Share

Fifty-ninth Trip: Mherathon

Nagtindigan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses lalaki sa kabilang linya. Ba't alam niya ang pangalan ko?

["Hello?"]

Napahugot ako ng hininga nang muli kong marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.

"H-Hello? S-Sino po ito?" nauutal kong tanong habang kagat-kagat ang hintuturo ko.

Narinig ko naman ang malalim niyang hininga sa kabilang linya. Kumalabog ang dibdib ko nang maisip ang mga Horror Movies na napanood ko. Huwag naman sanang killer o ano itong tumatawag sa akin.

["Hanggang ngayon, hindi pa naka-register sa cellphone mo ang number ko?"]

Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko at tiningnan muli ang numero. Pilit kong inisip kung kanino ito. Parang pamilyar ito sa akin ngunit 'di ko matandaan kung kailan ko 'to nakita. Napahawak ako sa aking dibdib nang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong ibinalik muli sa tainga ko ang cellphone.

["HELLO? NANDIYAN KA PA BA?" ]

"O-oo... Pasensya pero '

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
pahabol sa birthday
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status