Home / Romance / OUR THING / ANG AKING KAPALARAN

Share

OUR THING
OUR THING
Author: JJOSEFF

ANG AKING KAPALARAN

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2023-08-01 21:25:35

"Talya! tapos kana bang maglaba diyan?" ang sigaw ni mama mula sa taas ng bahay namin.

"Opo mama" ang pasigaw ko na sagot habang sinampay ang huli at malaking pantalon ni papa sa sampayan.

"Magbihis ka, at samahan mo ang papa mo. Bilisan mo na at nag aantay siya sa labas." Ang sabi ni mama na sumigaw pa mula sa bintana.

"Opo." Ang tangi kong sagot.

Itinago ko ang cell phone ko sa aking bulsa na may ngiti sa labi habang naglalakad papunta sa Papa ko, at sumakay sa sasakyan. Kung alam ko lang na hindi ko na makikita ang aming tahanan, kapatid, at ang aking Ina...Hinding hindi ako sasama sa papa ko.

"Papa, saan po tayo pupunta?" Lakas-loob kong tanungin ang aking ama na may pananabik sa aking tono.

"It's a surprise Talya," sabi niya na hindi tumitingin sa akin kundi sa cellphone niya.

"Bigyan mo lang ako ng konting hint. Please Papa.." pakiusap ko. Gusto kong malaman kung saan kami pupunta.

Kinasusuklaman ko ang pagiging out of a loop. Tumingin sa akin ang Papa ko saglit, at tumingin uli sa cell phone niya kaya ipinagkibit-balikat ko nalang.

"OK Talya. Pupunta tayo sa isang lugar kung saan ipagpapalit ng Papa ang isang bagay na maliit, at walang kabuluhan, para sa mas maraming pera kaysa sa halaga nito. Nang sa gayon, magkakaroon ng kaginhawaan ang Mama mo at mga kapatid mo," sabi niya sa malamig na tono na ikinabigla ko rin.

"So... magtatrabaho ka at tutulong ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo." Ang sagot ni Papa

"Ano ang maliit na walang kabuluhang bagay na ipagpapalit mo?" Tanong ko na sinipi ang kanyang mga salita.

"Isang bagay na malaking pagkakamali, Pero huwag kang mag alala Talya, malalaman mo din pagdating natin doon" Ang sagot sa akin ni Papa.

Gusto kong malaman ngayon pero parang wala na siyang gustong sabihin pa kaya sumunod na lang ako sa utos niya at nanatiling tahimik.

Nagmaneho si Papa sa loob ng lungsod, Hanggang sa napapansin ko na malayo na ang nararating namin.i. Alam ko na ang lugar na iyon ay nasa labas na ng bayan. Sa sandaling kami ay nasa ilang milya sa gitna ng kawalan, lumingon sa akin si Papa.

"Ibigay mo sa akin ang iyong cellphone Talya," utos niya.

“Ha? Bakit po papa? may cell phone ka naman?”tanong ko sa kanya.

“Akin na Talya, hindi mo na kailangan yan, dahil bibilhan ka ni papa ng bagong cell phone.”Pakisuyo ni papa sa akin. Nang marinig ko ito ay na excite ako, ngunit nakaramdam na ako ng kaba sa aking dibdib.

Sa hindi ko inaasahan, bigla nalang itinapon ni papa ang cell phone ko sa gilid ng daan. Kitang kita ko kung paano niya inihagis ito sa labas ng saksakyan.

“Papa, sayang naman po ang cell phone ko na iyon kung itinapon mo lang” ang nalulungkot kong boses na halos maiyak na dahil sa aking nakita. Sa inis ko, tinalikuran ko siya at humarap sa aking kanan kung saan may bintana, hinayaan kong tumulo ang aking luha na hindi naririnig ni papa ang aking pag hikbi.

OO talagang naiyak ako, para sa akin ang cell phone na iyon ay mayraming pictures naming pamilya at lalo na sa mga malalapit kong kaibigan sa school.

Tatlong oras na ang lumipas,sa tagal ng byahe namin ni papa ay nakatulog ako.

"Talya! Tumayo ka na " matigas na utos ni Papa at mabilis akong nakatayo. Ang sakit ng tuhod ko na pinagsama sa takot at lungkot na nakuha ko sa pag snap ay naging isang bukol sa aking lalamunan ngunit nilunok ko ito para bumaba.

Mas matanda na ako ngayon, ibig sabihin mas malakas ako. Hindi ako dapat iiyak. Sumunod ako sa likod ng aking ama na. Gusto kong tanungin kung saan kami pupunta,pero ang matutulis niyang mga tingin sa akin mula pa kanina ay dahilan para matakot akong tanungin siya muli. Naging mabigat pa rin sa kalooban ko, ang nakitang pagtapon niya ng cell phone ko, kaya nananahimik na lamang ako. Ano bang problema ni Papa? tanong ko sa sarili ko.

Pumasok kami sa isang room at may tatlong lalaki sa loob. Ang isa ay naninigarilyo, brownish ang kulay ng buhok niya at hazel ang mata. Ang kanyang balbas ay isang replika ng kanyang buhok at ang mga singsing sa paligid ng kanyang mga daliri ay nagbigay sa kanya ng tila mapanganib na hangin. May tattoo siya sa gilid ng leeg niya, iyon ay isang dragon.

Ang dalawa pang lalaki ay nakatayo sa tabi niya, at parehong nakaharap sa harap, ito ay pawang mga bodyguards yata. Huminto sa paninigarilyo ang matanda na nakaupo at saka sumulyap sa Papa ko at saka sa akin.Ang paligid ay may kadiliman, amoy kalawang at sigarilyo ang naamoy ko sa loob.

Lumapit ako kay papa, pilit na nagtatago sa likod niya. Hindi na ako natatakot ngayon at gusto ko na lang sana umalis.

"Siya ba ito?" tanong ng matanda.

"Oo," sagot ng Papa ko. Ano ang nangyayari?

