Home / Romance / The Rented Wife / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Rented Wife: Chapter 1 - Chapter 10

364 Chapters

Chapter 1

"Ate," napalingon ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ni Reev, ang nakababata kong kapatid."Ano 'yon, bunso? Bakit?" tanong ko bago ko ibaling ang aking atensyon sa ginagawa kong pag-aayos ng mga papeles na kakailanganin ko sa paghahanap ng trabaho ngayong araw.Naglakad ako papunta sa kabinet na katabi ng kama ko at kinuha ang plantsado ko ng formal attire, na binili ko pa sa ukay-ukay para lang talaga sa araw na 'to."Tawag ka ni Mommy," sagot niya sa aking tanong.Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa gawi kung saan ako nakatayo. At 'di nagtagal ay narinig kong tumunog ang kama ko na nakapwesto malapit lang sa akin. Muli ko siyang nilingon, kaya nakita ko ang malungkot niyang mukha. At dahil sa ginawa kong pagtingin sa kaniya ay 'di ko naiwasang hindi padaanan ng tingin ang payat niyang pangangatawan.Twelve years old na si Reev, at pangatlo siya sa aming magkakapatid. Siya ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya."May prob
Read more

Chapter 2

Matapos akong magbihis sa loob ng aking kwarto ay lumabas na ako. Nakita ko sa aming maliit na sala sina Ranie at Reev.Nanonood si Ranie, habang si Reev naman ay nakaupo at hawak ang kaniyang nag-iisang libro na nabili ko noong nagtrabaho ako bilang isang crew sa isang fast food chain."Nasaan si Mommy?" tanong ko kay Ranie. Pinasadahan naman niya ako ng tingin bago niya muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa panonood ng t.v."Lumabas," tipid at mabilis na sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtaka pa o nagsalita at tinawag na lamang si Reev."Reev, kumain ka na?" tanong ko sa aking nakababatang kapatid. Tinignan naman niya ako tyaka siya ngumiti."Hindi pa, ate. Sabi kasi ni Mommy, sa iyo na lang daw ang pagkain na nakahain sa mesa," sagot nito sa aking tanong bago muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Tahimik naman akong napabuntong hininga.Araw-araw na ganitong scenario ang nakikita ko rito sa loob ng bahay. Wala nang bago, wala nang im
Read more

Chapter 3

Nanatili akong nakaupo at nag-abang sa loob ng jeep hanggang sa marating ko na ang lugar na aking pag-aapplyan. Hindi ko alam pero tila habang papalapit ang jeep na sinasakyan ko, tumi-triple ang kabog ng aking dibdib. Sa lahat ng mga trabaho na napag-applyan ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Nakapag-apply na rin naman ako sa ibang kompanya, pero confident ako sa interview na pinagdaanan ko sa mga kompanyang 'yon. Iba ang araw na 'to, parang may kakaiba at bagong mangyayari. "Para po," sabi ko nang matanaw ko na ang building na aking pakay. Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo roon. Huminto ako 'di kalayuan sa lugar kung saan iyon nakatayo. Napaka-laki pala talaga nito, at napakataas. Kumikinang din ang paligid nito, dahil nagrereflect ang kalangitan sa exterior design nitong salamin. Nakakabighani, nakakaakit. First time kong mag-apply sa ganito kalaking
Read more

Chapter 4

"Be my wife," rinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa gitna ng dalawa pa. Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nabingi rin ako dahil sa aking narinig. "Ah, I am Renice Ocampo. I am applying for any position that your good company can offer," sabi ko habang nakatingin lang sa kanila. Nakita ko namang napailing ang isa sa kanila habang natatawa naman ang isa. Mabilis na kumunot ang aking noo. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Nakakatawa ba na okay lang sa akin ang kahit anong posisyon na maaari kong makuha sa kompanya nila? "Look, I told you not to start it with that kind of--pfft!" sabi ng isa sa kanila habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. Teka, bakit pamilyar sa akin ang mukha niya? "I don't know either. You know how I told him to start it with a proper introduction," sabi naman ng isa habang tumatawang nakatingin sa lalakin
Read more

Chapter 5

"This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko ri
Read more

Chapter 6

Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pa
Read more

Chapter 7

Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira na 'to ng lalaking 'yon. Patuloy akong umiyak habang din
Read more

Chapter 8

Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cellphone ko ka
Read more

Chapter 9

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi ko 'yong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone. Patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring pero hindi ko naman alam kung paano ito sasagutin.
Read more

Chapter 10

"Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman niya sa akin. Napaikot naman ang aking mata sa paligid. "Kahit ano basta pa
Read more
PREV
123456
...
37
DMCA.com Protection Status