Araw ng Sabado't umaga ang talakdaan ko sa trabaho sa Café of Memories. Nakapagdesisyon akong mamayang lunch break ako pupunta sa Training Room nina Clinthon. Agad akong nagpaalam kay Ma'am Benie nang dumating ang oras ng lunch break namin. Nang pumayag siya, agad akong lumabas sa Coffee Shop saka tumawid sa kalsada patungo sa Training Room nina Clinthon.
Pagkatawid ko sa kabilang kalsada, nagulat ako nang makasalubong ko si Alyson. "Alyson!" Agad kaming nagyakap at nagkamustahan.
"Saan ka pala pupunta, ate?" tanong niya sa akin nang maghiwalay kami mula sa pagyakap.
"S-Sa Training Room niyo sana, Alyson. Nandoon ba si Clinthon— ay este 'yong Kuya Clinthon mo?" Mapanukso niya akong tiningnan dahil sa sinabi kong 'yon.
"Oo naman, ate! Nandoon siya." Ngumisi ito nang nakakaloko saka lumapit sa akin. "Bakit ate? Anong kailanga
"Alam mo bang mas mahalaga pa sa buhay mo ang keychain na 'to, ha! Simula pa lang alam kong magnanakaw ka na. Pangit ka na nga, maitim pa, tanga, at bobo ka pa. Hindi na sana nabuhay sa mundong ito ang mga katulad mo." Sa kabila ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko, ramdam ko ang biglaang pagdaloy ng sakit at galit sa sistema ko. Huli ko lang napagtanto ang mga sumunod na nangyari nang dumapo ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi ni Clinthon. Sanhi 'yon upang tumabingi ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. Tumatangis ko siyang tiningnan nang masama sabay hugot ng hininga. "A-Alam kong pangit at maitim ako. T-Tanggap ko naman 'yon e. Pero... ang pagsabihan mo akong hindi na sana nabuhay sa mundong ito ang mga katulad ko—" Napatigil ako sa pagsasalita't saka huminga nang malalim. "Sumusobra ka na...
Nagugulat akong tumingin kay Alyson dahil sa sinabing niyang 'yon. Hindi ko aakalaing gano'n kalaki ang halaga ng keychain no'n sa buhay ni Clinthon. Talagang ikakamatay niya kung hindi ko naibalik sa kaniya ang keychain no'n.Nakita ko naman ang biglaang gulat sa mukha ni Alyson pagkatapos niyang bitiwan ang mga 'yon. Naramdaman kong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol do'n. "Maraming salamat sa paniniwala mo, Alyson. Pasensya na sa 'yo ha, nagkagulo pa sa Training Room niyo kanina dahil sa 'kin," aniya ko. Nagkukunwaring hindi narinig ang sinabi ni niya kanina.Lumiwanag naman ang kaniyang mukha dahil sa sinabi kong 'yon. "Ano ka ba, ate. Wala po kayong kasalanan do'n. Ako nga po sana ang hihingi ng pasensya sa inyo dahil sa mga sinabi ni Kuya Clinthon sa 'yo," aniya ni Alyson habang pinupunasan ang magkabila kong mata gamit ang kanyang hinlalaki. Naintindihan ko naman ang paki
“Learning a computer programming language is very easy compared to writing good programs and using the language effectively. For a beginner, it might take 4-5 months to learn a new Programming language where as perfecting the programming skills including the design, debugging, and maintenance might take more than 3 to 4 years. To become an excellent programmer, one need to work hard,” mahabang pagtatalakay ni Ma’am Guanzon sa harap.Kasalukuyan kaming nakikinig sa kaniyang pagtatalakay tungkol sa Major Subject namin sa kaniya, ang Programming. Napatigil ako sa pakikinig nang may narinig akong munting hilik. Napabaling ako sa aking katabi nang do’n nagmumula ang hilik na 'yon. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita kong mahimbing natutulog si Sedrick. Munting hilik niya pala ang aking narinig, may patulo laway pa siya.Agad kong niyugyog ang balikat niya para magising ito. Napau
"Almhera, can we be friends?" kinakabahang tanong niya sa akin na nagpangiti sa akin. "Oo naman, Sedrick. But I have one condition." Sumilay naman ang malawak niyang ngiti dahil sa sinabi ko."O sure, what is it?" sabik niyang tanong sa akin."You need to learn how to speak Tagalog. That is my condition."Nakita ko ang biglaang paglaho ng ngiti sa kaniyang mukha nang marinig ang naging kondisiyon ko. Napipilitang napangiti ito habang pakamot-kamot sa kaniyang ulo. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.Ngunit sa huli, sumang-ayon din ito sa naging kondisyon ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa aming silid-aralan. Pagkapasok namin sa aming silid-aralan ay siyang pagpasok naman ng aming guro. Pagtatalakay at pagbibigay ng pagsusulit ang ginawa ng aming guro. Ganoon din ang ginawa ng iba naming guro pagdating ng hapon.Ma
