Share

Fifty-first Trip: Protect

Malakas kong binatukan ang aking sarili dahil sa mga naiisip. Baliw ka ba Almhera? Ba't ka napapaniwala sa iba kung hindi naman nila alam ang kuwento mo? Alam ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko magagawa 'yon sa mga kaibigan ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. "Nandito na tayo sa sakayan, Almhera."

Nanlaki ang mga mata kong tiningnan si Sedrick. Agad akong napatingin sa aming paligid at tama nga siya, nasa sakayan na kami ng Jeep pauwi sa amin. Sa sobra kong pagkakalutang, hindi ko man namalayan na dito na pala kami.

Napipilitan akong napatawa dahil sa hiya sa pagiging lutang ko. Hindi sa 'yon mapansin ni Sedrick, baka mukha akong sira kanina. "Dito na pala tayo. Maraming salamat, Sedrick." Pilit akong ngumiti sa kanya, tinatago ang pagkapahiya.

"Walang anuman, Almhera. Sumakay ka na sa Jeep at mag-iingat ka. Palagi kang tumingin sa daan mo at baka maligaw ka."

Nakita kong nagpipigil ito ng tawa habang sinasabi n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status