Share

Chapter Two

Author: nhumbhii
last update Last Updated: 2021-06-01 16:51:38

Chapter Two

Zhang's POINT OF VIEW

"Bye Mom. Papasok na po ako." walang kabuhay-buhay kong sagot sabay halik sa kanyang pisnge.

"Breakfast mo-"

"Sa school na lang po ako kakain. Madami pa po kasi akong gagawin." putol ko at pilit na ngumiti. Tinungo ko ang labas ng bahay at saktong naghihintay na sakin si Mang Kiko. "Hatid niyo na po ako. Diretso po tayo sa Ashton Academy." utos ko at pumasok sa loob ng kotse.

"Hindi ba natin dadaanan ang bahay-"

"Hindi na po." napasandal ako sa backseat tsaka tumingin sa labas ng bintana. "Nagmamadali po kasi ako dahil kailangan akong kausapin ng adviser namin." pagsisinungaling ko. 

Hanggang ngayon naninikip pa din ang dibdib ko sa tuwing maalala ko yung sinabi sakin kahapon si Zech. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga salitang binitawan niya sakin. 

May mali ba sa ginawa ko para magalit siya sakin ng ganoon? Para pagsabihan niya akong desperadang malandi? Siya nga 'tong inaalala ko pero baliwala pa din sa kanya. 

Oo, naging desperada ako pero kahit kailan, hindi ako naging malandi. 

"Hija? Ayos ka lang?" 

Napatingin ako kay Mang Kiko na nagda-drive at doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako. Kaagad kong pinunasan ang luha ko sa pisnge at nag-iwas ng tingin.

"Ayos lang po ako." pilit na ngiti ko.

"May problema ba?" baling niya sakin sa rearview mirror. Batid sa boses niya ang pag-aalala dahilan para ma-guilty ako. 

Masyado nang matanda si Mang Kiko para pagpaalahanin ko pa sa mga walang kabuluhang bagay kagaya na lang sa sitwasyon namin ngayon ni Zech. 

"Wala po." 

Hindi na ako kinulit pa ni Mang Kiko hanggang sa makarating kami sa Academy. Tanging mga security guard lang ang nakikita ko sa gate at wala pang mga estudyanteng nagkalat.

"Salamat po sa paghatid." 

Nagpaalam muna ako kay Mang Kiko bago lumabas sa kotse. Pagkapasok ko sa gate, sinalubong ako ng mga security guard na nakabantay sa gate at yung iba'y tinutukso pa ako kung bakit masyado daw akong maaga pumasok. 

"Mabuti naman at hindi mo na kasama ang lakwatserong kasama mo kahapon. Lagi ka na lang nadadawit sa gulo sa tuwing kasama mo yun." hirit pa ng isang guard na nakahuli sa amin kahapon.

"Sa susunod kasi Miss Pres, huwag kang sumasama sa mga takaw gulo." sabat naman ng isa.

Tumawa silang lahat kaya sinabayan ko din ang tawa nila kahit napipilitan lang ako. Alam ko naman na takaw gulo ang siraulong yun, pero bakit kailangan pang ulit-ulitin? 

"Mauna na po ako." sabi ko at tinanguan naman nila ako kaya dumiretso na ako sa loob.

Pasado alas sais pa lang at bakante ang bawat hallway na nadadaanan ko papuntang SSG office. Walang katao-tao maliban sa mga utility workers na naglilinis sa bawat classroom.

"Hays. Mabuti naman at naisipan mong dalawin ang opisina natin." sarkastikong bungad sakin ng sekretarya naming si Leeanne.

Masasabi kong siya yung pinakamasipag na SSG officer dahil umagang-umaga pa lang, nandito na kaagad ang bruha sa opisina tapos madalas gabi na din siyang umuuwi dahil lahat ng mga dapat na trabaho namin, sinasalo na niya. Galing diba?

"Grabe, wala man lang bang good morning? Sermon kaagad?" natatawa kong sagot kasabay ng paglapag ko ng mga gamit ko sa table.

"Fine! Good morning kamahalan? Happy na?" 

Loka-loka talaga 'tong si Leeanne. Hobby niya talaga yung maging sarkastiko palagi.

"Ewan ko sayo." umupo na ako sa assigned desk ko at sinimulan ang mga nakatambak kong gawain. "Nandito ba kahapon si Vice?" tanong ko sa kanya sabay buklat ng mga letters galing sa iba't ibang organization.