"Papa.. umuwi na tayo.." ang bulong ko sa kanya habang nakatayo ako sa kanyang likod.

"Ideally, hindi siya sapat pero hindi ka dapat mag alala. Kami na ang huhubog sa kanya," sabi ng matanda,sa makapal at magaspang niyang Italian accent.

"Nasaan ang pera ko? " tanong ni Papa. Lumapit ang isa sa dalawang bodyguard na may hawak na briefcase at inilagay ito mesa. Ang matanda ang siyang nagbukas nito.

Ng oras na iyon ay napatingin ako kay Papa at lumiwanag ang mukha niya sa kintab ng maraming pera. Mga naka bundle na tig one thousand pesos na perang papel. Dahan dahan sumulong ang Papa ko, ininspeksyon ang pera ng matapos ito ay agad niya itong isinara at ngayon ay hawak hawak na niya.

"Salamat, sa inyo na po siya" sabi ng Papa ko habang umaatras ako, para bigyan ng distansya ang kanyang pagtayo.

Talaga? May pera na kami? Tanong ko sa aking sarili.

Sumulong ang isa sa dalawang lalaki at hinawakan ang braso ko.Idinikit ko ang ulo ko sa Papa ko na nakatayo, dahil nagulat ako sa biglaan niyang paghawak sa akin.

"Pa,Ano ba ang nangyayari?" tanong ko, pero umatras siya mula sa akin at lumayo nang dumating ang isa pang guwardiya at hinawakan ang kabilang braso ko.

"Pa, Papa.. Pa...! Saan ka pupunta? Bitawan mo ako! Papa!".... sigaw ko.

“Pa… sabihan mo silang bitawan ako..”

Nagsimulang tumulo ang luha habang pinipilit ang sarili na makawala sa dalawang bodyguard, na may mahigpit na paghawak sa akin. Sinipa, kinagat, kinalas at tinamaan ko ang mga bisig nila. Kahit gaano ko sila sinaktan, kahit gaano ako kalakas sumigaw,ay mas lalo akong nahihirapan, hindi nila ako binitawan.

"Papa.....! Bumalik ka! Parang awa nyo na ho! Pasensya na ! Papa.... Kunin mo ako dito ..

Papa .............

Ilang beses kong tinawag ang aking ama, pero hindi niya ako naririnig, ne kahit anino niya, ay hindi na bumalik para kunin ako.

Nag snap ang ulo ko sa gilid, nanunuot ang pisngi ko. Matagal bago ko naka rehistro na sinampal ako ng matanda at natangal pa ang singsing nito.

"Ilayo niyo siya sa akin." Ang pag uutos ng matanda na narinig ko.

Kaya hinila ako ng isang bodyguard at isinakay sa isang tented Van. Hindi ako makapagsalita dahil may telang nakatali sa aking bibig. Pati ang dalawang kamay ko ay nakatali din. May itim na plastic bag na inilagay nila sa ulo ko. Nagpagulong-gulong ako ng itinapon nila ako sa loob ng Van at tumama ang likod ko sa parang poste sa loob.

O diyos ko! Ano po ang kasalanan ko? Bakit ako iniwan ni papa sa mga taong ito? Ang sinabi ko habang patuloy na umiiyak.

Sa paglipas ng ilang buwan,natuyo ang aking mga luha. Tila ang damdamin ko ay parang naging bato at hindi na ako makaiyak.

Isang katawang walang kaluluwa. Walang mahalaga sa sandaling iyon at sa susunod pa kundi ang aking kaligtasan. Kasi sa sandaling ito, nangako ako sa sarili ko, isang panata. Ang matanda, si Papa, si Mama at mga kapatid ko ang magbabayad. Kahit na ito ang huling bagay na ginawa ko sa tanang buhay ko.

Inuukit ko sa aking puso ang aking nakaraan, na hindi ako magagalit o magtatanim ng hinanakit sa kanila kahit ramdam ko na malamig silang lahat sa akin. Bakit? Dahil mahal ko sila, mahal ko ang mga kadugo ko. Ngayon, ang lahat ay mapupunta sa kasinungalingan.

Alam ko na alam nila ito, ano man ang mangyayari sa akin, huwag na sana akong mabuhay pa, dahil kung papayagan pa ng tadhana. Babalikan ko sila.

Siargao Island

Sa taong December 25, 2013

Anim na buwan matapos akong naibenta kay Don Geralt Monro.

"Anak ng tipaklong, bilisan ninyong kumilos." ang sabi ni aling Sonya.

Pinahakot kami ng mga mabibigat na gulay, tulad ng kalabasa, patatas, kamote at marami pang iba. Nasa sampo ang bilang namin, anim na babae at apat na lalaki at halos kasing edad ko lang sila na nasa labing dalawa. Ang gulay na binibitbit namin ay dadalhin sa "safe house" Ang kasalukuyang bahay na aming tahanan. May malawak na taniman ng gulay ang likod ng "safe house" na ito.

"Pagod na ako...." Ang sabi ng isang batang babae na tinulungan ko matapos matumba habang pasan ang isang sakong patatas.

"Hindi tayo pwede sumuko, alam mo yan" ang bulong ko sa kanya. Tumayo siya at sinimulang maglakad na parang lasing na nagpagiwang-giwang sa daan. Madalang lang kami makakakain ng kanin, dahil puro kamote at iba pang gulay ang hinahain para sa amin.

"Sa tingin mo Talya, makakatakas pa ba tayo dito? Ang bulong ni Tsinoy, na nakasunod pala sa akin habang pasan ang mga kalabasa. Nagsasalita ito bigla sa likuran ko.

"Balang Araw, makalaya din tayo dito. Hindi na kailangan tumakas pa, Sila na mismo ang bibigay para palayain tayo." Ang sabi ko kay Tsinoy. Si Tsinoy ay may katabaan ang katawan, ako ang nagbinyag sa kanya ng pangalang "Tsinoy" dahil sa masingkit ang mga mata nito na hawig sa isang Chinese.

