Home / YA/TEEN / Jeepney Love Story / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Jeepney Love Story: Chapter 31 - Chapter 40

111 Chapters

Thirtieth Trip: Danger

Napahugot ako ng hangin pagkarating ko sa tapat ng eskinita. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidenteng muntikan akong ma-hold up.  Subalit hindi  pa rin mawala-wala sa sistema ko ang trauma dahil sa pangyayaring napagdaanan ko. Napabuntong-hininga na lamang ako't pilit hinakbang ang aking mga paa papasok sa eskinita. Pilit kong kinakalma ang sarili mula sa kabang bumabalot sa 'king sistema. Ngunit mas tumindi ang nararamdaman kong kaba nang biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari sa 'kin noon dito sa eskinita. Biglang nagtindigan ang aking balahibo nang matanaw ko 'di kalayuan ang madilim na parte ng eskinita. Huli ko lang namalayan napatigil na pala ako sa paglalakad nang makita ko ang parteng 'yon. Almhera, kaya mo 'to. Matagal na nangyari ang insidenteng 'yon. Pagkumbinsi ko sa aking sarili habang mabagal pinagpatuloy ang paglalakad. Palubog na ang araw ngayon, kaya mas nada
Read more

Thirty-first Trip: He Saved Me

Nalasahan ko ang sariling dugo dahil sa pumutok kong labi mula sa malakas na pagkakasampal sa akin ni Kira.  Pilit akong tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa. Nanginginig akong napaatras nang mas lumapit silang lima sa kinaroroonan ko.  Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang hilahin ni Camille ang buhok ko. Pakiramdam ko, nasugatan na ang sarili kong anit dahil sa mga kuko niyang bumabaon do'n. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa sakit na aking naramdaman. "T-Tama na... nasasaktan na ako sa ginagawa niyo," nahihirapang wika ko habang patuloy pa ring hila-hila ni Camille ang buhok ko.Humalakhak silang lima na parang baliw na nagpadagdag sa aking kaba. Marahas biglang hinawakan ni Kira ang aking baba. Naramdaman ko ang pagbaon ng kaniyang mga kuko sa aking balat mula sa mariin niyang p
Read more

Thirty-second Trip: Hospital

Nakakasilaw na sikat ng araw ang nagpamulat sa akin. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang tumutusok na mga damo sa balat ko. Nagulat ako nang makitang nasa gilid ako ng isang puno. Nasaan ako? Naging tanong ko sa sarili nang makitang nasa isang parke ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, ngunit kahit isa'y walang akong makitang tao. Mayroong playground sa 'di kalayuan ng kinaroroonan ko. Nagtataasang mga puno sa iba't ibang parte ng parke. Sa bawat puno, mayroong mga upuang gawa sa kahoy. Kaaya-ayang tingnan ang parkeng ito dahil sa kalinisan nito. Gusto kong mamangha sa kagandahan nito pero mas nangibabaw ang kaba't takot sa aking sistema. Anong ginagawa ko rito sa lugar na 'to? Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari sa akin. Binugbog ako ng FoxyLuscious Group saka ako pinabayaan sa tatlong lalaki na sana'y gagahasain ako.  Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko pa rin ang  malaswa nilang paghawak sa
Read more

Thirty-third Trip: Warm Hug

Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng mga boses na nagtatalo. Napakusot ako ng aking mga mata, ngunit nagulat na lamang ako nang makita sina Giovanni, Christine, at Alyson sa harap ko. Magkaharap sina Giovanni at Alyson habang nagtatalo. Si Christine naman ay nasa gitna nila't para awatin sila."Ano bang ginagawa mo ritong tomboy ka?" singhal ni Giovanni kay Alyson."Edi dadalaw," walang ganang tugon ni Alyson sanhi upang mamula sa inis si Giovanni."At sino namang nagsabi na pwede kang dumalaw rito?!" Galit na galit na ang mukha ni Giovanni subalit kabaliktaran iyon sa mukha ni Alyson na kalmado lamang."Ako," tipid na tugon ni Alyson saka ito ngumisi kay Giovanni.Nakita kong parang sasabog na sa inis si Giovanni kaya agad akong umupo mula sa pagkakahiga para tigilan sila. Ngunit napahiyaw na lamang ako sa sobrang sakit nang makalimutan kong hindi pa magaling ang bali ko sa aking buto-buto. Napasapo ako sa aking tiyan at parang maiiyak ako dahil
Read more

Thirty-fourth Trip: Discharged

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Napatigil ako sa paghinga nang maramdaman ko ang isa niyang kamay sa likod ko habang ang isa niyang kamay ay marahang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin. Parang isa akong istatuwa at hindi na ako makagalaw pa."Sobra akong kinabahan sa mga oras na 'yon. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo nang mahimatay ka sa bisig ko," mahina ngunit nag-alala niyang wika sa tainga ko.Unting-unti akong napakalma at nakahinga. Ngunit natigilan ako sa sumunod niyang sinabi. "Masaya ako't maayos na ang pakiramdam mo. Masaya ako't nakaharap kita't nahahawakan ngayon."Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa mga katagang binitawan niya. Ba't naging ganito ang Clinthon na kaharap ko. 'Di ba dapat malamig ang pakikitungo niya sa akin, katulad no'n 'pag magkaharap kami. Alam kong napatawad ko na siya ngunit mayroon sa sistema ko ang nagtataka sa naging akto niya ngayon.Kailan lang parang isum
Read more

