak na magugustuhan niya," utos niya sa isang taohan na nakatayo sa tabi at agad itong umalis. 

"You are my little kitty, alam ko na bagohan ka pa sa mundong ito, ang mundo ng mafia, pero sa taglay mong skills, sisiguradohin ko na darating ang araw, na ikaw ang magiging Reyna dito"

Sabi niya sa tonong panunukso, hindi nag aalinlangan ang pagbigkas niya na may makapal na Italian accent. Pero hindi niya alam kung gaano katotoo ang mga sinabi niya. Matapos siyang magsalita ay pumasok siya sa isang room kasama ang tatlong body guard niya.

"Isang hangal lang ang maniniwala sayo!" bulong ko sa sarili na napatingin sa sahig na inaapakan ko. 

"Gusto ni boss Geralt ng malaking face reveal at ikaw ang napili niya.." Sabi ng lalaki na biglang tumayo sa aking harapan, siya ay isa sa mga taohan na siyang naglagay ng plastic bag sa ulo ko.

Naitanong ko sa sarili ko kung bakit ako pa ang napili, wala namang special sa akin, maliban sa kayumangi kong balat. Ang balat na hindi nagniningning sa aking kabataan. Maging ang mga mata ko, ay nawalan na ng spark, para sa pag ibig at para lang sa ligaw na kaguluhan. 

Ang aking maitim na kulot na buhok ay hindi napaparam. Nakatayo ang mga ito pababa sa aking likod hanggang sa aking baywang.

Nagbago ang katawan ko sa paglipas ng panahon. Mula sa aking athletic body, nakakuha ako ng isang hourglass figure na inaalagaan ko kahit na pagkatapos ng lahat ng mga kakila kilabot na bagay na inilagay sa akin upang makuha ito.

Naputol ang pag iisip ko sa pagbukas ng pinto. May naririnig akong naglalakad, tahimik na tahimik ang mga hakbang kaya hindi ko maintindihan ang gender ng bagong dating.

"Anak!" Humalakhak si Geralt. Na sumasagot sa aking mga hinala. Halata sa boses niya ang tuwa ng makita ang bagong dating na tinatawag niyang "anak".

"Ano ba ang kailangan mo Geralt?" 

Bahagya akong nanginig sa tunog ng bagong boses. Napakalalim, velvety, dominante at ang Italian accent sa mga salitang nag rattle sa aking pinakaloob-looban. Dahil malamig ang kanyang mensahe sa kanyang ama ay bahagyang nasiyahan ako.

"Ngayon anak..."

"Huwag mo akong tawaging "anak" Geralt!, nakalimutan mo na ata ang Lugar mo," 

Putol ng kanyang anak bago pa ito magpatuloy sa nais nitong sabihin. Napangiti ako sa aking narinig, kahit ang mukha ko ay nasa ilalim ng plastic bag. Gusto ko siya, gusto ko ang tono ng boses niya at mukhang magkakasundo kaming dalawa, upang pabagsakin si Geralt.

"Guardiamo oltre" (tingnan pa natin) May regalo ako sa iyo," 

May tunog ng pag snap ng mga daliri bago ako hinila pataas upang tumayo at pinaluhod sa isang tiyak na lugar.

Ngayon ang plastic bag ay hinila mula sa aking ulo at ang aking buhok ay bumagsak pabalik. Unang tumambad ang bagong mukha sa aking harapan, malamang, siya ang tinatawag na anak ni Geralt.

Siya ay may maitim na buhok na maikli sa gilid ngunit mahaba sa gitna na kasalukuyang nakatali, ang ilan sa mga hibla nito ay bumabagsak sa kanyang mga mata. Full pink lips, chiseled jaw na may anino ng alas singko at malalim na tanned skin. Nakasuot siya ng itim na amerikana na may puting polo na ang unang tatlong butones ay natanggal sa ilalim, sa pagitan nito ay nagpapahintulot na masilip ang ilang mga tattoo. 

Ang kanyang mga kamay ay natabunan ng mga singsing na pilak, ang ilan ay may itim na hiyas sa mga ito. May mga tattoo sa likod ng kanyang mga kamay. Napahanga ako sa mga artistikong gumawa nito, kahit wala akong alam sa iba't ibang disenyo ng tattoo.