"Sana nga.." Ang huling bangit niya. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon, nalulungkot siya at namimiss ang mga magulang, kahit naman sino sa mga batang tulad namin, ay maghahanap talaga ng "Mama at Papa". Pero ang totoo, kahit ako nawawalan na rin ng pag asa, pinapalakas ko lang ang loob nila.

Bukod sa pagtatrabaho sa bukid, ay gawain din naming linisin ang malawak na mansyon. Higit pa sa katulong ang pinapagawa sa amin. Isang umaga, nakahanda na ang lahat, bitbit ang sako at bolo na gagamitin para sa pagbubungkal.

"Sa araw na ito, may dalawampo't anim na sigundo kayo para abutin ang toktok ng bukid"

Ang sabi ni Aling Sonya, sa isip ko malabo naming magawa iyon dahil kung sa lakad pa lang ay inaabot na kami ng halos limang oras sa sobrang layo. Pero hindi kami maka react dahil pag ginawa namin iyon, mas mabigat na gawain ang kapalit. Alam naming lahat iyon.

"Maliwanag ba?"

"Opo!" Sagot naming lahat. Strekta sa amin si Aling Sonya kaya ang sumunod na pangyayari ay nagbilang na siya.

"Maghanda, Isa,,dalawa... Tatlo!"

Pagbilang ng tatlo sabay sabay na kaming tumakbo.

Pagkalipas ng isang taon, may bagong pasubok sa amin si Aling Sonya.

Sa loob ng isang taong kailangan naming matutunan ang wikang, English, Nihongo ng Japanese at Italian.

"Ang apat na lengwahe ay siyang magagamit ninyo sa kinabukasan. Bukod doon, ang Italian ay siyang unang lengwahe ni Don Geralt Monro. Sa kanyang pagbabalik dito sa isla ay kailangan nyo siyang kausapin sa lengwaheng Italian o English, maliwanag ba?" ang pasigaw na tono ni Aling Sonya.

"Opo." Ang sagot naming lahat

Nalampasan namin ang bigat ng mga pinapasan araw araw ngunit ngayon, sakit sa ulo na naman ang kailangan naming magawa.

"Talya, mahina ako magbasa ng salitang english." Ang sabi ng kasama kong babae, siya rin ang tinulungan ko noong matumba siya na pasan ang isang sakong patatas.

"Kaya mo yan, maliit na bagay lang yan kaysa patakbuhin tayo sa bukid." Ang paliwanag ko sa kanya.

"O Sige nga .. basahin mo yan...?"

"Da... da.. king ... ang.. kweng.." bigkas ko sa kanya habang binabasa ang ipinakita niya sa akin ang libro.

"Ano ba yan Talya... The king and queen.. letter "EN".. yan ang katunog niya.." sabi ni Tsinoy. May pagka-matalino din ito si Tsinoy, sing taba niya ang utak niya.

Kaming tatlo ay nagtutulungan sa pag aaral, maging ang iba pa naming kasamahan ay nahihirapan din lalo na ang pagbigkas ng Italian languages. Ang tamang pagbanggit at pagsusulat ng bawat letrang ibinigay ni Aling Sonya. Kailangan naming matutunan, dahil may ginagawang pagsusulit si Aling Sonya sa bawat paglipas ng tatlong araw. Kapag hindi nakapasa sa pasulit ay pinaparusahan niya ito at pinapaakyat sa bukid upang kumuha ng mga saging, mais, at maraming pang iba. hahakotin ito pababa ng bundok at dadalhin sa "safe house".

Sa panahong ito nabawasan kami ng dalawa, ang isa ay na heat stroke, bigla nalang hinimatay sa bukid, kinuha ito ng mga taohan at hindi na namin alam kong saan siya dinala. Ang ikalawa ay dahil namatay ng matuklaw ng ahas sa bukid. Hindi siya nagamot agad dahil sinekrito niya ito, nagulat nalang kami ng hindi na siya bumangon sa higaan at wala ng malay.

Dahil doon, natakot si Aling Sonya at binago niya ang schedule ng gawain namin. Sa edad na 15, Dito na kami sinanay ng mga gawaing physical, kung paano ipagtanggol ang sarili. Kahit video ng martial arts ay pinapanood na namin.

Dumating ang eka-anim na buwan, natotohan na rin naming humawak ng baril. Ang kabisaduhin ang Rifle, shot gun, pistol at revolver, ito ang mga bagay na mabilis kong nakabisado kaysa pag aralan ang apat na foreign language. Kasama na dito ang pagmamaneho ng sasakyan.

At 4:30 am nakapila na kami sa dalampasigan. Sa malawak na puting buhangin ng baybayin ng dagat, narito kami hindi para mangisda o panoorin ang sunrise. Kung hindi para sa isang pag iinsayo. Isa ito sa bahagi ng aming training, ang tumakbo na hindi lalagpas sa 40 minutes, ang baybaying dagat na ito ay may nakalaang 10 kilometro para sa aming pagtakbo, dalawang beses kaming iikot dito hanggang sa matapos.

Matapos ng training ay babalik kami sa "safe house" upang pag aralan uli ang mga foreign language.

Ngunit sa umagang ito ay may napag alaman kami.

"Talya mangingisda ba iyon?" bulong ni Lilly sa akin, ang batang babae na kasing edad ko lang. Siya ang unang nakakita sa isang mangingisda sa gitna ng dagat. Sa isip ko, napakalayo niya upang mapansin kami.

"Oo...tama ka mangingisda nga iyon"

"Baka pwede tayo humingi ng tulong, para makatakas tayo dito" bulong niya sa akin. Napaikot ang aking mga mata sa paligid, base sa aking obserbasyon, malaki ang chance na makakatakas kami dito, sa oras na ito wala kaming bantay. Wala si Aling Sonya, pati ang madalas na kasama nitong dalawang armadong gwardiya. Tama si Lilly pwedeng mangyari na makakatakas nga kami, ngunit ang bangka na sinabi niya ay napakalayo pa, maaring makikita niya kami ngunit hindi niya kami maririnig kung pipiliting naming sumigaw. Nag isip ako ng paraan.

