Home / Romance / A Husband's Vengeance / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of A Husband's Vengeance : Chapter 101 - Chapter 110

125 Chapters

CHAPTER 100

" Señorita, gising pa po ba kayo? " tanong ng isang kasambahay matapos kumatok sa harap ng pinto ng silid na pagmamay-ari ni Lucine. Tatlong segundo bago siya muling magsalita. " Mayroon po akong dalang pagkain para po sa hapunan niyo. Baka po kasi nagugutom kayo—" Bumukas nang bahagya ang pinto at sumilip rito si Lucine bago patuluyin sa loob ang kasambahay. Naglakad siya patungo sa isang pabilog na mesa upang ibaba ang bandeha na naglalaman ng pagkain na siya mismo ang naghanda. Matapos ng nangyaring gulo kanina, hindi niya napansing bumaba si Lucine upang makapaghapunan kaya batid niyang gutom na ito. Pasado alas diyes na ng gabi at hindi niya nais matulog na dala sa kama ang pag-aalala. " Kumusta ang lagay ni Papà? " tanong ni Lucine. " Maayos na ba ang lagay niya? " " Maayos na po ang kalagyan ng Don. Bumalik na po sa normal ang presyon niya, " sagot ng kasambahay saka nilingon si Lucine na nasa kaniyang likuran. Malungkot siyang ngumiti. " Señorita, pasensya na po sa nangyari
Read more

CHAPTER 101

Hindi malaman ni Lucine kung anong reaksyon ang gagawin niya nang hindi niya mabuksan ang pinto mula sa loob ng kaniyang silid. Ilang beses niyang sinubukang pihitin ang busol at malaya naman niya itong naigagalaw ngunit hindi niya ito magawang hilahin para magbukas. Sa kaniyang inis, padabog niya itong kinatok nang kinatok. " Mayroon bang tao d'yan sa labas?! " sigaw ni Lucine, muli siyang kumatok at sa pagkakataong ito, halos gibain na niya ang pinto. " Ano ba, palabasin niyo 'ko dito! " Ngunit lumipas ang ilang minuto, nanatili pa ring nakasarado ang pinto. Napaatras si Lucine at napahawak sa noo habang nagtatakbuhan sa isip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit niya hindi magawang lumabas. Lumakad siya patungo sa balkonahe at halos pagsakluban siya ng langit at lupa nang makitang nakakandado ang pinto mula sa labas. " Anong..." hindi magawang ituloy ni Lucine ang balak na sabihin nang makaramdam siya ng hilo at tila ba may umaangat sa sikmura niya. Akala niya kaya niyang t
Read more

CHAPTER 102

" Hayaan niyo siyang magwala. Ibalibag niya kung anong gusto niyang ibalibag dahil wala namang halaga saakin 'yong mga gamit na nasa kuwarto niya, " saad ni Victoria, prenteng nakaupo sa sopa sa sala habang minamasahe ng isang Espesyalista ang sentido niya. " Mamayang alas-dose naman ng tanghali niyo buksan ang kuwarto niya para sa tanghalian niya. Kung itapon man niya, hayaan niyo. Huwag niyong dadalhan ng panibago. " " Masusunod po, Doña Victoria... " saad ng dalawang kasambahay na itinalagang maghahatid ng pagkain kay Lucine nang tatlong beses sa isang araw. " Ah, puwede po ba akong magtanong sainyo, Doña? " Mula sa pagkakasara ng mata, napadilat si Victoria upang tapunan ng tingin ang kasambahay na nakatayo sa gilid niya. " Anong itatanong mo? " " A-ano po kasi...tinatanong ni Señorita kung hanggang kailan daw po siya mananatiling nakakulong sa kuwarto niya... " kita ang takot sa mukha ng kasambahay habang binibigkas ang mga salitang nais rin niyang malaman ang kasagutan. Sinis
Read more

