Share

Thirtieth Trip: Danger

Napahugot ako ng hangin pagkarating ko sa tapat ng eskinita. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidenteng muntikan akong ma-hold up.  Subalit hindi  pa rin mawala-wala sa sistema ko ang trauma dahil sa pangyayaring napagdaanan ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako't pilit hinakbang ang aking mga paa papasok sa eskinita. Pilit kong kinakalma ang sarili mula sa kabang bumabalot sa 'king sistema. Ngunit mas tumindi ang nararamdaman kong kaba nang biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari sa 'kin noon dito sa eskinita.

Biglang nagtindigan ang aking balahibo nang matanaw ko 'di kalayuan ang madilim na parte ng eskinita. Huli ko lang namalayan napatigil na pala ako sa paglalakad nang makita ko ang parteng 'yon.

Almhera, kaya mo 'to. Matagal na nangyari ang insidenteng 'yon. Pagkumbinsi ko sa aking sarili habang mabagal pinagpatuloy ang paglalakad. Palubog na ang araw ngayon, kaya mas nada

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status