Higit sa lahat matipuno ang katawan niya. Ang gwapo niya sa aking paningin. Pero kahit maghubad pa siya ng polo ay hindi ko siya pipigilan. At ipipikit ko lang ang aking mga mata. promise!.

Dahil sa weird thoughts ko ay nag flash sa isip ko ang mga unwanted things. Pumikit ako ng mahigpit, para sabihin sa sarili na. Wala itong kabuluhan kaya wala kang nararamdaman.

"I don't like her,"

Narinig kong sagot ng anak ni Geralt.Hindi ako nag flinch, hindi rin ako nag react.Matagal na akong itinuring bilang isang bagay na itinatabi pag kailangan at ano mang oras maaari din akong itatapon ngunit hindi ito big deal sa akin dahil tanggap ko na ang aking kapalaran.

"You know Geralt, hindi mo naman kailangang gustuhin ang isang bagay, kailangan mo lang itong kunin, bago mo masasabing gusto mo ito" sabi ni Oliver.

"Again, let me clear my side, Geralt. Ayaw ko ng isang puta na binili mo lang, anak mo ako Geralt. I don't deserve to have a girl like her!" sagot ng anak nito sa nakamamatay na mahinahong tinig.

Ngayon masakit ang salitang iyon. Nagflash sa isip ko ang mga nkakatakot na alaala. Nag sagged ako, habang sinusubukan kong huwag magkaroon ng isang panic attack. Dahan dahan akong huminga. Batid ko na hindi ngayon ang tamang panahon, ang mahalaga huminga pa ako.

"I realize she is in fact pathetic pero, property siya ng mafia natin. She's worth billions," ang pagkarinig ko na sinabi ni Geralt, naguluhan ako sa ganoong salita.

"Kung ganon, maaari mo bang ipaliwanag?" demand ng anak.

"Well check on her," napatingin si Oliver sa akin kagaya ng sinabi ni Geralt.

"She has a net worth amounting of five million pesos, guess what? I trained her to be a killer at Hindi ko na kailangan pang mag-hire ng iba pang tao at first, I hardly negotiated this girl before I could get, napunta siya sa akin sa mas murang presyo. Pagkatapos ng kanyang oras sa isang pinagkakatiwalaang kaalyado ko, siya ngayon ay nagkakahalaga ng higit sa dalawang bilyong peso. I won because of her, kaya Oliver, ang pagpili ko sa kanya ay mahalaga, at inilaan ko ko siya para sayo. Plus, she signed some documents here making her legally yours."

Lumalangoy ang isip ko sa bagong impormasyon. "Ako?" Bilyon-bilyon ang halaga?Ganoon pala ka halaga ang pagpatay ko sa ilang ilang ulo na pinugutan ko. Marahil ay pwede din lang akong ibenta ni Oliver kung sakali para kumita siya total ayaw ko rin na sa kanya. Baka sa kanya pa mayayari ang buhay ko.

"Pwede ko lang siyang ibenta sa highest bidder," sabi ni Oliver na nagpapatunay sa punto ko.

"Pwede naman pero hindi mo pa na explore kung ano ang kaya niyang gawin. Bakit mawawala ang isang bagay na kapaki pakinabang " Hinimok ni Geralt ang anak.

"So Oliver, ano na ang magiging desisyon mo? Kunin ang babae, ibenta siya para sa pera o... use my little cat to your advantage," lumapit sa akin si Geralt. Itinakbo niya ang kanyang kamay pababa sa pisngi ko at hindi ako gumalaw.

Sa sitwasyon ko ngayon, ako ay isang rebulto na maaaring gumalaw, at sumunod lamang sa mga utos at pumatay. Ang pagkuha ng sapat na lakas ng loob upang ibalik ang sarili upang patayin si Geralt ay magiging mahirap, ngunit ang matandang fucker na ito ay mamamatay kasama ang lahat ng iba pa na nagkamali sa akin.

Noon ko gustong isama ang anak nitong si Oliver na ngayon ko lang nakaharap ng personal. Sa ngayon, sapat na ang mapalapit ako sa kanyang ama at mapatay siya. Natutuhan kong magtiwala lamang sa mga taong may tiyak na kadiliman sa kanilang kalooban. Ngunit naniniwala ako sa taas na higit na mas makapangyarihan at nakakaalam ng aking kapalaran. Natagpuan ko ang kapanatagan sa katotohanan na kahit na ako ay magtagumpay, si Oliver at ang kanyang ama ay pagsasamahin ko sa iisang hukay.

