Share

Take Me Back In Your Arms
Take Me Back In Your Arms
Author: nhumbhii

Chapter One

Author: nhumbhii
last update Last Updated: 2021-06-01 10:48:58

Chapter One

Zhang's Point of view

"Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table. 

Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad.

"Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop. 

Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko.  Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko. 

"Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako. 

Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili. 

Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi maisipan ng lalaking yun na iwanan na naman ako. Muli akong bumaba sa hagdan tsaka binalikan si Mommy sa dining room. “Mom! I'm leaving” paalam ko at bumaling din naman siya sakin ng tingin sabay tango

“Take care, honey” 

Hindi na 'ko nag-abala pang sumagot dahil mabilis kong tinungo ang garahe nitong bahay namin at bumungad naman si Mang Kiko na nasa tabi ng kotseng sasakyan ko. “Good morning, Mang Kiko” bati ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

“Magandang umaga, Hija” sagot naman nito habang nakangiti kasabay ng pagpasok ko.

Nanahimik na lang ako nang magsimula ng mag-drive si Mang Kiko hanggang sa makarating kami sa bahay nila Zech sa loob lamang ng twenty minutes. Ganito kasi lagi ang routine namin ni Mang Kiko every morning, yung ihatid ako kay Zech at ako na naman ang susundo sa lalaking yun, haha. 

“Huwag niyo na lang po akong hintayin, Mang Kiko. Sasabay na lang po ako kay Zech” nakangiti kong tugon bago lumabas sa kotse.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at pumasok sa loob ng bahay nila. “Good morning people” masigla kong bati nang maabutan ang mommy ni Zech na naghahanda ng breakfast sa dining room at ang ate naman nitong umiinom yata ng kape. “Good morning, mom” baling ko kay tita dahilan para lumapit siya sakin at yumakap.

“Good morning, baby,”

Actually, botong-boto sakin yung family ni Zech kaya naman mas lalo akong napapadikit sa kanya. Yan din ang reason kung bakit mommy din ang tawag ko sa mommy niya. Nung una, medyo nakakailang pero nasanay din ako haha. Sa dalawang taon ko ba namang dikit ng dikit sa anak niya, pinanindigan ko na. Si Zech lang naman ang mailap sakin, parang bakla.

“Pababa na si Zech kaya kumain ka muna” dagdag pa nito kaya ngumiti lang ako at tumungo sa dining table.

“Medyo late ka yata ngayon, Zhang.”

Ngumiti lang ako sa sinabi ng ate ni Zech tsaka umupo kasabay ng paglagay ni tita ng plate sa table na kaharap ko. “To be honest...” lumapit pa 'ko ng bahagya kay ate at pabulong na nagsalita “... Kinabahan ako kanina dahil baka iwan ako ng kapatid mong bakla. Medyo natagalan kasi ako sa kakahanap ng binili kong sapatos kahapon” dagdag ko dahilan para mapatawa siya ng malakas.

“Pft. Seriously? Akalain mo nga namang pareho pala tayo ng iniisip sa kapatid ko.” At sabay kaming napahagapak sa tawa habang busy naman si tita sa kakalagay ng pagkain sa plate ko.

“Tsss” 

Kusa akong napahinto sa pagtawa ng marinig ko ang boses niya. Mabilis pa sa alas-kwatrong lumingon ako sa gawi niya at ngumiti na naman ng pagkalapad. “Good morning, love.” bati ko ngunit wala man lang pinagbago sa reaksyon niya. Blangko at walang pakialam. 

“Alis na 'ko” baling niya kay tita dahilan para mapatayo ako at mapatingin din kay tita

Hindi ba siya kakain?

“I prepared—”

“I'm full.”

Ramdam ko na balak pa sanang magsalita ni tita ngunit mabilis na naglakad si Zech palabas sa bahay. Kita ko ang panlulumo sa hitsura niya kaya't napangiti na lang ako ng pilit.

“A-Alis na din po ako tita. N-Next time na lang siguro ako kakain dito hehe.” 

Dahan-dahan siyang napangiti ng pilit kaya ngumiti na lang din ako. “Mag-ingat kayo.” sagot ng mommy niya kaya yumakap na 'ko sa kanya tsaka nagpaalam pero bago pa man ako nakalabas sa bahay nila ay muling nagsalita si tita.

