"Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—" "E kasi namam, KDrama na naman an
"Anong ginagawa mo rito?" Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Napalunok ako bago dahan-dahang lumingon sa kanya. Napahinga na lang ako ng maluwag nang makitang nakasuot na ito ng kulay itim na t-shirt. Napakurot ako ng sariling balat sa hita, nang may parte sa sistema kong gusto pang makita ang nakita ko kanina. "Inuulit ko... Ano ang ginagawa mo rito?" may diin niyang tanong sa akin. "A-Ahm... A-Ano... nag-message sa akin si Alyson na pupunta raw ako rito. Pero, parang wala naman siya yata rito ngayon." Napipilitan akong ngumiti sa kanya. "Wala nga rito si Alyson, kanina pa umalis kasama ang nobyo niyang si Giovanni." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Clinthon. Ang walangyang magnobyong 'yon, niloko ako. Napahugot ako ng hininga at napatingala kay Clinthon. Ngunit nagitla ako nang makitang malapit ang mukha niya sa mukha ko. Agad akong napaatras papalayo sa kanya. Ngunit sa kasamaang pala
"Dapat ang inyong mga proyekto ay maipapasa niyo bago ang araw ng inyong Final Exam." Umugong ang bulungan at angal ng mga kaklase ko pagkatapos sabihin 'yon ng aming guro. Buong linggong kasiyahan ang naranasan namin sa University Week at kahapon ay wala ring pasok. Ngunit pagdating ngayong miyerkules, ito ang nadatnan namin. Tambak na mga proyekto at sa sumunod na linggo ay ang Final Exam na agad namin. Nagpakawala na lamang ako ng buntong-hininga. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, mag-aaral ba o gagawin ang marami naming proyekto. Idagdag pa ang nangyari sa amin ni Clinthon kahapon. Bigla ko tuloy naalala ang kahihiyang itsura naming dalawa. *** Nagugulat akong napatingin sa bukana ng Training Room nina Clinthon nang sunod-sunod pumasok sina Giovanni, Christine, Alyson, Andrew Fuentes, Sedrick, at Haven. Nagtataka kaming tiningnan ni Andrew, Sedrick, at Haven. Ngunit nang tingnan ko ang dalawa kong kaibigan na siGiovanni, Christine,
Nakakunot-noo akong binunggo ni Clinthon nang deretso itong pumasok si opisina ni Ma'am Guanzon. Hindi ko naman maiwasang magtaka sa inakto niya. Ba't galit na galit ang mukha niya? May nagawa ba akong mali? "Grabe naman 'yong lalaking 'yon. Kilala mo ba 'yon, Almhera?" tanong ni Sedrick sa likod ko. Nakatingin lang ako sa pintuan ng opisina ni Ma'am Guanzon, kung saan si Clinthon pumasok. Napabuntong-hininga naman ako bago sinagot ang tanong ni Sedrick. "Oo, siya ang presidente ng Student Council ng ating departamento. Third year college na siya sa kursong katulad ng kinukuha natin. Isa rin siyang sikat na manlalaro ng MHU sa judo. Kung hindi mo pa alam, pinsan siya ni Alyson, ang kasintahan ni Giovanni. Hindi mo ba siya nakita kahapon sa Training Room nila?" Bumaling ako kay Sedrick at nakita kong nakatingin ito sa akin. "May problema ba? May dumi ba ang mukha ko?" Hinawakan ko ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Umiling-iling naman ito
Puno ng tawanan ang buong bahay nang masaya kaming nagsalo-salo sa pagkain na hinanda nina Mama't Papa at mga pagkain na pina-order nina Giovanni at Christine. "Ang daya niyo talagang lahat. Anong oras niyo 'tong ginawa?" 'di pa rin makapaniwalang ani ko nang matapos kami sa pagkain. Kasalukuyan kaming nakaupo sa hindi kalakihang sala ng aming bahay. Tulong-tulong namin kinuha ang ibang silya na gawa sa kahoy mula sa silid-kainan nang hindi kami magkasyang lahat sa upuang naririto sa sala. Anim na tao lamang ang kasya at huli ko lang napagtantong labindawa kaming lahat ngayon sa bahay. Nakatingin lang ako sa mga palamuting nasa iba't ibang parte ng bahay. Sobrang ganda at hindi ako magsasawang tingnan ito palagi. Napatingin ako sa kanila nang marinig ko ang kanilang pagtawa. "Kaninang umaga pa namin 'to ginawa, Almhera. Nang makaalis ka rito sa bahay niyo ay siyang pagpasok ng mga tauhan namin ni Christine," sabi ni Giovanni. Nagugulat akong n
Nagtindigan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses lalaki sa kabilang linya. Ba't alam niya ang pangalan ko? ["Hello?"] Napahugot ako ng hininga nang muli kong marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. "H-Hello? S-Sino po ito?" nauutal kong tanong habang kagat-kagat ang hintuturo ko. Narinig ko naman ang malalim niyang hininga sa kabilang linya. Kumalabog ang dibdib ko nang maisip ang mga Horror Movies na napanood ko. Huwag naman sanang killer o ano itong tumatawag sa akin. ["Hanggang ngayon, hindi pa naka-register sa cellphone mo ang number ko?"] Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko at tiningnan muli ang numero. Pilit kong inisip kung kanino ito. Parang pamilyar ito sa akin ngunit 'di ko matandaan kung kailan ko 'to nakita. Napahawak ako sa aking dibdib nang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong ibinalik muli sa tainga ko ang cellphone. ["HELLO? NANDIYAN KA PA BA?" ] "O-oo... Pasensya pero '
"Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Napayuko ako't mariing napapikit n
Pabagsak akong umupo sa upuan ng cafeteria. Hanggang ngayon, 'di pa rin nawawala ang halo-halong emosyon na aking naramdaman dahil sa anunsyo ni Ma'am Guanzon sa amin kaninang umaga. Napasubsob ako sa mesa, nag-iisip kung paano ipagsabay ang pag-aaral para sa Final Exam at sa mga gawaing binigay ng aming guro."Is there any problem, Almhera girl?" Napaangat ako ng ulo nang may tumapik sa balikat ko. Napanguso ako nang makitang nag-alalang tingin ni Christine ang sumalubong sa akin. Nakita ko naman ang pagbaling ni Giovanni sa akin mula sa pagtingin niya sa kanyang cellphone. Magkatabi silang dalawa ni Christine at katabi ko naman si Sedrick, abala sa pagbasa ng librong siyensiya.Narinig ko ang pagsara ni Sedrick ng libro at saka ito bumuntong-hininga. "Kanina pa 'yan namomroblema sa Computer Programming subject namin," wika niya sabay sulyap sa akin. "ITO NA ANG PAGKAIN NATIN!"Napalingon kaming lahat kay Alyson na kakarating lang. Nanlaki a