Kaugnay na kabanata

  • OUR THING   KONTRA-BENTA

    Tahimik ang silid habang nakatingin si Geralt sa aking katawan, sa kanyang mga mata na may pitch black eyes. Nakasuot ako ng marumi at tattered na t-shirt at shorts na medyo malaki sa akin kaya tinalian ko ito sa baywang ko.Walang tanda na may maayos akong sitwasyon sa ilalim ng kapangyarihan niya. Tahimik kong ipinamamanhik sa kanya at walang tanda na ipagpapalit niya ako. Galit ako na hindi ko siya mabasa kung ano ang pinaplano niya na masama sa akin.Nababasa ko ang lahat ng tao sa silid na ito. Tinapik ni Geralt ang kanyang tagiliran, kinakabahan siya. Panaka-nakang nakasilip sa akin ang mga mata ng mga guwardiya, nagtataka sila.Nakaluhod ako sa sahig, walang. anumang galaw ang katawan ko. Bakit? dahil patay na ako sa loob ng pagkatao ko.Sa ilang taong pananatili ko sa basement na iyon, ay doon nakatira ang bahagi ng aking buhay. May mgapinagdadaanan ako at hindi ko na maibabalik ang dati. Kung ano at kong sino ako."Kukunin ko siya sa isang kondisyon," sabi ni Oliver.At sa wa

    Huling Na-update : 2023-08-01
  • OUR THING   ANG IKALAWANG AMO

    Nagsuklay ako ng buhok sa mukha ko gamit ang sariling kamay, habang sinusundan ko si Oliver. Gusto kong tumigil dahil humanga ako sa madilim na palamuti sa paligid ko, pero alam kong hindi ngayon ang tamang panahon.Itinulak ni Oliver ang isang malaking pinto na may desinyong pang moderno, bold, malinis ang kulay at may mga linya.Pumasok kami sa isang napakalaking silid. May malaking pabilog na desk sa gitna na napapaligiran ng mga upuan at flat screen tv sa kahabaan ng mga pader. Kung may masasabi man ako sa silid na ito, ito ay isang silid ng isang bigatin at pribadong tao.Lumipat si Oliver sa may dulo ng bahagi ng mesa. May tinapik ito at nagliwanag ang makikinis na itim na ibabaw. Isang tv sa isang mesa? May ganito pala?Sinubukan kong tandaan ang anumang uri bago ako umalis apat na taon na ang nakararaan, ngunit dumating ako sa mansyon na ito na walang alam.Talagang umunlad ang mundo mula noon. Pero di ko akalain na ganoon kabilis. May alam ako kung paano mag hack ng password

    Huling Na-update : 2023-08-02
  • OUR THING   OLIVER'S NEW CONTRACT

    Nagising ang aking diwa at kaluluwa mula sa aking pagtulog. May sadyang gumising sa akin. Ibinuka ko ang aking mga mata. Para putulin na ang isang panaginip na parte ng mapait na karanasan sa "safe house."Si Lilly, ang matalik kong kaibigan. pakiramdam ko ay sinusundan ako ng multo ng nakaraan. Base sa narinig ko mula sa mga sinabi niya ay ginahasa siya, isa lang ang naisip kong dahilan, iyon ay dahil hindi niya mapigilan ang sarili dahil sa katarantaduhang ginawa nila sa kanya. Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa ding ding. 3:00 am, masyado pang maaga. Sa aking pag iisip, para na akong nasisiraan ng bait. Narito ako sa bagong tahanan, at bagong amo. Bumangon ako sa kama at naghanap ng ano mang bagay na pweding gamitin, ano mang bagay na maaring gagawin kong sandata sa ano mang oras, sapagkat gusto ko pang mabuhay ng matagal.Sa pagiikot ko sa buong kwarto, wala akong nakitang pweding kong sirain, kung magbabasag man ako, baka may makarinig pa at mahuli nila ako. Bumalik na la

