Share

Chapter 162

Nanatili akong nagmamatiyag sa paligid ko. Ayaw kong malingat kahit sandali dahil baka kapag ginawa ko, magulat na lang ako nakita na ako nang mga lalaking 'to. Malalalim ang mga hiningang binitawan ko. Kailangan kong mahanap si Michael.

Mabagal akong sumilip mula sa maliit na uwang na mayroon dito sa tinataguan ko. Puno ng mga katawan na naliligo na sa kanilang sariling dugo ang halos buong kusina papuntang likod.

Habang nakatingin ngayon sa mga ito, isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko.

Flashback

Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng terrace nitong villa na pinag-iwanan sa akin ni Michael. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ba ang babaeng narinig kong kausap ni Michael nang tawagan niya ako kanina.

Alam kong hindi sadya ni Michael na iparinig sa akin ang kung sino mang kausap niya kanina. Marahil ayaw pa nga niya na malaman kong may babae siyang kasama ngayon, dahil nang ma-realize niya siguro na nasa kabilang linya ako ay kaagad niyang pinatay ang taw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status