Chapter OneZhang's Point of view "Mom! nasa'n na yung bago kong sapatos?" nakanguso kong tanong kay mommy na nasa dining table. Kahapon ko lang yun binili sa mall kaya imposibleng mawawala kaagad. "Saan mo ba nilagay?" balewalang tanong niya sakin at hindi man lang ako binabalingan ng tingin dahil abala siya sa harap ng kanyang laptop. Napakamot na lang ako sa batok saka mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko. Saan ko nga ba nilagay ‘yon? Kanina pa 'ko nanghahalungkat sa walk-in closet ko, ngunit di ko pa din makita yung hinahanap ko. "Nasaan ka na ba kasi?" Konti na lang at mapipikon na ako. Saglit akong napahinto sa paghahanap at napatingin sa relo ko. "Argh!" Padabog akong tumayo saka pumunta sa salamin at inayos yung sarili. Late na'ko at kinakailangan ko pang sunduin si Zech. Sana naman hindi mais
Last Updated : 2021-06-01 Read more