"Almhera, can we be friends?" kinakabahang tanong niya sa akin na nagpangiti sa akin.
"O sure, what is it?" sabik niyang tanong sa akin.
"You need to learn how to speak Tagalog. That is my condition."
Nakita ko ang biglaang paglaho ng ngiti sa kaniyang mukha nang marinig ang naging kondisiyon ko. Napipilitang napangiti ito habang pakamot-kamot sa kaniyang ulo. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
Ngunit sa huli, sumang-ayon din ito sa naging kondisyon ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa aming silid-aralan. Pagkapasok namin sa aming silid-aralan ay siyang pagpasok naman ng aming guro. Pagtatalakay at pagbibigay ng pagsusulit ang ginawa ng aming guro. Ganoon din ang ginawa ng iba naming guro pagdating ng hapon.
Ma
"Ito na ang baon mo, Almhera. Good luck sa exam mo mamaya, ha. Alam kong kaya mo 'yan at huwag kang magpapagutom." Pagpapaalala sa akin ni Mama habang nagsusuot ako ng sapatos. Samantala sina Papa't Brayson naman ay kasalukuyan pang kumakain ng agahan. "Opo naman po, Mama. Salamat po," aniya ko, sabay halik sa pisngi niya pagkatapos kong masuot ang aking sapatos. Nagpaalam ako sa kanila saka ako pumanhik papalabas ng bahay. Alas sais y medya pa lamang ng umaga ngunit kailangan maaga ako makapunta sa MHU. Midterm exam na namin ngayon at bawal mahuli sa flag ceremony na magsisimula nang alas siyete. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa sakayan ng Jeep. Habang naglalakad, kinuha ko muna sa bag ko ang ilang pirasong papel. Nakatala roon ang aaralin ko sa Midterm Exam namin ngayong araw. Abala ako sa pagbabasa ng aking mga aralin nang biglang dumating ang Jeep. Pagkaupo ko sa loob, napaiwas agad ako ng paningin sa aking kaharap. Ang
Napahugot ako ng hangin pagkarating ko sa tapat ng eskinita. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidenteng muntikan akong ma-hold up. Subalit hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang trauma dahil sa pangyayaring napagdaanan ko. Napabuntong-hininga na lamang ako't pilit hinakbang ang aking mga paa papasok sa eskinita. Pilit kong kinakalma ang sarili mula sa kabang bumabalot sa 'king sistema. Ngunit mas tumindi ang nararamdaman kong kaba nang biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari sa 'kin noon dito sa eskinita. Biglang nagtindigan ang aking balahibo nang matanaw ko 'di kalayuan ang madilim na parte ng eskinita. Huli ko lang namalayan napatigil na pala ako sa paglalakad nang makita ko ang parteng 'yon. Almhera, kaya mo 'to. Matagal na nangyari ang insidenteng 'yon. Pagkumbinsi ko sa aking sarili habang mabagal pinagpatuloy ang paglalakad. Palubog na ang araw ngayon, kaya mas nada
Nalasahan ko ang sariling dugo dahil sa pumutok kong labi mula sa malakas na pagkakasampal sa akin ni Kira.Pilit akong tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa. Nanginginig akong napaatras nang mas lumapit silang lima sa kinaroroonan ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang hilahin ni Camille ang buhok ko. Pakiramdam ko, nasugatan na ang sarili kong anit dahil sa mga kuko niyang bumabaon do'n. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa sakit na aking naramdaman."T-Tama na... nasasaktan na ako sa ginagawa niyo," nahihirapang wika ko habang patuloy pa ring hila-hila ni Camilleang buhok ko.Humalakhak silang lima na parang baliw na nagpadagdag sa aking kaba. Marahas biglang hinawakan ni Kira ang aking baba. Naramdaman ko ang pagbaon ng kaniyang mga kuko sa aking balat mula sa mariin niyang p