    Huling Na-update : 2023-08-03
  • OUR THING   ANG CODE SILVER SKY

    Nagpabalik-balik ang lakad ko sa kwarto, na hindi mapakali. Sa isang sandali lang marahil ay ipapatawag na naman ako sa opisina ni Oliver. Bago mangyari iyon, kailangan kong makaalis sa kanyang mansyon sa lalong madaling panahon. Habang tumatagal ako dito, mas maraming oras ang ibinigay ni Oliver para malaman kung sino at ano talaga ako. Sa pamamagitan ng pagbanggit sa aking code name, "Silver sky" alam kong malapit na niyang malaman ang lahat, at hindi niya dapat malaman iyon."Aalis ako ngayong gabi" bulong ko sa aking sarili.Sa sandaling lumubog ang araw, at ang estado na ito ay nababalot sa anino, bahala na basta maka alis lang ako. Wala akong gaanong kasama upang tumulong sa paano makalusot, kailangan kong magamit muli ang aking pagka-tuso.Naglalakad ako papunta sa bintana, nagtago sa likod ng kurtina at pinagmasdan ang mga bantay sa ibaba. Hanggang sa kinagabihan at oras na para magpahinga. Buong araw kong pinagmamasdan ang mga guwardiya, pinag-aaralan ang mga oras ng shift n

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • OUR THING   SINO SI JULIA PEREZ CACHO

    Ilang oras na akong tumatakbo ng mas mabilis na walang paglingon. Hanggang sa marating ko ang ilog, hinubad ko ang sinoot ko na napakalaking itim na t-shirt pati cargo pants na ninakaw ko sa isa sa mga bantay na aking nakasagupa, at itinapon ko iyon sa ilog.Nagpalingon-lingon ako sa paligid at muli akong naglakad ng mabilis. Bago magtanghali ay nakarating ako sa lungsod. Itinaas ko ang buhok ko at itinali ng paikot habang naglalakad sa maingay na lugar. May maraming tao dito at iba't ibang sasakyan na dumadaan. Hindi maiwasan ng mga mata ko na tumingin sa paligid. Napakaraming nagbago. Mukang mabilis umusbong ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga technolohiyang nakikita ko sa mga tindahan. Mga advertisement sa malaking screen na makikita sa taas ng building.Wala pa rin akong clue kung ano ang susunod kong gagawin. Ang baril na nakasiksik sa aking leggings ay natatabunan ng soot kong malaking hoodie. May walong bala na lang ang natitira dito. Sapat na ito incase may pinadala si Oliver

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • OUR THING   ANG PAGSISIYASAT

    Speaking of a mafia boss, sila ang bumuo at bumuhay sa akin, ngunit hindi ko gusto ang pamamaraan nila kaya ngayong malaya na ako. Oras na para magpasya, at maghanap ng ibang amo.Saglit akong natahimik, hindi ko namalayan na napatulala na ako habang nakatitig sa screen ng computer.Sinubukan kong magbukas ng bagong tabNag type ako ng taong gusto kong alamin, like family background pati na ang kapayangyarihan meron ito."Oliver Monro"then click search...Nag scroll ako sa mga ilang resulta, tiningnan ang lahat ng impormasyon na makikita ko tungkol kay Oliver Monro.Unang napag alaman ko na hindi nakatira sa bansa si Oliver. Lumaki ito sa Italy Kasama ang isang kapatid ng kanyang Ina. Ayon sa report na nakalagay, siya ay inakusahan ng pandaraya. Ito ay isang maliit na kaso na para sa ilang kadahilanan ay hindi nabura. Alam kong magulo at mahigpit si Oliver kaya hinayaan niyang lumipas ang ilang mga bagay. Nagbukas ako ng isa pang tab at naghanap ng iba."Blangko."Lumabas na blangko

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • OUR THING   NAIS KONG MAGPAKAMATAY

    Ang isang batang babae ay maaari lamang magpanggap na hinahangaan ang kanyang sarili sa harap ng salamin.Para nga akong bata, nag-aaksaya ako ng oras dito sa harap ng salamin. Habang ang Ginang na aking binabantayan sa pamamagitan ng salamin, ay bumalik para sa pagpipili ng mga damit sa isang bahagi ng branded na shorts at t'shirt, na sa totoo lang ay dalawang sukat na napakaliit para sa kanya.Pinagmamasdan ko siya dahil siya lang ang daan ko palabas ng tindahan na ito. Ang kailangan lang niyang gawin ay subukang lumabas ng tindahan o di kaya ay magtungo sa counter para magbayad. Nagpasya akong maglagay ng floral shirt sa denim jacket ko. Maaaring ito ay kapaki-pakinabang.Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga racks, at kasalukuyan pa ring nakatingin sa Ginang.Tulad ng nararamdaman ko, ang Ginang ay nangtungo malapit sa exit. Dali dali akong nagpunta sa kabilang banda. Ngumiti ang babae habang nakatayo sa kaharap na isang cashier. Sila ay malapit sa pinto.Sigundo pa lan

