Home / All / Jeepney Love Story / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Jeepney Love Story: Chapter 21 - Chapter 30

111 Chapters

Twentieth Trip: Did They Know?

Nahihilo akong napakurap ng mga mata. "Nasaan ako? " sambit ng mga labi ko nang nakakasilaw na ilaw ang nakatutok sa aking mukha pagkamulat ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid, nasa isang silid ako at puro puti ang kulay nito. Sa kanang gilid ko may oksiheno at makinang nagmo-monitor ng tibok ng puso at paghinga ko. Napagtanto kong nasa hospital ako nang pumasok sa silid ang isang nars. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko ito nang lumapit ito sa kamang hinihigaan ko. Nagsalita ito subalit napakunot-noo ako nang kahit isang salita ay wala akong marinig mula sa sinabi niya. "Anong po bang nangyari? May nangyari po bang masama sa akin? Ba't wala po akong maalala? " sunod-sunod kong tanong ngunit ang nars naman ay hindi narinig ang mga sinabi ko. Nahihilo man ay pilit akong bumangon mula sa pagkakahiga. Pinigilan ako ng nars sa ginagawa subalit bigla itong napatakbo papalabas nang tuluyan akong makaupo sa kamang hinihigaan ko. Napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang punong-
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Twenty-first Trip: Sedrick the Black

Hindi ko alam kung ilang segundo na kami nagkatitigan ni Clinthon dito sa Stock Room. Naiilang na rin ako sa posisyon naming dalawa. Buhat-buhat niya pa rin ako habang ang dalawa kong kamay ay nasa magkabilang balikat niya. Unti-unti kong inalis ang mga kamay ko sa kaniyang balikat. Subalit agad kong naibalik do'n nang biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa binti't baywang ko. Napatingin ako sa kaniya pero ganoon na lamang ang pagtigil ng aking hininga nang bumaba sa labi ko ang paningin niya. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang lalagukan nang ito'y lumunok ng ilang beses. Napagaya ako sa paglunok nang dumapo ang aking paningin sa mamula-mula niyang mga labi. Kumalabog nang mabilis ang tibok ng puso ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan ni
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Twenty-second Trip: Keychain

"That's it?" 'di makapaniwalang aniya ni Sedrick pagkatapos kong i-kwento 'yon lahat sa kaniya. "Oo," kumakamot sa noong tugon ko. "Who's Black, by the way?" biglaang tanong ni Sedrick sa akin.Kasalukuyan na kaming naglalakad pabalik sa Computer Laboratory Room. Sandali naman akong natigilan sa tanong niyang 'yon."Ah... 'yon ba? Napanood mo ba ang KDrama na Black? Black ang pangalan ng bidang lalaki do'n. Isa siyang Kamatayan at sumusundo siya ng mga kaluluwa. Tapos hindi na niya kailangan dumaan sa pintuan dahil kaya niyang dumaan sa mga pader. 'Di ba ang astig niya? Kaya do'n kita tinawag dahil hindi kita nakitang dumaan sa pintuan." Nakangiting kong kwento, pero agad 'yon nawala nang nagtataka akong tiningnan ni Sedrick.Sumeryoso naman ang mukha kong hinarap siya  "Tapati
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Twenty-third Trip: He's Avoiding Me

Kasalukuyan na akong nakasakay sa Jeep pauwi sa aming bahay. Mabuti na lamang at may Jeep pang bumabyahe kahit alas diyes na nang gabi. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit nandito sa bag ko ang keychain ni Clinthon. Inalala ko ang lahat na nangyari ngayong araw, ang pumasok sa isip ko ay no'ng makasabay ko sa pagbaba si Clinthon sa Jeep . Kung saan nahila niya ang bag ko't akala ko no'n sinadya niyang gawin 'yon. Pero pakiramdam ko'y hindi, baka siyang pagbaba niya ng Jeep ay do'n sumabit ang keychain niya sa bag ko.Naglalakad na ako papasok sa bahay, pero hindi pa rin ako makapaniwala na narito sa akin ang keychain ni Clinthon. Siguradong matinding galit na naman ang mararamdaman niya kapag malaman niyang nasa akin ito.Napatigil ako sa pag-iisip nang tuluyan akong makapasok sa bahay. Sobrang tahimik ng paligid, siguro tulog na sina Mama't Papa pati na rin si Brayson. Mag-a-a
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Twenty-fourth Trip: Painful Words

Araw ng Sabado't umaga ang talakdaan ko sa trabaho sa Café of Memories. Nakapagdesisyon akong mamayang lunch break ako pupunta sa Training Room nina Clinthon. Agad akong nagpaalam kay Ma'am Benie nang dumating ang oras ng lunch break namin. Nang pumayag siya, agad akong lumabas sa Coffee Shop saka tumawid sa kalsada patungo sa Training Room nina Clinthon. "Ate Almhera!"Pagkatawid ko sa kabilang kalsada, nagulat ako nang makasalubong ko si Alyson. "Alyson!" Agad kaming nagyakap at nagkamustahan."Saan ka pala pupunta, ate?" tanong niya sa akin nang maghiwalay kami mula sa pagyakap."S-Sa Training Room niyo sana, Alyson. Nandoon ba si Clinthon— ay este 'yong Kuya Clinthon mo?" Mapanukso niya akong tiningnan dahil sa sinabi kong 'yon."Oo naman, ate! Nandoon siya." Ngumisi ito nang nakakaloko saka lumapit sa akin. "Bakit ate?  Anong kailanga
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Twenty-fifth Trip: Keychain's Importance