“One thing, please refrain from calling me tita.” 

Tumango na lang ako tsaka kumaway “Bye mom!”

Pagkatapos nun ay mabilis kong tinakbo ang daan palabas ng bahay nila. Eksaktong pagkatapat ko sa kanilang gate ay ang mabilisang pagharurot ng motor ni Zech kaya napalumo na naman ako sa inis. Tinawag ko pa siya pero wala na talaga. Iniwan na 'ko ng loko.

“Zech naman eh...” padabog akong naglakad palabas sa kanilang subdivision. Napatingin ako sa relo ko at malakas na napabuntong-hininga. 

It's 7:48 in the morning at hindi na 'ko magtataka kung ma-late na naman ako. Medyo may pagkalawak pa naman ang subdivision nila at mukhang aabutin pa yata ako ng sampong minuto sa paglalakad papunta sa labas ng subdivision. 

Napapadalas akong ma-late kaya napapadalas din ang sermon ko kay Miss Sedeño. Kesyo bakit daw ako na-late with no valid reason. Naturingan pa naman akong SSG President pero hindi daw ako magandang role model sa mga school mate ko. That's also one of the disadvantage of being a SSG President. Kailangan tama lahat ng mga bagay na ginagawa mo.

“Pasalamat ka dahil mahal kita Mr. Zech Ross Presly.” bulong ko at mas lalong binilisan ang paglalakad.

Alam niyo ba kung gaano ako kabaliw sa lalaking yun? Two years ago, since nag-transfer siya sa school na pinapasukan ko. Hindi ko maipagkakailang gwapo siya dahilan para ma-attract ako sa kanya. Alam niyo yun, like at first sight haha. Hanggang sa umabot sa puntong nalaman ko na nakikipagbasag-ulo siya sa iba ko pang school mate kaya lagi siyang nadetention. 

Lagi na lang siya pinag-iinitan ng dating SSG President namin, kaya kahit na wala akong interest sa pagiging officer, nagawa kong tumakbo bilang SSG President. But it doesn't mean na kinukunsinti ko ang mga kalokohang ginagawa ng baklang yun ngayon. May mga violation parin naman siya pero hindi na gaanong kalala dahil lagi akong nakabantay sa kanya at pinaalalahanan siya sa mga bagay na hindi niya dapat gawin. Minsan nagagalit pa siya sakin pero hindi parin ako nagpatinag sa kanya.  Gusto ko siya at ayokong mapasali siya sa mga gulo.

Pumara ako ng taxi pagkalabas ko ng subdivision tsaka sumakay “Ashton Academy.” sabi ko at muli na namang napatingin sa relo.

Late na talaga ako. Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin ko kay Miss Sedeño? Siya yung teacher in-charge sa lahat ng mga officers sa school kaya paniguradong gigisahin na naman niya 'ko mamaya.

Napatingin ako sa labas ng bintana at tinitigan ang kalsada papunta sa school. Tanging mga normal na mamamayan na lang ang pagala-gala sa daan at wala ng estudyanteng nakatambay. May patakaran kasi sa school na kapag late ka, bawal ng pumasok sa gate. Pero dahil sa likas akong sinungaling, kung ano-anong rason na ang nasabi ko kay manong guard para lang mapaniwala siya at papasukin ako tuwing late ako ng dating. 

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng kung anong pwedeng irason mamaya ng biglang mahagilap ng paningin ko si Zech na nasa di kalayuan. “Manong, bababa na lang po ako.” dali-dali akong kumuha ng pamasahe at ibinigay yun sa driver. 

Agad akong lumbas at minadali ang paglalakad papunta sa kinaroroonan ng lokong yun.

Ilang metro lang ang layo niya sa gate ng school namin at pa-simple siyang nanigarilyo habang nakasandal sa pader na medyo malapit sa poste.

Ang tigas talaga ng ulo, bakit ba hindi ka nakikinig sa mga paalala ko?

Mabilis kong dinampot ang hawak niyang sigarilyo pagkalapit ko at itinapon yun sa malayo tsaka nakapameywang akong tumingin sa kanya.