    Huling Na-update : 2023-08-04
  • OUR THING   ANG ANAK NG MAFIA

    Speaking of a mafia boss, sila ang bumuo at bumuhay sa akin, ngunit hindi ko gusto ang pamamaraan nila kaya ngayong malaya na ako. Oras na para magpasya, at maghanap ng ibang amo.Saglit akong natahimik, hindi ko namalayan na napatulala na ako habang nakatitig sa screen ng computer.Sinubukan kong magbukas ng bagong tabNag type ako ng taong gusto kong alamin, like family background pati na ang kapayangyarihan meron ito."Oliver Monro"then click search...Nag scroll ako sa mga ilang resulta, tiningnan ang lahat ng impormasyon na makikita ko tungkol kay Oliver Monro.Unang napag alaman ko na hindi nakatira sa bansa si Oliver. Lumaki ito sa Italy Kasama ang isang kapatid ng kanyang Ina. Ayon sa report na nakalagay, siya ay inakusahan ng pandaraya. Ito ay isang maliit na kaso na para sa ilang kadahilanan ay hindi nabura. Alam kong magulo at mahigpit si Oliver kaya hinayaan niyang lumipas ang ilang mga bagay.Nagbukas ako ng isa pang tab at naghanap ng iba."Blangko."Lumabas na blangko

    Huling Na-update : 2023-08-05

Pinakabagong kabanata

  • OUR THING   KAI TANASHI

    "Talya! gising!" Boses na tatlong beses kong naririnig. Tila isa itong panaginip. Ngunit nagbukas ang aking memorya sa nakaraan, nawalan pala ako ng malay ng iniwan ako ni Oliver sa kawalan. Iniunti-unti kong binuksan ang aking mga mata kahit na may panghihina at sakit na nararamdaman sa buo kong katawan. Ngayon nagising na naman ako sa katotohanang pagkakamali ko sa taong pinagkatiwalaan. "Saka ka na magpaliwanag, ilalayo na muna kita dito" sabi niya na hindi ko pa maklaro ang kanyang pagmumukha. "Tulungan mo ako.." sinabi ko na parang nasusuka at hilong hilo pa sa nangyari. Nahimasmasan na lamang ako at bumalik ang aking katinuan, ng magising ako kinaumagahan na. Unang tumambad sa aking harapan ang mukha ng dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana, ang tumulong pala sa akin para makaalis ako sa lugar na iyon. "Buti nalang talaga! hindi ka na puruhan doon" pagaalalang sinabi sa akin ni Luciana. Hindi ako makaimik. Ang katotohanan ay bukod sa nakatulog ako ay pinagtatadya

  • OUR THING   PAGNANASA

    “Oliver stop..” pakiusap ko ngunit tila hindi nito naririnig ang aking sinabi. Sa aking pagsisikap na makaiwas sa pagkakahawak nito, hindi sinasadyang naidiin ko ang sarili laban sa aking pagpukaw, na pilit na pinipigilan ang sarili mula sa pagiging marupok. Isang malalim na paghinga ang kumawala sa kanyang mga labi, habang ako ay likas na umatras, ngunit handa na siya sa aking mga reaksyon. Tanging isang ngiti lang ang ipinakita niya sa kanyang mukha. Sa isang sinasadyang paggalaw, ang kanyang daliri ay nakipagsapalaran sa nagiinit kong katawan, at ito ay nagdulot ng isang tugon na nagpapataas ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Pinagod ni Oliver ang kanyang daliri sa kanyang pagnanasa. “My father, hid something from me. It is the most important thing I want to have before I leave the Philippines.”sinabi niya na pansamantalang tumigil. “What are you talking about?” tanong ko at kagat-labing napapikit ang mata saglit dahil sa muling pagmasahe ng kanyang kamay sa aking mga u***g.

