Martyr na kung tawagin pero kayang gawin lahat ni Zhang para lang sa lalaking minamahal niya kahit na pilit siyang tinataboy nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Zhang na takaw gulo si Zech, kaya hangga't maari ay gumagawa siya ng paraan para mapabuti ito at mabawasan ang pagiging suki nito sa Detention Office. Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya at pagmamahal ni Zhang para kay Zech? Sapat na ba ito para manatili siya sa tabi ng nasabing lalaki kahit na makailang beses na siyang sinaktan at binalewala?
View MoreChapter TwoZhang's POINT OF VIEW"Bye Mom. Papasok na po ako." walang kabuhay-buhay kong sagot sabay halik sa kanyang pisnge."Breakfast mo-""Sa school na lang po ako kakain. Madami pa po kasi akong gagawin." putol ko at pilit na ngumiti. Tinungo ko ang labas ng bahay at saktong naghihintay na sakin si Mang Kiko. "Hatid niyo na po ako. Diretso po tayo sa Ashton Academy." utos ko at pumasok sa loob ng kotse."Hindi ba natin dadaanan ang bahay-""Hindi na po." napasandal ako sa backseat tsaka tumingin sa labas ng bintana. "Nagmamadali po kasi ako dahil kailangan akong kausapin ng adviser namin." pagsisinungaling ko.Hanggang ngayon naninikip pa din ang dibdib ko sa tuwing maalala ko yung sinabi sakin kahapon si Zech. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga salitang binitawan niya sakin.May mali ba sa
Chapter OneZhang's Point of view"Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table.Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad."Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop.Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko."Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako.Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili.Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi mais
Chapter OneZhang's Point of view"Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table.Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad."Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop.Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko."Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako.Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili.Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi mais...
Comments