Ang sumunod na umaga, ay agad naming ginawa ang planong pagtakas. Kinuha ko ang dalawang maliit na salamin sa aming kwarto inilagay ko ang mga ito sa aking bulsa ng makalabas ako ng safe house.

Nang mapansin ko na halos kompleto na kami ay lima ang pinpabantay ko sa paligid upang maging tagamasid kung sakaling may darating na taohan o si Aling Sonya, samantalang ako ang magtatawag sa bangka ng mangingisda.

Sinama ko ang ilan sa amin at nagpunta kami sa isang burol na mas malapit sa bangkang nakita namin. Ginamit ko ang salamin bilang komunikasyon sa bangkang nasa gitna ng dagat

"Talya, wala pang senyales na parating na sila" boses ni Tsinoy na naririnig ko sa aking likuran.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa upang makarating ang masakit na silaw sa bangka at makita ang kinaroroonan namin. Nagtagumpay ako, lumukso ako at kumaway sa bangkang dahan dahang lumapit sa dalampasigan saka ako sumigaw.

"Pagbilang ko ng tatlo, sampo sa inyo ang maunang lumangoy, pilitin ninyong marating ang bangka, kung sakali man isa sa inyo ang makaligtas isumbong ninyo sa mga pulis ang mayroon dito sa isla." sabi ko sa naunang batch, at sinunod nila ang sinabi ko. Sabay silang nagtakbuhan at nilangoy ang dagat.

"Talya, sabi nila bilisan daw baka makarating na ang bruha.." boses ni Tsinoy na nagsalita sa may kalayuan, Tinutukoy niya si Aling Sonya.Gumagamit din siya ng salamin bilang kumunikasyon at kamay bilang hand-sign para sa pag uusap.

"Papuntahin mo ang mga babae, sila na ang susunod na lalangoy." Sabi ko at agad ginawa ni Tsinoy ang sinabi ko, ginamit niya ang kanyang kamay para sa pag uusap habang nakatungtong ito sa bato.

Sa ikalawang bahagi ay nag antay pa ako ng isang minuto, pinasunod ko sa kanila ang anim na kababaihan kasama si Lilly.

"Pero Talya, ayaw ko maiwan ka dito... nangako Tayo sa isa't isa na magkasama ano man ang mangyari..." pagsasalungat nito sa akin.

"Mauna ka Lilly, kailangan mong maka alis dito, asahan ko na magagawa mo ang iyong misyon."

"Hindi ako papayag, kung mananatili ka dito, dito nalang din ako..." sabi nito na nakasimangot ang mukha.

"Ako din Talya, ayos lang sa akin na dito ako.. hindi kita iiwan, di bale nang puro mais ang kakainin ko makasama lang kita..." lumambot ang puso ko na naiinis, at naawa sa dalawang malapit kong kaibigan.

"Hangad ko lang ang inyong kaligtasan, pero kung iyan ang inyong nais wala na akong magagawa." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Kayong lahat pwede na kayong sumunod ako na ang magbabantay para sa inyo, bilisan ninyo.

"Bilis,! bilis!" mga boses na narinig ko mula sa aking mga kasamahan. Sa kaloob looban ko, sanay gabayan sila ng panginoon at makaligtas sa kapahamakan, sapagkat alam kong malalim at maalon ang dagat, dilikado sa edad namin na walang alam sa paglangoy.

Mula sa taas ng burol tinatanaw ko ang aking mga kasamahan na sinisikap makatakas. Nang medyo makalayo na sila ay bumaba na kaming tatlo mula sa burol na parang walang nangyari.

"Nasaan ang iba ninyong kasamahan?" sigaw ni Aling Sonya sa aming tatlo.

"Sumagot kayo! kung ayaw ninyong paputukan ko ng baril ang mga taenga ninyo." Sunod na sinabi ni Aling Sonya.

"Hindi po namin alam Aling Sonya.. nauna lang po kaming dumating dito at inaantay sila, pero wala na po sa kanila ang bumalik dito.."

"Lintikan na Sonya, paano natin to sabihin kay Boss Geralt?" sabi ng kasama niyang lalaki.

"May iba pang paraan.. e report ko ang iba na namatay, at humanap ka ng ibang batang dayuhan para idagdag sa mga pusang gala na ito.. bwesit!"

"Kausapin ko ang mga kasamahan natin, baka makaharap sila sa ibang bayan.." dagdag pa ng isang lalaki.

"O di kaya, kung tumakas ang mga iyon tiyak na hindi pa sila nakakalayo.. ipahanap mo agad sila sa buong isla ngayon din.." utos ni Aling Sonya..

"Tama, sige aalis na ako.."

Lumipas ang isang linggo, pero hindi nahanap ang iba naming kasamahan. Napabuntong hininga na lang ako at natupad ang aking panalangin. Dito ko mas na challenge ang sarili na kahit sa murang isip ay may nagagawa din ako.

Ang akala ko ay tapos na ang mga pamimili nila ng mga bata, nadagdagan kami ngayon ng labing anim, Ilan sa kanila ay di hamak na mas bata ang edad kaysa sa akin. Kaya mas lalong naghihigpit si Aling Sonya sa pagti-train sa kanila.

Two year and two months ang lumipas;

Pumunta kami sa isang siyudad malapit sa city jail. Gamit ang rifle, pinagbabaril namin ang police, lumabas ang isang lalaking may mahabang balbas sa shuttle, malaya itong nakakilos. Maya Maya pa ay may huminto sa kanyang harapan na puting van at doon siya sumakay. Siya si Wakam Suwadere ang drug lord na nahuli ng mga autoridad. Ang taong ito ay siyang target namin para iligtas at itakas sa habang buhay na pagkakulong na ipinataw sa kanya ng mga awtoridad.

