"This is your room," sabi ni Michael sa akin.
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto.
"Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya.
Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag.
Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko.
Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n.
Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko rin makita ang lalakaran ko.
"Wow," bulong ko nang mabuksan ko na ang ilaw at makita ko ang loob ng kwarto.
Malaki ito at malawak, may makikita kang isang kulay brown na kama, sofa, at lamesa.
Mabagal akong naglakad papasok sa loob habang nakatingin sa paligid ko. Sobrang ganda naman dito. Walang-wala ang kwarto namin ni Ranie sa bahay.
Agad nawala ang tuwa at ngiti sa aking labi nang maalala ko si Ranie. Sana maaari ko silang patirahin dito, at sana maaari rin nilang maranasan na magamit ang mga gamit dito sa kwarto ko. Kahit sana magkakasama na lang kami rito.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago ko ibinaba ang bag ko sa lamesa at lumabas ng kwarto.
Sa sobrang lawak ng bahay ni Michael parang maliligaw ako sa paglilibot dito.
"Saan nga ba ang kwarto nang lalaking 'yon?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy ang paglandas ko sa mahabang hallway rito sa itaas.
Ang dami naman kasing kwarto, akala mo maraming nakatira rito at kasama sa bahay ang lalaking 'yon.
"Michael?" pagtawag ko sa kanya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy na tinatawag ang pangalan niya.
Hindi pa naman matagal simula nang iwan niya ako sa magiging kwarto ko raw, pero bakit wala siya rito? Nasa ibaba kaya siya?
Gusto ko lang kasi sanang malaman kung maaari ko bang patirahin sila mommy rito. Wala rin naman akong naaalala na nakalagay sa kontrata na bawal akong magsama ng iba sa pagtira ko rito.
"Michael, nasaan ka?" patuloy ko sa pagtatawag ko.
Hihinto na sana ako sa paglalakad nang makita ko ang isang bukas na pinto sa dulo nitong hallway.
Mabagal akong naglakad papalapit doon habang pigil ang aking paghinga. Hindi ko kasi alam kung bakit pakiramdam ko mali ang ginagawa kong pagpunta sa kwartong 'to.
Huminto ako sa tapat ng pinto. Medyo nakabukas ito at lumalabas sa maliit na uwang nito ang ilaw na nanggagaling sa loob ng kwarto.
"Ito na ata 'yon," bulong ko sa aking sarili bago ako nagkatok sa pinto.
Kagat labi kong kinakatok ang pinto, hoping na sana lumabas na ang lalaking 'yon para naman mawala na ang kung anong kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Michael?" pagtawag kong muli.
Napahinga ako ng malalim. Nagpatuloy pa ako sa pagkatok kahit hindi ko na alam kung inabot na ba ako ng minuto rito.
"Hindi ata rito," sabi ko bago ako umayos mula sa pagkakatayo.
Akma na sana akong tatalikod at maglalakad pabalik sa kwarto nang bigla kong naramdaman ang pagbukas ng pintuan sa aking harapan.
Mabilis akong humarap pabalik sa kwarto.
"Michael--" hindi ko na natapos pa ang aking sanang sasabihin nang bumungad sa aking harap ang basa at nakatapis lang na tuwalyang si Michael.
"What?" tanong niya sa akin.
Mabilis na tumibok ang aking dibdib.
Sa sobrang lapit naming dalawa, ngayon ko lang nakita kung gaano ka-manly at ka-gwapo ang features niya. Ngayon ko lang din napansin kung gaano katangos ang kanyang ilong at gaano kanipis ang kanyang labi. Mahahaba rin ang kanyang mga pilik mata na bumagay lang sa butterscotch na kulay ng kaniyang mga mata.
"Ahh--" hindi ko na natapos pang muli ang aking sasabihin nang makita ko kung paano nanliit ang kaniyang mga mata.
"Spill it," sabi niya.
Peke akong ngumiti bago ako umatras ng isa mula sa kanya. Kailangan kong idistansya ang aking sarili, dahil kung hindi, baka tuluyan na akong mawalan ng hininga.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
"Ang init, 'no?" sabi ko bago ko pinaypayan ang aking sarili gamit ang aking mga kamay.
Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo.
"I don't have time to play with your f*cking games," sabi niya sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko rin alam kung bakit nag-iinit ang buo kong mukha.
"Ahh, ano kasi," sabi ko bago ako tumingin sa tiled floor.
Iniiwas ko ang aking mga mata sa kanya, dahil alam ko na hindi ko masasabi ang nais ko kung patuloy akong titingin sa kanya.
"P-puwede ko bang patirahin dito ang pamilya ko?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa lapag.
Hindi agad sumagot si Michael sa akin kaya naman mabagal kong ibinalik ang aking paningin sa kanya.
Walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin pa rin sa akin.
"Family is annoying, and a burden," diretsong sabi niya habang titig na titig sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko tila biglang mas nag-init ang buo kong mukha, init na marahil ay dahil sa ngayong nararamdaman kong inis.
"Anong family is annoying, and a burden? Ganyan ba tingin mo sa pamilya mo? Kaya ka siguro mag-isa rito!" diretso at inis na sabi ko.
Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinagsasalitaan ng hindi maganda ang pamilya ko. At pinaka ayoko sa lahat na nakakarinig ng hindi magandang salita tungkol sa pamilya ko.
"What? They are really a burden. Sorry but not sorry, I can't let them live with us," sagot niya sa akin.
Tila nagpantig naman ang tenga ko mula sa aking narinig.
"Edi 'wag! Aalis na lang ako rito!" sabi ko at akma na sanang maglalakad paalis nang bigla ko na namang narinig ang nakakairita niyang boses.
"Don't forget about the contract," sabi niya.
Mabilis ko siyang nilingon at pinandilatan ng mata.
"Mukha mo don't forget about the contract!" sabi ko at akma na sana muling aalis.
"Why don't you just stick with the plan, so your family can have a good life?" sabi niya.
Natigilan naman ako nang mag-sink in sa akin ang rason kung bakit ako pumayag sa deal na ito. At kung bakit kausap ko ngayon ang lalaking 'to.
Nilingon ko siyang muli.
"I can't let them live with us. I don't want people passing by on every corner of this house," sabi niya pang muli.
Hanggang ngayon nararamdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. At ang pang-iinit ng aking mukha.
"Bakit?" salitang hindi ko inaasahan na lalabas mula sa aking labi.
Hindi naman siya umimik ngunit nakita ko ang pagdaan ng isang emosyon mula sa kanyang mga mata.
"Just stay with the fact that I don't want a lot of people roaming around here," sabi niya pa bago naglakad papalapit sa akin.
"And how are we going to do 'that' if your family is here?" tanong niya pa.
Mabilis na kumunot ang aking noo.
"Anong tinutukoy mo?" tanong ko habang titig na titig sa kanya.
"You know, the nasty?" sagot niya.
Mabilis na nanlaki ang aking mga mata.
"H-hindi ako pumayag do'n, 'no! Walang gano'n!" sabi ko bago ko niyakap ang aking sarili.
Nakita ko namang napangisi siya.
"But that is part of the contract and the agreement, isn't it?" tanong niya bago yumuko at inilapit sa aking mukha ang kanyang mukha.
Mabilis ko naman siyang tinulak bago ako mabilis na naglakad papalayo sa kanya.
"Manyak!" sigaw ko bago ako tumalikod at tuluyang lumakad palayo.
Narinig ko naman ang kanyang pagtawa.
"Sana mabilaukan ka ng sarili mong laway!" sigaw ko habang patuloy na naglalakad papalayo sa kanya.
Patuloy lang akong naglakad hanggang sa narating ko na ang magiging kwarto ko rito sa bahay na 'to.
Mabilis akong pumasok sa loob no'n bago ko mabilis na isinara at ni-lock ang pinto.
Napasandal pa ako sa pintuan bago ko mabilis na hinabol ang aking paghinga.
Hanggang ngayon ay naririnig ko ang paghalakhak ng lalaki 'yon. At hanggang ngayon ay mabilis ang kalabog ng aking dibdib.
Ipinikit ko ang aking mga mata bago ako napaupo sa sahig.
Kinagat ko pa ang pang-ibaba kong labi bago ako tumayo at naglakad papalapit sa bag ko na nakapatong ngayon sa lamesa.
Mabilis kong kinuha sa isang envelope ang kopya ko ng kontrata na pinirmahan naming dalawa.
Pigil ko ang aking hininga habang binabasa ko ng paulit-ulit ang bawat salita na nakapaloob dito. Hanggang sa nahagip na nga ng aking mga mata ang ilang mga salita na sana pala ay paulit-ulit ko ring binasa muna kanina.
Kahit isa lamang akong peke at naka-kontratang kaniyang maging asawa ng ilang buwan, kailangan ko pa rin palang punan ang mga pangangailangan niya. At kailangan ko rin palang gawin ang trabaho ng isang tunay na may bahay.
Nanghihina ang mga paang napaupo ako sa upuan sa tabi nitong mesa.
"Ano 'tong pinasok mo, Renice?" sabi ko sa aking sarili bago ko inihilamos ang aking kamay sa aking mukha.
Hindi maaari 'to!
×××
Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pa
Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira na 'to ng lalaking 'yon. Patuloy akong umiyak habang din
Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cellphone ko ka
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi ko 'yong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone. Patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring pero hindi ko naman alam kung paano ito sasagutin.
"Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman niya sa akin. Napaikot naman ang aking mata sa paligid. "Kahit ano basta pa
Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hindi naman ako umimik, tanging inilagay ko na lang ang aking kamay sa aking dibdib at masamang tumingin sa kanya. "At nakakainis ka na naman," sagot ko naman bago ako tumalikod muli sa kanya. "What?" narinig kong natatawang tanong niya habang naglalakad sa aking likod. "What-what-in mo 'yang mukha mo," sabi ko naman habang patuloy pa rin sa paglakad. Hindi naman na siya umimik pero narinig ko pa rin an
Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at halos tirik na rin ang araw. "Kung gusto mong matusta rito sa araw, babalik na lang ako sa mall. Hihintayin na lang kita sa tapat ng sasakyan mo," hirit ko pa bago ako huminto sa paglakad. Hindi naman siya huminto kahit matapos ng sinabi ko.
Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. Ipinikit ko naman
Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la
I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.
"Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n
Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are
"I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan
I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl
I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I