Share

Kabanata 1

Author: nhumbhii
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kabanata 1 : 

Vhem

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinapit ko. Parang ang hirap paniwalaan lalo na't parang nasa ibang dimension ako. Alam niyo 'yon? Yung parang ito yata ang mundo ng mga patay, kaso ang pinagkaiba lang ay mukhang hindi naman patay 'tong mga kasama ko, at wala din dito si San Pedro para patunay na patay na talaga ako. Pero kung hindi pa ako patay, e nasaan ako? Alam ba ng mga kamag-anak ko na nandirito ako? May karatula kaya silang pinagawa na may nakalagay na missing tapos may picture ko at ipinaskil nila sa mga pader?

“Huwag kang panay ang sabak sa gulo kung hindi mo naman pala kayang depensahan ang sarili mo." sermon sakin ng lalaking walang tigil sa kakalamon dito sa cafeteria ng Dinastia University.

Pagkatapos ng announcement kanina sa school intercom, bigla niya kaagad akong hinila at dinala dito. Hindi na ako naka-angal dahil mukhang kilala naman niya ako, pero ako naman 'tong walang kaede-edeya kung sino siya.

Ito namang University na 'to, parang hindi ko pa naririnig na may ganitong University pala sa Pilipinas. Kadalasan kasi yung mga ganitong kalaking eskwelahan, sikat na dapat 'to e at kilala sa buong bansa. Pero bakit ngayon ko lang nalaman 'to?

"At saka, anong pumasok sa kukote mo at sumali-sali ka sa away na 'yon?" nakakunot noo niyang tanong.

Hindi ko siya magawang sagutin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya. Kanina niya pa sinasabi na sumali daw ako sa gulo, at ako naman 'tong si walang kamuwang-muwang sa nangyari, hindi malaman kung saang banda ako nakisali sa gulo.

Ang alam ko lang, nagkasagutan kami kanina ni Thea sa rooftop dahil nalaman kong may relasyon sila ng boyfriend ko at aksidente akong nahulog and tadaaaa! Pumikit lang ako then viola, nandito na ako. Baka nahulog ata ako sa portal, kaya ganon? Argh! Ewan!

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa matapos siyang kumain. Maya-maya'y bigla na lamang niya ipinukpok sa ulo ko ang chopsticks na ginamit niya dahilan para mapa-aray ako. 

Anong problema niya? Inaano ko ba siya? 

"Sa susunod, ayokong nakikitang nakikisali ka sa gulo. Maliwanag ba?" ma-otoridad niyang tanong.

Boyfriend ko yata 'to? Ang lakas maka-care react sakin. Daig pa ang hayop kong ex kung mag-alala. Aish! Naalala ko na naman ang panloloko nila sakin. Kamusta na kaya ang lagay ko sa other world? Natuluyan ba ako? Hindi naman siguro ako na-dead on arrival diba? Pero Malabo din namang madala pa ako sa hospital. Sa taas ba naman ng pinanggalingan ko, isang himala na lang ang bubuhay sakin. Pero bakit ba kasi ako nandito? Wala naman sigurong may kumulam sakin diba?

"Pwede bang mag-kuwento tungkol sakin?" out of nowhere kong tanong.

Malay ko ba? Baka may makuha akong impormasyon dito tungkol sa kung anong klaseng tao ako. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na galing ako sa ibang taon dahil sigurado akong hindi siya maniniwala. Ganyan ang mga napapanood ko sa mga movie at drama. Ang tanong ko lang, hanggang kailan ako magtatagal dito? 

"Seriously? You are asking me to tell a story about yourself?" hindi makapaniwala niyang tanong sabay tayo at nagsimulang maglakad palabas ng cafeteria. Tumayo na din ako at sinundan siya. “Umayos ka Vhem kung ayaw mong ipacheck-up kita sa isang psychiatrist.”

Wala naman sigurong masama kung mag-kuwento siya diba? Boyfriend ko naman siya at ang simple lang ng hinihiling ng girlfriend niya. Bakit hindi man lang niya ako magawang pagbigyan? Is it because hindi na niya ako mahal? Was he seeing someone behind me? Oh, my ghad. Pati ba naman dito ay lolokohin ako? Ano ba ang ginawa ko dati sa past life para masaktan ng ganito?

"Anong masama—awww!" napahawak ako sa noo kong nauntog sa likuran ng boyfriend ko nang bigla siyang huminto. "Nakakasakit ang likod mo." reklamo ko at kaagad na lumayo sa kanya.

"Naayos mo na ba ang mga gamit mo sa dorm?"