  • OUR THING   HULI KA NA SILVER SKY

    Sa kagustohan kung lumayo kay Oliver Monro, hinarang naman ako sa lobby ng kanyang dalawang taohan na ngayon ko lang nakita. Pareho silang nakatingin sa akin. Ngunit agad akong nabahala ng mapansin na tumatagal ang titig nila sa dibdib ko. Napakunot-noo ako at sinabing, “Padaanin ninyo ako..” Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa. “Nawawala po ata kayo Miss..” sagot ng isang lalaki sa bandang kanan, sabay himas sa kanyang bewang kung saan naka-pwesto ang kanyang baril. “Paano ka nakapasok dito..?” Tanong naman ng isang lalaki na nakatayo sa bandang kaliwa ng aking harapan. “Hindi ko na kasalanan kung mahina ang seguridad ninyo sa pagbabantay, kaya pala madali kayong malusob ng mga kalaban.” deretsahang sinabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" maangas na tanong ng isa sa kaliwa. Sinubukan niyang lumapit sa akin at itinaas ang kanang kamay. Mabuti na lang at ako ay mabilis na nakailag bago paman niya maabot ang hibla ng aking buhok. "Malamang! ang amo nyo ang kailangan ko, at wal

  • OUR THING   GALIT AT POOT

    "Talya....a. anak.." Sigaw niya na hirap sa paghabol ng hininga. Nagawa pa nitong ngumiti na alam ko na napipilitan lang itong ipakita sa akin, na wala siyang nararamdaman. Namumula ang kanyang pisngi mula pa kanina, ngunit sa bawat sigundong lumipas, ang kanyang labi ngayon, ay unti unting namumutla. Pakiramdam ko, huminto ang mundo ko habang tinititigan ko siya. Hindi ako maka-react agad, batid ko na naunahan ako ng pagkamuhi, galit, at ngayon ay gulat na gulat. Hanggang sa nasaksihan ko ang pamu-muo ng mga luha mula sa kanyang mga mata, dumadaosdos sa kanyang pisngi, hanggang sa pumatak ito sa lupa. "Mm..maaa..." "Ma..ma....." aking sigaw. Tumakbo na ako para lapitan siya. Hanggang sa bumagsak sa lupa ang katawan ng aking Ina, mabuti na lamang at nasalo ko pa ang ulo niya. Marahan kong ini-angat ang ulo niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Saka ko pa lang nararamdaman ngayon, ang bigat mula sa kaloob loob ko. "Ma..." sambit ko. Naluluha na ako habang pinagmamasdan ang

  • OUR THING   PIGHATI

    "I thought I would never see you again..." Sinabi ko habang nakatingin sa bintana. Nang maramdaman ko ang isang mainit na paghinga ay napalingon ako kay Oliver, na nagbukas nang napakaganda niyang mga mata. Mahinhin ang kanyang mga tingin na may senyalis ng pagka-antok matapos ang pangyayari. Hindi na ito bago sa akin, aminado ako sa aking sarili na nagpaubaya ako di dahil sa gusto ko. Sa isip ko, ay namimiss ko lang siya. Pero sa puso ko ay may pighati, at may pangungulila akong nadarama. "I know that I will find you here. Mom told me that you liked to stay near the sea" sagot niya sa akin. Sumunod ay bumangon siya at umupo kung saan siya nakahiga kanina, saka muling nagsalita. "There are so many things that I want to do. I want to leave the Philippines and start all over in Italy, the only place where I belong." Nang marinig ko ang huli niyang sinabi ay parang tinutusok ng isang matulis na kutsilyo ang aking puso, ang sakit. Napatulala ako. Hindi ko sukat akalain na mararam

  • OUR THING   PUSONG LIGAW

    "Hindi mo ako anak. Dahil kong ikaw ang aking Ina, hindi mo dapat ako hinahayaang mawala" Tumulo ang aking luha ng bigkasin ko ang bawat letrang ito. Kahit kaunting pagmamahal ay wala akong nararamdaman ngayon. Nananaig ang kirot sa puso ko, na parang gusto kong sumigaw."Kung alam mo lang anak...""Hindi ko alam, at hindi kita kilala. Isa pa, hindi ko hinahanap ang aking magulang. Dahil alam ko na patay na sila." pagmamatigas kong sabihin ito. Hindi ko alam kung maniniwala siya o may epekto ang sinabi ko. Pero ito ang totoo. Pinatay na nila ako noon, na kahit humihinga pa ako hanggang ngayon. "Talya... patawarin mo ang mama..." mahinahon niyang salita ngunit may kalakasan, lakas na nakakapanghina sa akin. Bakit hindi sing-tigas ng bato ang puso ko, katulad ng ginawa nila sa akin noon?Humakbang siya kasabay ng pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Itinaas ang dalawang kamay na parang may sinasalubong na isang mahigpit na yakap, saka sinabing..."Talya anak.. miss na miss n