Nakakasilaw na sikat ng araw ang nagpamulat sa akin. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang tumutusok na mga damo sa balat ko. Nagulat ako nang makitang nasa gilid ako ng isang puno. Nasaan ako? Naging tanong ko sa sarili nang makitang nasa isang parke ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, ngunit kahit isa'y walang akong makitang tao. Mayroong playground sa 'di kalayuan ng kinaroroonan ko. Nagtataasang mga puno sa iba't ibang parte ng parke. Sa bawat puno, mayroong mga upuang gawa sa kahoy. Kaaya-ayang tingnan ang parkeng ito dahil sa kalinisan nito. Gusto kong mamangha sa kagandahan nito pero mas nangibabaw ang kaba't takot sa aking sistema. Anong ginagawa ko rito sa lugar na 'to? Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari sa akin. Binugbog ako ng FoxyLuscious Group saka ako pinabayaan sa tatlong lalaki na sana'y gagahasain ako. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko pa rin ang malaswa nilang paghawak sa
Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng mga boses na nagtatalo. Napakusot ako ng aking mga mata, ngunit nagulat na lamang ako nang makita sina Giovanni, Christine, at Alyson sa harap ko. Magkaharap sina Giovanni at Alyson habang nagtatalo. Si Christine naman ay nasa gitna nila't para awatin sila."Ano bang ginagawa mo ritong tomboy ka?" singhal ni Giovanni kay Alyson."Edi dadalaw," walang ganang tugon ni Alyson sanhi upang mamula sa inis si Giovanni."At sino namang nagsabi na pwede kang dumalaw rito?!" Galit na galit na ang mukha ni Giovanni subalit kabaliktaran iyon sa mukha ni Alyson na kalmado lamang."Ako," tipid na tugon ni Alyson saka ito ngumisi kay Giovanni.Nakita kong parang sasabog na sa inis si Giovanni kaya agad akong umupo mula sa pagkakahiga para tigilan sila. Ngunit napahiyaw na lamang ako sa sobrang sakit nang makalimutan kong hindi pa magaling ang bali ko sa aking buto-buto. Napasapo ako sa aking tiyan at parang maiiyak ako dahil
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Napatigil ako sa paghinga nang maramdaman ko ang isa niyang kamay sa likod ko habang ang isa niyang kamay ay marahang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin. Parang isa akong istatuwa at hindi na ako makagalaw pa."Sobra akong kinabahan sa mga oras na 'yon. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo nang mahimatay ka sa bisig ko," mahina ngunit nag-alala niyang wika sa tainga ko.Unting-unti akong napakalma at nakahinga. Ngunit natigilan ako sa sumunod niyang sinabi. "Masaya ako't maayos na ang pakiramdam mo. Masaya ako't nakaharap kita't nahahawakan ngayon."Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa mga katagang binitawan niya. Ba't naging ganito ang Clinthon na kaharap ko. 'Di ba dapat malamig ang pakikitungo niya sa akin, katulad no'n 'pag magkaharap kami. Alam kong napatawad ko na siya ngunit mayroon sa sistema ko ang nagtataka sa naging akto niya ngayon.Kailan lang parang isum
Araw ng lunes, maaga akong gumising para pumasok sa paaralan. Tuluyan nang humilom ang mga sugat sa aking buong katawan. Ngunit may naiiwan pa ring bakas ng peklat sa aking balat at may kaunti pa akong kirot na nararamdaman sa aking tiyan. Isang buwan pa ang aking hihintayin bago tuluyan gumaling ang bali sa aking buto-buto."Sana'y mabulok sa kulungan ang mga walang pusong kabataang 'yon. Kailanman hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa 'yo, Almhera. Hindi ko aakalaing may ganoong klaseng kabataan na walang konsensiya sa paggawa ng krimeng 'yon. Muntikan ka na nilang patayin at ipapagahasa pa sa mga walangyang lalaking 'yon."Nakasapo sa noong wika ni Mama habang kumakain kami ng agahan. Simula nang magising ako sa hospital, parang susugurin niya ang FoxyLuscious Group pati ang tatlong lalaki dahil sa nangyari sa akin. Kahit ako'y sobrang galit sa kanila, ngunit wala namang patutunguhan ang nararamdaman ko kung patuloy akong magagalit. Ang nasa isip ko na lamang