"Yeah. Pumunta lang ako dito to buy some drinks dahil mukhang mamayang gabi pa mag-oopen ang convenience store sa baba ng dorm." 

Napatingin ako sa kausap niyang lalaki at napanganga na lamang nang makita ang napaka-amo nitong mukha. Eto na yata ang grim reaper na susundo sakin. Confirmed. Wala ako sa ibang dimension. 

"Kasama mo?"

"Hi. My name is Ela—" napatigil ako sa pagpapakilala nang bigla akong inakbayan nitong boyfriend ko at inilapit sa kanya.

"By the way, she's my bestfriend Vhem. Naalala mo 'yong kinukuwento ko sayo dati sa abroad?" sabi niya sa mala-anghel na lalaking kaharap namin. "Bespar," napatingala ako sa kanya nang maramdamang parang ako ang tinatawag niya. "Si Clester nga pala, kaibigan ko while I’m staying abroad." 

Napangiwi na lang ako nang ma-realize ko ang pinag-iisip ko. Ang dugyot ko. Bestfriend ko pala 'to, tapos kanina pa ako assume ng assume na boyfriend ko siya? Yayks bigla akong pinanindigan ng balahibo sa mga iniisip ko.

"un placer conocerte," pilit ang ngiti niya nang mapabaling sakin pero bumalik din kaagad ang tingin sa bespren ko. "Ge. Kita na lang tayo mamaya." sabi niya at saka mabilis na humakbang palayo.

Napatingin sakin ang bespren ko daw saka nagsalita "vamonos." 

Hinila niya ako palabas kaya nagtataka naman akong nagpahila sa kanya. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. May kung anong lengguwahe silang sinasabi na hindi ko malaman kung anong klase.

Seryoso ba talaga 'to? Baka nasa ibang dimension ako at napadpad sa mundo ng mga alien, kaso nga lang mas mga gwapo at magaganda ang mga nilalang na nandirito. Ako lang yata ang naiiba sa kanila. 

"Gusto mo na bang bumalik sa dorm niyo?" biglang tanong sakin ng kasama ko habang naglalakad kami sa hallway at hindi naman maiwasang magising ang diwa ko mula sa pagiging lutang.

"Mukhang nauntog ata ang utak ko kanina," ginawaran ko siya ng isang malapad na ngiti at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"Anong pinagsasabi mo?" 

Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto din siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at tumingala ng tingin sa kanya. "Nagka-amnesia yata ako at hindi ko maalala ang nangyari." hinawakan ko ang noo ko at naiiling na umiwas ng tingin. "Parang awtomatikong nawala ang mga ala-ala ko kaya kailangan ko ang tulong mo para maibalik ang mga—ARAAAY!" napasigaw ako ng wala sa oras nang bigla niya akong pinitik sa noo. "Ang sakit." Angal ko.

"Umayos ka kung ayaw mong mapagkamalang baliw dito." sabi niya sakin saka ako nilagpasan at iniwan.

Akala ko ba bestfriend ko siya dito? Bakit ayaw niya man lang ako tulungan? Puwede bang mag-call a friend sa kapanahunan ko? 

Related chapters

  • A Century Away    Kabanata 2

    Kabanata 2:VHEM"Teka lang, hindi ko alam ang mga pasikot-sikot dito." habol ko sa lalaking bespren ko pero hindi ko alam ang pangalan.Wala man lang konsiderasyon sa babaeng naligaw ng panahon. Ganyan ba talaga sila dito?"Sino niloloko mo?" saglit siyang bumaling sakin saka muling naglakad at mas lalo pang binilisan ang paglalakad.Nang mapagod ako sa kakahabol sa kanya, lumiko ako sa kabilang building at hindi na nag-abalang magpaalam sa kanya. Mukhang hindi niya din naman ako tutulungan at mapapagod lang ako kapag pinagpatuloy ko ang pagbubuntot sa kanya. Kung ayaw niya akong tulungan, fine! I'll find my own way kung paano ko malalaman ang dahilan kung bakit ako napadpad dito.Napaupo ako sa roundtable na kaharap ng building kung saan ako lumiko. Inayos ko ang buhok kong medyo magulo at iginala ang paningin ko, nagbabakasakali na may mahanap akong portal pauwi s