"Ito na ang baon mo, Almhera. Good luck sa exam mo mamaya, ha. Alam kong kaya mo 'yan at huwag kang magpapagutom." Pagpapaalala sa akin ni Mama habang nagsusuot ako ng sapatos. Samantala sina Papa't Brayson naman ay kasalukuyan pang kumakain ng agahan. "Opo naman po, Mama. Salamat po," aniya ko, sabay halik sa pisngi niya pagkatapos kong masuot ang aking sapatos. Nagpaalam ako sa kanila saka ako pumanhik papalabas ng bahay. Alas sais y medya pa lamang ng umaga ngunit kailangan maaga ako makapunta sa MHU. Midterm exam na namin ngayon at bawal mahuli sa flag ceremony na magsisimula nang alas siyete. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa sakayan ng Jeep. Habang naglalakad, kinuha ko muna sa bag ko ang ilang pirasong papel. Nakatala roon ang aaralin ko sa Midterm Exam namin ngayong araw. Abala ako sa pagbabasa ng aking mga aralin nang biglang dumating ang Jeep. Pagkaupo ko sa loob, napaiwas agad ako ng paningin sa aking kaharap. Ang
Napahugot ako ng hangin pagkarating ko sa tapat ng eskinita. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidenteng muntikan akong ma-hold up. Subalit hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang trauma dahil sa pangyayaring napagdaanan ko. Napabuntong-hininga na lamang ako't pilit hinakbang ang aking mga paa papasok sa eskinita. Pilit kong kinakalma ang sarili mula sa kabang bumabalot sa 'king sistema. Ngunit mas tumindi ang nararamdaman kong kaba nang biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari sa 'kin noon dito sa eskinita. Biglang nagtindigan ang aking balahibo nang matanaw ko 'di kalayuan ang madilim na parte ng eskinita. Huli ko lang namalayan napatigil na pala ako sa paglalakad nang makita ko ang parteng 'yon. Almhera, kaya mo 'to. Matagal na nangyari ang insidenteng 'yon. Pagkumbinsi ko sa aking sarili habang mabagal pinagpatuloy ang paglalakad. Palubog na ang araw ngayon, kaya mas nada
Nalasahan ko ang sariling dugo dahil sa pumutok kong labi mula sa malakas na pagkakasampal sa akin ni Kira.Pilit akong tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa. Nanginginig akong napaatras nang mas lumapit silang lima sa kinaroroonan ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang hilahin ni Camille ang buhok ko. Pakiramdam ko, nasugatan na ang sarili kong anit dahil sa mga kuko niyang bumabaon do'n. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa sakit na aking naramdaman."T-Tama na... nasasaktan na ako sa ginagawa niyo," nahihirapang wika ko habang patuloy pa ring hila-hila ni Camilleang buhok ko.Humalakhak silang lima na parang baliw na nagpadagdag sa aking kaba. Marahas biglang hinawakan ni Kira ang aking baba. Naramdaman ko ang pagbaon ng kaniyang mga kuko sa aking balat mula sa mariin niyang p
Nakakasilaw na sikat ng araw ang nagpamulat sa akin. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang tumutusok na mga damo sa balat ko. Nagulat ako nang makitang nasa gilid ako ng isang puno. Nasaan ako? Naging tanong ko sa sarili nang makitang nasa isang parke ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, ngunit kahit isa'y walang akong makitang tao. Mayroong playground sa 'di kalayuan ng kinaroroonan ko. Nagtataasang mga puno sa iba't ibang parte ng parke. Sa bawat puno, mayroong mga upuang gawa sa kahoy. Kaaya-ayang tingnan ang parkeng ito dahil sa kalinisan nito. Gusto kong mamangha sa kagandahan nito pero mas nangibabaw ang kaba't takot sa aking sistema. Anong ginagawa ko rito sa lugar na 'to? Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari sa akin. Binugbog ako ng FoxyLuscious Group saka ako pinabayaan sa tatlong lalaki na sana'y gagahasain ako. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko pa rin ang malaswa nilang paghawak sa