Share

Fifty-sixth Trip: Pass

"Dapat ang inyong mga proyekto ay maipapasa niyo bago ang araw ng inyong Final Exam."

Umugong ang bulungan at angal ng mga kaklase ko pagkatapos sabihin 'yon ng aming guro. Buong linggong kasiyahan ang naranasan namin sa University Week at kahapon ay wala ring pasok. Ngunit pagdating ngayong miyerkules, ito ang nadatnan namin. Tambak na mga proyekto at sa sumunod na linggo ay ang Final Exam na agad namin.

Nagpakawala na lamang ako ng buntong-hininga. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, mag-aaral ba o gagawin ang marami naming proyekto. Idagdag pa ang nangyari sa amin ni Clinthon kahapon. Bigla ko tuloy naalala ang kahihiyang itsura naming dalawa.

***

Nagugulat akong napatingin sa bukana ng Training Room nina Clinthon nang sunod-sunod pumasok sina Giovanni, Christine, Alyson, Andrew Fuentes, Sedrick, at Haven. Nagtataka kaming tiningnan ni Andrew, Sedrick, at Haven. Ngunit nang tingnan ko ang dalawa kong kaibigan na siGiovanni, Christine,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status