CHAPTER 103

" Don Banville, narito na po tayo, " anunsyo ng drayber ni Logan matapos ihinto ang sasakyan sa tapat ng gusaling sinadya niya ngayong umaga. Sumilip siya sa bintana ng kotse bago nagdesisyong bumaba. Mahigpit ang kaniyang hawak sa tungkod na sumusuporta sa kaniyang pagtayo at paglalakad sapagkat matapos ng nangyaring gulo noong isang linggo, inirekomenda ng kaniyang Doktor na gumamit na siya ng pansuporta upang mabalanse ang kaniyang pagtayo. Lumakad si Logan papasok ng establisyemento kasunod ang kaniyang mga tagabantay. Binati sila ng guwardiya na nasa labas ng pintuan, nagtanong kung ano ang kailangan ngunit hindi nag abalang sagutin ito ni Logan. Dumiretso siya sa isang pinto at inutusan ang isang niyang bantay na kumatok. Ilang saglit lang ay bumukas ito at niluwa ang isang tao ni Don Caruso. " Ah, kayo pala. Magandang umaga po, Don Banville. Tuloy po kayo sa loob. " Magalang nitong bati saka nilakihan ang awang ng pinto upang sila'y patuluyin sa loob. " Ang aga niyo po yata
Read more

CHAPTER 104

Tahimik na pinagmamasdan ni Amadeus ang malaki at maliwanag na buwan sa kaniyang harapan. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kailaliman ng gabi habang hawak ang isang baso ng alak na higit isang oras na niyang iniinom. Hindi alam ni Amadeus kung bakit pa siya umuwi sa mansyon gayong hindi naman niya magagawang makita at kausapin si Lucine. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang ipasira ang mga kandadong nakakabit sa pinto subalit ayaw niyang gumawa ng bagay na muli na namang ikapapahamak ng dalaga. Mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ni Lucine at sa dami ng pinagpipilian niyang paraan upang ito'y iligtas, pinili niyang ipagpatuloy ang planong pagpapabagsak sa pinaka punong kalaban, sapagkat sa oras na mawalan ito ng kapangyarihan, mawawalan na rin ng silbi ang mga alituntunin at regulasyon na ipinatupad sa mansyon. Ibinaba ni Amadeus ang tingin sa hawak niyang baso at nilagok ang laman nito. Nakararamdam na siya ng antok ngunit hindi niya pa nais matulog. Kinuha niya ang bote s
Read more

CHAPTER 105

Kilala si Victoria Banville na isa sa pinakagalante, pinakamayaman at pinakamagandang babae hindi lang sa iisang bayan kung hindi sa buong bansa. Maraming humahanga sa kaniya dahil tila hindi tumatanda ang kaniyang hitsura. Sa tuwing may nagtatanong sa kaniya kung anong sikreto niya sa pagmumukhang bata, lagi niyang sinasabing wala at natural ang lahat sa kaniya. Madalas na itanggi na wala siyang pinaaayos sa kahit na anong parte ng katawan niya, sapagkat mas malala pa roon ang mga bagay na kaniyang ginagawa para maisakatuparan ang ninanais niyang mangyari mula sa kaniyang mukha at sa pisikal na pangangatawan. " Paanong nangyari ang lahat ng 'to?! " hindi maipinta ang mukha ni Victoria matapos mabasa ang isang artikulo mula sa dyaryong hawak niya. " Paanong...paano sila nagkaroon ng kuha ng litrato ng mga 'to?! " " Hindi ko alam, Victoria! Hindi ko alam! " Nanggagalaiting saad naman ni Logan. Maski siya ay walang ideya kung paano ito nakarating sa medya gayong lahat ng mga bagay na
Read more

CHAPTER 106

Hating-gabi na ngunit hindi pa rin magawang makatulog ng mag-asawang Banville. Nasa loob sila ng opisina, kausap ang kanilang abogado na nagpapaliwanag kung ano ang mga maaaring mangyari kay Victoria. Kailangan nilang lumusot sa butas ng karayom dahil maliit na lamang ang tiyansang nakikita nila matapos ng ginawang pagsuko at pagsiwalat Doktor tungkol sa kasunduan nila ni Victoria. Matibay rin ang mga ebidensyang hawak ng kapulisan at kung noon ay nagagawa ng mga Banville na idaan sa suhol ang lahat, ngayon ay imposible na dahil tila lahat ng tao sa buong bansa ay kalaban nila.Makapangyarihan ang pera, subalit makapangyarihan din ang mga medya dahil sila ang pinagmumulan ng mga impormasyong paniniwalaan agad ng mga tao. Madaling kumalat ang balita, may katotohanan man o wala. Kilala ang Banville dahil isa sila sa mga pinakamayayamang negosyante sa buong bansa, subalit ngayon ay iba ang dahilan kung bakit maingay ang pangalan nila at iyon ay dahil sa sunod-sunod na isyung naglalabasan
Read more

