Share

Fifty-fifth Trip: Sweating Forehead

"Anong ginagawa mo rito?"

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Napalunok ako bago dahan-dahang lumingon sa kanya. Napahinga na lang ako ng maluwag nang makitang nakasuot na ito ng kulay itim na t-shirt. Napakurot ako ng sariling balat sa hita, nang may parte sa sistema kong gusto pang makita ang nakita ko kanina.

"Inuulit ko... Ano ang ginagawa mo rito?" may diin niyang tanong sa akin.

"A-Ahm... A-Ano... nag-message sa akin si Alyson na pupunta raw ako rito. Pero, parang wala naman siya yata rito ngayon." Napipilitan akong ngumiti sa kanya.

"Wala nga rito si Alyson, kanina pa umalis kasama ang nobyo niyang si Giovanni."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Clinthon. Ang walangyang magnobyong 'yon, niloko ako. Napahugot ako ng hininga at napatingala kay Clinthon. Ngunit nagitla ako nang makitang malapit ang mukha niya sa mukha ko. Agad akong napaatras papalayo sa kanya. Ngunit sa kasamaang pala

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status