"Huwag ka nang matulog. Huwag kang mawalan ng malay."Sinubukan kong sabihin sa sarili ko pero hindi ko malabanan, ang hirap huminga, para akong lantang gulay na hindi makakilos. Bumitaw na ako sa aking pagkahawak sa braso ni Oliver. Hanggang sa dahan dahan na akong nadulas sa dilim."Tot, tot, tot," ang tunog na aking naririnig. Isang makinang maingay sa paligid ko.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, buhay pa pala ako? Pero blur pa rin ang aking paningin. Ipinikit ko muli ang aking mga mata, tanda ko na, Si Oliver ang may gawa nito, kung ano ang nararamdaman ko ngayon, ramdam ko pa ang pananakit sa aking leeg.Nang tuluyan ng magising ang diwa ko, napagtanto ko na nakasiksik ang sarili ko sa isang sulok, kinakabahan at nanginginig. Ang aking hininga ay nag fogged. At tila ang aking baga ay pagod na sa pagkuha ng preskong hangin.Napagtanto ko na hindi lang pala ako nag iisa sa kwarto. Nagkamalay ako kasama ang labing limang babae sa loob. At si Oliver, tinatawag niya kami n
Last Updated : 2023-08-10 Read more