Sumunod dito ay ipinadala kami sa Italy. May malaking agency si Don Geralt Monro sa Manila, kaya mabilis para sa kanya ang makapagpalabas ng tao bilang Overseas Filipino worker sa ibang bansa, syempre ang mga identity namin, pure fake lahat. doon nagtatrabaho kami bilang waitress. Ang lugar ay isang maliit na casino para sa mga mayayaman doon.

"Labing anim na ka tao ang napatay ko, sa tingin mo ba susunduin na ako ni kamatayan?" Tanong ni Tsinoy

"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya, Nagbubulungan kami sa gilid habang nakatayo at nag aantay ng ibang customer na darating, soot ang uniform bilang server, ang iba sa amin abala sa pagse-serve samantalang ang iba nasa counter.

"Nakokonsensya na kasi ako Talya, ayaw ko na pumatay. Gusto ko ng tumigil."

"Malabo mangyari iyan, hayaan mo binabalak ko rin yan, kunting tiis na lang." Sagot ko sa kanya.

Kinabukasan ng Gabi;

"Sigurado ka na ba na kaya mo?"

Tinatanong ko si Tsinoy. Naghahanda ito ng mga gamit niya para tumakas.

"E Ikaw? Sigurado ka bang ayaw mo sumama sa akin?"

"Gustohin ko man, pero kailangan isa sa atin ang maiiwan, kung hindi pareho tayong uuwi sa Pilipinas na bangkay."

Hindi na siya nagsalita pa, sumilip siya sa bintana upang tingnan ang buong paligid ng nasa baba. Tinulungan ko si Tsinoy na makatakas, sumakay siya sa isang kariton ng mga basura. para hindi ako mapaghinalaan, inakyat ko ang bintana at bumalik ako sa kwarto ko at nagkunwareng bagong gising lang.

"Talya,"

Ang boses na tumawag sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Alam ko kung sino iyon, ito ang aming pinuno, si Gilbert. Siya ay isang purong Italyano. Matagal na niya akong pinagmamasdan. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakita ba niya na pinatakas ko si Tsinoy?

"Katapusan ko na" sabi ko sa sarili ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"What?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si Gilbert na may seryosong mukha. Dalawang lalaki ang nakatayo sa likuran niya. Ang mga baril ay nasa kanilang baywang. Walang baril si Gilbert sa katawan pero siya ang master ng lahat ng martial arts men dito. Pinilit kong kalmahin ang sarili upang hindi ito maghinala.

"How was your sleep?" tanong ni Gilbert sa akin. Bumuntong hininga ako ng ma realize kong wala itong napapansin o naiisip.

"Its good" sinabi ko. ano kaya ang gusto niya sabihin sa akin ngayon? Bulong ko sa aking sarili.

"Il capo Gilbert mi ha chiamato, devi tornare nelle Filippine e fare rapporto a lui, ( Boss Geralt called me, you have to go back to the Philippines and report to him.)

Related chapters

  • OUR THING   HARAPIN ANG WAKWAK GANG

    Makalipas ang dalawang buwan ay may ipinagawa sa akin ang aking amo na si Don Geralt Monro. Ingay, sigawan, at nahinto ang tugtog.Nagtakbuhan ang mga tao sa isang club. Binasag ko ang buntot ng isang empty bottle upang gamitin pang depensa laban sa mga tambay at lasing na mga lalaki. Anim silang lahat kung bibilangin. Napalaban ako dahil sa pambabastos nila sa isang babae. Ang babaeng dancer ay sumasayaw sa gitna, pero dahil sa kalasingan nila ay lumapit sila sa stage at doon hinahawakan ang babae sa braso para hilahin at dalhin sa table nila. Walang sumita sa mga ito, na kahit ang manager ng club ay walang nagawa. Pero bago paman nangyari ang karahasan sa club na ito, ay may narinig akong bulungan sa katabing table, ayon sa kanila ang group na ito ay pawang mga miyembro ng wakwak gang. Good timing actually, dahil ang group nila ang sadya ko sa lugar na ito. "Ang tapang mo ah, sige! Lumapit ka dito!" Nagsalita ang isa sa kanila, akmang bumunot ito ng baril pero hindi natuloy dahi

    Last Updated : 2023-08-01
  • OUR THING   ANG PAGKAMATAY NG KAIBIGAN

    Narating ko ang isang pangpang kung nasaan nakatago ang startup damon motor ko na kulay dilaw. Ang motor na unang regalo ni Don Geralt Monro sa akin, nang mapatay ko ang dalawang drug lords sa Mindanao. Sinoot ko ang aking long coat, na kulay itim, madulas at manipis na tela. Sumunod ay sinuot ko na rin ang helmet na kulay dilaw, maliban sa isara ang salamin nito para takpan ang aking mga mata."Tsog! tsog! tsog!"Bigla akong napayuko para umiwas sa tatlong sunod sunod na putok. Ngunit hindi na ako lumingon pa para hanapin kung saan galing ang pag putok. Ang kinaroroonan ko ngayon ay nasa matarik na bundok, na may kalsada na parang bituka ng manok, umiikot mula itaas hanggang baba.Batid ko na may sniper ang taohan ni Kwago kaya walang ibang hahabol sa akin kundi ang kanyang grupo lamang.Dahil sa biglang pagpapaputok sa akin mabilis kung pinatakbo ang startup damon motor at nagmamaneho ng walang tigil, nagpasuray suray sa daan, dahil kahit anong layo ko na ay nasusundan pa rin ako n

    Last Updated : 2023-08-01
  • OUR THING   ANG AKING AMO

    Nadulas ako sa loob at labas ng kamalayan. Malabo ang isip ko at manhid ang katawan ko, iyon ay dahil sa nakatulog ako sa malamig na metal surface sa loob ng isang puting van.Pinabagal ko ang aking paghinga at kinakalma ang sarili hangga't kaya ko. Nakahiga ako na nakatagilid at nakatali ang aking mga braso at binti. May nakatali na tela sa bibig ko at kasalukuyang nakabalot sa itim na plastic bag ang ulo ko. Sa pamamagitan ng kakaibang init sa magkabilang panig ng aking mga binti at sa isang lugar na malapit sa aking likod, masasabi ko na may tatlong taong nakapaligid sa akin habang binabantayan ako.Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil matagal na akong, hindi nakasakay ng isang van. Sa sandaling ito, maayos naman ang pakiramdam ko, pero nabago nang magtaka ako kung saan ang punta ng byaheng ito.Matagal din akong nakakulong sa isang bahay na may sekreto at malaking basement sa loob, kasama ko ang iba pang tulad ko na nabili, sa ngalan ng salapi. Ang bahay na iyon, ay ang tinat

