Home / All / Jeepney Love Story / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Jeepney Love Story: Chapter 61 - Chapter 70

111 Chapters

Sixtieth Trip: Preparation

"Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Napayuko ako't mariing napapikit n
last updateLast Updated : 2021-12-25
Read more

Sixty-first Trip: Status

Pabagsak akong umupo sa upuan ng cafeteria. Hanggang ngayon, 'di pa rin nawawala ang halo-halong emosyon na aking naramdaman dahil sa anunsyo ni Ma'am Guanzon sa amin kaninang umaga. Napasubsob ako sa mesa, nag-iisip kung paano ipagsabay ang pag-aaral para sa Final Exam at sa mga gawaing binigay ng aming guro."Is there any problem, Almhera girl?" Napaangat ako ng ulo nang may tumapik sa balikat ko. Napanguso ako nang makitang nag-alalang tingin ni Christine ang sumalubong sa akin. Nakita ko naman ang pagbaling ni Giovanni sa akin mula sa pagtingin niya sa kanyang cellphone. Magkatabi silang dalawa ni Christine at katabi ko naman si Sedrick, abala sa pagbasa ng librong siyensiya.Narinig ko ang pagsara ni Sedrick ng libro at saka ito bumuntong-hininga. "Kanina pa 'yan namomroblema sa Computer Programming subject namin," wika niya sabay sulyap sa akin. "ITO NA ANG PAGKAIN NATIN!"Napalingon kaming lahat kay Alyson na kakarating lang. Nanlaki a
last updateLast Updated : 2021-12-26
Read more

Sixty-second Trip: Laptop

"Pasensya Almhera, hindi ako naging pormal sa 'yo. Humihingi ako ng tawad dahil naging wala akong kwentang lalaki sa 'yo."Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin 'yon ni Clinthon. Nakayuko ito at namumula ang magkabilang tainga niya. Napatalon ako nang bigla itong humarap at agad hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Pagkatapos na pagkatapos ng Final Examination natin, mag-uusap tayo. Hmm?" Napapalunok ako nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Unti-unti akong napatango bilang tugon sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilisan niyang halikan ang noo ko at saka ako niyakap. "Mag-aral ka ng mabuti, Almhera ko. Araw-araw na kitang liligawan at mag-uusap tayo sa rooftop ng ating gusali sa araw ng pagtatapos ng ating final exam."***Napatusok-tusok ako sa magkabilang pisngi nang maramdaman ko itong uminit dahil naalala ko ang sinabi ni Clinthon sa akin no'ng nakaraang linggo. Napahawak ako sa kaliwang dibdib na kay bilis ng
last updateLast Updated : 2021-12-27
Read more

Sixty-third Trip: Person Who Knows Something

"SUMAGOT KA, SEDRICK!" malakas kong pagkakasigaw sa mukha niya nang hindi ito sumagot sa tanong ko."Pasensya Almhera, pero hindi ko kasi napansin—""Nandiyan lang 'yon kanina sa upuan ko, Sedrick. Bago tayo umalis papuntang kapiterya, iniwan ko ang laptop ko riyan!" Tinuro ko ang sariling upuan. "Anong nangyayari rito?" rinig kong tanong ni Chloe mula sa likuran ko. Nanatili akong nakatingin kay Sedrick at hindi pinansin ang tanong 'yon ni Chloe. Ang sakit ng dibdib ko sa sobrang bilis at lakas nang tibok ng puso ko. Imposibleng mawawala ang laptop ko rito. Bago kami umalis ni Sedrick, inayos ko pa ang pagkakapatong no'n sa upuan ko. "Almhera, please calm down. Tutulungan kitang hanapin—""Paano ako kakalma Sedrick? Regalo 'yon ng mga magulang ko! Pinagpaguran at pinaghirapan nila 'yon para mabilhan ako ng laptop. Imposibleng mawawala 'yon dito kung iniwan ko ng maayos diyan kanina sa upuan ko!" sigaw ko sa kanya nang akma niya akong
last updateLast Updated : 2021-12-28
Read more

Sixty-fourth Trip: Guidance Office (PART 1)

"Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?" Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick. "A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. . Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari? "Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya. "Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko." Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sabay hila kay Sedrick paalis.
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more

Sixty-fifth Trip: Guidance Office (PART 2)

