Home / Romance / The Rented Wife / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng The Rented Wife: Kabanata 11 - Kabanata 20

364 Kabanata

Chapter 11

Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hindi naman ako umimik, tanging inilagay ko na lang ang aking kamay sa aking dibdib at masamang tumingin sa kanya. "At nakakainis ka na naman," sagot ko naman bago ako tumalikod muli sa kanya. "What?" narinig kong natatawang tanong niya habang naglalakad sa aking likod. "What-what-in mo 'yang mukha mo," sabi ko naman habang patuloy pa rin sa paglakad. Hindi naman na siya umimik pero narinig ko pa rin an
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Chapter 12

Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at halos tirik na rin ang araw. "Kung gusto mong matusta rito sa araw, babalik na lang ako sa mall. Hihintayin na lang kita sa tapat ng sasakyan mo," hirit ko pa bago ako huminto sa paglakad. Hindi naman siya huminto kahit matapos ng sinabi ko.
last updateHuling Na-update : 2021-09-15
Magbasa pa

Chapter 13

Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. Ipinikit ko naman
last updateHuling Na-update : 2021-10-01
Magbasa pa

Chapter 14

Nakatayo kami ngayon sa tapat ng pamilihan. Halos pagtinginan naman kami ng mga tao rito dahil sa itsura ng lalaking katabi ko ngayon. "Tara na kaya? Pinagtitinginan na tayo rito oh," sabi ko bago ko siya bahagyang binunggo sa balikat. "Hoy," pagtawag ko pa ulit nang hindi niya ako kibuin. Kahit paglingon sa gawi ko ay hindi niya man lang ginawa. "Michael," pagtawag ko pa. Mabagal naman niya akong tinignan. "What?" tanong nito sa akin. "Tara na. Pumasok na tayo sa loob. Pinagtitinginan na tayo rito, oh. Palibhasa kasi kung tignan mo naman 'tong palengke parang may balak kang bilhin 'yong lupang pinagtatayuan nito eh," sabi ko pa. Hindi naman kaagad kumibo si Michael ngunit mabagal niya muling nilingon ang buong palengke. "I am actually thinking about it. From the location of this place, this is a good area to start a new business," sagot naman nito sa akin. Halos mapanganga naman ako sa gulat at pagkabigla. "Ser
last updateHuling Na-update : 2021-10-05
Magbasa pa

Chapter 15

Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. "T*ng*na mo! Umayos ka nga! Hindi 'yon ang tinutukoy ko," rinig ko namang sabi ni Tyron kay Rede
last updateHuling Na-update : 2021-10-06
Magbasa pa

Chapter 16

"Kumain na ba kayo?" magiliw na tanong ni Mommy habang nakatayo sa tapat ng aming lamesa. Nandito kami ngayon sa kusina dahil kasalukuyan pang inaasikaso nila Ranie at Reev ang sala. "We're good, Madam," sagot naman ni Michael. Tulala at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito. Parang hindi ito ang unang beses na nagkita silang dalawa. "Ma'am, saan namin pwede ilapag 'tong mga pinamili namin?" rinig kong tanong naman ni Redenn bago itinaas ang mga dala-dala niyang plastik. Nakasunod naman sa kanya si Tyron na buhat-buhat ang pinaka malalaking plastik bags. "Hala! Nag-abala pa kayo," sabi naman ni Mommy. "Pero pakilagay na lang d'yan. Pasensya na talaga at wala kaming kahit ano ngayon, ah. Bibihira kasi na may bisita kami kaya 'di na ako nakapag handa pa," dugtong pa ni Mommy. Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako nang
last updateHuling Na-update : 2021-10-07
Magbasa pa

Chapter 17

Nanatili akong nakatayo lang dito sa tapat ng aming pinto. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapagtagpi-tagpi ang mga bagay-bagay. Sobrang bilis lang kasi ng mga nangyari. Parang kahapon lang ay naghahanap lang ako ng trabaho. Ngayon, heto na, nasa isa na akong relasyon kung saan hindi naman totoo at ginagamit lang ako. Napahinga ako ng malalim. Masaya ako na kahit papaano ay may makakain na ang pamilya ko. Masaya ako na kahit papaano sigurado na ako na may maipapakain ako sa kanila kahit hindi ako magbabad sa pagtatrabaho. "Hey," mabagal akong napalingon sa aking likod nang may marinig akong boses. Bahagya akong ngumiti nang makita ko siya. "Ginagawa mo rito, Renice?" tanong sa akin ni Redenn habang naglalakad sa akin papalapit. "Wala naman, nagmumuni-muni," sagot ko bago ako tumingin muli sa kalangitan. "Ayos ka lang ba?" tanong pa niya sa akin. "Oo naman. Masaya nga ako na kahit papaano alam ko na hindi na mahihirapan sila
last updateHuling Na-update : 2021-10-08
Magbasa pa

Chapter 18

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng vanity table ko. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa bahay ni Michael. Sa totoo lang ay halos wala akong maidala dahil nga hindi naman gano'n kagandahan at kaaayos ang mga gamit at damit ko rito sa bahay. Napahinga ako ng malalim bago ako napaupo sa kama na nandito lang malapit sa akin. Nanghihina ako sa katotohanan na parang hindi ako nakatira rito sa bahay, dahil bukod sa iilang piraso lang ang mga damit ko, halos wala pa akong gamit na ako mismo ang nagma-may-ari. Lahat kasi ng gamit ko ay ginagamit din mismo ni Ranie. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming maliit na kwarto. Kung titignan, wala akong madadala kahit ni-isang gamit. Dahil kung dadalhin ko ang mga gamit dito ay mawawalan naman ng gagamitin ang kapatid ko. Muli akong napabuntong hininga. "That's your nth sigh," mabilis akong napatayo at napatingin sa pinto ng kwarto. "Ginagawa mo r
last updateHuling Na-update : 2021-10-09
Magbasa pa

Chapter 19

Nanatili ako rito sa aking kwarto habang tulala pa rin na nakatingin sa kabinet kung nasaan ang mga gamit namin ni Ranie. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung ano nga ba sa mga ito ang dapat kong dalhin. Malalim akong napabuntong hininga. "Bakit nandito ka pa, Renice?" rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod. Mabilis ko siyang nilingon. Nakatayo siya ngayon sa tabi ng pinto. "Wala ba kayong pasok ng asawa mo?" rinig ko pang tanong niya sa akin. Nginitian ko naman siya kahit alam ko na hindi naman ako gagantihan ni Ranie ng ngiti pabalik. "Wala naman sigurong pasok 'yon," simpleng sagot ko. Tumango naman si Ranie sa akin bago niya tinignan din ang kabinet na pinaglalagakan ng aming mga damit. "Dalhin mo na lang ang mga 'yan. Lahat naman 'yan ikaw ang bumili," sabi pa nito sa akin.
last updateHuling Na-update : 2021-10-10
Magbasa pa

Chapter 20

Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kasi sinama-sama mo pa ako rito sa mall kung 'di mo naman ako isasabay sa paglakad? Gusto mo nasa likuran mo lang ako?" inis na tanong ko bago ako napatingin sa paligid.
last updateHuling Na-update : 2021-10-11
Magbasa pa
PREV
123456
...
37
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status