    Last Updated : 2023-08-01
  • OUR THING   KONTRA-BENTA

    Tahimik ang silid habang nakatingin si Geralt sa aking katawan, sa kanyang mga mata na may pitch black eyes. Nakasuot ako ng marumi at tattered na t-shirt at shorts na medyo malaki sa akin kaya tinalian ko ito sa baywang ko.Walang tanda na may maayos akong sitwasyon sa ilalim ng kapangyarihan niya. Tahimik kong ipinamamanhik sa kanya at walang tanda na ipagpapalit niya ako. Galit ako na hindi ko siya mabasa kung ano ang pinaplano niya na masama sa akin.Nababasa ko ang lahat ng tao sa silid na ito. Tinapik ni Geralt ang kanyang tagiliran, kinakabahan siya. Panaka-nakang nakasilip sa akin ang mga mata ng mga guwardiya, nagtataka sila.Nakaluhod ako sa sahig, walang. anumang galaw ang katawan ko. Bakit? dahil patay na ako sa loob ng pagkatao ko.Sa ilang taong pananatili ko sa basement na iyon, ay doon nakatira ang bahagi ng aking buhay. May mgapinagdadaanan ako at hindi ko na maibabalik ang dati. Kung ano at kong sino ako."Kukunin ko siya sa isang kondisyon," sabi ni Oliver.At sa wa

    Last Updated : 2023-08-01
  • OUR THING   ANG IKALAWANG AMO

    Nagsuklay ako ng buhok sa mukha ko gamit ang sariling kamay, habang sinusundan ko si Oliver. Gusto kong tumigil dahil humanga ako sa madilim na palamuti sa paligid ko, pero alam kong hindi ngayon ang tamang panahon.Itinulak ni Oliver ang isang malaking pinto na may desinyong pang moderno, bold, malinis ang kulay at may mga linya.Pumasok kami sa isang napakalaking silid. May malaking pabilog na desk sa gitna na napapaligiran ng mga upuan at flat screen tv sa kahabaan ng mga pader. Kung may masasabi man ako sa silid na ito, ito ay isang silid ng isang bigatin at pribadong tao.Lumipat si Oliver sa may dulo ng bahagi ng mesa. May tinapik ito at nagliwanag ang makikinis na itim na ibabaw. Isang tv sa isang mesa? May ganito pala?Sinubukan kong tandaan ang anumang uri bago ako umalis apat na taon na ang nakararaan, ngunit dumating ako sa mansyon na ito na walang alam.Talagang umunlad ang mundo mula noon. Pero di ko akalain na ganoon kabilis. May alam ako kung paano mag hack ng password

    Last Updated : 2023-08-02
  • OUR THING   OLIVER'S NEW CONTRACT

    Nagising ang aking diwa at kaluluwa mula sa aking pagtulog. May sadyang gumising sa akin. Ibinuka ko ang aking mga mata. Para putulin na ang isang panaginip na parte ng mapait na karanasan sa "safe house."Si Lilly, ang matalik kong kaibigan. pakiramdam ko ay sinusundan ako ng multo ng nakaraan. Base sa narinig ko mula sa mga sinabi niya ay ginahasa siya, isa lang ang naisip kong dahilan, iyon ay dahil hindi niya mapigilan ang sarili dahil sa katarantaduhang ginawa nila sa kanya. Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa ding ding. 3:00 am, masyado pang maaga. Sa aking pag iisip, para na akong nasisiraan ng bait. Narito ako sa bagong tahanan, at bagong amo. Bumangon ako sa kama at naghanap ng ano mang bagay na pweding gamitin, ano mang bagay na maaring gagawin kong sandata sa ano mang oras, sapagkat gusto ko pang mabuhay ng matagal.Sa pagiikot ko sa buong kwarto, wala akong nakitang pweding kong sirain, kung magbabasag man ako, baka may makarinig pa at mahuli nila ako. Bumalik na la

    Last Updated : 2023-08-03
  • OUR THING   ANG CODE SILVER SKY

    Nagpabalik-balik ang lakad ko sa kwarto, na hindi mapakali. Sa isang sandali lang marahil ay ipapatawag na naman ako sa opisina ni Oliver. Bago mangyari iyon, kailangan kong makaalis sa kanyang mansyon sa lalong madaling panahon. Habang tumatagal ako dito, mas maraming oras ang ibinigay ni Oliver para malaman kung sino at ano talaga ako. Sa pamamagitan ng pagbanggit sa aking code name, "Silver sky" alam kong malapit na niyang malaman ang lahat, at hindi niya dapat malaman iyon."Aalis ako ngayong gabi" bulong ko sa aking sarili.Sa sandaling lumubog ang araw, at ang estado na ito ay nababalot sa anino, bahala na basta maka alis lang ako. Wala akong gaanong kasama upang tumulong sa paano makalusot, kailangan kong magamit muli ang aking pagka-tuso.Naglalakad ako papunta sa bintana, nagtago sa likod ng kurtina at pinagmasdan ang mga bantay sa ibaba. Hanggang sa kinagabihan at oras na para magpahinga. Buong araw kong pinagmamasdan ang mga guwardiya, pinag-aaralan ang mga oras ng shift n