    Last Updated : 2024-10-29
  • A Century Away    Kabanata 3

    KABANTA 3VHEMNakita kong napasilip si Clester sa pinto at muling bumaling sakin. "I said, go!" medyo tumaas ang boses niya kaya sinunod ko na lang ang kanyang sinabi.Pagkatalikod ko sa kanya, tinakbo ko ang kabuuan ng passageway. Pagkalipas ng tatlong minuto, narating ko ang dulo nito. Lumiko ako sa sinabi niyang daan at mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang pinto na tinutukoy niya kanina.Muli akong tumakbo hanggang sa makalapit ako sa pinto. Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob nang bumukas kaagad ito. Hindi na ako nag-atubiling magtaka pa, basta't dumiretso na lang ako sa labas at bumungad sakin ang isang napakataas na gusali."This must be the girl's dormitory." bulong ko saka humakbang palapit sa main entrance ng building.Hindi ako sigurado kung sakop pa din ba 'to ng Dinastia University dahil sobrang laki ng gusali at aakalain mo talagang isa itong mamahaling

    Last Updated : 2024-10-29
  • A Century Away    Kabanata 4

    KABANATA 4VHEM“Bespar!” Pagkahakbang ko pa lang sa entrance ng cafeteria, boses kaagad ng lalaking may sabing bestfriend ko kuno ang sumalubong sakin. “Pakibilisan!”Pagkapasok ko sa cafeteria, kitang-kita ko kaagad ang lalaking kaibigan ko daw sa kapanahunang ito na kumakaway sakin. So, siya lang pala ang yung taong nagawa pang magpa-paging para lang kausapin ako? Pagkatapos niya akong iwan at muntikan nang mabaril kanina? Tch.Kahit na naiinis ako, dumiretso parin ako ng lakad papunta sa table niya. Wala naman akong ibang choice kundi ang pakisamahan siya dahil wala naman akong ibang kakilala maliban sa kanya.“Ayos ka lang? Wala bang masakit sayo?” kaagad siyang lumapit sakin at bahagyang napahawak sa magkabila kong braso na animoy chinicheck kung may galos baa ko o wala. “Clester told me na muntikan ka na daw kanina,” dagdag pa niya n

    Last Updated : 2024-10-29
  • A Century Away    Simula

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual event, person, living or dead is purely coincidental.~disclaimerSimulaMarahas kong pinahiran ang mga luhang nasa aking pisngi at mabilis na iwinaksi ang kamay ng babaeng nakahawak sa braso ko. "L-Lumayo ka!" hiyaw ko kay Thea kasabay ng nanginginig kong boses, dahilan para siya’y mabigla at naiiling na tinitigan ako.Puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit huli na ang lahat. She betrayed me. They betrayed me."Mahal ko si Travis at mahal din niya ako."Kaagad akong umatras nang balakin niyang lumapit sakin. Unti-unti niya akong dinudurog sa pamamagitan ng mga binibitawan niyang salita. Hindi pa ba sapat

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • A Century Away    Kabanata 1

    Kabanata 1 :VhemHanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinapit ko. Parang ang hirap paniwalaan lalo na't parang nasa ibang dimension ako. Alam niyo 'yon? Yung parang ito yata ang mundo ng mga patay, kaso ang pinagkaiba lang ay mukhang hindi naman patay 'tong mga kasama ko, at wala din dito si San Pedro para patunay na patay na talaga ako. Pero kung hindi pa ako patay, e nasaan ako? Alam ba ng mga kamag-anak ko na nandirito ako? May karatula kaya silang pinagawa na may nakalagay na missing tapos may picture ko at ipinaskil nila sa mga pader?“Huwag kang panay ang sabak sa gulo kung hindi mo naman pala kayang depensahan ang sarili mo." sermon sakin ng lalaking walang tigil sa kakalamon dito sa cafeteria ng Dinastia University.Pagkatapos ng announcement kanina sa school intercom, bigla niya kaagad akong hinila at dinala dito. Hindi na ako naka-angal dahil mukhang kilala naman niya ako, pero ako naman 't

  • A Century Away    Simula

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual event, person, living or dead is purely coincidental.~disclaimerSimulaMarahas kong pinahiran ang mga luhang nasa aking pisngi at mabilis na iwinaksi ang kamay ng babaeng nakahawak sa braso ko. "L-Lumayo ka!" hiyaw ko kay Thea kasabay ng nanginginig kong boses, dahilan para siya’y mabigla at naiiling na tinitigan ako.Puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit huli na ang lahat. She betrayed me. They betrayed me."Mahal ko si Travis at mahal din niya ako."Kaagad akong umatras nang balakin niyang lumapit sakin. Unti-unti niya akong dinudurog sa pamamagitan ng mga binibitawan niyang salita. Hindi pa ba sapat

DMCA.com Protection Status