Share

Fifty-seventh Trip: Happiest Birthday

Nakakunot-noo akong binunggo ni Clinthon nang deretso itong pumasok si opisina ni Ma'am Guanzon. Hindi ko naman maiwasang magtaka sa inakto niya. Ba't galit na galit ang mukha niya? May nagawa ba akong mali?

"Grabe naman 'yong lalaking 'yon. Kilala mo ba 'yon, Almhera?" tanong ni Sedrick sa likod ko.

Nakatingin lang ako sa pintuan ng opisina ni Ma'am Guanzon, kung saan si Clinthon pumasok. Napabuntong-hininga naman ako bago sinagot ang tanong ni Sedrick. "Oo, siya ang presidente ng Student Council ng ating departamento. Third year college na siya sa kursong katulad ng kinukuha natin. Isa rin siyang sikat na manlalaro ng MHU sa judo. Kung hindi mo pa alam, pinsan siya ni Alyson, ang kasintahan ni Giovanni. Hindi mo ba siya nakita kahapon sa Training Room nila?"

Bumaling ako kay Sedrick at nakita kong nakatingin ito sa akin.

"May problema ba? May dumi ba ang mukha ko?" Hinawakan ko ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

Umiling-iling naman ito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status