"Sir Eduardo, nandito na po pala kayo."Napatingin ako kina Mama't Papa na kakalabas mula sa gate ng aming bahay. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Siya ba si Sir Eduardo?"O anak, nariyan ka pala. Ito pala si Sir Eduardo, ang aking Boss sa trabaho," nakangiting pagpakilala ni Papa sa lalaking kaharap ko.Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong kinakabahan dahil kanina pa ito nakatingin sa akin. Napalunok ako ng ilang beses at napahinga nang malalim para pakalmahin ang aking sarili."Natatakot yata ang anak mo sa 'kin, Enzo."Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya nang sabihin niya iyon kay Papa. Agad akong napaiwas ng tingin nang malamig niya ulit akong tingnan."Pasensya na po sa anak ko, Sir Eduardo. Ngayon lamang po kasi kayo nakita at nakilala ni Almhera. Kaya ganiyan po ang akto niya."Napatingin ako kina Mama't Papa pero hindi ko maiwasang mapasulyap sa Boss ni Papa nang patuloy kong maramdaman ang tingin niya sa akin.
ALMHERA'S POV"Ma, baka gagabihin po ako sa pag-uwi mamaya," wika ko kinabukasan kay Mama habang sinusuot ang sapatos ko.Napatigil naman si Mama sa pagwawalis ng sahig sa sala at napatingin sa akin. "Bakit naman, Almhera anak? Pupunta ka ba muli sa bahay nila Christine pagkatapos ng klase mo mamayang hapon?" tanong ni Mama at pinagpatuloy na ang pagwawalis. "Hindi po Mama, dadaan po sana ako sa Mall mamaya pagkatapos ng klase ko. Bibili lang po ako ng regalo para kay Christine," tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Ganoon ba? Sandali lang, anak." Sinundan ko ng tingin si Mama nang umalis ito sa sala at pumasok ito sa kuwarto nila ni Papa. Pagkalabas niya, hawak-hawak niya ang sariling pitaka. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha si Mama nang pera sa kanyang pitaka at inabot sa akin. "Idagdag mo na rin ito sa pagbili ng regalo mo para kay Christine, anak. Kung hindi lang sana kami aalis ng Papa mo bukas papunta sa
ALMHERA'S POV Maingay na paligid ang kumuha ng atensyon ko. Anong nangyayari? Bakit ang ingay nila? May masama bang nangyari? Bigla akong napamulat nang maalala ang nangyari sa akin mula sa mga kamay ng FoxyLuscious Group. Subalit napapikit ako muli nang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa aking mga mata. "OH MY GOSH! ALMHERA GIRL IS ALREADY AWAKE!" rinig kong sigaw ni Christine. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata at napahinga na lang ako nang makitang wala na ang nakakasilaw na ilaw. Kulay puting kisame ang nakita ko. Nasaan ako? Ano na ang nangyari sa akin? Napangiwi ako nang pilit kong igalaw ang buong kong katawan. Masakit… salitang nasabi ko sa aking sarili dahil sa nararamdaman ko. "Almhera girl, how's your feeling? That freaking b!t*** FoxyLuscious Group! They all pay for this!" namumula ang mukha at salubong ang mga kilay na wika ni Christine. Narinig ko ang mga yabag papalapit sa hinihigaan ko. Sumalubong ang nag-alalang tingin nina Mama't Papa, Giovanni, a
ALMHERA'S POVNaalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Kusot-kusot ang mga mata kong kinuha ito mula sa ibabaw ng side table. Papikit-pikit kong sinagot ang tawag nang makitang si Christine ang tumatawag sa akin. "H-Hello?" humihikab kong sabi. ["Hello, Almhera girl!" ]Nailayo ko bigla ang cellphone sa tainga ko nang malakas na tugtog at lasing na boses ni Christine ang tumugon sa kabilang linya. "Christine?! Lasing ka ba? Nasaan ka?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama dahil sa pag-alala sa kanya. ["W-What? M-Me? L-Lasing? No way!" ]Napatampal ako sa aking noo nang marinig kong muli ang lasing niyang boses. "Nasaan ka ngayon, Christine? Pupuntahan kita," ani ko sabay kuha ng jacket mula sa cabinet ko. Alas onse ng gabi nang tingnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Mabilis kong sinuot ang kulay abo kong jacket. ["I-I'm in my condo... r-right now... A-Almhera girl. C-Can you join me?" ] sumisinghot niyang wika sa kabilang linya. "Sige, p
