Share

Fifty-eighth Trip: Call

Puno ng tawanan ang buong bahay nang masaya kaming nagsalo-salo sa pagkain na hinanda nina Mama't Papa at mga pagkain na pina-order nina Giovanni at Christine.

"Ang daya niyo talagang lahat. Anong oras niyo 'tong ginawa?" 'di pa rin makapaniwalang ani ko nang matapos kami sa pagkain.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa hindi kalakihang sala ng aming bahay. Tulong-tulong namin kinuha ang ibang silya na gawa sa kahoy mula sa silid-kainan nang hindi kami magkasyang lahat sa upuang naririto sa sala. Anim na tao lamang ang kasya at huli ko lang napagtantong labindawa kaming lahat ngayon sa bahay.

Nakatingin lang ako sa mga palamuting nasa iba't ibang parte ng bahay. Sobrang ganda at hindi ako magsasawang tingnan ito palagi. Napatingin ako sa kanila nang marinig ko ang kanilang pagtawa.

"Kaninang umaga pa namin 'to ginawa, Almhera. Nang makaalis ka rito sa bahay niyo ay siyang pagpasok ng mga tauhan namin ni Christine," sabi ni Giovanni.

Nagugulat akong n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status