"I'm sorry Ma'am, but my parents is not around today. They are out of the country, busy in our family business," pahayag ni Chloe kay Ma'am Guanzon. Dumaloy ang kaba sa aking sistema kung ano ba ang maaari kong sasabihin kina Mama't Papa. Siguradong magagalit sila 'pag malaman nilang pinatawag sila ng MHU. Hindi ko kayang harapin sila sabihin ang tungkol sa pagsira ng regalo nilang laptop para sa 'kin."How about you, Almhera? Where's your parents?" Napatingin ako kay Ma'am Guanzon nang ako naman ang tanungin nito. Napayuko ako sa magkasalikop kong mga kamay. Nag-iisip kung anong rason ang sasabihin ko upang hindi matawagan sina Mama't Papa. "W-Wala rin po sila sa bahay, M-Ma'am. P-Pumunta po sila ngayon sa probinsya." Napalunok ako ng ilang beses nang hindi ko mapigilang mautal sa sobrang kaba na aking naramdaman. "So, I have no other choice then," aniya sabay upo sa upuan ng aming Guidance Councelor. "Don't worry, I already personally called your parents and
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more

Sixty-sixth Trip: Guidance Office (Part 3)

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong Guidance Office. Tanging ang mabilis na tibok ng puso ko ang aking naririnig. Lahat ay nakatuon lamang kay Aynah, naghihintay sa maaari niyang idugtong. Napahugot ako ng hininga nang magpatuloy na ito sa pagsasalita."Ang totoo po talagang may kasalanan… ay si Chloe po.""WHAT?! WHAT THE H*#L ARE YOU TALKING ABOUT?!" Napapikit ako sa lakas ng pagkakasigaw no'n ni Chloe.Sabay silang napatayo ng kanyang Mommy mula sa pagkakaupo at 'di makapaniwalang tiningnan si Aynah. Susugurin na sana ni Chloe si Aynah ngunit agad itong pinigilan ng kanyang Mommy. "How can you say that, Aynah? You are one of my daughter's friend. Why you're doing this to her? Our family trusted you but today, you're accusing her without any proof?" magkasalubong ang kilay na 'di makapaniwalang saad ng Mommy ni Chloe kay Aynah. Napayuko si Aynah dahil sa sinabing 'yon ng Mommy ni Chloe. "I-I'm sorry po, Tita. S-Sinasabi ko lang p
last updateLast Updated : 2022-03-02
Read more

Sixty-seventh Trip: Worried

May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang humahakbang sa pa
last updateLast Updated : 2022-03-02
Read more

Sixty-eighth Trip:

"I'm sorry Ma'am, but my parents is not around today. They are out of the country, busy in our family business," pahayag ni Chloe kay Ma'am Guanzon. Dumaloy ang kaba sa aking sistema kung ano ba ang maaari kong sasabihin kina Mama't Papa. Siguradong magagalit sila 'pag nagkataong malaman nila ang nangyaring 'to. Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa pagsira ng regalo nilang laptop paea sa 'kin."How about you, Almhera? Where's your parents?" Napatingin ako kay Ma'am Guanzon nang ako naman ang tanungin nito. Napayuko ako sa magkasalikop kong mga kamay. Nag-iisip kung anong rason ang sasabihin ko upang hindi matawagan sina Mama't Papa. "W-Wala rin po sila sa bahay, M-Ma'am. P-Pumunta po sila ngayon sa probinsya." Napalunok ako ng ilang beses nang hindi ko mapigilang mautal sa sobrang kaba na aking naramdaman. "So, I have no other choice then," ani Ma'am Guanzon sabay upo sa upuan ng aming Guidance Councelor. "Don't worry, I
last updateLast Updated : 2022-03-03
Read more

Sixty-ninth Trip:

"I'm sorry Ma'am, but my parents is not around today. They are out of the country, busy in our family business," pahayag ni Chloe kay Ma'am Guanzon. Dumaloy ang kaba sa aking sistema kung ano ba ang maaari kong sasabihin kina Mama't Papa. Siguradong magagalit sila 'pag malaman nilang pinatawag sila ng MHU. Hindi ko kayang harapin sila sabihin ang tungkol sa pagsira ng regalo nilang laptop para sa 'kin."How about you, Almhera? Where's your parents?" Napatingin ako kay Ma'am Guanzon nang ako naman ang tanungin nito. Napayuko ako sa magkasalikop kong mga kamay. Nag-iisip kung anong rason ang sasabihin ko upang hindi matawagan sina Mama't Papa. "W-Wala rin po sila sa bahay, M-Ma'am. P-Pumunta po sila ngayon sa probinsya." Napalunok ako ng ilang beses nang hindi ko mapigilang mautal sa sobrang kaba na aking naramdaman. "So, I have no other choice then," aniya sabay upo sa upuan ng aming Guidance Councelor. "Don't worry, I already persona
last updateLast Updated : 2022-03-04
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status