  • OUR THING   MULING PAGTATAGPO

    "Napakagaling mo talaga, pinahanga mo ako sa ginawa mo laban kay Oliver Monro. Dahil doon dinagdagan ko ang hinihingi mong pera," sambit ni "Black hawk" nang makausap ko sa telepono. Tinawagan ko siya para sa financial naming pangangailangan."Kung may magaling man sa atin, ikaw iyon. Kung di dahil sa tulong mo malamang pinag-pyestahan na ako ng mga bulate ngayon sa lupa""Of course, ako lang naman ang the "legendary spy" sa buong Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil ikaw lang ang nakaka alam niyan," matapos niyang sabihin ito ay tumawa siya."Hindi ka pa rin nagbabago," saad ko sa kanya."Get the money in any LCB encashment center near you" huling sinabi niya at ibinababa ang tawag, ngunit bago iyon ay narinig ko pa ang pagtawa niya matapos magsalita."Hanggang ngayon ba nagtitiwala ka pa rin sa matandang iyon?" tanong ni Luciana."Oo, alam ko tutulungan niya tayo at hindi niya ako bibiguin." "Sana nga lang, dahil kung hindi hahanapin ko siya sa buong Pilipinas pag gumawa siya ng kalo

  • OUR THING   SI TANTAN AT LUCIANA

    "Tantan, Luciana..."Tumakbo ako ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana ay malapit din noon sa matalik kong kaibigan na si Lilly. Katulad ko ay wala rin silang nagawa para iligtas si Lilly mula sa mga kamay ng mga taohan ni Don Geralt Monro. Ganon pa man ay hindi ko sila masisisi kung naunahan na sila ng takot. Sa muli naming pagtatagpo ngayon, ay hindi na namin napigilan ang maging emosyonal at mayakap ang isa't isa.Ang dalawa ay kasama ko na lumaki sa "safe house" noon na itinayo ni Don Geralt Monro sa Isla ng Siargao. Si Tantan, nagbago na ang kanyang itsura, ang maitim niya na buhok ay may kulay na dilaw, matangkad at maputi siya, dahil ayon sa kanya isang German ang kanyang ama na iniwan ang kanyang Ina hanggang sa mamatay ito dahil sa depression. Ang palatandaan ko sa kanya ay putol ang isang daliri sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay. Pinutol ito ng isa sa mga taohan ni Don Geralt noon, nang mahuli siyang kumuha ng pagkain sa ref sa oras ng hating gabi."Ma

  • OUR THING   KADUGO

    (POV-3) "Sir, lumabas na ang resulta ng DNA test ng isang taong pumatay sa kilalang Drug Lord na nagtatago sa isang Isla ng Mindanao. Si Kwago." Ang nagsalita ay si SPO2 Alfred dela Cruz. Dalawampu't walong taong gulang. Mabilis siyang kumilos, matalino at magaling sa pag gamit ng mga makabagong technology sa kasalukuyang henerasyon. Mabilis siyang nakitaan ng kakaibang husay at galing, bukod dito, ay tapat siya sa kanyang tungkulin sa lumipas na limang taon, kaya mabilis niyang nakuha ang naturang rank bilang pulis."Anong findings?" Tanong ng isang lalaking nakatalikod. Hindi ito humarap sa pulis na dumating na nagsasalita."I'm sorry Sir, pero it's clear na kilala mo ang taong ito""What? Inaakusahan mo ba ako?" pagkatapos marinig ng pulis ang sagot ng lalaki ay napalunok na lang siya sa sarili nitong laway."No Sir! I'm sorry.. what I mean is baka kilala mo ang taong ito, dahil pagkatapos ng masusing investigation, I found out na nagmatch ang DNA test result sa dugo mo""Huh? ka

DMCA.com Protection Status