CHRISTINE RITZ POV"What's wrong, Almhera girl? Are you okay?" I step closer to her when she's still looking at me and Giovanni."S-Siya... siya ang lalaking nasa panaginip ko," wala sa sariling wika niya. Giovanni and I looked at each other, both surprised by Almhera's act. What does she mean? Ang lalaking kasama ng crush ni Giovanni ay napanaginipan niya? Napasinghap ako at mabilis hinawakan sa magkabilang balikat si Almhera. "What do you mean, Almhera girl? May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Giovanni?" I asked.She looked at me. "Ang lalaking kamukha ng gwapong anghel sa panaginip ko. Ang lalaking nakaharap ko sa National Book Store. At ang lalaking nakatabi ko sa Jeep... iisang paaralan lang pala kami pinapasukan?" 'di makapaniwalang sabi niya."Hoy bruha, umayos ka nga. Anong pinagsasabi mo riyan? May something ba sa inyo ng Clinthon Lance Montanari na 'to ha?" Giovanni asked Almhera after he steps closer to us.Pakamot-kamot sa ulong bumuntong-hininga si Almhera. Naguguluhan
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan. Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan. Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin
"Sino ang may gumawa no'n sa laptop ko?"Naninikip ang dibdib kong lumapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Napatigil ako nang lumingon ang babaeng kausap nina Clinthon at Sedrick."A-Aynah?" 'di makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. .Isa 'to sa mga kaklase kong may galit sa akin at isa rin siya sa mga kaibigan ni Chloe. Anong alam niya sa nangyari sa laptop ko? May kinalaman din ba siya sa nangyari?"Almhera, I need to talk to you—" sandali itong napatigil at napatingin kina Sedrick at Clinthon bago tumingin ulit sa 'kin. "in private," dugtong niya."Hindi ba puwedeng dito na lang? Sabihin mo na rin kung sino ang sumira ng laptop ko."Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang galit na aking naramdaman. Gusto kong humiganti sa taong sumira ng laptop ko. Kahit sinabi pa ni Mama sa akin noon pa man na mali ang gawaing paghihiganti. "Mag-usap na muna kayong dalawa, Almhera. Alis muna kami ni Sedrick," paalam ni Clinthon sab
May takot sa sistemang sumulyap ako kay Mama. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga palad nang makitang walang reaksyon ang kanyang mukha habang deretso ito nakatingin sa daang tinatahak namin pauwi. Napatalon ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at agad itong tumingin sa akin. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may mga estudyante pa ring tulad ng Foxyluscious Group!" Napatingala sa kalangitan si Mama habang nakahawak ito sa kanyang baywang."Sana talaga, mapaalis sa Mantrell High University 'yong Chloe na 'yon. Sumusobra na ang kanyang ginawa. Porket mataas ang nakuha mong marka sa iba't ibang asignatura kaysa sa kanya, dapat ganoon agad ang gawin niya sa 'yo? Ang manira ng gamit at handa pang gumawa nang mas higit pa roon?" magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Mama.Matunog akong napabuntong-hininga nang biglang magpatuloy ito sa paglalakad, hindi man lang hinintay ang tugon ko sa sinabi niya. Napayuko't napatingin ako sa aking mga paang hum
"Lumabas ka ba kagabi, Almhera?" Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi."Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?" Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos. "Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin."Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama. Na
"Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na