    Last Updated : 2023-08-04
  • OUR THING   SINO SI JULIA PEREZ CACHO

    Ilang oras na akong tumatakbo ng mas mabilis na walang paglingon. Hanggang sa marating ko ang ilog, hinubad ko ang sinoot ko na napakalaking itim na t-shirt pati cargo pants na ninakaw ko sa isa sa mga bantay na aking nakasagupa, at itinapon ko iyon sa ilog.Nagpalingon-lingon ako sa paligid at muli akong naglakad ng mabilis. Bago magtanghali ay nakarating ako sa lungsod. Itinaas ko ang buhok ko at itinali ng paikot habang naglalakad sa maingay na lugar. May maraming tao dito at iba't ibang sasakyan na dumadaan. Hindi maiwasan ng mga mata ko na tumingin sa paligid. Napakaraming nagbago. Mukang mabilis umusbong ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga technolohiyang nakikita ko sa mga tindahan. Mga advertisement sa malaking screen na makikita sa taas ng building.Wala pa rin akong clue kung ano ang susunod kong gagawin. Ang baril na nakasiksik sa aking leggings ay natatabunan ng soot kong malaking hoodie. May walong bala na lang ang natitira dito. Sapat na ito incase may pinadala si Oliver

    Last Updated : 2023-08-04

Latest chapter

  • OUR THING   KAI TANASHI

    "Talya! gising!" Boses na tatlong beses kong naririnig. Tila isa itong panaginip. Ngunit nagbukas ang aking memorya sa nakaraan, nawalan pala ako ng malay ng iniwan ako ni Oliver sa kawalan. Iniunti-unti kong binuksan ang aking mga mata kahit na may panghihina at sakit na nararamdaman sa buo kong katawan. Ngayon nagising na naman ako sa katotohanang pagkakamali ko sa taong pinagkatiwalaan. "Saka ka na magpaliwanag, ilalayo na muna kita dito" sabi niya na hindi ko pa maklaro ang kanyang pagmumukha. "Tulungan mo ako.." sinabi ko na parang nasusuka at hilong hilo pa sa nangyari. Nahimasmasan na lamang ako at bumalik ang aking katinuan, ng magising ako kinaumagahan na. Unang tumambad sa aking harapan ang mukha ng dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana, ang tumulong pala sa akin para makaalis ako sa lugar na iyon. "Buti nalang talaga! hindi ka na puruhan doon" pagaalalang sinabi sa akin ni Luciana. Hindi ako makaimik. Ang katotohanan ay bukod sa nakatulog ako ay pinagtatadya

  • OUR THING   PAGNANASA

    “Oliver stop..” pakiusap ko ngunit tila hindi nito naririnig ang aking sinabi. Sa aking pagsisikap na makaiwas sa pagkakahawak nito, hindi sinasadyang naidiin ko ang sarili laban sa aking pagpukaw, na pilit na pinipigilan ang sarili mula sa pagiging marupok. Isang malalim na paghinga ang kumawala sa kanyang mga labi, habang ako ay likas na umatras, ngunit handa na siya sa aking mga reaksyon. Tanging isang ngiti lang ang ipinakita niya sa kanyang mukha. Sa isang sinasadyang paggalaw, ang kanyang daliri ay nakipagsapalaran sa nagiinit kong katawan, at ito ay nagdulot ng isang tugon na nagpapataas ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Pinagod ni Oliver ang kanyang daliri sa kanyang pagnanasa. “My father, hid something from me. It is the most important thing I want to have before I leave the Philippines.”sinabi niya na pansamantalang tumigil. “What are you talking about?” tanong ko at kagat-labing napapikit ang mata saglit dahil sa muling pagmasahe ng kanyang kamay sa aking mga u***g.

  • OUR THING   HULI KA NA SILVER SKY

    Sa kagustohan kung lumayo kay Oliver Monro, hinarang naman ako sa lobby ng kanyang dalawang taohan na ngayon ko lang nakita. Pareho silang nakatingin sa akin. Ngunit agad akong nabahala ng mapansin na tumatagal ang titig nila sa dibdib ko. Napakunot-noo ako at sinabing, “Padaanin ninyo ako..” Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa. “Nawawala po ata kayo Miss..” sagot ng isang lalaki sa bandang kanan, sabay himas sa kanyang bewang kung saan naka-pwesto ang kanyang baril. “Paano ka nakapasok dito..?” Tanong naman ng isang lalaki na nakatayo sa bandang kaliwa ng aking harapan. “Hindi ko na kasalanan kung mahina ang seguridad ninyo sa pagbabantay, kaya pala madali kayong malusob ng mga kalaban.” deretsahang sinabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" maangas na tanong ng isa sa kaliwa. Sinubukan niyang lumapit sa akin at itinaas ang kanang kamay. Mabuti na lang at ako ay mabilis na nakailag bago paman niya maabot ang hibla ng aking buhok. "Malamang! ang amo nyo ang kailangan ko, at wal

  • OUR THING   GALIT AT POOT

    "Talya....a. anak.." Sigaw niya na hirap sa paghabol ng hininga. Nagawa pa nitong ngumiti na alam ko na napipilitan lang itong ipakita sa akin, na wala siyang nararamdaman. Namumula ang kanyang pisngi mula pa kanina, ngunit sa bawat sigundong lumipas, ang kanyang labi ngayon, ay unti unting namumutla. Pakiramdam ko, huminto ang mundo ko habang tinititigan ko siya. Hindi ako maka-react agad, batid ko na naunahan ako ng pagkamuhi, galit, at ngayon ay gulat na gulat. Hanggang sa nasaksihan ko ang pamu-muo ng mga luha mula sa kanyang mga mata, dumadaosdos sa kanyang pisngi, hanggang sa pumatak ito sa lupa. "Mm..maaa..." "Ma..ma....." aking sigaw. Tumakbo na ako para lapitan siya. Hanggang sa bumagsak sa lupa ang katawan ng aking Ina, mabuti na lamang at nasalo ko pa ang ulo niya. Marahan kong ini-angat ang ulo niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Saka ko pa lang nararamdaman ngayon, ang bigat mula sa kaloob loob ko. "Ma..." sambit ko. Naluluha na ako habang pinagmamasdan ang