“What do you think are you doing here at this hour?—at nagawa mo pa talagang manigarilyo sa oras na 'to?” pagtataray ko pero umiwas lang siya ng tingin “Talaga bang wala kang gagawing matino sa buhay mo?” singhal ko pa sa kanya at mabilis na iniharap ang mukha niya sakin.

“Meron...” nakangisi nitong sambit sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako napalunok, pero hindi pa din ako nagpadala at mas tinimbangan ang titig niya sakin. “Sinisira mo ang buhay mo, alam mo ba yun?” seryoso kong sambit at muli na naman siyang napaiwas ng tingin. Tinitigan ko pa din siya hanggang sa tinalikuran niya 'ko at naglakad paalis. “Zech!” habol ko at hinawakan ang kamay niya. Masama ang tingin niyang ipinukol sakin kaya napayoko na lang ako ng bahagya. “Pumasok ka na kasi” pagmamakaawa ko dahilan para iwaksi niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

“F-ck off—”

“No! Nag-aalala ako sayo kaya hindi ko gagawin yan.” pigil ko sa balak niyang sasabihin.

“I don't fvckin' need your care. Daig mo pa yung girlfriend ko kung makaasta ka. Tch.”

Bigla akong napahinto sa sinabi niya. Para akong tanga na napapailing pa dahil sa narinig ko.

M-May girlfriend siya? Bakit hindi ko alam? 

“W-Wala ka namang—”

“HOY! ANONG GINAGAWA NIYO DITO?”

Automatiko akong napalingon at laking gulat ko dahil si manong guard ang sumigaw. Papalapit siya sa'min kaya napatampal na lang ako sa sarili kong noo. 

"Wala naman kaming may—"

"Pinapaaral kayo ng mga magulang niyo sa isang exclusive school, tapos pagbubulakbol lang pala ang inaatupag niyo?"

Ano ba naman 'tong sinasabi niya? Pagbubulakbol? At ako pa talaga ang sinabihan niyang nagbubulakbol?

"Po? Hindi naman po—"

"Sumama kayo sakin, dapat ipaalam sa guidance counselor ang pinanggagawa niyo, at dapat din na malaman ng principal ang binabalak niyo."

Bakit ba hindi niya man lang ako magawang patapusin? Argh! This can't be! I am the SSG president of the campus, at wala pa 'kong may nababalitan na may nasasangkot na isang SSG president sa pagbubulakbol thingy na sinasabi ni   guard. 

“Kuya, it's not what you think,” pagpupumilit ko sa kanya pero tinalikuran na niya kami.

“Sumunod kayo sakin. Bawal yang ganyang ugali niyo sa paaralang ito.”

Tuluyan niya na nga kaming iniwan kaya muli akong napatingin kay Zech na salubong ang kilay. “Tss. It's your fault.” Malalaki ang hakbang niya palayo at iniwan din ako.

Laglag balikat akong sumunod sa kanilang dalawa hanggang sa makapasok kami sa gate. Wala ng estudyanteng pagala-gala sa hallway kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Baka kung anong isipin nila sakin kapag nakita nila ako sa ganitong sitwasyon.

Pumasok ako sa loob ng guidance office at nakita kong nakaupo na dun si Zech. Salubong naman ang kilay ni Miss Juanero habang nakatingin sakin. “Good morning, miss.” pilit ang ngiting bati ko tsaka naupo din kaharap ni Zech.

“What's the meaning of this, Miss Morrison?” tanong sakin ni Miss kaya napayuko ako sa hiya. "SSG president ka pa naman dito, tapos malalaman—"

"Eh, hindi naman po—"

"Don't you know it's rude to speak while someone is talking?” halata sa boses niya ang irita kaya muli na naman akong napayoko.

“I'm sorry, Miss...”

Napabuntong siya ng hininga na para bang daig pa niya ako na kasalukyang stress na stress sa nangyari ngayon.

"I need to talk—"

*TOK*TOK*TOK

Bahagyang napahinto si Miss nang may biglang kumatok sa pinto at bumukas ito pagkatapos. "Uhm. Excuse me," sabi ng bagong dating at napakamot pa mismo sa batok niya na animoy medyo nahiya dahil sa biglaan niyang pagpasok habang kasalukuyan pa kaming sinesermonan ngayon ni miss.