"Oo, tinapos niya yung events na ipo-propose niya kay Miss Sedeño. Events for this coming anniversary. Aware ka naman dun diba?" sagot sakin ni Leeanne at tinaasan pa ako ng kaliwang kilay niya.

Napatampal ako sa sarili kong noo dahil ngayon ko lang naalala ang anniversary ng school at every year, may iba't ibang pakulo kaming ginagawa, pero ngayong taon lang ako nakalimot sa event na yun.

"My god Miss Pres! Don't tell me na nakalimutan mo?" 

Kaya naman pala ang daming letters coming from different organizations. Mabuti naman at maaga akong pumunta dito. Sana matapos kong basahin lahat ng mga proposal nila at mabigyan sila kaagad ng reply. 

Next week na ang anniversary month ng school namin and by this week, kailangan nang magprepare ng bawat org para sa booths or whatever events na gagawin nila, pero dahil nandito pa sakin ang hatol ng mga plano nila, hindi sila kaagad makakapaghanda.

"Kailangan nating magpaskil mamaya sa bulletin board ng mga ganap sa events like for example yung schedules. Pati na din yung mga booth na makikita nila. Pero sa sports, nakadepende pa kay Miss Sedeño kung ano ang pwede at bawal." paliwanag ni Leeanne pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpokus lang sa ginagawa ko. Mas lalo niya lang akong pinapa-tense sa lagay ko.

Minadali ko ang trabaho ko dahil hinahabol ko ang oras. Pagkatapos kong basahin ang bawat liham ng mga org, kaagad akong nag-type sa MS Word ng reply ko sa kanila. May mga ilan na pinayagan ko pero yung iba'y hindi pasok o di kaya'y labag sa school policies.

"Miss Pres, okay lang ba kung mauuna na ako? Pasimula na kasi ang klase ko sa first period." 

Tinanguan ko lang si Leeanne pero nakatutok pa din ang mga mata ko sa laptop na nasa harap ko. Busy pa din ako sa kakatype hanggang sa matapos ko ang reply ko sa isang org at kaagad na pinrint ito. 

"May anim pa." napabuntong na lamang ako ng hininga habang binabasa ang kakatapos ko lang i-print. 

Napatingin ako sa aking relo at nakitang alas otso disi nuebe na. Patay talaga ako nito, late na naman. Bakit ba hindi ko man lang namalayan anfmg oras? Malalagot na naman ako nito lalo pa't terror ngayon ang instructor namin sa first subject. 

Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at iniwan sa table lahat ng mga printed replies ko. Wala naman sigurong magtatangkang kunin yan diba?

Palabas na ako ng SSG office nang maalala kong hindi pa pala ako kumakain. Tumungo muna ako sa cafeteria at umorder ng makakain. Tinake-out ko na lang dahil super late na talaga ako.

Mas lalo akong kinabahan dahil habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom namin, wala nang katao-tao at pagkatingin ko sa bawat room na madadaanan ko, nagsisimula na ang discussion ng mga instructor nila.

"Good morning miss." bati ko pagkapasok ko sa classroom namin. "I'm sorry, I'm late." paumanhin ko at dumiretso sa upuan ko.

"As usual Miss Morrison. Nagiging routine mo na ang pagiging late sa klase ko." ramdam ko ang inis sa boses ni Miss Espinosa kaya't napayuko na lang ako sabay lagay sa upuan ang bag ko. Napabaling ako sa seatmate ko at nakita ko siyang nag-iwas ng tingin.

Kumain na kaya siya? Mabuti naman at hindi siya late ngayong araw. 

"As your punishment, pumunta ka sa likuran. You're joining my class pero hindi ka sasali sa mga kukuha ng test after my discussion. And one thing, bawal kang umupo hangga't hindi pa tapos ang klase ko sa inyo. Maliwanag?" 

Sinapian yata ako ng kamalasan ngayong araw. Saya saya diba? Psh.

"I'm sure hindi ka pa kumakain." binigay ko kay Zech ang tinake-out kong pagkain sa cafeteria bago pumunta sa likuran. 

Kahit tinawag niya akong desperadang malandi, hindi pa din mababago yung pag-aalala ko sa kanya. 

"Mr. Barielles? Saan ka pupunta?" 

Napatingin ako sa instructor namin at tiningnan din si Gavin na nakatayo. Infairness, ang linis tingnan ni Gavin sa suot niyang uniporme. Nagmumukha siyang isang modelo lalo na sa kanyang tindig at bagay para sa mga front cover ng magazine.

