Home / All / Jeepney Love Story / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Jeepney Love Story: Chapter 51 - Chapter 60

111 Chapters

Fiftieth Trip: Used

Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong sabihin kina Giovanni at Christine ang nararamdaman ko. Ilang taon na kaming magkakaibigan, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi pa rin sila nagbabago. Palagi silang nandiyan para damayan ako. "Ito na ang order ng table number 5." Agad akong lumapit sa counter nang itawag 'yon ni Ate Elena. Kinuha ko ang order at sana'y ihahatid sa mesa ng kustomer. Subalit nagulat ako nang may mga kamay ang humawak sa bandehang hawak ko. "Ako na Almhera," sabi ni Sedrick, sabay kindat sa akin. Natatawang napapailing na lang ako sa kanya saka ibinigay ang bandeha, kung saan ang order ng kustomer. Kumuha na lamang ako ng pampunas sa counter at agad pumunta sa isang mesa na kakatapos lang ginamit ng isang kustomer. Iniligpit ko ang kalat saka pinunasan ito. Inilagay ko sa bandeha ang mga hugasing baso at agad ko iyon dinala patungo sa kusina ng Coffee Shop. Bago pa man ako makalapit ng tuluyan roon, napasinghap ako
last updateLast Updated : 2021-12-14
Read more

Fifty-first Trip: Protect

Malakas kong binatukan ang aking sarili dahil sa mga naiisip. Baliw ka ba Almhera? Ba't ka napapaniwala sa iba kung hindi naman nila alam ang kuwento mo? Alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko magagawa 'yon sa mga kaibigan ko. Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. "Nandito na tayo sa sakayan, Almhera." Nanlaki ang mga mata kong tiningnan si Sedrick. Agad akong napatingin sa aming paligid at tama nga siya, nasa sakayan na kami ng Jeep pauwi sa amin. Sa sobra kong pagkakalutang, hindi ko man namalayan na dito na pala kami. Napipilitan akong napatawa dahil sa hiya sa pagiging lutang ko. Hindi sa 'yon mapansin ni Sedrick, baka mukha akong sira kanina. "Dito na pala tayo. Maraming salamat, Sedrick." Pilit akong ngumiti sa kanya, tinatago ang pagkapahiya. "Walang anuman, Almhera. Sumakay ka na sa Jeep at mag-iingat ka. Palagi kang tumingin sa daan mo at baka maligaw ka." Nakita kong nagpipigil ito ng tawa habang sinasabi n
last updateLast Updated : 2021-12-15
Read more

Fifty-second Trip: Notification

Hindi ko mapigilang mapahalakhak nang marinig ko si Giovanni na parang masusuka. Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay agad kong niyakap ang aking braso sa kanyang batok. Ngumuso ako sabay lapit ng aking mukha sa kanya. Bigla namang nawala ang kulay sa kanyang mukha at napalitan ito ng pandidiri. "Nakakadiri ka talaga, bruha. Bakit mo inilapit ang mukha mo ng ganoon kalapit sa mukha ko?" nakatakip sa bibig na wika ni Giovanni. Hindi ko naman mapigilang matawa ulit. "P-Pakiramdam ko kasi kanina ay isa akong prinsesa at ikaw ang gwapong prinsipe na handang protektahan ako." Humagikhik ako nang ngumiwi ito sa sinabi ko. "Yuck! Over my sexy body na maging prinsipe, no? Ako kaya ang pinakamagandang prinsesa sa balat ng lupa," kompiyansang wika ni Giovanni. Nagkatinginan kami at sabay na lamang napatawa. "Halika ka nga rito," aniya sabay ibinuka ang dalawang braso para yakapin ako. Patakbo naman akong lumapit sa kanya sabay niyakap ko siya nang ma
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Fifty-third Trip: No Choice

Nagkaguluhang mga estudyante ang bumungad sa akin pagkarating ko ng MHU. Maingay ang lahat at isang topiko lamang ang kanilang pinag-uusapan. "Sino kaya ang girlfriend ni Giovanni?" Narinig kong sabi ng kaiskuwela kong babae, kausap ang sa tingin ko'y kaibigan niya. Nagpakawala naman ako ng buntong-hininga dahil kahit ako, hindi ko rin alam kung sino ang babaeng ipakilala ni Giovanni bilang girlfriend niya. Kahit kailan, hindi siya nagkaroon ng kasintahang babae at nasa mga gwapong lalaki lamang ang kanyang atensyon. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil hindi man lang nasabi ni Giovanni ang tungkol dito. Sa unang pagkakataon lamang nangyari 'to na hindi siya nakipagkwento sa akin. Sa lahat na mga nangyari sa buhay niya, palaging nauuna kami ni Christine ang nakakaalam. "Pumunta na tayo sa Gymnasium! Nandoon na si Giovanni!" malakas na pagkakasigaw ng isang bakla. Sanhi upang makuha ang atensyon naming lahat. Nakipagsabayan naman ako sa mga kaiskuwela kon
last updateLast Updated : 2021-12-18
Read more

Fifty-fourth Trip: Virgin Eyes

"Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—" "E kasi namam, KDrama na naman an
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