Thirty-fifth Trip: Man In Suit

Araw ng lunes, maaga akong gumising para pumasok sa paaralan. Tuluyan nang humilom ang mga sugat sa aking buong katawan. Ngunit may naiiwan pa ring bakas ng peklat sa aking balat at may kaunti pa akong kirot na nararamdaman sa aking tiyan. Isang buwan pa ang aking hihintayin bago tuluyan gumaling ang bali sa aking buto-buto."Sana'y mabulok sa kulungan ang mga walang pusong kabataang 'yon. Kailanman hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa 'yo, Almhera. Hindi ko aakalaing may ganoong klaseng kabataan na walang konsensiya sa paggawa ng krimeng 'yon. Muntikan ka na nilang patayin at ipapagahasa pa sa mga walangyang lalaking 'yon."Nakasapo sa noong wika ni Mama habang kumakain kami ng agahan. Simula nang magising ako sa hospital, parang susugurin niya ang FoxyLuscious Group pati ang tatlong lalaki dahil sa nangyari sa akin. Kahit ako'y sobrang galit sa kanila, ngunit wala namang patutunguhan ang nararamdaman ko kung patuloy akong magagalit. Ang nasa isip ko na lamang
Read more

Thirty-sixth Trip: Street Food

"Sir Eduardo, nandito na po pala kayo."Napatingin ako kina Mama't Papa na kakalabas mula sa gate ng aming bahay. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Siya ba si Sir Eduardo?"O anak, nariyan ka pala. Ito pala si Sir Eduardo, ang aking Boss sa trabaho," nakangiting pagpakilala ni Papa sa lalaking kaharap ko.Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong kinakabahan dahil kanina pa ito nakatingin sa akin. Napalunok ako ng ilang beses at napahinga nang malalim para pakalmahin ang aking sarili."Natatakot yata ang anak mo sa 'kin, Enzo."Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya nang sabihin niya iyon kay Papa. Agad akong napaiwas ng tingin nang malamig niya ulit akong tingnan."Pasensya na po sa anak ko, Sir Eduardo. Ngayon lamang po kasi kayo nakita at nakilala ni Almhera. Kaya ganiyan po ang akto niya."Napatingin ako kina Mama't Papa pero hindi ko maiwasang mapasulyap sa Boss ni Papa nang patuloy kong maramdaman ang tingin niya sa akin.
Read more

Thirty-seventh Trip: Tonton

Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko dahil sa sinabing 'yon ni Clinthon. Seryoso ba siya? Ang bilis naman yata para manligaw siya sa 'kin. Napakunot ang aking noo nang bigla itong humalakhak at napahawak pa ito sa kaniyang tiyan. Nagtataka ko siyang tiningnan nang naluluha na ito sa kakatawa. Anong nangyayari kay, Clinthon? Fishball lang naman 'yong kinain niya pero parang nasiraan na siya sa pag-iisip."Nakakatawa ang mukha mo, Almhera." aniya habang natatawa. "Nagbibiro lang naman ako tungkol sa panliligaw. Ang gusto ko lang ay makipagpakilala ng pormal sa 'yo at makipagkaibigan."Parang umalingawngaw sa pandinig ko ang huling katagang sinabi niya. Gusto niya lang pala makipag-usap sa akin para makipagpakilala ng pormal at makipagkaibigan. Biro lang pala 'yong sinabi niyang panliligaw sa akin. Subalit ba't ganito ang nararamdaman ko? Biglang bumigat ang pakiramdam ko at may kaunting kirot sa puso ko nang marinig na biro lang 'yon. Napipilitan akong tumawa, nagkuk
Read more

Thirty-eighth Trip: She's Different

Ba't may mga alaalang akong nakikita na hindi naman pamilyar sa akin? Paulit-ulit kong tanong sa sarili habang nakatanaw sa nakabukas na bintana ng kwarto ko rito sa ospital. Gabi na't magandang tanawin ang mga ilaw na nasa labas ng ospital. Lumabas muna sina Mama't Papa para asikasuhin ang paglabas ko ngayon dahil maayos na rin naman ang pakiramdam ko.Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari sa akin kanina sa parke. Bigla lamang lumabas ang isang alaalang 'yon sa isip ko. Malalim akong napabuntong-hininga na kahit isa'y wala akong makuhang sagot. Subalit bigla kong naalala ang isang boses na bumulong sa akin bago ako mawalan ng malay."Hindi mo dapat maalala ang mga memoryang dapat mo nang makalimutan."Umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabing 'yon ng isang lalaki. Pilit kong inisip kung kaninong boses 'yon pero alam kong hindi si Clinthon 'yon. Malaki ang boses ng lalaking nagsalitang 'yon sa tainga ko. Pakiramdam ko, may nalal
Read more

Thirty-ninth Trip: Past She Must Forget

Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko dahil sa katagang binitawan ni Mama. Sa buong buhay ko, ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito at napagsalitaan pa ng masama. Nakalimutan ko lang naman inumin ang gamot ko, ba't grabe na agad ang galit ni Mama? Kahit sina Giovanni at Christine ay nagulat din sa pagtaas ng boses ni Mama. "Amanda! Ba't mo naman sinigawan ang anak natin?!" galit na wika ni Papa kay Mama nang makapasok ito sa kwarto. Parang nahimasmasan naman si Mama dahil sa sinabi ni Papa. Dali-daling lumapit si Mama sa akin saka ako niyakap. "Anak, I'm sorry. I'm sorry anak, hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses at pagsabihan ng masama." Hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi ko saka niya pinunasan ang mga luha ko gamit ang kaniyang hinlalaking daliri. "Sobra akong kinabahan dahil sa nangyaring 'to sa 'yo, Almhera. Hindi ko kaya 'pag may masama pang mangyayari sa 'yo," sabi ni Mama saka ito napayuko. Nanginginig ang kaniyang balikat nang umiy
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status