"I'm also late in your class, and I guess I should do the same thing just to be fair with Kenley. What do you think?" 

Ako lang ba? Ako lang ba ang parang matatawa dahil kay Gavin? Siraulo 'to, feeling strong din e. 

"Tsss. Bahala kayo." 

Gustuhin ko mang matawa sa expresyon ni Miss Espinosa pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka madagdagan pa yung punishment na matatamo ko.

"Ayos ba?" tanong sakin ni Gavin pagkalapit niya dito sa likuran. Nag-shrug lang ako bilang sagot at pareho kaming natawa nang mahina.

"What about you Mr. Presly? Don't tell me na pupunta ka din sa likuran to do the punishment?" 

Naka-focus ang mga mata ko kay Zech na tumayo at naglakad palapit sa gawi ko. Kinabahan ako dahil papalapit siya ng papalit sakin hanggang sa... dumiretso siya sa trash bin at itinapon ang- "Bakit mo tinapon?" nagawa ko pa din siyang tanungin kahit medyo naninikip yung dibdib ko sa ginawa niya.

Hindi niya ako sinagot hanggang sa makabalik siya sa seat niya. Muli kong tiningnan ang trash bin at nanghinayang sa itinapon niya. Binili ko yun para sana sa sarili ko but he just threw it. Talaga bang nandidiri siya sakin kaya ayaw niyang tumanggap ng kahit ano mang bagay na galing sakin?

***

"That's all for today. See you tomorrow." 

Natapos ang first subject namin pero hindi pa din mawala sa isipan ko yung ginawa ni Zech. He really hates me to the point na nagawa niyang itapon ang binili ko na para sana sa sarili ko pero dahil sa pag-aalala ko sa kanya, ayon! Binigay ko. 

"Bawi na lang tayo sa next quiz." napatingin ako kay Gavin na siyang nagsalita. "Ten items lang naman, hindi naman siguro natin ikakabagsak yun, diba?" medyo natatawa pa niyang hirit

"Kung hindi ka lang sana tumayo at gumaya sakin dito, edi sana nakakuha ka pa." sermon ko sa kanya. "Pa-feeling hero ka din minsan, e." pabiro ko pang dagdag kasabay ng paglalakad ko pabalik sa upuan ko na sinundan naman ni Gavin.

"Ayoko lang sabihin ng mga kaklase natin na bias ang lecturer natin." 

Well, may point nga naman siya.

Kinuha ko ang bag ko at binalingan muna ng tingin ang bakanteng upuan ni Zech. 

Posibleng magbabago siya kapag hindi na ako mangungulit. Hindi nga siya late kanina na kung tutuusin patapos na ang first period kung siya'y pumasok araw-araw. 

"Do you have plans? Vacant natin." napatigil ako sa kakaisip nang biglang kinuha sakin ni Gavin ang bitbit kong bag. "Ako na ang magdadala." sabi pa niya kaya wala na akong nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang bag ko. 

Edi siya na. Bahala siya kung mabibigatan siya. Psh.

Related chapters

  • Take Me Back In Your Arms    Chapter One

    Chapter OneZhang's Point of view"Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table.Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad."Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop.Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko."Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako.Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili.Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi mais

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • Take Me Back In Your Arms    Chapter Two

    Chapter TwoZhang's POINT OF VIEW"Bye Mom. Papasok na po ako." walang kabuhay-buhay kong sagot sabay halik sa kanyang pisnge."Breakfast mo-""Sa school na lang po ako kakain. Madami pa po kasi akong gagawin." putol ko at pilit na ngumiti. Tinungo ko ang labas ng bahay at saktong naghihintay na sakin si Mang Kiko. "Hatid niyo na po ako. Diretso po tayo sa Ashton Academy." utos ko at pumasok sa loob ng kotse."Hindi ba natin dadaanan ang bahay-""Hindi na po." napasandal ako sa backseat tsaka tumingin sa labas ng bintana. "Nagmamadali po kasi ako dahil kailangan akong kausapin ng adviser namin." pagsisinungaling ko.Hanggang ngayon naninikip pa din ang dibdib ko sa tuwing maalala ko yung sinabi sakin kahapon si Zech. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga salitang binitawan niya sakin.May mali ba sa

  • Take Me Back In Your Arms    Chapter One

    Chapter OneZhang's Point of view"Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table.Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad."Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop.Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko."Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako.Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili.Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi mais

DMCA.com Protection Status