"Yes? What's the matter?" nakangiting tanong ni Miss at tumuloy naman papunta sa gawi namin yung lalaki.

Psh, nakakita lang ng gwapo, naging malapad kaagad ang ngiti. Don't tell me na pumapatol sa mga binata ang guidance counselor ng Ashton Academy?

"Itatanong ko lang po sana kung saan ko ibibigay 'tong form pagkatapos fill-inan lahat?" sagot naman ng lalaki sabay pakita sa hawak niyang form.

Nakita kong tumayo si Miss tsaka lumapit papunta sa bagong salta. Kinuha niya ang form at tiningnan itong maigi.

"You're all settled, pwede ka ng pumasok ngayon since maaga pa naman. Enjoy your first day at school, Mr. Gavin Barielles" 

Huh? 1st day?Transferee siya?

Kaya naman pala parang hindi pamilyar yung mukha niya sakin.

Bumaling sakin si Miss Juanero tsaka nagbigay ng pilit na ngiti. “Since first day ngayon ni Mr. Barielles, would you mind na samahan siya sa classroom niyo? I'm sure na hindi niya pa alam ang pasikot-sikot sa campus at mukhang hindi naman siguro magiging abala yun sayo since same year and section lang naman kayong dalawa” 

Napalunok ako at bumaling sa kaharap kong si Zech. 

Kung ihahatid ko yang si Mr. Transferee, maiiwan siyang mag-isa dito. Kapag naiwan siya mag-isa, tatadtarin siya ng tanong ni Miss Juanero, tapos in the end siya na naman ang kawawa at tatanggap ng punishment. 

“S-Sige miss” sumulyap pa 'ko kay Zech na blangko parin ang reaksyon atsaka ako tumayo

“By the way Mr. Barielles, she's Kenley Zhang Morrison, SSG President ng school” 

Ngumiti lang ako kay Mr. Barielles at nauna nang maglakad palabas ng guidance office. Labag man sa kalooban kong iwanan dun si Zech, pero malalagot naman ako kay Miss Juanero kapag hindi ko sinunod ang utos niya. 

“Is it okay if I ask you a question regarding school policies?” napatingin ako kay Mr. Barielles na kakalabas lang sa guidance office.

Tumango ako bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Magiging kawawa na naman si Zech pagnagkataon. Kung pumayag lang sana siya nung yayain ko siyang pumasok, kahit na sabihin pa ng guard na bawal nang pumasok dahil masyado ng late. Madali lang naman mag-reason out sa guard para makapasok, pero yung mapunta sa guidance office? Ibang usapan na yan lalo pa't nagbubulakbol daw kami sabi ng guard.

“I'm Gavin” dinig kong sabi ng katabi ko kaya napabaling sa kanya ang atensyon ko.

“Just call me Zhang. Yun ang tawag ng karamihan sakin” sagot ko habang nakatingin sa hallway na dinadaanan namin.

“What about Kenley?”

Saglit akong napalingon sa kanya tsaka muling napatingin sa daan. “I'm not used to it” natatawa kong sagot dahil yun naman talaga ang totoo. I never imagine my friends calling me Kenley. Parang Candy ang tono haha.

“Why?” tanong niya

“Hmmm. Let's just say, masyadong common yung Kenley”

“So you're saying na nag-iisa lang yung taong tinatawag na Zhang at ikaw yun?”

Medyo natawa pa 'ko dahil sa sinabi niya pero napatango na lang din ako sa kanya bilang sagot

Tahimik kaming naglakad at maya-maya'y nakarating din kami sa classroom namin. Binuksan ko ang pinto tsaka bumati kay Miss Espinosa, siya yung lecturer namin ngayon. 

“Medyo napapadalas na yata yung pagiging late mo sa klase ko, Miss Morrison.”

She's one of my terror lecturer. At kung minamalas nga naman ako. Kung pwede lang sanang palitan ang instructor ko sa first subject sa umaga. Naku! 

