Home / Romance / The Rented Wife / Kabanata 161 - Kabanata 170

Lahat ng Kabanata ng The Rented Wife: Kabanata 161 - Kabanata 170

364 Kabanata

Chapter 160

Patuloy akong naghintay hanggang sa tuluyan na ngang mawalan ng tao ang mga daraanan kong hallways. Kahit dito sa papunta sa likod ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtago dahil puno rito ng mga armadong lalaki. "T*ngina. Ang ilap nang mag-asawa. Nasaan na ba ang mga 'yon?" narinig kong tanong ng isa. "Anong oras na? Nangangati na akong mahawakan ang ulo ni Michael. Malaki rin ang gantimpala kapag napatay siya," sabi pa muli ng boses. Natigilan ako. Anong ibig sabihin no'n? Ibig bang sabihin na may presyo kami ni Michael? Napahinga ako ng malalim. Ibig bang sabihin no'n may katumbas lang na halaga ng pera ang buhay naming dalawa? Nang dahil sa narinig ko ay may isang gustong alaala na naman ang pumasok sa isipan ko. Flashback Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking
Magbasa pa

Chapter 161

Mabagal akong naglakad papalabas sa tinataguan ko. Hanggang maaari ay ayaw kong gumawa ng kahit anong tunog na makakakuha nang atensyon ng mga taong nandito. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang muli akong may maalala. Flashback Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin. "Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa. Hindi naman siya kaagad umimik. "You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin. "I want to tell you the truth, but how?" sabi niya habang patuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa akin. May kung ano talaga akong nakikitang e
Magbasa pa

Chapter 162

Nanatili akong nagmamatiyag sa paligid ko. Ayaw kong malingat kahit sandali dahil baka kapag ginawa ko, magulat na lang ako nakita na ako nang mga lalaking 'to. Malalalim ang mga hiningang binitawan ko. Kailangan kong mahanap si Michael. Mabagal akong sumilip mula sa maliit na uwang na mayroon dito sa tinataguan ko. Puno ng mga katawan na naliligo na sa kanilang sariling dugo ang halos buong kusina papuntang likod. Habang nakatingin ngayon sa mga ito, isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng terrace nitong villa na pinag-iwanan sa akin ni Michael. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ba ang babaeng narinig kong kausap ni Michael nang tawagan niya ako kanina. Alam kong hindi sadya ni Michael na iparinig sa akin ang kung sino mang kausap niya kanina. Marahil ayaw pa nga niya na malaman kong may babae siyang kasama ngayon, dahil nang ma-realize niya siguro na nasa kabilang linya ako ay kaagad niyang pinatay ang taw
Magbasa pa

Chapter 163

"T*ngina! Nasaan na ba ang mga 'yon? Lumabas kayo!" sigaw ng isang lalaki. Hindi naman magkamayaw sa kabog ang d*bdib ko. Wala pang limang minuto nang bigla na lamang bumulagta ang mga lalaking ngayon ay naliligo na sa sarili nilang dugo. "P*ta kayo!" sigaw naman ng isa. Hindi ko alam kung nasaan si Michael, pero alam ko na siya lang naman ang may gawa nito. "T*ngina mo! Kagaya ng tatay mo papatayin ka rin nila! Hindi ka titigilan nila Mr. Seth!" sigaw pa rin nito. Hindi ako muling nakakibo. Seth? Sinong Seth ang tinutukoy ng lalaking 'to? Flashback "AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. "Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan. "Wala ak
Magbasa pa

Chapter 164

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan ang bawat galaw ng mga lalaki rito sa baba habang patuloy sila sa pagbaril. Wala akong ibang naririnig sa mga oras na ito kung hindi mga mura at tunog ng baril. Nanatili akong nanonood hanggang sa nagawi na ang aking mga mata sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Habang nakatitig sa kanya, isang alaala naming dalawa pumasok bigla sa isip ko. Flashback "I said don't move!" striktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. T
Magbasa pa

Chapter 165

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang manatiling nakatayo lang dito. Nanatili lang akong nakatitig kay Michael sa mga oras na ito. Muli kong naramdaman ang kakaibang kaba na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero pamilyar na pamilyar na sa akin ang ganitong takot. Flashback Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at
Magbasa pa

Chapter 166

Nakatingin lang ako kay Michael. Kahit ganito lang ang ginagawa ko, iba't ibang alaala ang bigla na lamang bumabalik sa isip ko. Flashback Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga. "That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso. Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot. "Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti. "Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata. "May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin. Tumango naman ako bago ako umusog ng pagkakaupo pa
Magbasa pa

Chapter 167

Makailang buntong hininga ang ginawa ko bago ko napagdesisyonan na tuluyan nang lumabas sa lunggang pinagtataguan ko. Ngunit nang akma ko ng itatapak ang aking mga paa sa sahig, bigla kong narinig na nagsalita si Michael.Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatago na rin siya ngayon sa madilim na parte nitong likod bahay. Matapos niyang patayin ang ilang mga lalaki ay bigla na lamang siyang nagtago."Don't," tanging narinig kong bulong niyang sabi sa akin. Kaagad naman akong napahinto sa paglabas. Gusto ko sanang lumipat sa pwesto kung saan siya nagtatago, ngunit hindi ko magawa dahil sa kung paano niya ako tignan.Hindi naman siya gano'n kalayo sa akin, ngunit panigurado na kung susubukan ko ngang lumabas ay mapapahamak ako.Sisiguraduhin ko talaga na matapos ang araw na 'to, ibababad ko ang sarili ko sa pag-ti-training.Napahinto ako. Napahinto ako nang bigla na lamang akong may maalala.Flashback"Let's eat," nakangiting sabi ni Michael bago siya naglakad papalapit sa gawi ko.Nakatay
Magbasa pa

Chapter 168

Naiinis ako sa sarili ko dahil nanatili akong nakatago lang at walang magawa upang tulungan si Michael. Hanggang dito na lang ba talaga ang magagawa ko para sa kanya? Hanggang pagtatago na lang ba? Malalim akong huminga. Sa palagay ko tuloy ay tama ang sinasabi dati nang sekretarya sa akin ni Michael na hindi ako bagay maging asawa niya. Flashback "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman?
Magbasa pa

Chapter 169

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Basta ang alam ko, kasabay nitong nangyayari ay ang pagbalik nang mga ilan kung alaala rito. Flashback Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng elevator. Magmula kasi nang yakapin niya ako kanina ay hindi na ako tumigil pa sa pag-iyak, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta sa mga oras na ito. Basta nang bumalik ang huwisyo ko ay nakasakay na ako rito sa sasakyan habang tulalang nakatingin sa labas. "Are you okay?" narinig kong tanong ni Michael mula sa aking tabi. Mabilis ko naman
Magbasa pa
PREV
1
...
1516171819
...
37
DMCA.com Protection Status