CHAPTER 107

" Sige, maraming salamat. " Binaba ni Amadeus ang selpon matapos siyang balitaan tungkol sa matagumpay na pagkakahuli kay Victoria. Inaasahan na niyang babalakin nitong tumakas ngunit marami siyang nakalatag na plano at kahit anong solusyon o daan ang piliing tahakin ng mga ito, isa lang ang dulo na naghihintay sa mga Banville. Sumimsim si Amadeus sa mainit na kape habang nakatayo sa harap ng salamin na nagsisilbi na rin niyang dingding. Nakatanaw siya sa malawak na siyudad habang ang kalangitan ay nagsisimula na ring magkaroon ng liwanag. " Kaunting tiis na lang, Lucine... " mahinang bigkas ng kaniyang bibig. Umalis siya sa harapan ng salamin at lumakad pabalik sa kaniyang mesa. Binaba niya ang tasa sa mesa saka kinuha ang isang malaking sobre na ilang araw na ring na sa kaniya. Kaniyang inilabas rito ang ilang papeles na susi sa pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Venice. Pirmado na niya ang kaniya at naghihintay na lamang siya ng tamang tyempo upang hingin ang pirma ng asawa. Ba
Read more

CHAPTER 108

" Pasensya na po, pero ang bilin po kasi saakin ay huwag muna akong magpapasok ng taga-labas. Hindi po tumatanggap ng bisita ang mga Banville ngayon, " saad ng guwardiyang nakabantay sa labas ng mansyon, kausap ang drayber lulan ng isang magarang sasakyan. Ang dalagang naka upo sa likuran ay napaikot na lamang ng mata sa narinig. " Ilang taon na kayong nag ta-trabaho dito? " tanong ng dalaga. " Ah, mga apat na taon na po, Madame, " saad ng guwardiya. Napatango ito. " Apat na taon pa lang? Ako kasi halos dalawang dekada rin akong nanirahan dito. Alam niyo ba o kilala niyo ba ang orihinal na may-ari ng mansyong ito? " " Banville po ang namamahala—" " Orihinal, hindi peke. " Kinuha ng dalaga ang kaniyang pagkakakilanlan saka ito inabot sa guwardiyang kausap niya. " Alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo, pero kung nais niyo pa ring manatili dito sa oras na bumalik ang orihinal na may-ari nito, papasukin niyo ako sa loob. " Kita ang pagdadalawang isip sa mukha ng guwardiya
Read more

CHAPTER 109

" Tita Rei? " Namilog ang mata ni Amadeus nang makitang ang kaniyang Tiya sa labas ng pinto ng kondominyum niya. Mukhang balak pa lamang nitong pindutin ang buton sa gilid na nagpapadala ng mensahe sa loob na mayroong tao sa labas. " Ano pong ginagawa niyo rito? Paanong...akala ko sa isang linggo pa ang dating niyo? " " Su-supresahin sana kita, pero ako pa ang na-supresa, " sagot ni Reina saka humawak sa kaniyang dibdib dahil sa pagkabigla nang bumukas ang pintong tinatayuan niya. Tumingin siya sa likuran ni Amadeus. " Puwede ba akong tumuloy sa loob? O baka mas gusto mong dito tayo mag-kumustahan sa labas? " Tila natuhan naman si Amadeus at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin sa loob ang kaniyang Tiya. Wala si Owen at Morriss dahil sa trabahong kaniyang pinagagawa at pinatatapos na may kinalaman sa kaso ni Victoria. " Kumusta ang pamamalagi mo dito? Naging komportable ka ba? " panimula ni Reina habang inililibot ang tingin sa kabuan ng kondominyum na tinitirahan
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status