“M-Medyo may... m-may—”

“Good morning, miss”

Napalingon ako nang biglang pumasok si Gavin habang nakangiting bumati kay Miss. Life saver ngayon ang daldalero. 

“I'm Gavin Barielles. Transferee from Harriton's Academy. We're very sorry for being late at your class. Miss Juanero asked her to accompany me way throughout this morning that's why we're late.”

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya at muling bumaling kay Miss. Tatalab kaya yun sa kanya? Sana naman oo dahil wala talaga akong maisip na pwedeng idahilan. 

“Okay. Please take your sit” 

Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na tinungo yung upuan ko. Buti na lang at hindi ako ipinahamak ni Gavin. Ewan ko lang kung anong kasinungalingan na naman ang sasabihin ko kapag nagkataon.

“Dito na lang din ako uupo” 

Napatingala ako kay Gavin ng magsalita siya. Bakit dito pa? Si Zech yung seatmate ko kaya hindi pwede.

“Actually—”

“Mr. Barielles, maupo ka na”

Napatingin ako kay Miss tsaka bumaling kay Gavin. Pano si Zech? Saan siya uupo kapag dumating siya?

Wala na 'kong nagawa nang umupo si Gavin sa katabi kong upuan. Napatingin na lang ulit ako kay Miss dahil nagsisimula na siyang magdiscuss. Umakto lang ako na parang nakikinig pero hindi ako makapag-focus dahil hindi pa din pumasok si Zech. 

“Miss Morrison?”

Medyo na-guilty ako dahil sa pag-iwan ko sa kanya dun. Kaming dalawa ang may kasalanan pero mag-isa siyang naiwan dun.

“Miss Morrison? Are you listening?”

Psh. Baka mas lalo siyang magalit sakin at ipagtabuyan na naman ako. Eh, hindi ko naman siguro kasalanan yun—

“MISS KENLEY ZHANG MORRISON!”

Awtomawtiko akong napatayo nang marinig ko ang buo kong pangalan. Napatingin ako kay Miss Espinosa at kita ko kung paano magsalubong ang kilay niya sakin. “Y-Yes Miss?” utal kong tanong dahil sa kaba.

“Are you even listening?” 

“Y-Yes Miss.” kinakabahan kong sagot ngunit salubong pa din ang kilay nito.

“Then do a recap about my discussion. I'm going to give a quiz after.” sabi nito kaya napalunok na lang ako habang nakatitig pa din sa kanya na nagsisimula ng magligpit ng kanyang mga gamit.

Pano na 'to?

*BLLLLLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG*

Napalingon kaming lahat dahil sa may biglang sumipa sa pintuan ng classroom namin. Pumasok si Zech na magkasalubong ang kilay habang naglalakad palapit sakin.

I'm serious. Naglalakad siya palapit sakin kaya mas lalo akong napalunok dahil sa kaba. Eto na ba yun? Sasaktan niya na ba ako dahil iniwan ko siya kanina?

Napapikit ako ng wala sa oras at hinintay na dumapo ang kamao niya sa mukha ko. Kahit na sabihin kong hindi pa 'ko handa—

“Leave!”

Napamulat ang isa kong mata at kasunod naman yung isa nang makita kong si Gavin ang kinakausap niya.

Ayt. Akala ko sasaktan na niya 'ko.

“Why would I?”

Nilingon ko naman si Gavin at nakita ko kung paano siya dahan-dahang ngumisi. Halata yung pang-aasar sa expresyon ng kanyang mukha.

“Mister Presly! Ano na namang katarantaduhan 'to?”

Lumapit si Miss sa pwesto namin at hinarap si Zech na salubong ang kilay. 

Hobby yata ng isang 'to ang ma-detention. Zech naman eh, ikaw mismo ang nagpapahamak sa sarili mo.

“What kind of stupidity is this? You entered late in my class tapos ganyan pa ang salubong mo sa'min?” medyo pasigaw na sambit ni Miss kay Zech. Batid dito ang panggigigil at kita ko din ang inis nito.

“Tch. I'm asking you to leave in my nicest tone—”

“This is my seat from now on. So why would I leave?”

