Sa hindi inaakalang pagkakataon, nagising na lamang si Ela sa isang hindi pamilyar na lugar. Buong akala niya’y wala na siyang buhay ngunit parang sinampal siya ng katotohanang nabubuhay siya sa ibang panahon kung saan ilang siglo na ang nakalipas mula sa kanyang kapanangakan. Nang magbago ang kanyang buhay, kasabay no’n ang pagbabago ng kanyang pangalan at buong pagkatao. Ngunit paano niya magagawang mamuhay nang payapa sa ibang siglo, kung kahit siya mismo ay binabagabag at hindi matahimik sa mga nasasaksihan niya sa kapanahunan na meron siya ngayon?
View MoreKABANATA 4VHEM“Bespar!” Pagkahakbang ko pa lang sa entrance ng cafeteria, boses kaagad ng lalaking may sabing bestfriend ko kuno ang sumalubong sakin. “Pakibilisan!”Pagkapasok ko sa cafeteria, kitang-kita ko kaagad ang lalaking kaibigan ko daw sa kapanahunang ito na kumakaway sakin. So, siya lang pala ang yung taong nagawa pang magpa-paging para lang kausapin ako? Pagkatapos niya akong iwan at muntikan nang mabaril kanina? Tch.Kahit na naiinis ako, dumiretso parin ako ng lakad papunta sa table niya. Wala naman akong ibang choice kundi ang pakisamahan siya dahil wala naman akong ibang kakilala maliban sa kanya.“Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?” kaagad siyang lumapit sakin at bahagyang napahawak sa magkabila kong braso na animoy chinicheck kung may galos baa ko o wala. “Clester told me na muntikan ka na daw kanina,” dagdag pa niya n
KABANTA 3VHEMNakita kong napasilip si Clester sa pinto at muling bumaling sakin. "I said, go!" medyo tumaas ang boses niya kaya sinunod ko na lang ang kanyang sinabi.Pagkatalikod ko sa kanya, tinakbo ko ang kabuuan ng passageway. Pagkalipas ng tatlong minuto, narating ko ang dulo nito. Lumiko ako sa sinabi niyang daan at mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang pinto na tinutukoy niya kanina.Muli akong tumakbo hanggang sa makalapit ako sa pinto. Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob nang bumukas kaagad ito. Hindi na ako nag-atubiling magtaka pa, basta't dumiretso na lang ako sa labas at bumungad sakin ang isang napakataas na gusali."This must be the girl's dormitory." bulong ko saka humakbang palapit sa main entrance ng building.Hindi ako sigurado kung sakop pa din ba 'to ng Dinastia University dahil sobrang laki ng gusali at aakalain mo talagang isa itong mamahaling
Kabanata 2:VHEM"Teka lang, hindi ko alam ang mga pasikot-sikot dito." habol ko sa lalaking bespren ko pero hindi ko alam ang pangalan.Wala man lang konsiderasyon sa babaeng naligaw ng panahon. Ganyan ba talaga sila dito?"Sino niloloko mo?" saglit siyang bumaling sakin saka muling naglakad at mas lalo pang binilisan ang paglalakad.Nang mapagod ako sa kakahabol sa kanya, lumiko ako sa kabilang building at hindi na nag-abalang magpaalam sa kanya. Mukhang hindi niya din naman ako tutulungan at mapapagod lang ako kapag pinagpatuloy ko ang pagbubuntot sa kanya. Kung ayaw niya akong tulungan, fine! I'll find my own way kung paano ko malalaman ang dahilan kung bakit ako napadpad dito.Napaupo ako sa roundtable na kaharap ng building kung saan ako lumiko. Inayos ko ang buhok kong medyo magulo at iginala ang paningin ko, nagbabakasakali na may mahanap akong portal pauwi s
Kabanata 1 :VhemHanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinapit ko. Parang ang hirap paniwalaan lalo na't parang nasa ibang dimension ako. Alam niyo 'yon? Yung parang ito yata ang mundo ng mga patay, kaso ang pinagkaiba lang ay mukhang hindi naman patay 'tong mga kasama ko, at wala din dito si San Pedro para patunay na patay na talaga ako. Pero kung hindi pa ako patay, e nasaan ako? Alam ba ng mga kamag-anak ko na nandirito ako? May karatula kaya silang pinagawa na may nakalagay na missing tapos may picture ko at ipinaskil nila sa mga pader?“Huwag kang panay ang sabak sa gulo kung hindi mo naman pala kayang depensahan ang sarili mo." sermon sakin ng lalaking walang tigil sa kakalamon dito sa cafeteria ng Dinastia University.Pagkatapos ng announcement kanina sa school intercom, bigla niya kaagad akong hinila at dinala dito. Hindi na ako naka-angal dahil mukhang kilala naman niya ako, pero ako naman 't
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual event, person, living or dead is purely coincidental.~disclaimerSimulaMarahas kong pinahiran ang mga luhang nasa aking pisngi at mabilis na iwinaksi ang kamay ng babaeng nakahawak sa braso ko. "L-Lumayo ka!" hiyaw ko kay Thea kasabay ng nanginginig kong boses, dahilan para siya’y mabigla at naiiling na tinitigan ako.Puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit huli na ang lahat. She betrayed me. They betrayed me."Mahal ko si Travis at mahal din niya ako."Kaagad akong umatras nang balakin niyang lumapit sakin. Unti-unti niya akong dinudurog sa pamamagitan ng mga binibitawan niyang salita. Hindi pa ba sapat
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual event, person, living or dead is purely coincidental.~disclaimerSimulaMarahas kong pinahiran ang mga luhang nasa aking pisngi at mabilis na iwinaksi ang kamay ng babaeng nakahawak sa braso ko. "L-Lumayo ka!" hiyaw ko kay Thea kasabay ng nanginginig kong boses, dahilan para siya’y mabigla at naiiling na tinitigan ako.Puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit huli na ang lahat. She betrayed me. They betrayed me."Mahal ko si Travis at mahal din niya ako."Kaagad akong umatras nang balakin niyang lumapit sakin. Unti-unti niya akong dinudurog sa pamamagitan ng mga binibitawan niyang salita. Hindi pa ba sapat
Comments