Fifty-fifth Trip: Sweating Forehead

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Napalunok ako bago dahan-dahang lumingon sa kanya. Napahinga na lang ako ng maluwag nang makitang nakasuot na ito ng kulay itim na t-shirt. Napakurot ako ng sariling balat sa hita, nang may parte sa sistema kong gusto pang makita ang nakita ko kanina. "Inuulit ko... Ano ang ginagawa mo rito?" may diin niyang tanong sa akin. "A-Ahm... A-Ano... nag-message sa akin si Alyson na pupunta raw ako rito. Pero, parang wala naman siya yata rito ngayon." Napipilitan akong ngumiti sa kanya. "Wala nga rito si Alyson, kanina pa umalis kasama ang nobyo niyang si Giovanni." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Clinthon. Ang walangyang magnobyong 'yon, niloko ako. Napahugot ako ng hininga at napatingala kay Clinthon. Ngunit nagitla ako nang makitang malapit ang mukha niya sa mukha ko. Agad akong napaatras papalayo sa kanya. Ngunit sa kasamaang pala
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Fifty-sixth Trip: Pass

"Dapat ang inyong mga proyekto ay maipapasa niyo bago ang araw ng inyong Final Exam." Umugong ang bulungan at angal ng mga kaklase ko pagkatapos sabihin 'yon ng aming guro. Buong linggong kasiyahan ang naranasan namin sa University Week at kahapon ay wala ring pasok. Ngunit pagdating ngayong miyerkules, ito ang nadatnan namin. Tambak na mga proyekto at sa sumunod na linggo ay ang Final Exam na agad namin. Nagpakawala na lamang ako ng buntong-hininga. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, mag-aaral ba o gagawin ang marami naming proyekto. Idagdag pa ang nangyari sa amin ni Clinthon kahapon. Bigla ko tuloy naalala ang kahihiyang itsura naming dalawa. *** Nagugulat akong napatingin sa bukana ng Training Room nina Clinthon nang sunod-sunod pumasok sina Giovanni, Christine, Alyson, Andrew Fuentes, Sedrick, at Haven. Nagtataka kaming tiningnan ni Andrew, Sedrick, at Haven. Ngunit nang tingnan ko ang dalawa kong kaibigan na siGiovanni, Christine,
last updateLast Updated : 2021-12-21
Read more

Fifty-seventh Trip: Happiest Birthday

Nakakunot-noo akong binunggo ni Clinthon nang deretso itong pumasok si opisina ni Ma'am Guanzon. Hindi ko naman maiwasang magtaka sa inakto niya. Ba't galit na galit ang mukha niya? May nagawa ba akong mali? "Grabe naman 'yong lalaking 'yon. Kilala mo ba 'yon, Almhera?" tanong ni Sedrick sa likod ko. Nakatingin lang ako sa pintuan ng opisina ni Ma'am Guanzon, kung saan si Clinthon pumasok. Napabuntong-hininga naman ako bago sinagot ang tanong ni Sedrick. "Oo, siya ang presidente ng Student Council ng ating departamento. Third year college na siya sa kursong katulad ng kinukuha natin. Isa rin siyang sikat na manlalaro ng MHU sa judo. Kung hindi mo pa alam, pinsan siya ni Alyson, ang kasintahan ni Giovanni. Hindi mo ba siya nakita kahapon sa Training Room nila?" Bumaling ako kay Sedrick at nakita kong nakatingin ito sa akin. "May problema ba? May dumi ba ang mukha ko?" Hinawakan ko ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Umiling-iling naman ito
last updateLast Updated : 2021-12-22
Read more

Fifty-eighth Trip: Call

Puno ng tawanan ang buong bahay nang masaya kaming nagsalo-salo sa pagkain na hinanda nina Mama't Papa at mga pagkain na pina-order nina Giovanni at Christine. "Ang daya niyo talagang lahat. Anong oras niyo 'tong ginawa?" 'di pa rin makapaniwalang ani ko nang matapos kami sa pagkain. Kasalukuyan kaming nakaupo sa hindi kalakihang sala ng aming bahay. Tulong-tulong namin kinuha ang ibang silya na gawa sa kahoy mula sa silid-kainan nang hindi kami magkasyang lahat sa upuang naririto sa sala. Anim na tao lamang ang kasya at huli ko lang napagtantong labindawa kaming lahat ngayon sa bahay. Nakatingin lang ako sa mga palamuting nasa iba't ibang parte ng bahay. Sobrang ganda at hindi ako magsasawang tingnan ito palagi. Napatingin ako sa kanila nang marinig ko ang kanilang pagtawa. "Kaninang umaga pa namin 'to ginawa, Almhera. Nang makaalis ka rito sa bahay niyo ay siyang pagpasok ng mga tauhan namin ni Christine," sabi ni Giovanni. Nagugulat akong n
last updateLast Updated : 2021-12-23
Read more

Fifty-ninth Trip: Mherathon

Nagtindigan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses lalaki sa kabilang linya. Ba't alam niya ang pangalan ko? ["Hello?"] Napahugot ako ng hininga nang muli kong marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. "H-Hello? S-Sino po ito?" nauutal kong tanong habang kagat-kagat ang hintuturo ko. Narinig ko naman ang malalim niyang hininga sa kabilang linya. Kumalabog ang dibdib ko nang maisip ang mga Horror Movies na napanood ko. Huwag naman sanang killer o ano itong tumatawag sa akin. ["Hanggang ngayon, hindi pa naka-register sa cellphone mo ang number ko?"] Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko at tiningnan muli ang numero. Pilit kong inisip kung kanino ito. Parang pamilyar ito sa akin ngunit 'di ko matandaan kung kailan ko 'to nakita. Napahawak ako sa aking dibdib nang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong ibinalik muli sa tainga ko ang cellphone. ["HELLO? NANDIYAN KA PA BA?" ] "O-oo... Pasensya pero '
last updateLast Updated : 2021-12-24
Read more
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status