Hihilain ko na lang sana si Zech para hanapan ng bakanteng upuan nang bigla niyang sinipa ang inuupuan ni Gavin at mabilis na dinampot ito sa kwelyo. Wala pa ding nagbago sa kanilang reaksyon, blangko ang mukha ni Zech habang pangisi-ngisi pa din sa kanya si Gavin. Nagkagulo na din yung mga kaklase namin at abang na abang sa mga posibleng mangyari ngayon. Si miss naman ay hindi malaman kung anong gagawin dahil mukhang takot din siyang awatin ang dalawa.

“Z-Zech, stop it” usal ko pero hawak niya pa din yung collar ni Gavin.

“Tsk. Thin-skinned—”

Hindi pa man nagawang matapos ni Gavin ang sasabihin niya nang bigla siyang sinuntok ni Zech sa mukha. Nakita ko ang biglaang pagdugo ng ilong nito kaya napatakip ako sa sarili kong bibig.

Kinaladkad siya ni Zech palabas ng classroom at kita ko kung paano niya itinilapon si Gavin sa labas. Sumunod naman na lumabas ang mga kaklase namin kaya sumunod na din ako.

Zech!! Takaw gulo ka talaga. Argh!

Napaupo si Zech sa tabi ng nakahigang si Gavin, muli nitong hinawakan ang kwelyo ni Gavin tsaka matalim na nakipagtitigan. 

“THAT'S ENOUGH! BOTH OF YOU...”

Napalunok ako dahil sa sigaw ng principal. Salubong ang kilay nito katabi ang dalawa kong kaklase at mukhang sila ang nagsumbong sa principal.

“GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!” 

Tumayo si Zech at sumunod naman si Gavin na pinunasan pa ang dugo sa ilong nito. 

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero kita ko ang pagngisi ni Gavin na para bang natutuwa pa sa nangyari.

“INCLUDING YOU, MISS MORRISON”

Napa-igting naman ako sa gulat na may halong kaba. Bakit ako kasama? Wala akong kinalaman diyan. 

Related chapters

  • Take Me Back In Your Arms    Chapter Two

    Chapter TwoZhang's POINT OF VIEW"Bye Mom. Papasok na po ako." walang kabuhay-buhay kong sagot sabay halik sa kanyang pisnge."Breakfast mo-""Sa school na lang po ako kakain. Madami pa po kasi akong gagawin." putol ko at pilit na ngumiti. Tinungo ko ang labas ng bahay at saktong naghihintay na sakin si Mang Kiko. "Hatid niyo na po ako. Diretso po tayo sa Ashton Academy." utos ko at pumasok sa loob ng kotse."Hindi ba natin dadaanan ang bahay-""Hindi na po." napasandal ako sa backseat tsaka tumingin sa labas ng bintana. "Nagmamadali po kasi ako dahil kailangan akong kausapin ng adviser namin." pagsisinungaling ko.Hanggang ngayon naninikip pa din ang dibdib ko sa tuwing maalala ko yung sinabi sakin kahapon si Zech. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga salitang binitawan niya sakin.May mali ba sa

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • Take Me Back In Your Arms    Chapter Two

    Chapter TwoZhang's POINT OF VIEW"Bye Mom. Papasok na po ako." walang kabuhay-buhay kong sagot sabay halik sa kanyang pisnge."Breakfast mo-""Sa school na lang po ako kakain. Madami pa po kasi akong gagawin." putol ko at pilit na ngumiti. Tinungo ko ang labas ng bahay at saktong naghihintay na sakin si Mang Kiko. "Hatid niyo na po ako. Diretso po tayo sa Ashton Academy." utos ko at pumasok sa loob ng kotse."Hindi ba natin dadaanan ang bahay-""Hindi na po." napasandal ako sa backseat tsaka tumingin sa labas ng bintana. "Nagmamadali po kasi ako dahil kailangan akong kausapin ng adviser namin." pagsisinungaling ko.Hanggang ngayon naninikip pa din ang dibdib ko sa tuwing maalala ko yung sinabi sakin kahapon si Zech. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga salitang binitawan niya sakin.May mali ba sa

  • Take Me Back In Your Arms    Chapter One

    Chapter OneZhang's Point of view"Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table.Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad."Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop.Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko."Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako.Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili.Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi mais

DMCA.com Protection Status