  • OUR THING   PIGHATI

    "I thought I would never see you again..." Sinabi ko habang nakatingin sa bintana. Nang maramdaman ko ang isang mainit na paghinga ay napalingon ako kay Oliver, na nagbukas nang napakaganda niyang mga mata. Mahinhin ang kanyang mga tingin na may senyalis ng pagka-antok matapos ang pangyayari. Hindi na ito bago sa akin, aminado ako sa aking sarili na nagpaubaya ako di dahil sa gusto ko. Sa isip ko, ay namimiss ko lang siya. Pero sa puso ko ay may pighati, at may pangungulila akong nadarama. "I know that I will find you here. Mom told me that you liked to stay near the sea" sagot niya sa akin. Sumunod ay bumangon siya at umupo kung saan siya nakahiga kanina, saka muling nagsalita. "There are so many things that I want to do. I want to leave the Philippines and start all over in Italy, the only place where I belong." Nang marinig ko ang huli niyang sinabi ay parang tinutusok ng isang matulis na kutsilyo ang aking puso, ang sakit. Napatulala ako. Hindi ko sukat akalain na mararam

  • OUR THING   PUSONG LIGAW

    "Hindi mo ako anak. Dahil kong ikaw ang aking Ina, hindi mo dapat ako hinahayaang mawala" Tumulo ang aking luha ng bigkasin ko ang bawat letrang ito. Kahit kaunting pagmamahal ay wala akong nararamdaman ngayon. Nananaig ang kirot sa puso ko, na parang gusto kong sumigaw."Kung alam mo lang anak...""Hindi ko alam, at hindi kita kilala. Isa pa, hindi ko hinahanap ang aking magulang. Dahil alam ko na patay na sila." pagmamatigas kong sabihin ito. Hindi ko alam kung maniniwala siya o may epekto ang sinabi ko. Pero ito ang totoo. Pinatay na nila ako noon, na kahit humihinga pa ako hanggang ngayon. "Talya... patawarin mo ang mama..." mahinahon niyang salita ngunit may kalakasan, lakas na nakakapanghina sa akin. Bakit hindi sing-tigas ng bato ang puso ko, katulad ng ginawa nila sa akin noon?Humakbang siya kasabay ng pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Itinaas ang dalawang kamay na parang may sinasalubong na isang mahigpit na yakap, saka sinabing..."Talya anak.. miss na miss n

  • OUR THING   MULING PAGTATAGPO

    "Napakagaling mo talaga, pinahanga mo ako sa ginawa mo laban kay Oliver Monro. Dahil doon dinagdagan ko ang hinihingi mong pera," sambit ni "Black hawk" nang makausap ko sa telepono. Tinawagan ko siya para sa financial naming pangangailangan."Kung may magaling man sa atin, ikaw iyon. Kung di dahil sa tulong mo malamang pinag-pyestahan na ako ng mga bulate ngayon sa lupa""Of course, ako lang naman ang the "legendary spy" sa buong Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil ikaw lang ang nakaka alam niyan," matapos niyang sabihin ito ay tumawa siya."Hindi ka pa rin nagbabago," saad ko sa kanya."Get the money in any LCB encashment center near you" huling sinabi niya at ibinababa ang tawag, ngunit bago iyon ay narinig ko pa ang pagtawa niya matapos magsalita."Hanggang ngayon ba nagtitiwala ka pa rin sa matandang iyon?" tanong ni Luciana."Oo, alam ko tutulungan niya tayo at hindi niya ako bibiguin." "Sana nga lang, dahil kung hindi hahanapin ko siya sa buong Pilipinas pag gumawa siya ng kalo

  • OUR THING   SI TANTAN AT LUCIANA

    "Tantan, Luciana..."Tumakbo ako ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana ay malapit din noon sa matalik kong kaibigan na si Lilly. Katulad ko ay wala rin silang nagawa para iligtas si Lilly mula sa mga kamay ng mga taohan ni Don Geralt Monro. Ganon pa man ay hindi ko sila masisisi kung naunahan na sila ng takot. Sa muli naming pagtatagpo ngayon, ay hindi na namin napigilan ang maging emosyonal at mayakap ang isa't isa.Ang dalawa ay kasama ko na lumaki sa "safe house" noon na itinayo ni Don Geralt Monro sa Isla ng Siargao. Si Tantan, nagbago na ang kanyang itsura, ang maitim niya na buhok ay may kulay na dilaw, matangkad at maputi siya, dahil ayon sa kanya isang German ang kanyang ama na iniwan ang kanyang Ina hanggang sa mamatay ito dahil sa depression. Ang palatandaan ko sa kanya ay putol ang isang daliri sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay. Pinutol ito ng isa sa mga taohan ni Don Geralt noon, nang mahuli siyang kumuha ng pagkain sa ref sa oras ng hating gabi."Ma

  • OUR THING   KADUGO

    (POV-3) "Sir, lumabas na ang resulta ng DNA test ng isang taong pumatay sa kilalang Drug Lord na nagtatago sa isang Isla ng Mindanao. Si Kwago." Ang nagsalita ay si SPO2 Alfred dela Cruz. Dalawampu't walong taong gulang. Mabilis siyang kumilos, matalino at magaling sa pag gamit ng mga makabagong technology sa kasalukuyang henerasyon. Mabilis siyang nakitaan ng kakaibang husay at galing, bukod dito, ay tapat siya sa kanyang tungkulin sa lumipas na limang taon, kaya mabilis niyang nakuha ang naturang rank bilang pulis."Anong findings?" Tanong ng isang lalaking nakatalikod. Hindi ito humarap sa pulis na dumating na nagsasalita."I'm sorry Sir, pero it's clear na kilala mo ang taong ito""What? Inaakusahan mo ba ako?" pagkatapos marinig ng pulis ang sagot ng lalaki ay napalunok na lang siya sa sarili nitong laway."No Sir! I'm sorry.. what I mean is baka kilala mo ang taong ito, dahil pagkatapos ng masusing investigation, I found out na nagmatch ang DNA test result sa dugo mo""Huh? ka

DMCA.com Protection Status