"Alam mo bang mas mahalaga pa sa buhay mo ang keychain na 'to, ha! Simula pa lang alam kong magnanakaw ka na. Pangit ka na nga, maitim pa, tanga, at bobo ka pa. Hindi na sana nabuhay sa mundong ito ang mga katulad mo."  Sa kabila ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko, ramdam ko ang biglaang pagdaloy ng sakit at galit sa sistema ko. Huli ko lang napagtanto ang mga sumunod na nangyari nang dumapo ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi ni Clinthon. Sanhi 'yon upang tumabingi ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.  Tumatangis ko siyang tiningnan nang masama sabay hugot ng hininga. "A-Alam kong pangit at maitim ako. T-Tanggap ko naman 'yon e. Pero... ang pagsabihan mo akong hindi na sana nabuhay sa mundong ito ang mga katulad ko—" Napatigil ako sa pagsasalita't saka huminga nang malalim. "Sumusobra ka na...
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Twenty-sixth Trip: In Pain

Nagugulat akong tumingin kay Alyson dahil sa sinabing niyang 'yon. Hindi ko aakalaing gano'n kalaki ang halaga ng keychain no'n sa buhay ni Clinthon. Talagang ikakamatay niya kung hindi ko naibalik sa kaniya ang keychain no'n.Nakita ko naman ang biglaang gulat sa mukha ni Alyson pagkatapos niyang bitiwan ang mga 'yon. Naramdaman kong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol do'n. "Maraming salamat sa paniniwala mo, Alyson. Pasensya na sa 'yo ha, nagkagulo pa sa Training Room niyo kanina dahil sa 'kin," aniya ko. Nagkukunwaring hindi narinig ang sinabi ni niya kanina.Lumiwanag naman ang kaniyang mukha dahil sa sinabi kong 'yon. "Ano ka ba, ate. Wala po kayong kasalanan do'n. Ako nga po sana ang hihingi ng pasensya sa inyo dahil sa mga sinabi ni Kuya Clinthon  sa 'yo," aniya ni Alyson habang pinupunasan  ang magkabila kong mata gamit ang kanyang hinlalaki. Naintindihan ko naman ang paki
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Twenty-seventh Trip: Can we be friends?

“Learning a computer programming language is very easy compared to writing good programs and using the language effectively. For a beginner, it might take 4-5 months to learn a new Programming language where as perfecting the programming skills including the design, debugging, and maintenance might take more than 3 to 4 years. To become an excellent programmer, one need to work hard,” mahabang pagtatalakay ni Ma’am Guanzon sa harap.Kasalukuyan kaming nakikinig sa kaniyang pagtatalakay tungkol sa Major Subject namin sa kaniya, ang Programming. Napatigil ako sa pakikinig nang may narinig akong munting hilik. Napabaling ako sa aking katabi nang do’n nagmumula ang hilik na 'yon. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita kong mahimbing natutulog si Sedrick. Munting hilik niya pala ang aking narinig, may patulo laway pa siya.Agad kong niyugyog ang balikat niya para magising ito. Napau
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Twenty-eighth Trip: Hating Him

"Almhera, can we be friends?" kinakabahang tanong niya sa akin na nagpangiti sa akin. "Oo naman, Sedrick. But I have one condition." Sumilay naman ang malawak niyang ngiti dahil sa sinabi ko."O sure, what is it?" sabik niyang tanong sa akin."You need to learn how to speak Tagalog. That is my condition."Nakita ko ang biglaang paglaho ng ngiti sa kaniyang mukha nang marinig ang naging kondisiyon ko. Napipilitang napangiti ito habang pakamot-kamot sa kaniyang ulo. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.Ngunit sa huli, sumang-ayon din ito sa naging kondisyon ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa aming silid-aralan. Pagkapasok namin  sa aming silid-aralan ay siyang pagpasok naman ng aming guro. Pagtatalakay at pagbibigay ng pagsusulit ang ginawa ng aming guro. Ganoon din ang ginawa ng iba naming guro pagdating ng hapon.Ma
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Twenty-ninth Trip: Afraid Feeling

"Ito na ang baon mo, Almhera. Good luck sa exam mo mamaya, ha. Alam kong kaya mo 'yan at huwag kang magpapagutom." Pagpapaalala sa akin ni Mama habang nagsusuot ako ng sapatos. Samantala sina Papa't Brayson naman ay kasalukuyan pang kumakain ng agahan.  "Opo naman po, Mama. Salamat po," aniya ko, sabay halik sa pisngi niya pagkatapos kong masuot ang aking sapatos. Nagpaalam ako sa kanila saka ako pumanhik papalabas ng bahay. Alas sais y medya pa lamang ng umaga ngunit kailangan maaga ako makapunta sa MHU. Midterm exam na namin ngayon at bawal mahuli sa flag ceremony na magsisimula nang alas siyete.  Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa sakayan ng Jeep. Habang naglalakad, kinuha ko muna sa bag ko ang ilang pirasong papel. Nakatala roon ang aaralin ko sa Midterm Exam namin ngayong araw. Abala ako sa pagbabasa ng aking mga aralin nang biglang dumating ang Jeep. Pagkaupo ko sa loob, napaiwas agad ako ng paningin sa aking kaharap. Ang
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status